Chapter 27

2351 Words
Kim's POV Naglalakad ako ngayon papunta sa office nila Nicole, hindi kasi nagrereply ang bruha. "Hi! Asan si Nicole?" Tanong ko sa mga alaga nya. "Ahm. Lumabas po si Ms. Nicole. Hindi po nagsabi kung saan pupunta." Sabi ni Nico. "Ah. Okay. Salamat." Sabi ko at umalis na. Tsk! San nagpunta yun. Baka kila Tala. Kaya naman naglakad ako papunta kila Tala. Pero wala din daw. Nabahala naman ako! Bakit ako nag aalala? Nung isang araw kasi umalis yun ng bahay, sabi nya pupunta sya sa sementeryo. Tapos pagbalik may sugat na naman sya sa tuhod. Nagkita pala sila dun nung kamag anak ni Papa Mondy nya daw at pinagtulakan sya. Umiiyak na umuwi ng bahay at miss na miss na daw nya si Tita. Hindi ko naman sya masisisi. Naawa din ako dun dahil gabi gabi ko syang naririnig na kumakanta habang nag gigitara at umiiyak. Alam kong ayaw nyang ipahalata o ipakita. Pero wala kaming magagawa dahil magkasama kami sa bahay. Kaya nga impit lang ung mga hikbi nya. Nagmamadali kaming tatlo na pumunta sa elevator at pindutin ung open button namg biglang bumukas at makita namin si Nicole. "NICOLE!!!" Sabay sabay na sigaw namin at pasok sa elevator at hindi pinansin ung mga kasabay nya. Mukha kaming tanga dahil sa baba lang pala sya galing at hindi lang yun, ang kasabay lang naman nya ay sila Sir Miggy at Sir Keith. Baka bigla kaming matanggal sa pagkateam leader dahil dito. "Bakit kasi hindi ka nagsabi?! Baka bigla mo na namang makasalubong ung mga bruhang kamag anak ni Tita, dehado ka na naman! Kahit kaya mong lumaban. Hindi ka lalaban." Sabi ko habang nasa elevator at kalalabas lang nung dalawa naming boss. "Sorry na. Nagutom kasi ako bigla kaya napapunta ako sa baba. Sorry." Sabi nya at nagpeace sign pa. Tumahimik na lang kami at umangkla sa kanya. Pagdating sa floor namin. Sinabi ko na ung mangyayari mamaya. At ang Nicole! "Hindi. Kayo na lang. May tatapusin kami atska kilala ko na boyfriend nya." Sabi nya sabay turo pa sakin. Hindi pwedeng mag isa lang sya dun! Dapat kasama sya! Ngayon kasi ung usapan namin ni Henry na ibubunyag namin ang aming relasyon. Hahahaha. Ipapakilala nya din daw ako sa mga kaibigan nya kaya naman isasama ko sila. Hahaha. Minsan lang eh. "Tss! Sumama ka pa din. Hindi pwedeng mag isa kasa apartment. Sumunod ka na lang." Sabi ko. Tumawa lang ang loko tapos lumihis na. "Bahala ka dyan. Hahaha. Dito na ko." Paalam nya samin at naglakad na. Napabuntong hininga na lang kming tatlo tapos nagpaalam na din na pupunta sa office namin. Si Tala at Cams kasi magka department. From: Henry Sunduin ko kayo, Sweetie. Basa ko sa message ni Henry habang nag aayos ako ng gamit. Dahil tapos na ung duty namin. "Una na po kami Ms. Kim." Sabi nung alaga ko kaya tumango at magpaalam na lang ako sa kanila bago ako nagreply. To: Henry Sureness. Ingat sa pagdadrive. Sabi ko lang at tinuloy na nga ang pag aayos at sakto naman na pagsukbit ko ng bag ko, syang sulpot nung dalawa. Kaya bumaba na din kami. Pero dinaanan muna namin si Nicole para magpaalam dahil nga nakaOT sila. Sakto naman na pagbaba namin. Andoon na si Danica at amg pashnea, bumili ng mga damit para daw bongga ang suotan namin. Hayop talaga! Dumaan muna kami sa apartment at magbihis. Sinabi ko na din sa kanila na susunduin kami ni Henry kaya umokay sila. Nagbihis lang kami at nag ayos ng sarili para looking fresh. "Antayin na lang kaya natin si Nicole? Ayoko syang iwan dito sa apartment nang mag isa." Sabi ko na nabobither pa din. Pero mukhang may plano si Danica na gawin. "Wag na. Gagawan natin ng paraan para pumunta sya. Relax! Ayoko din na mag isa sya dito." Sabi nya at tumayo dahil may kumatok. Hinayaan ko lang syang buksan kahit alam ko namang si Henry yan. Hahaha. "G*go ka, Kimberly!" Gulat nyang mura nang mabuksan at makita na nya kung sinong nasa pinto. Hahahaha. "Ay takte!" Mura din ni Tala nung nakita nya kung sino ung pumasok! Hahahaha. Natawa lang naman kami ni Henry sa mga reaksyon nila nung nakita nila si Henry. Hahahaha. Bakit ba? "Hi." Bati ko sa kanya nang lumapit na ko. "Hi." Balik nyang bati at hinalikan ako sa ulo habang yumayakap. Tinignan ko lang sila Tala na gulat pa din. Hahaha "Girls! Si Henry. Boyfriend ko." Pakilala ko sa kanya at naramdaman kong humigpit ung pagkakahawak nya sa bewang ko. Hahaha. Masaya yarn?! Hahaha. "Hens, si Tala, Danica at Camille. Mga kaibigan ko. Alam kong knows nyo na ang isa't isa pero atleast may proper pakilala na boyfriend ko to. Hahaha." Sabi ko at humarap sa kanila. "Grabe! Nag bunga, mamah! Hahaha." Biro ni Tala sakin kaya natawa kami pateho ni Henry. "Shut up ka lang dyan. Hahaha." Sabi ko at niyaya na silang umalis. Dun na ko sumakay sa kotse ni Henry tapos ung dalawa dun sa kotse ni Danica. At eto na nga! Ag alis namin ilang minuto lang daw dumating si Nicole. Tss! Feeling ko talaga sinadya nya yun eh! Loka loka! "Hindi na sumama si Nicole?" Tanong ni Henry habang hawak ung kamay ko. "Hindi eh. Alam mo naman un. Ayaw sa mga ganto pero may gagawin daw si Danica para mapapunta yun. Hehehe. Kinakabahan ako." Sabi ko kaya natawa sya. "Don't be. Magugustuhan ka nila. Just be yourself. Okay?" Sabi nya kaya tumango ako. Pagdating namin sa bar. Hindi sya typical na bar! Hala! Sayang. Magugustuhan to ni Nicole eh. Nilingon ko si Henry at nakita kong kausap nya si Cams. Mag kakilala sila? Hindi ko na lang inisip yun dahil agad namang lumapit si Henry sakin para dalhin kami sa mga kaibigan nyang ikinagulat namin. Andito lang naman ung boss namin! Harujusko po! Alam ko may kaya sya pero hindi ko naman alam na ganun labigtime ung kaibigan nya! Naalala ko tuloy ung nag outing kami! Hindi naman pala kaibigan ng tatay nya! Kaibigan nya! Pisti! Another revelation! Ang Camille pala ay may jowa! At si Sir Keith yun. Grabe! Hindi ko kinaya! Pinakilala nya lang kami at nakakatuwa dahil mabait talaga si Sir Miggy. Sabi nya pa Miggy na lang daw ang itawag sa kanya pag nasa labas pero syempre hindi muna sa ngayon kunwari, magalang ako. Hahahaha. Nag tataka tuloy ako, hindi kaya totoo ung sinabi ni Henry na CEO sya? Syems! Mas kinabahan ako magpakilala sa pamilya nya pag nagkataon. Nung nasanay na kami sa presensya nila medyo umingay na din kami. Nag order na din sila ng ladies drink at beer. "You okay?" Tanong bigla ni Henry ng makitang tahimik ako. Nakaakbay sya sakin. "Oum. Iniisip ko lang si Nicole." Sabi ko kaya tumango sya. Sakto naman pag kasabi ko nun ang Danica, naging chikadora na at tinawagan si Nicole. Una sobrang ayaw nya. Pero ginamitan na nang mahiwagang teknik ni Danica kaya naman bandang huli. Pupunta daw sya. Hahaha "Kayo talaga, alam nyo nang pag kayo ang usapan, hindi na makakatanggi ung isa." Sabi ni Henry. We know right! Hahahaha Ayoko lang talaga na mag isa sya dun. Dahil mas malulungkot lang sya. Di naman nagtagal lumabas ang Danica dahil andyan na ang dyosa! Hahaha. Magugustuhan nya dito because of the band. At tama naman ako! Pag pasok palang nya sa banda agad napunta ung tingin nya. Sinalubong lang namin sya at nakatikim kami ng batok galing sa kanya. Hahaha. Sadista! At bruha to! Alam na pala nya na may jowa si Cams. "Kaya naman pala lagi mong pinagtatakpan si Camille dahil alam mo na! Apaka daya mo!" Sabi ko sa kanya na ikinatawa nya lang. Nasa ladies room kami ngayon kaya malaya kaming mag usap. "That not my fault. Observant lang ako. Hahaha. Chika here, chika there ka kasi eh. Hahaha." Sabi nya. Loko! "Pero hindi ko alam na si Sir Keith, napansin ko lang na tuwing makakasabay natin sila, laging nawawala si Cams kaya ayun." Sabi nya at nag kibit balikat at parang nagyayabang na observant sya. "So kung hindi si Sir Keith ang akala mo? Si Sir Miggy?" Tanong ni Tala na alangan namang tango si Nicole at nakakatawa kasi ngumiwi naman si Cams. "Gwapo pero not my type." Sabi ni Cams at tumawa. "Gwapo ni Sir Miggy tas not my type?! Hahaha. Pero not my type din eh kasi si Bebe ko Henry lang." Sabi ko kaya binatukan na naman ako ni Nicole. Sadista talaga. Bumalik kami sa table at ang Danica, aliw na aliw makipag kwentuhan. Umupo ako sa tabi ni Henry na yumakap agad sakin, tas si Cams din sa tabi ni Sir Keith, si Tala naman at Nicole. Nasa kabilang side katabi ni Danica. Si Nicole lang ang nakajuice saming lahat at hindi ko pala nabanggit, mga kaibigan din pala sila ni Kuya Daniel. Tss! Sila pala ung laging sinasabi ni Kuya na mga kaibigan nyang laging nagyayaya sa kanya ng inuman. "Next sa family ko naman." Bulong ni Henry sa tenga ko. Hinarap ko naman sya pero nakayakap pa din sya. "Totoo bang CEO ka?" Ayun agad ung tanong ko dahil naguguluhan ako. Natawa lang naman sya tapos mas lumapit. "Pag sinabi ko bang ou, makikipagbreak ka?" Bulong na tanong nya. "Sabi ko naman sayo, tatanggapin kita eh. Kahit ayaw ko. Kasi mahal kita." Sabi ko at ngumuso. "So? Totoo nga?" Tanong ko ulit. Nakangiti naman syang tumango. "Pinalitan ko na si Dad sa pagiging Chief Executive." Sabi nya at dinampian ng halik ung tungkil ng ilong ko. Eh! Andaming tao! Napatingin naman ako kay Nicole at Tala na nakatingin samin at nakangiwi ang mukha lalo na si Nicole. Bigla silang nag bulungan ni Tala at natawa. "Bwisit kayo." Sabi ko lang. "Can you be mine, baby? Hahahaha. All yours, baby! Hahaha." Natatawang sabi ni Tala na ikinatawa ni Nicole pati ni Henry. Bwisit! Hahaha "Antagal na talaga nun, Tala!" Sabi ko. "Never forget! Ung pati character nya sa laro pinatay nya dahil deads na deads sya sa kumindat." Naiiling nasabi ni Nicole sabay inum sa juice nya. "Sabi ko na may mali talaga nun eh. Namatay ung pulis!" Habol nya pa kaya naman etong nakayakap sakin. Tawa nang tawa! "Nagbunga naman, Ti! Haha." Sabi ni Tala at uminum din ng drinks nya. "Nagbunga naman. Harot! Hahaha." Sabi ni Nicole at tumingin sakin na masama ang tingin sa kanya pero binaliwala lang ng bruha. Tumagal pa nga kami dun at medyo hilo na ko. Gusto naming pakantahin si Nicole pero ang loko pinagtripan kami. Hahaha. Hindi talaga sya kumanta. Sayang naman! Ang ganda pa naman ng boses nya. "Drink more water, sweetie. Okay? I love you." Paalam ni Henry habang yakap yakap ako. Nagkayayaan na kasi na umuwi since may mga tama na kami. Si Nicole na din ang mag dadrive at dun na si Danica at Tala sa apartment, matutulog. "I will. Thank you for tonight. I love you too." Sabi ko kaya dumampi lang ung labi ko sa labi nya. Pero bakit parang ayaw kong alisin. Gusto ko pa ng isang halik. Pero naramdaman kong iniupo na nya ko sa kotse at humalik na lang ulit. At hindi ko na alam ang nangyari. Henry's POV "Ikaw na bahala ah. Hahaha. Ikaw na lang ang nasa katinuan." Sabi ko kay Nicole habang nag lalakad papunta sa kotse ni Danica. "Ayun naman po ang purpose mo kaya ako nagpunta dito. Para mabantayan sila. Kayo kasi eh. Hahaha." Sabi nya at sinisi pa ko. Pasaway talaga. Pinagbuksan ko lang sya ng pinto ng kotse at tinignan ung tatlo na tulog na sa likod. Sabi ko na pagkatapos kong paupuin si Kim kanina, makakatulog eh. Hindi tinigilan ung ladies drink kahit sinabi kong tama na eh. "Ingat, Nicole. Seatbelt mo." Paalala ko sa kanya habang nag uusap naman kami sabay kaming napatingin sa pwesto nila Keith. Dahil may lumagabog. "Okay lang po si Sir Miggy? Baka po lasing na un." Sabi ni Nicole. Hahaha. Alam ko na! Nagseselos kang mokong ka ah! Hahaha. May asawa ka na! Kursunada mo pa din tong batang to. "Okay lang yan. Hindi naman lasing yun. Bakit? Ihahatid mo kung lasing sya?" Asar ko sa kanya. Kumunot naman ung noo nya. "Bakit ako? Andyan naman kayo. Hahaha. Uwi na kami, Sir Henry. Ingat po kayo sa pagdadrive." Sabi nya kaya tumango ako. Sinara ko ung pinto nya pero binuksan ko ung pinto sa likod at nagpahuling halik kay Kim. "Nakakadami ka na, Sir Henry ah!" Rinig kong saway ni Nicole kaya natawa ako. "Sorry na. Can't help it. Masyado kong mahal tong kaibigan mo." Sabi ko at humalik ulit. "Good night, sweetie. I love you." Sabi ko at tuluyan nang nagpaalam. Bumusina lang si Nicole samin at ayun na sumibat na. Mabuti na lang talaga at marunong magdrive yun kaya kampante ako na makakauwi sila ng maayos. "Anong nangyari dun?" Tanong ko kila Keith. Sabay turo sa kotse ni Miggy. "Selos." Rinig kong sabi ni Keith na nakangisi. "Hayaan nyo yan si Miggy, minsan may saltik talaga yan." Dagdag nya at niyaya na si Camille pauwi. Nagulat talaga ako na andito to. Hahaha. Nagkagulatan ata kami pareho. Hahaha Bago ako sumakay sa kotse ko, kinatok ko muna si Miggy. Alam kong bwisit sakin to pero papagaanin natin ang loob nya. Hahaha. "Bakit?" Iritableng tanong nya nung binaba nya ung bintana nya. "She's asking if you're okay at kung lasing ka. She's concern about you." Sabi ko at umalis na. Hahaha. Bahala sya dyan. Nakarinig lang ako ng mura galing sa kanya pero hindi ko na pinansin. Sumakay na ko sa kotse ko at nagdrive na din para umuwi. Dito muna ko sa bahay uuwi dahil pag hahandaan ko ung pagpapakilala ko kay Kim. Hindi pa din talaga ako makarecover sa reaksyon nya kanina. Hahaha. Ang cute! Kasi halatang kinabahan sya lalo. Hahaha. Mababait naman ang parents ko and never tumingin sa estado ng buhay. Basta maging totoo lang and I know they will love Kimberly as much as I love her. Pero dahil lagi akong napagtitripan ni Kim. Hahahahaha. Babawi ako. Hahahaha -------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD