Chapter 28

2165 Words
Kim's POV "Grabe! Nakakahiya talaga kayo kagabi! Hindi ko akalain na magwawala kayo dun." Sabi ni Nicole habang pinaghahandaan kami ng kape at gatas. Ikinukwento kasi nya ung nangyari kagabi dahil talagang hindi ko maalala. Sinasabi nya nagwala daw kaming tatlo dun at nakakahiya daw kami. "Alam mo, Nics. Kung hindi kita kaibigan. Mapapaniwala mo ko. Mabuti na lang at kaibigan kita kaya bahala ka sa buhay mo." Sabi ni Danica habang hinihilot ung ulo nya sabay inum ng kape. "Hahaha. Kasi naman! Iinum inum kayo tapos hindi naman pala kaya. Tsk!" Sabi nya at umupo sa tapat namin at sumandok ng pagkaing inihanda nya. Tinignan ko kung anong niluto nya at natakam ako bigla dahil nagluto sya ng pancit canton at may boiled egg, meron ding malasadong itlog. Nagutom ako bigla! Kaya sumandok na din ako tapos tumayo at pumunta ng ref. Kumuha ako ng yelo na pinatigas namin tapos kumuha din ako ng malamig na tubig. Inilagay ko sa baso at ininum yun. "Argh!!!!" Daing ko dahil nabrain freeze ako! Masakit sa ulo pero refreshing! Tatawa tawa naman si Nicole nung bumalik ako sa lamesa. Ung dalawa naman gumaya sa ginawa ko. "Ahhhh! Ang ptcha!" Daing ni Tala. "OMGIE! Argh!" Daing ni Danica. Kaya halos mabilaukan naman si Nicole kakatawa samin. "Kampay! Hahahahahaha." Sabi nya at tumawa ng malakas! Malakas mang alaska to dahil hindi sya umiinum eh! Hahahaha Natapos kaming kumain at umuwi na ung dalawa naming border. Kaming dalawa na lang ni Nicole dito. Pero ung isa nakatutok sa laptop nya kaya ganun din ginawa ko. Nagcheck lang ako ng emails and report. Sabay kaming napatingin sa phone namin dahil sabay na tumunog. Hahaha. Tumayo sya at naglakad sa kusina nung nakita nya kung sinong tumatawag. Ako naman sinagot ko ung akin. "Yes, bebe ko?" Bati ko sa kabilang linya. Nakarinig lang ako ng mahinang tawa kaya napangiti ako. [Hindi na talaga mababago yan? Hahaha. How's your sleep, my dear? Masakit ba ang ulo mo?] Malambing nyang tanong. "Hm. Kanina. Pero hindi na ngayon. Thank you pala kagabi. Nakakahiya lang baka naturn off yung mga kaibigan mo sakin. Hahahaha. Andun pa ung boss ko!" Sabi ko dahil baka totoo nga ung sinabi ni Nicole. [No. They actually like you for me. Totoo! At kahit maturn off sila sayo. Wala akong paki. Hahaha. Anong ginagawa mo?] Masuyong sabi nya kaya napangiti ako. Kinikilig na naman ako. "Nagtitingin lang ako ng emails. Wala akong magawa eh. Si Nicole naman, nakatutok sa laptop nya kaya boring dito." Sabi ko sabay sara ng laptop ko. "Punta tayo bahay!" Yaya ko sa kanya. [Actually yayayain nga sana kita eh. Naunahan mo lang ako. So... Sundin kita. I'll be there in 30 mins. Bye. I love you!] Paalam nya "Ow! Kaya pala! Hahaha. Okay. Bye. I love you too. Ingat sa pagdadrive." Paalam ko at binaba na ung tawag. Tumayo ako at pumunta ng kusina para sabihin kay Nicole na aalis ako. Pagpasok ko narinig ko ung usapan nila ng kausap nya. "Sige. Sunduin mo na lang ako dito bukas.... Kelan ba dating mo?" Paused. "Ah! Sige. Bukas na lang. Bye. Ingat sa ere! Tutal hindi ka naman iniwan sa ere." Sabi nya at tumawa pero biglang napamura. "G*go! Hahaha. Bwisit ka! Bye na Marky! Ingat ka. See tomorrow!" Paalam nya at pinatay na yung tawag. Si Marky. Feeling ko talaga may something sila nyan ni Marky. "Hoy! Aminin mo nga! Anong meron sa inyo ni Marky?" Tanong ko sa kanya kaya nakataas ang kilay nyang tumingin sakin. "Wala. Walang kami. Sira ka!" Sabi nya. "Talaga? E si Alas?" Tanong ko ulit. "Wala din kami. Ano ba?! Hahaha." Natatawa na sya ngayon kasi ung itsura ko mukhang hinuhugusgahan sya na nagtatago ng lihim. "E ung nagbigay ng kwintas na yan?" Tanong ko ulit. Bigla naman syang tumigil sa pagtawa at naging seyoso. Hindi sya sumagot. "Ano mo? Sagot." Sabi ko dahil curious na talaga ako. "Wala. Basta kapamilya ko sya." Sabi nya at tahimik na lumabas at hindi tumitingin sa mata ko. May iba talaga sa kwintas na un! Hindi nya din kasi pinapahawak kahit kanino. Huminga na lang ako ng malalim dahil mukhang wala akong makukuhang sagot. "Aalis kami ni Henry. Okay ka lang ba dito?" Tanong ko sa kanya bago ako umakyat. Nag okay sign lang sya sakin at hindi ako hinarap. Huminga ako ng malalim at umakyat na. "Wag ka iiyak dito mag isa ah. Tawagan mo ko." Sabi ko at tuluyan ng umakyat. Di na ko nakarinig ng sagot sa kanya kaya hinayaan ko na lang. Pagpasok ko ng kwarto. Naligo agad ako at nagbihis ng casual na damit. Tshirt, maong pants at close shoes tapos kinuha ko ung sling bag ko. Nagtali ng buhok at lumabas. "Nyay! Hindi nagsasawa sa mukha ng isa't isa! Kakakita lang kagabi. Kita na naman ngayon. Hahaha. Charot lang!" Rinig kong sabi ni Nicole. "Kayo nga hindi nagsasawa sa isa't isa. Kami pa kaya! Hahaha." Bwelta naman ni Henry na ikinatawa ko kaya napansin nila ako. "May point." Sabi ko lang at lumapit na ko kay Henry at humalik sa pisngi nito. "Landi! Layas na. Nasusuka ako sa inyo." Rinig kong sabi ni Nicole kaya sabay kaming tumawa ni Henry. "Bitter! Hahahaha." Sabi lang ni Henry kaya natawa lang si Nicole. "Ingat kayo." Nakangiting sabi nya pero biglang sumeryoso. "Iuwi mo yan ng buo at kumpleto ah." Sabi nito kay Henry. "Ayoko nga. Iuuwi ko ung isang daliri nya para naman may remembrance." Asar ni Henry dito. "Ung dila na lang ung iuwi mo, Sir. Para hindi na mag ingay yan." Sabi nito kaya natawa si Henry. "Ibang dila ang ipapauwi ko dito." Sabi ko kaya mas natawa si Henry. Si Nicole mukhang walang alam. "Anong dila naman? Isa lang naman ang dila natin." Sabi nya. Sasagot na sana ako pero inunahan na ko ni Henry. "Wag mo na pansinin ung sinabi nito ni Kim. Alis na kami, Nics." Sabi nya at hinila pa ko na pinandidilatan. Hahaha. Narinig ko lang na nagpaalam na din si Nicole. "Kim! Hindi alam ng kaibigan mo ung sinasabi mo kanina. At hindi ko iuuwi yang sinasabi mo." Sabi nya habang nasa byahe kami. "Alam ko! Kaya nga sinabi ko un eh. Hahahaha. Mag ooverthink na naman yun." Sabi ko at humarap sa kanya. "Hindi mo iuuwi? Anong gagawin mo?" Pang aasar ko sa kanya. Tumawa naman sya at sumulyap sakin. "Hahahaha. You really want to know? Baka magulat ka at ihulog mo ko dito." Sabi nya habang natawa. "Ano nga gagawin mo?! Titikman mo lang? Hahahaha." Pangungulit ko sa kanya habang natawa dahil ung reaksyon nya. "Kimberly! Pag talaga ako napuno! Wag na tayo pumunta sa inyo. Sa condo na lang at ikaw ang kakainin ko." Sabi nya kaya tawa lang ako nang tawa. Hahahaha. "Ay! Akala ko titikman mo lang?! Bakit may pagkain na?! Hahahaha." Sabi ko at tumingin sa kanya. Sya naman biglang tinulak ung mukha ko na nakatingin sa kanya. Hahahaha. Mamumula ung leeg at tenga nya. Hahahahaha "T*ngina! Hahaha. Whoo! Ayoko na makipag asaran sayo. Hahaha. Baka biglang matotoo. Hahaha. Unting unti na lang talaga. Hindi ko na kakayanin." Sabi nya kaya mas natawa ako dahil halata sa kanyang nagpipigil sya ng todo. Hahaha. Dahil dun nang asar pa ko ng todo. "Ayaw mo na?" Pang aakit na tanong ko sa kanya sabay himas sa braso papuntang hita nya. Sumulyap naman sya sakin saglit tapos bumalik ang tingin sa daan. "Kim... Mas gugustuhin kong gawin ung nasa isip ko kesa mabangga tayo... Wag mo kong pahirapan... Please..." Parang nagmamakaawang sabi nya kaya nahampas ko sya bigla. "Parang tanga, Henry!" Sabi ko at umayos ng upo habang natawa. Narinig ko naman syang bumuga ng hangin. Hahahaha "Whoo! You're still the Kimberly, I know. Hahahaha. Iba talaga epekto mo sakin." Sabi nya. "Salita at haplos lang un pero ptcha! Iba!" Sabi nya at nagulat ako ng ihinto nya sa may gasoline station. Hahaha "Ano gagawin natin dito?" Natatawang sabi ko. Tumingin sya sakin at pinanlakihan ako ng mata. Nagpagas na muna sya bago sumagot sakin. "Restroom lang ako. Ikaw kasi!" Sabi nito kaya mas natawa ako. Kasi inayos nya ung damit nya. Hahahaha. "Nainitan ka? Pakalmahin kita." Sabi ko na nang aasar. Pero umiling lang sya. "Restroom na lang ako. Mas mag iinit ako pag pinakalma mo ko. Pasaway ka." Sabi nya at lumabas. "Wag ka na lumabas. Stay here. Saglit lang ako. Wallet ko oh." Sabi nya sabay abot nung wallet nya. Tawa lang naman ang nasagot ko dahil sa sinabi nya. Grabe! Wala pa nga yan eh. Charot! Hahaha. Di naman nagtagal bumalik sya bago matapos ung pagpapagas. Basa ang mukha at buhok. Hahaha. Kawawa naman. "Naligo ka?" Tanong ko habang inaabutan sya ng panyo, kinuha nya un at nagpunas ng mukha. "Hindi. Nagpalamig lang." Sabi nya habang pinupunasan ung namumula pa din nyang leeg. "Ah. Akala ko naligo ka eh. Sasabihin ko sana, sana sinama mo ko. Hahahaha." Sabi ko at tumawa ulit. Inilingan na lang nya ko habang nakangiti tas nag drive. Nakapagbayad naman na ko. "Kim. Suko na ko." Sabi nya at umiiling. "Sorry sa word pero you're making me hard. Hahahaha." Sabi nya kaya tumawa ako ng malakas na may pahampas pa sa hita ko. Umamin ang loko! "Hindi kaya ng hilamos lang." Dagdag nya pa at umiling. "Sorry na, Bebe ko. Hahaha. Hindi na. Hahaha. Pinahihirapan ba kita?" Tanong ko sa kanya. Nakakagat labi naman syang tumango. Hahaha. "Hindi ko kaya ung gantong side mo pag kailangan kong mag pigil. Ilabas mo na lang ulit tong gantong side mo, pag pwede na. Kasi sa susunod, baka hindi ko na kayanin at kainin na talaga kita. Hindi lang yun ang kaya kong gawin, Kimberly." Sabi nya kaya. Natatawa akong tumango at tumanday sa braso nya na nagpaigtad sa kanya bahagya. "Okay. Sorry na. Hahaha. Hindi na. I love you." Sabi ko lang, hinawakan naman nya ung mukha ko at nakaramdam ako ng halik sa buhok ko. "I love you too..." Sabi nya at patuloy kaming bumyahe papuntang bahay. Pagdating namin dun hindi muna kami bumaba dahil namumula pa din si Henry. Pero sabi nya kalmado na daw sya. "Sorry na talaga." Sabi ko at nagpeace sign pa. Kinurot nya lang ung pisngi ko bago sumagot. "Opo na. Tara na. Okay na ko." Sabi nya kaya tumango ako at sabay kaming bumaba kasama ung binili naming take out food para dito na kami maglunch sa bahay. "Mama!" Bati ko kay Mama nang makapasok kami sa loob ng bahay. "Ay! May bisita pala! Halu!" Sabi ko dahil andun ung jowa ni Ad. "Oh? Napadalaw kayo? Pasok." Sabi naman ni Mama. "Hi Tita." Bati ni Henry. "Hi." Bati nya lang dun sa magjowa na umurong para makaupo kami. "Hi Kuya Henry." Bati ni Ad at biglang kumunot ang noo. "May ginawa na naman siguro si Ate na kalokohan." Sabi nya bigla. Nagulat naman ako. "At bakit?" Sabi ko habang na uupo. Kinuha naman na kasi ni Mama ung mga hawak namin. "Namumula si Kuya Henry oh." Sabi nya sabay turo kay Henry na natawa lang. "Kilala ko pagkatao mo kaya wag ako." Sabi nya at iwinasiwas pa ung kamay nya. Sa totoo lang. Masaya ako kay Adriene na naging lalaki na syang tunay. Though I miss my sister. Char! Hahaha. Ung side nya na pumipilantik. Mas okay na ko sa ganto. At supprtado ko sya dito. Hindi ko nga lang alam kung hanggang kelan at sana mapanatili ni Linsay ung pagiging ganyan ni Ad. Pero nakakausap ko pa din sya ng mga kaharutan ko. At minsan nga pumipilantik pa din pero nainlove na ata talaga kaya nagbabago na din. "Grabe ka sakin! Wala akong ginawa dyan." Sabi ko at tumuro pa kay Henry na katabi ko. Tinaasan nya lang ako ng kilay at umirap. See! Hahaha. Lumalabas pa din talaga. Nagkwentuhan lang kami dun habang si Mama ang nag aayos ng pagkain. Sya na daw eh. Kaya hinayaan na namin. Tinawag naman na kami ni Mama habang nakakain na daw. Kaya naman pumunta na kami sa hapag. At mukhang lagi dito si Linsay dahil sanay na syang kumilos sa bahay. "Kumusta ang trabaho?" Tanong ni Mama. "Okie naman. Napromote pala ako." Sabi ko at sumubo ng pagkain. "Talaga? Saang floor kana mag lilinis?" Tanong ni Ad kaya ang hayop na Henry nabilaukan. Hahaha. Dahil natawa sa sinabi ni Ad. Tinignan ko sya ng masama at inilayo ung tubig namin pareho. Pero masyado ata syang mahal ng Nanay ko kaya inabot din. Tsk! "Pasalamat ka mahal ka ng Nanay ko. Kundi hayaan kita. Bwisit ka!" Singhal ko. Natawa lang sya. "Sorry na. Di ko kinaya ung sinabi ni Ad. Natawa lang." Depensa nya pero sinamaan ko lang sya ng tingin tapos hinarap si Ad na natatawa. "Wala kang allowance ng dalawang bwan ah! Gigil mo ko!" Sabi ko pero biro lang naman lahat un. Hahaha. "Sorry na! So anong promotion mo?" Tanong nya ulit kaya napangiti ako. "Team Leader na ko." Sabi ko habang nakangiti. -----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD