Chapter 15

1330 Words
Kim's POV 3rd Day ng School Festival at Madami pa ding event na nangyayari, ung DTC result sa Mini Concert iaannounce kung sino ang nanalo. "Hey! Eto na ung mga banner na ginawa ko for Irine." Sabi ni Tala kaya napatimgin kami sa kanya. Andito kasi kami sa booth namin at pinagawa namin sya ng mga banner dahil si Irine ang nakapasok at lalaban para sa Marketing Department. Medyo hati lang ung puso ko dahil sa BM naman si Danica ang lalaban. Hahahaha "Nice! Ang ganda! Kitang kita to!" Sabi nila Kenny at tinignan pa ung ginawa ni Tala. "Ou naman yes." Sabi nito tas humarap sakin. "Eto naman ung kay Danica. Manunuod pa ba daw si Nicole?" Tanong nya sakin habang binibigay ung banner ni Danica. "Ahm... Hindi ko sure kasi may praktis sila para sa mini concert ih. Pero baka sumulip yun." Sabi ko at ngumiti "Oww..." Sabi nya lang tapos humarap kila Kenny. "Si Sir Henry daw ba manunuod? Maganda kasi na kumpleto tayo sa suporta kay Irine." Sabi ni Tala. "Ou, tama. Teka. Baka pumunta yun dito si Sir. Tapos tanungin natin." Sabi ni Sandra kaya naman tumango kami. Hindi naman nagtagal dumating nga si Sir Henry. Nakangiti syang bumati samin. Bakit lalong gumagwapo si Sir! Kainis! Feeling ko inlove na ko kay Sir. Hahahahaha. Chares! "Hoy! Tulala ka na naman kay Sir Henry!" Agaw ng eksena ni Tala. "Ang ganda kasi ng view. Ang aliwalas. Hahahaha." Natatawang sabi ko kaya naman binatukan nya ko. Hahahaha. Totoo naman ah! Ganda kaya ng dimples ni Sir! Nakakadagdag ng kagwapuhan nya. Gwapo si Kuya CD pero iba ung kagwapuhan ni Sir Henry. "Sir! Nood tayo ng pageant, si Irine lalaban sa Marketing Department." Sabi ni Gab. "Oh! Sige sige. Wala naman akong gagawin sa pageant." Sabi nya na eksaktong may dumaan na student council. "Sir Henry! Nakita nyo po si Sir Cy? Sya po in charge sa judges ih..." Sabi nun kay Sir. "Hindi eh. Tawagan ko." Sabi ni Sir tas humarap kila Sandra. "Kita na lang tayo sa Auditorium. Try nyo rin kontakin si Nicole para kumpleto tayo." Sabi nya tapos nagpaalam na. Ganun na nga ang ginawa namin pero mukhang malabong sagutin nya dahil panigurado nasa praktis to. "Hindi nasagot si Nics. Baka nagpapraktis yun." Sigaw ko sa kanila habang nagliligpit na kami dahil isasara na ung booth namin dahil nga pupunta na kami sa Auditorium. "Ah. Baka nasa practice pa yun. Text na lang natin." Sabi naman ni Bry. "Tadtarin natin ng text para makonsensya pag hindi nakapunta." Biro ni Kenny kaya naman pinagmumura sya nila Ivan. Hahaha Natawa na lang kami at pinapatuloy ung pagliligpit. Nagpunta na din kami agad at pumwesto sa kung saan makikita kami ng candidate. Agad din kaming nilapitan ni Sir nang makita nya kami. "Wala pa si Nicole?" Tanong nya samin. "Wala pa, Sir ih. Baka po nagpapraktis pa." Sabi ko kaya naman napatingin sya sakin. "Okay. Dito na lang kayo. Try ko puntahan sa Club nila." Sabi nya tapos ngumiti na labas ang dimples. Shocks! Iba talaga karisma ng dimples! Sarap tusukin! "Sige Sir. Salamat po." Sabi ni Tala. Nagpaalam lang si Sir samin tapos umalis na. Ang bait ni Sir! Hahaha. Imbes na utusan nya isa samin, sya talaga pupunta. Ayaw kaming mapagod. Di naman nagtagal, nag aannounce na namalapit nang mag umpisa. Pero wala pa din si Nicole at si Bebe ko Henry. "Asan ang banner natin?" Biglang tanong ng nasa likod ko kaya nagulat ako. "Bwisit ka! Akala ko hindi ka makakarating!" Hampas ko sa kanya pero tinawanan lang naman ako nito. "Sorry na. Natagalan lang. Hahaha." Sabi ni Nicole. Ou! Si Nicole! Andito na sya pero wala pa si Sir Henry. "Papunta na yun. Hahahaha." Asar sakin ni Nicole kaya kinagat ko ung braso nya. Mahina lang kasi naman madaling magkapasa to. Nakita naman sya ng ibang blockmate namin kaya nagsigawan na naman sila dahil kumpleto kaming Block D! Hahahaha Napatingin ako sa gilid ko dahil pakiramdam ko may nakatingin sakin. At di nga ako nagkamali! Si Sir Henry! Ang gwapo ni Sir kaya naman napangiti ako ng todo. Ngumiti din naman sya sakin. Kinilig ako bigla at putik na yan! Biglang pumasok sa isip ko ung usapan namin ni Ad! Na asawa! Napakagat labi ako at siniko na lang si Nicole para mawala sa isip ko un. Tinuro ko naman sa kanya si Sir Henry. Ngumiti lang si Nicole dun. Nakita ko naman na papalapit samin si Sir kaya parang kinabahan ako at hindi mapakali. Sh*t! Bakit ganun... Narinig ko lang silang mag usap at parang may narinig akong umaway kay Nicole kaya sumingit ako nakatingin pa sakin si Sir Henry. Pero nung sinabi ni Nicole na okay na. Kumalma na ko. Hahaha. Kahit hindi naman talaga. Pero walang pwedeng umaway dito kay Nicole kundi ako lang. Hahaha. Chares! Wala talaga dahil hindi nila gugustuhing magalit to. Magaling magtago at magpigil to pero pag mapuno to. Tumakbo ka na sa saya ng nanay mo. Hahahaha. Atska, madami nang pinagdaanan to sa buhay kaya masyadong mahalaga samin ang feelings nya. Di naman nagtagal nag umpisa na ang pageant at talaga namang hindi nauubusan ng boses ang mga kasama ko. Kung anong lakas ng boses nila kahapon sa pagchicheer sakin ganun din kay Irine! Pagdating naman kay Danica. Nakikicheer din sila pero kami nila Nicole pinagtatawanan si Danica. Hahahaha. Feel na feel nya kasi. Akala mo nasa Miss Universe kung makasway ng balakang! Hahahaha. Bago pa maannounce ung Top 8. Umalis na si Nicole dahil may practice pa sila. Kaya naman nagpaalam na sya samin at magpapahatid na lang daw kay Marky dahil nga mukhang paspasan na sila ngayon ng practice. Nakarating sa Top 8 si Danica at Irine. Pero parehong hindi pinalad na makapasok sa finals. Dahil hindi man namin aminin may mas magaganda at sanay sa kanila na sumali. "It's okay guys. Atleast nasa Top 8 si Irine at beside nag enjoy naman tayong magcheer." Sabi ni Bebe ko. Kaya naman sinuportahan ko. Hahahahahaha. Syempre support ako! Hahaha "Tama! Nagenjoy naman tayo. Pahinga tayo kasi may susunod pa tayong ichecheer sa friday. Hahaha. Gawa ulit tayo banner tapos dapat Sir, andun ka din, para masaya ako este kami." Sabi ko at ngumiti. Natawa naman ung mga kasama ko dahil dun kahit si Sir napailing. "Si Kim talaga. Walang pinipiling lugar at oras. Hahahaha." Sabi ni Ivan habang natawa. "Bakit? Sabi ko lang naman para sumaya ako este tayo. Dapat andun si Sir! President ng Block D ung lalaban ih." Sabi ko pa at patay malisya sa mga pasaling ko. "Ou na Kim. Manunuod ako. Pero baka malate ako dahil may mga batchmate akong pupunta. So sa grounds na tayo nun mag kita." Sabi nya sabay ngiti. "Kelan tayo magkikita sa grounds, Sir?" Biro kong tanong. Gets ko naman ung sinabi nya pero baka lang may iba pa syang meaning dun diba? Nagbabakasakali lang. Hahaha "Nyay! Si Kimberly! Iba nasa isip. May makarinig sayo. Kawawa talaga scholarship mo. Hahahaha." Sabi ni Tala kaya naman nagtawanan kami. "Sa Mini Concert ung sinasabi ni Sir atska lahat tayo ung tinutukoy nya." Sabi pa nito. Napairap naman ako na ikinatawa nila. "KJ mo today, Tala!" Sabi ko lang. Natawa lang naman sya. Nagkwentuhan pa kami dun bago unang nagpaalam si Sir Henry dahil may meeting pa sila ng mga student council. Inantay naming lahat si Irine para icongratulate, pati na din si Danica para sabay sabay na kaming umuwi. "Congrats sa inyong dalawa. Okay lang kahit hindi nakapasok at least nag enjoy tayo." Sabi namin. Natuwa din naman daw sila dahil kahit papaano nag enjoy talaga sila. After nun, umuwi na kami. Pag uwi ko nagpahinga lang ako agad dahil nakakapagod naman talaga na magsisigaw at tumayo dun. Tanghali na ko gigising bukas dahil hapon naman ang usapan naming pupunta dun para sa toka namin sa booth at para na ring ligpitin dahil last day na at need na iligpit para sa mini concert kinabukasan nun. --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD