Chapter 16

3348 Words
Kim's POV Friday na ngayon at ngayon na ang Mini corcert. Tanghali na ko nagising dahil na naman sa pagod dahil iniligpit na namin ung booth kahapon para mamaya sa grounds maluwanag na. Napagpasyahan namin na alas quatro kami pupunta ng Campus para na din maganda ang view. Katulad din ng usapan namin nung nakaraan na gagawa ng banner for Adhika at para kay Nicole. Hahaha. Panigurado asar talo na naman un mamaya. Hahahaha. Dumating ang alas tres ng hapon kaya naman pumanhik na ko sa kwarto ko. Naghahanda na ko ng gamit ko at isusuot ko. Nag suot lang ako ng tshirt namin ng Black Syndora dahil mamaya din iaannounce ung nanalo. Tapos nagsuot lang ako ng jeans and sneaks. Naglagay lang din ako ng light make up tapos itinali ko into messy bun ung buhok ko. Di naman nagtagal dumating na si Danica bilang sundo namin. Nagpaalam lang ako kay Adriene dahil sya lang naman ang andun at wala si Mama. "Danica! Punta tayo sa bahay nila Nicole. May pinapakisuyo sya ih." Sabi ko sa kanya pagpasok ko sa kotse nya. umagree naman sya dun. Pagdating namin kila Nicole. Nakalimutan ata ng bruha na wala pa si Tita Ja ng gantong oras at may pasok si Tita. "Ano ba pinapakuha nya?" Tanong ni Tala "Dress na white. Need nya daw..." Sabi ko at ngumuso habang iniisip ung damit ni Nicole. "Let's just buy her a new one kesa naman wala syang magamit." Sabi ni Danica tapos umiba ng direction papunta mall. "Mabilis lang naman hanapan si Nicole ng damit kaya may time pa tayo." Dagdag nya pa. Agad kaming bumaba ng kotse nang makarating kami ng mall. Pumunta kami sa isa sa mga sikat ng clothing brand na pambabae at humanap ng babagay sa kaibigan naming maganda. "Perfect! Let's buy this dress." Sabi agad ni Danica nang makita nya ang perfect dress daw kay Nicole. Sumunod na lang kami sa kanya. After bayaran, agad kaming bumyahe papuntang campus dahil nagtext na sila Cally na nasa campus na sila. Pumunta na kami ng grounds nang makarating kami ng campus. Ang daming tao! Grabe! Sabi kasi nila may mga Alumni na ininvite. Ang galing lang. Tinext ko na si Nicole na andito na kami. Dahil nga ung dress nya. Inantay na lang namin sya kasi kukunin nya ung dress nya samin. Nakakaloka naman kasi biglang may padress si Mayor! Kaarte ung iaaccompany nya ah! Gigil ako! Char! "Nagawa mo Tal ung banner natin for Nicole?" Tanong ni Danica. Ou nga pala! "Ou naman yes! Pati ung para sa Block D nagawa ko. Eto oh!" Sabi nya sabay abot samin ung banner na ginawa nya. Sya talaga ang lagi pinapagawa namin kasi magaling sya sa Art, ako kasi maganda lang! Hahahahaha. Choss lang syempre! Si Nicole ang pinaka maganda samin. Aminado kami dun. Kahit ako nuon pa. "Kimberly!" Tawag sakin ni Calli. "Bakit bakla?" Sagot ko sa kanya Tinawag nya muna ung iba bago sagutin ung tanong ko. "Dito na lang ba us pupwesto? Dapat ung makikita ung banner natin." Maarteng sabi nya Artey talaga nito pero friend kami nito kahit maartey sya. Lahat naman kaming block D. Kaya nga lahat kami nagcheer sa kahit na sino saming at may banner pa lagi. Hahahaha "Ou siguro. May camera naman kaya kita tayo. Dami na ding tao sa harap, di na tayo makakasingit! Hahaha" sagot ko kaya naman nagsilapitan na sila "Si Sir Henry ba sasama satin?" Tanong ni Ivan "Sinabihan naman natin si Sir kanina nung nakita ko kaya baka pumunta un. Un nga lang may kasama syang mga kaibigan nya ata." Sabi ni Kenny "Magchecheer un panigurado kay Nicole, presidente ng Block natin un ih!" Sabi ko naman. Totoo naman un. Kami nga na hindi nya gaano nakakausap at sa room lang nakikita, todo cheer, si Nics pa kaya na nakakasama nya sa lahat ng activity ngayon. Don't get me wrong. Hindi ako naiingit kay Nicole. Never! Kung si Nicole man ang gusto ni Sir, ay! Support! Wag lang ung mga babaeng palaka dyan! Hahahaha Napapansin ko kasing sobrang close sila. Kaya baka malay nyo lang naman diba? Hahahaha. Pero okay lang sakin. Pero pwede ding hindi dahil napapansin ko si Sir laging nakatingin sakin... Pag sumasayaw. Hahahaha At ayun na ang prinsipe ko! May kasama din mga gwapong mga lalaki! Ay Sh*t! Lahat ba ng kaibigan ni Sir, gwapo?! Nakakainis naman! Pero ung iba may mga nakapulupot na koala bear! Hmp! Mas maganda naman ako dyan. Hahahahahaha "Sabi sa inyo pupunta si Sir ih." Sabi ko nang makita ko sya at tinuro pa. Naglingunan naman ung mga blockmates ko at nagsigawan! Ibig kasing sabihin! Kumpleto na kami! Full support sa Presidente ng Block D!! Tinatawanan pa kami ni Sir nung makalapit sya, paano parang mga nakawala sa hawla tong mga kasama ko. "Block D, ang ingay nyo?! Baka biglang bumaba si Nicole sa Stage at sawayin kayo nun. Hahahahahaha." Natatawang sabi nya at parang walang kasama kasi kami na ung kinakausap "Grabe ka kay Nicole, Sir! Hahahaha. Concert to kaya di nya gagawin un. Marunong naman magsaya un. Hahahaha." Sabi ko na ikinatawa ng todo ni Kenny at Bry "Ay?! Marunong ba? Hahahaha. Jk! Ou nga naman Sir! Marunong un. Hahahaha." Sabi ni Kenny dahil dun nahampas tuloy sya ni Krystal sa braso "Teka! Itago nyo muna yang mga banner natin kasi pupunta pa un dito. Kukunin ung dress nya." Sabi ko sa kanila Nagtaka naman sila Papa Henry. Kahit naman ako nung marinig kong kailangan nya ng dress, nagtaka ih! "Bakit may dress? Magddress sya sa concert?" Sabi ni Kenny "Ay naku! Sya na lang tanungin nyo. Basta pinagdala nya kami ng dress." Sabi ko sa kanila. Nagtawanan pa kami dun hanggang sa tumili si Calli. Hahaha "Ayan na ang babaeng pinaglihi kay Aphrodite." Sabi ni nya. Kaya naman napalingon kami at ayun! Nakikita na namin si Nicole na nakikipagsiksilan sa mga tao. Nang maaninag nya kami, kinawayan sya ni Papa Henry ko. Ih... Wag kayo! Habang papalapit sya. Mas lalo kong nakita si Aphrodite sa kanya! Ganda talaga ng babaeng to! Papasang Goddess! Nakalipstick lang yan tapos pulbo, ung ayos ng buhok nya nakalaglag lang pero may nakapusod sa taas. Basta ganun... May face paint ata sya sa mukha na heart. Tapos ung suot nya. Naka't-shirt na black, nakatuck in sa high waisted pants tas syempre ang kukumpleto ng porma nya ay ung black converse nya.. ganda! "Ayoko nang titigan si Nicole, baka maging tomboy ako. Hahahaha." Sabi ni Calli Tignan mo pati si Calli bakla, naaapektuhan! Nagtawanan lang kami pati si Sir natawa sa sinabi ni Calli. Di ko sadyang mapatingin dun sa mga kasama ni Sir. Parang napilitan lang ih... Pero ang gagwapo! Para ring nakita ko na sila. Nakatingin sila kay Nicole at talagang sinusundan nila ng tingin! Ung mga gurlash naman na kasama nila mga nakataas ang kilay! Hahahaha. "Hoy! Landi na naman gurl?!" "Matunaw yan!" "Punasan mo laway mo. Natulo!" Sabay sabay na puna sakin ng tatlong bruha sa buhay ko. Choss! Love ko tong tatlong to kahit panira sila lagi! Napatingin ako kay Nicole kasi nakalapit na pala sya. Sya din ang kunwaring nagpunas ng laway mo kuno! Bwisit talaga! "Bwisit kayo!" Sabi ko sa kanila pero pinagtawanan lang ako. "Nakuha nyo?" Tanong nya samin Nagtinginan muna kaming tatlo tapos nagtawanan. "Hindi gurl ih. Wala kasi si Tita Ja sa bahay nyo." Sabi ni Tala "At syete! Ou nga pala!" Sabi nya at nasapo pa ang noo Hahahaha. Natatawa talaga ko sa boses nito pagparang napufrustrate sya.. ang angas kasi ng boses pero sweet! Para syang kumakanta lagi.. "But of course! Hahayaan ba naming wala kang isuot!" Sabi ni Mayora Danica. "Kimmy! Give it to her." Sabi nya at pumalakpak pa. Natawa ung nasa paligid namin kasi mukha syang tanga "Mukha kang tanga dun Dani. Hahahahhaa" sabi ni Tala. Natawa lang si Danica sa sinabi ni Tala. Inabot ko naman na kay Nics ung paper bag. Pero sya nakatingin lang. Ay putek! Aangal na naman to! "Kunin mo na! Nangangalay na ang magaganda kong braso." Sabi ko sa kanya Inabot naman nya pero sumegway pa. "Braso lang. Walang ganda!" Sabi nya at tinignan ung dress "binili nyo? Ay! Kayo talaga! Sana sinabi nyo para sinabi ko na lang na wala akong dala. Mga loko!" Dagdag nya pa See.. laging ganyan yan. Ayaw nyang binibilhan sya ng bago! "Girl! Hayaan mo na. Atska ung white dress mo baka di na kasya sayo un. Kasi 4th year pa tayo nun. Nung nagspeech ka." Sabi ko sa kanya. Wala naman syang nagawa kaya nagthank you na lang sya pero bago un tumingin muna sya samin na naniningkit ang mata.. parang alam ko na to. "Hindi naman siguro to revealing diba, Danica?" Sabi nya Sabi ko na ih! Hahaha. Kaya ayaw nyang binibilhan namin sya ng damit kasi minsan revealing.. Sexy nya kaya kaya bagay sa kanya un pero this time hindi to revealing, kasi alam namin aayawan nya un.. "Don't worry Nics. Hindi yan revealing. Promise!" Sabi ni Danica "Bat kasi may pa dress dress pa! Astig na nga yang suot mo!" Sabi ni Kenny hindi na napigilang hindi magtanong. Huminga muna ng malilim si Nicole bago magsalita. "I'll accompanying someone and she requested it. She said it's for her boyfriend. So wala akong magagawa." Sabi nya mukhang stress sya dun kasi napakamot pa sya sa kilay nya. "Acoustic? Parang mas okay kung yan ung suot mo." Sabi naman ni Bry na tinuro pa ung porma nya "Nope. Keys." Sabi nya habang umiiling "Ano? Ikikiss mo sya? Ang ganda mong babae tapos hahalik ka ng kapwa mo babae!" Histerikal naman na sabi ni Ivan Mga bungol tong mga to! Hindi ba sila nag aral ng instruments. "Sira! Keyboard or Piano baga! Aral din minsan Ivan." Sabi ni Nicole at tinawanan naman namin sya "Ganun ba ka special ung gagawin nya para irequired kang nakadress... Artey ah!" Sabi ko Pero biglang bumulong si Bebe Henry kay Nicole at ung isa naman napatakip ng bibig bigla tapos tumingin sa likod nya.. "TAKTE!" Bulalas nya tapos tinawanan lang sya ni Sir Henry. "Bakit ngayon nyo lang sinabi Sir!" Pagmamaktol nya Anyari dito. Lahat kami nakatingin lang sa kanya at kay Bebe ko Henry. "Ih kasi kanina, okay naman kaso nagsalita na si Kimberly ng iba. Baka narinig, lagot ka!" Pananakot nya kay Nicole "Ay shala! Bakit ako? Dapat si Kim." Sabi nung isa biglang lumapit sakin ng todo, si Sir Henry naman tawa lang ng tawa. "Wag ka masyadong magsalita ng badwords dun sa sasamahan ko. Andyan lang sila sa likod, kasama ni Sir Henry. Pati ung jowa nya kasama din." Sabi nya sakin at ako naman ngayon ang napamura "G*GO!" Sabi ko sa kanya at lalong natawa si Sir Henry. Napatingin din tuloy ako sa likod at nakita ko ung lalaki na may nakalingkis na nakakunot ung noo. Sh*t! Baka narinig kami! "Anong problema nyong dalawa?!" Sabay na tanong ni Tal at Dani "Wala! Pumunta ka na nga dun at magready! Napapahamak ako sayo ih!" Sigaw ko kay Nicole kaya natawa na din sya. "Yang bunganga mo kasi walang filter!" Sabi naman nya at tumingin sa relo nya Biglang nanlaki ang mata at naaligaga. "s**t! Kim kasi ih! Di ko tuloy namalayan ung oras. Punta na ko dun." Sabi nya at tumalikod Pero sadyang mapang asar si My Loves.. pinigilan sya.. "Oh? Bat nagmamadali ka?" Sabi nito na nang aasar. Kami naman tumatawa tawa lang sa ginawa ni Sir "Ay Sir! Mamaya na po tayo mag asaran ano po? Kasi 10mins na lang mag sstart na. Sasakalin ako ni Kuya Raf nito!" Sabi nya at pilit kumakawala sa hawak ni Sir Henry "Hindi. Kwentuhan muna tayo." Sabi ni Sir tapos ngiti, galing mang asar! "Sir Henry naman ih..." Maktol nitong isa, pero habang mamaktol sya.. may nagsalita sa speaker "Paging Denzie Nicole Ferrer, maari lamang na bumalik ka na dito sa Backstage. Students and Alumni any minute, mag sstart na po ang ating Concert." Sabi dun sa page na ikinainis ng lalo ni Nicole "Ay Putek! Napage pa nga! Sir. Bitaw na." Sabi nya na halatang naiinis na. Ayaw na ayaw nya yang ganyan ih. Hahahaha. Ung nagiging paimportante sya. Hahahaha Tinawanan lang sya ni My Loves tas binitawan na sya. Busangot tuloy si Bebe gurl. Hahahaha "Byie!" Paalam nya samin "Goodluck Nicole!" Sigaw namin sa kanyang lahat at nagflying kiss lang naman sya samin "Ako sasalo! Minsan lang yan!" Kanya kanyang sabi nung mga boys "Ako na lang para walang away!" Sabi ko sa kanila Bago pa man makalayo si Nicole, may bumati sa kanya na kasama nung mga kaibigan ni Sir Henry. "Goodluck Nicole and of course sa performance natin later. White dress, don't forget." Maarteng sabi nun Oww.. so sya ung kasama ni Nics mamaya. Maarte nga. Di hamak na mas maganda ang bebe namin kesa sa kanyang puno ng make up. "Goodluck din po. Opo. I have here na po." Sabi nya at ngumiti dito sabay tas ng paper bag. Magsasalita sana ung kasama nung babae kaso biglang sumigaw si Sir Henry. "Hey! Nicole! You better go there, they might mention you again! Intro ka na ka part diba? Punta na!" Sigaw ni Sir Henry Kaya naman parang natauhan si Nicole at nagpaalam na sa kausap nya. "Ay s**t! Ou nga pala. Sige po. Bye!" At kahit siksikan tumakbo pa din. "Tang*na nito ni Papi Hens! Chiks na un eh!" Sigaw nung isang lalaki "Wag un! Bata pa un. Inosente un kaya wag mong kursunadahin." Balik ni Sir Henry dun sa nagsalita. Di na ko nakinig kasi parang nabubwisit si Papa Henry dun sa mga kaibigan nya. Kursunada ata si Nicole. Mga manyak! Kahit ung lalaking kasama nung kausap ni Nicole, malagkit ang tingin... Hay naku! Nakipagkwentuhan na lang ako sa dalawa na nakatingin din pala dun sa grupo ni Sir Henry.. pero hinayaan na lang namin. Ilang minuto nga lang namatay na ang ilaw at inaannounce na masstart na... At nang tumunog ang gitara, nagpalakpakan lahat ng estudyante at sumisigaw... Nung natapatan ng Spotlight... Ang putek! Ang angas! Kaibigan ko yan!!! "Whoa!!! Ang angas ni ateng gitarista!!! "Whooo! Go Nicole!!!" Sigaw naming Block D at dinig ko din ung sigaw ni Sir Henry na parang proud kuya at professor! "Nice! Estudyante ko yan! Hahahaha. Hindi na kita ibabagsak kasi maangas ka dyan!" Sigaw nya na ikinatawa ng buong block D Biruan kasi nilang dalawa yan ni Nicole. Nakwento nya samin yan. Kaya alam namin na may ganyang biruan sila. Hahahaha Pero walang bias! Ang angas ni Nicole! Tamang tama ung bigay namin na gitara sa kanya! Grabe! Sayang lang wala si Kuya Daniel at hindi sya napapanuod... Maiinlove na naman un! Pinanuod lang namin si Nicole na sobrang mag eenjoy sa ginagawa nya. Nagsisigawan ung mga tao puro compliments sa kanila kasi naman puro sila babae tapos ang gagaling pa! Todo sigaw din kami lalo na pag kumakanta na si Nicole! Ah! Iba talaga tong babae na to! Nakakapang hinayang lang na ung family nya hindi nila nakikita si Nicole na lumaki ng Matalino, maganda, at sobrang talented. Sana lang kung asan man ung iba nyang pamilya, hanapin nila si Nicole. Kasi matutuwa sila. Tinignan ko lang ulit si Nicole na nakangiti at nahihiyang iniiwasan ung camerang nakatutok sa kanya. Hahahaha "Ganda ni Nicole... Asan kaya ung family nyang iba? Hinahanap kaya sya?" Rinig kong sabi ni Danica Pareho pala kami ng iniisip. Alam kasi namin ang kwento nyan kaya ganun na lang ang iniisip namin. Isa pa yun sa kaya sobrang pinapahalagaan namin ang emosyon sya. Nagkibit balikat na lang ako at hinayaang ung tanong nya. "Hayaan mo na. Hindi naman natin alam kung pati si Nicole iniisip un. Masaya naman sya kay Tita Ja." Sabi ko na nakatitig kay Nics Masaya kami na masaya sya. Buti nga at nakikipag usap na yan sa iba. Hindi katulad dati na kaming tatlo lang ang nag uusap. Apat pala kasama si Kuya Daniel. Natapos ang intro at sinundan pa ng mga intermission at mukhang inuumpisahan na din ang Final Battle ng Bands. Nakikisabay at nakikikanta kami sa mga tugtugan habang nagtatawanan. Napalingon naman ako nang may tumapik sa balikat ko. Si Sir Henry! "Samahan ko lang sila sa backstage. Babalik din kami." Bulong nya sakin, tumango lang ako dahil nashock ako! Ang lapit nya sakin. Narealize ko na lang nawala na sya nung sigawan ako ni Calli. Panira ng moment to si Bakla! "Hoy! Tulala ka dyan?" Sabi nito. "Wala bakla!" Sabi ko at humarap ulit sa stage dahil may natugtug pa naman. Di naman nagtagal, nakita kong bumalik na sila Sir Henry at saktong namatay ung ilaw. Ibig sabihin bago na namang intermission. Tumingin lang kami dun at pagtipa palang ng unang nota. Agad nang may tumapat sa stage na spotlights at nakita ang dalawang babaeng andun. Ang isa ay very graceful na nagpapiano habang isa at taas noong nakatingin sa crowd. "Ang ganda ni Nicole!" Bulaslas ng mga boys namin. "Taena! Lagi ko syang nakikita sa room at gandang ganda na ko. Iba pala pagnakaayos na sya. Ang ganda ng leeg nya." Sabi ni Kenny. Natawa kaming tumingin sa kanya. "Pero bakit parang puro boses ni Nicole ung naririnig?" Tanong ni Gab. "Lip-sync." Biglang sabi ni Sir Henry. Sapat para mapatingin kaming mga malapit sa kanila. "Shut up, Henry." Sabi nang isang kasama nila pero hindi pinansin ni Bebe Henry yun at nagkibit balikat lang. Ginamit lang ung boses ng kaibigan ko para magpapansin. Tsk! Natapos ang performance nila na mas pinag uusapan si Nicole dahil sa paghabol nya sa kanta kanina. Hahaha. Atensyon na naman. Bwisit na naman si Ate girl nito. Nagtuloy tuloy ang tugtugan hanggang sa napunta na sa banda nila Nicole. Grabe talaga ung saya ko! Hindi namin alam ung kanta pero nakakahype! Hahahaha "Adhika! Adhika! Adhika!" Chant ng Block D habang tumutugtog ung Adhika! Hahahaha. Dahil dun lahat na ng mga estudyante sumasabay! Nakataas pa ung banner namin habang nagchachant. Bigla naman nilang pinalitan ng ichachant at pangalan yun ni Nicole. Hahaha. Kitang kita sa screen ung pagkahiya ni Nicole habang ginagawa un ng Block D dahil sinasabayan na din ng crowd. Hahahaha Natapos ang kanta nila at talagang pagod kaming mga taga sigaw. Hahahaha. Ihype ba naman namin ung crowd eh. Hahahaha. "Grabe Block D! Hindi ko kinaya ung energy nyo. Napasabay nyo buong crowd! Proud ako sa inyo." Natatawang asar samin ni Sir Henry. "Syempre Sir! Full support tayo dapat!" Sabi ni Kenny at akmang sisisgaw ulit sya ng Adhika pero pinigilan ko na dahil ako ung katabi nya. "Kalma na." Sabi ko. Natawa lang si Sir Henry pero may inis? Hahahaha. Ilusyunada ka Kim. Hahahaha Hindi ko na lang pinansin dahil mas pinansin ko ung nakikita kong magandang babae na nakikipag siksikan sa mga tao kasama ung ibang mga banda. Gosh! Andito sila sa gawi namin. "Nicole!" Sigaw naming lahat nang makalapit sila. "Dito muna kami. Makikihype sa inyo. Hahaha. Sabay ka na din samin pag pupunta na dun para sa awarding." Sabi nya samin at sakin. Hinayaan namin sila dun at talaga nakikihype sila. Bago ang last part at awarding may video na ipapakita sa nagdaang Festival Week. May same day edit din na ginawa. Parang ang saya saya ng mga nangyari! Hahaha "Waaaaah! Andun ako!" Tili ko dahil nakita ko ung sarili ko na sumasayaw. Hahahaha. Tawa naman nang tawa ung tatlo dahil mukha akong tanga na hinahampas si Nicole. After ng Video, may bandang umakyat at narinig ko naman na nagtatawanan ung mga kasama ni Nicole kasama sya. Hahaha. Cute lang nya. Happy for her! Sobra! "Band Leader! Band Leader! Band Leader!" Chant nilang lahat. Kaya nakigaya ung iba. Natatawa naman ung mga nasa stage dahil tinapatan pa sila ng camera. Hahahaha. Tumatalon pa silang lahat. Bago naman matapos ang set ng band na yun. Kumalma sila at nakipagsiksikan ulit sa crowd. Naiwan ako, si Nicole at ung tatlo nya pang kabanda dahil inaantay nila ako. Nagpaalam lang kami sa Block D at Kila Danica na tahimik bigla. Kanina lang hype din sya ih. Baka napagod. -------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD