Chapter 26

2115 Words
Kim's POV "Congratulations, Ms. Santos. You are now a Team Leader of Restaurant Department. Keep it up. I'm looking forward for your team's strategies to make our dear Miklé grow." Nakangiting bati ni Sir Miggy sakin. Ay ang gwapo talaga ni Sir! Pwera biro! Hindi sya ung Boss na masungit at laging nakasimangot. Lagi syang nakangiti at bumabalik ng bati. Mas gumagwapo nga sya sa ngiti nya eh. Pero sorry! May Henry na ko, Sir Miggy! Kaya pass. Hahahaha "Thank you, Sir Miggy. Hindi ko po sasayangin tong opportunity na to." Sabi ko at ngumiti. Ngumiti lang din naman sya. Hahaha. Gwapo talaga! Kahit si Sir Keith, gwapo eh. Hahahaha. Okay! Ngayon kasi ang recognition namin at formality ng promotion namin. Kaya andito kami sa Big Room dahil isa isang tinatawag ung mga bagong team leader at mga iprinomote din sa iba't ibang department. Susyal diba?! Hahaha. Bukod sa recognition na to! Meron din, pakimkim si Mayor! Hahaha. Syempre bonus! Hahaha. Kaya naman usapan namin nung apat na sa bahay sila magdinner at treat namin ni Nicole. Hahaha. Mas malaki nga lang yung kay Nicole dahil bukod sa promotion, irerecognize din sya bilang isa sa mga top employee. Mas malaki ang pakimkim ni Mayor dun. Hahahaha Nakita ko na ngang tinawag si Nicole for top employee at new team leader. Hindi naman nakaligtas sakin ung tinginan nila Sir Miggy at Sir Keith. Naku! May nabighani na naman po ata sa kagandahang taglay ng aking matalik na kaibigan! Hahaha. Hindi lang talaga marunong mang akit to si Nicole eh. Hahahaha. Tipid lang syang ngumiti kay Sir Miggy tapos nakipagkamay. Tapos umalis na din. Hahaha. Sorry, Sir! Wala pong alam yan sa panlalandi. Hahahaha "Grabe! Inisnob mo naman sila Sir dun. Halata namang type ka." Sabi ko sa kanya nang makaupo sya. "Pinag sasabi mo? Tigilan mo nga at baka may makarinig sayo." Sabi nya habang nakakunot ung noo. Tinawanan ko lang sya dahil dun. Wala namang makakarinig sa pwesto namin dahil medyo malayo kami sa iba pang irerecognize. "Tomorrow, your assigned team member will arrive. Naturo ko naman na sa inyo kung saan ang magiging office ng team nyo. May mga gamit na dun at maayos na din. So Goodluck and Keep up the good work." Sabi ni Ms. Divine. Wala kaming pasok ngayon ni Nicole dahil nga sa ganto. NakaLV kami! Hahaha. "San na tayo pupunta?" Tanong sakin ni Nicole nang makalabas kami ng Big room. "Hm. Punta tayo kay Danica. Tapos grocery tayo para makapag handa sa dinner mamaya." Sabi ko. Tumango tango naman sya. "Ayaw mo, makipagkita sa jowabels mo? Hahahaha." Sabi nya kaya kinurot ko sya. Talaga namang babae to! "Puntahan mo na lang. Pupunta ako sementeryo." Sabi nya at sakto naman na andun na kami sa elevator. "Anong gagawin mo sa sementeryo?" Tanong ko sa kanya sabay pasok sa elevator dahil bumakas na yun. Pumasok na muna sya at tumabi sakin dahil may mga sumasakay din. "Kukunin ko ung puso kong inilibing. Handa na daw kasing magmahal ulit." Sabi nya at hindi nakaligtas sakin ung mga tawa nung mga nakasabay namin, may mga kilala din naman kasi kami. Tarantado talaga! Pagtinatamaan ng kalokohan! "G*go." Mahinang sabi ko kaya natawa sya. Hindi ko naman alam kung narinig ng iba pero nakakarinig pa din ako ng tawa. "May pupuntahan lang ako. Wag na tayo pumunta kay Danica. We will see her later." Sabi nya kaya tumango na lang ako. "Ou na. Puntahan mo na ung puso mo. Nahiya naman ako." Sabi ko kaya natawa sya. "Ikaw din naman pupuntahan ung puso mo. Kunwari ka pa." Mahina lang yun pero narinig ko kaya pinandilatan ko sya. At pagbaba nga namin ng lobby. Naghiwalay na kaming dalawa, nag usap na lang na magkita kami sa supermarket mamaya. Tumawag muna ko kay Henry kung pwede sya. Isang linggo matapos nung pag uusap namin at medyo nakalma naman kami pareho. Naintindihan na namin ung side ng bawat isa. Tama naman sya untold feelings may lead to misunderstanding. Kaya nga may mga magjowang, hindi nag kakaintindihan agad dahil imbes na maging transparent sa isa't isa. Nagtataguan at nauuwi sa hiwalayan. "Hens. May gagawin ka?" Bukad ko nang masagot nya ung tawag. [Ahm. Wala naman, sweetie? Bakit?] Tanong nya. Napangiti ako kasi pwede kaming magsabay maglunch. "Kita tayo. Wala akong pasok. Lunch tayo together." Yaya ko sa kanya. [Sure! Asan ka? Sunduin kita.] Sabi nya at ramdam ko naman ung excitement sa boses nya. "Andito ako sa ME." Sabi ko. At tumabi ng unti dahil may mga palabas na din. Para siguro maglunch. [Okay. Wait me there. Bye. I love you.] Paalam nya. "Okay. Bye. I love you too. Ingat sa pagdadrive. Hindi mo pa ko nabibinyagan. Hahaha!" Sabi ko habang natawa. [Ikaw talaga! Dadalhin kita sa simbahan at papabinyagan! Pasaway.] Sabi nya at naririnig kong naglalakad na sya. [I'll be back after lunch.] Sabi nya. "Ay! Painosente si Bebe ko Henry! Hahaha. Bye na nga. Ingat ka." Natatawang sabi ko at nakarinig din ako sa kanya ng tawa bago ibinaba ung tawag. Ilang minuto lang din ang inantay ko bago ko nakita ung kotse nya. Kaya nagmadali na kong pumunta dun at pumasok. "Hi, Bebe ko!" Bati ko sa kanya at natawa lang ang loko! Hahaha "Really? That endearment? Hahaha." Natatawang sabi nya at nagdrive. "Seatbelt, Kimmy." Habol nya kaya inayos ko un. "Buti wala kang ginagawa ngayon." Sabi ko at tumango naman sya. "Oum. Wala namang gaanong kailangang pirmahan at kakatapos lang din naman ng meeting." Sabi nya kaya nagtaka ako. "Taray! Galawang CEO! Hahaha." Asar ko sa kanya. Natawa lang sya. "Because I am, sweetie." Sabi nya kaya bigla akong napatingin at ang mokong nakangisi! Seryoso sya?! "Hoy! Seryoso ka?! Hahaha. Henry... Alam ko mayaman ka pero wag mo kong biruin ng ganyan. Ibebreak kita!" Sabi ko kaya natawa sya. "Seriously? Pag nalaman mong CEO ako, ibebreak mo ko? Ouch! Hahaha." Sabi nya. Hindi ko alam kung nag bibiro lang sya o ano pero hindi nakakatuwa ung biro nya. Kainis! Henry's POV "Hindi nakakatuwa ung biro, Hens." Sabi nya kaya sinulyapan ko sya at nakita kong nakatingin na sya sa labas. Hahaha. She thinks I'm messing up with her but she doesn't know that Im telling her the truth. One month after kong magresign sa Aim High. Dad, immediately retired from his position and gave it to me. At first gusto ko muna huminga at syempre icherish ung panliligaw ko kay Kim pero mapilit si Dad kaya pinagbigyan ko na. Mapalad lang din ako na si Kim ang minahal ko at nililigawan ko dahil okay na sa kanya ung minsan lang kaming magkita lalo na din at nag uumpisa sila ng work nun at bukod dun, tinatago pa ko ng magandang babae na to. Gwapo naman ako. Hahaha. But I actually understand her pero hindi ko lang talaga maiwasang hindi magtampo. Hehehe. Arte lang. Kanina nung tinawagan nya ko, kakatapos lang ng meeting ko sa isa sa mga investors kaya naman sakto na tumawag sya at maglalunch din ako. Hindi nya rin ata napapansin na nakawhite long sleeve ako at nakatie. Hahaha "Bakit? Ayaw mo bang maging CEO ako?" Tukso ko pa din sa kanya. "Hindi naman. Pero... Kung totoo man un baka landiin ka lang ng secretary mo." Sabi nya kaya hindi ko naiwasang hindi matawa. Talaga naman tong babaeng to! Hahaha. "Wag mo ko tawanan! Diba may ganun?! Ung mga secretary ung nanghaharot sa boss nila!" Singhal nya sakin kaya mas natawa ako. "Kimmy. Wag ka na magbabasa o manunuod ng mga telenovela ah. Hahaha." Natatawang sabi ko. "May ganun kaya!" Singhal nya sakin. "Atska pag mayaman ka! Baka paghiwalayin tayo ng pamilya mo, dahil mahirap lang kami. Mag offer sila sakin ng kalahating milyon para lang hiwalayan ka." Sabi nya. Ako lalong natawa kasi naman umabot na dun. Hahahaha. Hindi naman ganun sila Dad. Hahaha "Eh kung ganun nga ang mangyari, anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya habang natawa at pinapark ung kotse sa pagkakainan namin. "Aba! Syempre hindi ko tatanggapin. Pero kung 5 milyon. Baka! Charot! Hahaha." Sagot nya at tumawa. Ako din naman patuloy na tumatawa. Grabe! Never in my life i've been happy like this... Nagiging ganto lang ako kasaya pagkasama ko tong babaeng to. Hahaha. Masarap pala talaga magmahal ng totoo at seryoso. "Syempre, wala namang halaga ang pagmamahal ko sayo. Tagal kong inantay to tapos ipagpapalit ko lang ng pera. Madaling kitain un pero ung pagmamahal na ininvest natin pareho. Hindi nuh?! Kaya mas okay na saking hindi ka CEO o ordinaryong office worker pero kung totoo man un na CEO ka. Hm... Wala na kong magagawa dun, ikaw ung minahal ko eh. Tatanggapin ko. Kahit awayin ako ng pamilya mo. Hahaha." Dagdag nya. Okay... Anong maisasagot mo dun, Henry? Hahaha. Tameme ka ngayon?! Hahaha. Tinitignan ko lang syang nag aayos ng sarili nya dahil baba na kami. Makulit man si Kim, taklesa at malikot ang imahinasyon, pero once you've talk to her. Makikita mo ung totoong sya at ung matured na Kimberly. Kaya mas lalo akong nahuhulog sa kanya dahil mas nakilala ko sya. Never nag inarte sa mga pinupuntahan namin, mukha lang syang maarte pero hindi. Never din naghanap ng materyal na bagay. "I love you. I can't wait na ipagyabang ka sa mga tao." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Tinignan naman nya ko at ngumiti. Kalokohan n naman yang sasagot nya. "In love ka na naman! Hahaha. I love you too. Tara na!" Nakangiting sabi nya kaya naman tumango na kong nakangiti at lumabas din. Pagbaba namin, magkahawak kamay kaming pumasok sa loob. Wala na kong pake kung may makakitang kaibigan ko o kaibigan nya. Pero mabuti na lang at hanggang sa natapos kaming kumain wala gumambala samin. Kaya matiwasay kaming nakakaing dalawa. Pero bakit nga pala wala syang pasok? Monday ngayon dapat meron. Ganun kila Miggy eh. "Sweetie. Bakit nga pala wala kang pasok?" Tanong ko sa kanya nang makapasok na kami ulit sa kotse. "Recognition and Formality Announcement para dun sa promotion namin ni Nicole kaya wala kaming pasok." Sabi nya habang inaayos ung seatbelt nya. Ow! Malupit talaga sila Miggy. Laging may parecognition sa mga employee nilang nag eexcel. Kaya masaya ako na dun sila natanggap dahil maraming business ang ME at mas mahahasa sila dun. Sobrang proud din talaga ako kay Kim dahil sa naging promotion nila. Maraming candidate pero isa sya sa napromote. Meaning, maganda ung ginawa nya. Sabagay! Matalino din naman kasi tong mahal kong to. "Hm. Kaya pala. San kita hahatid, Sweetie?" Tanong ko habang inuumpisahang magdrive. "Ay wait! Tawagan ko lang si Nicole. Baka wala pa sya sa meeting place namin." Sabi nya. Tapos kinuha ung phone nya. "San pala nagpunta ung kaibigan mo na un?" Tanong ko. "Sa sementeryo. Dinalaw nun si Tita Ja panigurado. Ipapakita nun ung certificate nya at ung promotion nya." Sabi nya habang tinatapat ung phone sa tenga nya. Tumango na lang ako at hindi nagsalita. Naawa din talaga ako sa bata na yun. Ikinuwento sakin ni Kim ung nangyari sa kanya. Kaya pala ganun nila pahalagahan si Nicole noon dahil sa mga nangyari sa kanya. Sabi ko na napakafragile nya kahit ipinapakita nya na matapang at okay sya. "Hoy! Bruha! Asan ka na?" Rinig kong sabi ni Kim kaya napasulyap ako sa kanya. [Papunta na ng supermarket.] Sabi nito. "Okay. Papunta na din ako. Ingat ka. Babye! Labyu!" Paalam nya. [Okies! Ingat din kayo. Labyuto!] Paalam ni Nicole ska namatay ung tawag. "Cute nyong dalawa ni Nicole nuh?" Di ko napigilang hindi magcomment dahil sobrang close talaga sila. "Hehehe. Kapatid na turing ko dun kahit nag aaway kami minsan. Hahaha." Sabi nya at tumawa. Kita ko naman yun kaya nga alam kong sobrang close sila. Hinatid ko na lang sya supermarket na sinasabi nya at pagdating namin dun, andun na si Nicole. "Hi Nics." Bati ko sa kanya. Ngumiti lang naman din sya sakin at kumaway. Nagpaalam na din ako agad dahil may meeting ako ng alas tres sa office kaya umalis ako agad at magpunta ng office. Pagbalik ko dun, umakyat ako sa office ko at sinuot ung suit ko. Naramdaman ko naman na nagvibrate ung phone ko kaya tinignan ko. Agad kong binuksan nung nakita kong pangalan ni Kim ung nagmessage. From: My Kimmy Ngayon ko lang naalala, ang gwapo mo sa suot mong long sleeve at ties. You look like a real CEO. I love you. Napakagat labi ako nang mabasa ko yun. Hindi talaga sya naniniwalang CEO ako. Hahahaha. But I'm happy na kahit hindi nya alam ung estado ko sa buhay. Mahal nya ko at okay na ko dun. Ska ko na sasabihin. To: My Kimmy I love you too. So much! -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD