Chapter 25

3353 Words
Kim's POV Wala kaming ginawang lima kundi manuod ng movie. Inaaliw namin si Nicole lalo na pag tumutulala sya minsan habang hawak ung kwintas nya. Sobrang curious na ko dyan sa kwintas na yan. Walang nakakaalam samin kung sino ang nagbigay nyan. Isang beses na pinatanggal namin sa kanya yan dahil namumula ung leeg nya, ibinalik nya din agad dahil hindi daw sya komportable na wala yan. So ibig sabihin, importantemg tao ung magbigay sa kanya. "Im really curious who gave to you that necklace... It's seems you're very comfortable with that." Sabi ni Danica. Hahaha. Hindi na nya napigilang mag tanong. Ngumiti lang si Nicole at tinago ulit sa loob ng damit nya ung kwintas. Ayan pa! Ayaw nyang ipakita yan. "It's from someone who I want to meet someday." Sabi nya at ngumiti. Hindi namin na intindihan dahil binigay sa kanya pero gusto nya makita? Paano nabigay sa kanya kung hindi nya pa nakikita? Gulo?! "Di ko gets." Sabi ko at sumang ayon din ung apat. Si Nicole naman tumawa lang. "Hayaan nyo na." Sabi nya tapos tumingin kay Cams. "Buti, okay lang na mag overnight ka." Sabi nito kaya magtaka kami. "Alam mo, Nicole! Nabobobo na ko pag ikaw ang nagsasalita minsan. Kasi kailangan pang isipin..." Sabi ko at kumamot sa ulo. Nagtawanan naman sila. "Bakit ba? Tinatanong ko lang naman si Cams ah." Sabi nya at tingin pa kay Camille. "Ou naman. Hindi naman strict parents ko." Sabi nito at tumingin kay Nicole at para silang nag uusap sa mata nila. Bigla naman natawa si Nicole kaya napailing na lang kami pati si Camille na kausap nya sa mata. Hay!! Nabaliw na ata si Nicole. Kinatanghalian, si Tala at Cams ang nagluto, kaming tatlo nila Danica, nakaupo lang sa couch at tahimik. "Kumusta na si Kuya Daniel?" Tanong ko dahil sa totoo lang nakakamiss kaya si Kuya. Mas tumahimik naman si Nicole pero alam kong gusto nya din malaman. "He's good. Trying to love her wife." Sabi ni Danica sabay tingin kay Nicole. Ako naman tumango tango lang. "Do you still love my brother?" Tanong nito kay Nicole. Nakita naman namin na huminga ng malalim si Nicole. "Meron pa pero sooner or later mawawala din to. Bukod dun, ayoko munang mag isip ng iba. I just want to focus on other things." Sabi nya at humawak na naman sa kwintas nya. "Si Kuya ba nagbigay nyan sayo?" Tanong ulit ni Danica. "No." Sabi ni Nicole habang umiiling. "Galing sa nag iisang pamilya na meron ako." Dagdag nya pa. Tapos huminga ng malalim. Nagtinginan na lang kami ni Danica dahil hindi na naman namin nagets pero pamilya? Sinong pamilya? Hm... "Kain na!" Sigaw ni Cams kaya naman sabay sabay kaming tumayo at hindi na pinansin ung sinabi ni Nicole. Kumain kami habang nagkukwentuhan at nagtatanungan kung kumusta sa trabaho. Natapos kami at kami na ang naghugas. After nun, nagkanya kanya kami ng pahinga dahil nga siesta time naman. Habang katabi ko si Tala biglang nagring yung phone ko, mabuti na lang at natago ko agad. Tumayo muna ko at pumasok sa kwarto ko. Si Henry kasi tumatawag. [Hi, Sweetie. Kumusta ka?] Bungad nya sakin, kaya napangiti naman ako. "Okay lang. Namiss kita, Hens." Sabi ko dahil totoo naman. Parang gusto ko syang makita ngayon. [I miss you too, Kim. Kumusta kayo dyan sa bahay? Andyan na ba mga kaibigan mo?] Tanong nya. "Yep. Kanina pa. Nagkwentuhan at kumain na kami." Sabi ko. "Bakit parang ang ingay sa paligid mo?" Tanong ko dahil kanina ko pa napapansin ung mga bulungan ng kung sino. [Maingay talaga. Im with my friends.] Sabi nya. Umokay na lang ako at nakipagkwentuhan sa kanya. Namiss ko talaga sya. Pakiramdam ko matagal ko syang hindi nakita kahit kagabi lang naman kami huling nagkita. "Bye. See you on Thursday." Malungkot na paalam ko. May pasok na kasi bukas at Thursday pa ang off ko kaya naman Thursday pa kami mag dedate. Hehehe [Yeah. See you on Thursday. Bye. I love you.] Paalam nya din. "I love you too... " Paalam ko din at namatay na nga ang tawag. Bumaba ako at naabutan ko si Danica at Cams na isineset up ung karaoke dito sa bahay. Hahaha. Bumili kasi ako. Dahil gusto ko magkanta kanta kami dito once na may ganto kami. Eto na nga at gagamitin namin ulit. "Asan si Tala at Nicole?" Tanong ko sa kanila nung napansink kong wala ung dalawa. "Bumili ng pagakin at iba pa. Hahaha." Sabi ni Cams at nag-enter na nga ng kanta. Umpisa na ng kantahan. Hahaha ---------------- "Kinakabahan ako!" Sabi ko habang inaayos ung hard copies ng presentation ko. "Relax lang." Sabi ni Dylan ung kasama kong candidate din sa department ko. "Ou nga. Relax ka lang, Kim. Kahit naman anong pilit mo, ako naman ang makukuhang Team Leader." Sabi ni Olivia. Ou! Si Olivia. Naging magkadepartment kami dahil nilipat sya sa department namin. 2 weeks na ang lumipas at next next week nakaplano na ung pagpapakilala namin sa mga kaibigan namin. Pero ngayong araw ang moment of truth! Dahil ngayon ung presentation namin para sa pagiging team leader namin. Hindi ko kasama ung tatlo dahil may kanya kanya kaming mga ginagawa at waiting area. "In your dreams, Olivia." Sabi ko at huminga ng malalim. At kinalma ang sarili. Tinignan ko ung phone ko at may message dun ang mahal ko. From: Henry Goodluck, beautiful. I know you can do that. I love you. Napakagat labi ako nang mabasa ko ung message nya. Pakilig talaga si propesor! Hahaha. Di naman nagtagal, pinatawag na kami dun sa conference room kung saan ipepresent namin ung aming mga ginawang proposal para sa choosen branch ng department namin. Nakita ko dun sa department ng R&H si Nicole at ngumiti pa sakin. Nakita ko din sila Tala at Cams. Kaya nginitian ko lang silang tatlo. May sequence na kami kung sinong mauuna kaya tatawagin na lang kami. Nakakatuwa na pwede naming mapanuod ang mga magpepresent. Lahat kami tumayo ng dumating na ang gwapo naming boss na si Sir Miggy kasama ang kanyang gwapong assistant na si Sir Keith. Grabe! Ang gwapo talaga nila pero kahit naman nagagwapuhan ako sa kanila, si Henry lang naman ang laman ng puso ko. Hahaha. Gwapo lang talaga sila. Naglakad na sila papunta sa upuan nila at naupo doon habang inaantay ang unang magpepresent. "Okay! So Since Mr. Monticlaro is here. Let's start. So the first department na magpepresent is Restaurant, Miklé." Sabi ni Ms. Divine ang aming Marketing Head. Dahil sa sinabi nya, tumayo na ang unang magpepresent. Ibinigay nya lang ung mga hard copies nya at mabilis lang naconnect ung kanyang presentation. Nagpatuloy lang ang presentation hanggang napunta kay Olivia na madaming hindi nasagot sa mga tanong ng board. Magtatanong kasi sila paghindi nila naintindihan o may hindi sila nagets sa paliwanag mo. Halos mangiyak ngiyak si Olivia na bumalik sa pwesto nya. Yabang kasi! "Next." Sabi ni Ms. Divine kaya tumayo na ako at ibinigay ang mga hard copies ko tapos nagpunta sa harap para iconnect ung presentation ko at nag umpisa na ko. "Thank you Ms. Santos for answering all pur questions." Sabi ng isang board kaya naman nagbow lang ako at bumalik na sa pwesto ko. Nakita ko pa si Nicole na pinalakpakan ako ng mahina. Nagtuloy tuloy ang presentation at mukhang kinabahan ung dalawa kong kaibigan dahil may mga hindi sila nasagot but it's okay. Wala namang masama. Hanggang sa napunta na nga kay Nicole ang harapan. Maraming nag aabang sa kanya dahil isa sya sa namamayagpag na empleyado dito. "Ayan na si Nicole." Sabi nung nasa likod ko. Mukha naman syang hindi kinakabahan at nakakatawa kasi akala mo may kung ano ung kwintas nya at nakahawak sya dun habang inaayos ung power point nya. Fan talaga ako ni Nicole sa pagiging compose nya. Takte! At mag umpisa na nga syang magsalita. Lahat nakikinig, bukod sa sya ang pinakahuli. Magaling magsalita si Nicole at alam mong pinag aralan nya talaga ung mga sinasabi nya. At sa unang pagkakataon, simula kanina! Ngayon lang nagsalita si Sir Miggy. At kahit hindi pwede may mga pumalakpak dahil sa sagot nya. Hahahaha. Di naman nakaligtas saking mga mata ang pag ngiti ni Sir Miggy. Naku! Mukhang natypan pa ang kaibigan kong walang kasweetan sa katawan. "Thank you sa inyong lahat. We will post the result later, so abangan nyo na lang. For now, you can go back to your work." Sabi ni Ms. Divine kaya naman tumayo na kami. Sumabay na ko kila Tala para icomfort sila dahil malungkot ang mga bruha. "It's okay. May next time pa naman. Maybe today is not the right time." Sabi ni Nicole sa kanila. "Ou nga. Malay nyo next next year diba? Hayaan nyo na." Sabi ko. Alam ko naman hindi mapapagaan agad nun ung nararamdan nila pero kahit paano, diba? Hapon na nung inilabas ung result at..... Tada! I got my promotion!!!! Team Leader na ko! "Ay! Sabi ni Ms. Olivia, Team Leader na sya. Bakit wala sya dito?" Tanong nung isang babae kaya natawa ako. "Paano sya magiging Team Leader, ang daming tanong na hindi nya nasagot." Sabi ko kaya hinampas naman ako ni Nicole. "Ang bibig mo." Madiing sabi nya kaya napapeace sign ako. Si Nicole din nakapasa at take note! Nasa top na naman ang kaibigan kong putik! Pengeng katalinuhan! Hahahaha Madami lang nagcongrats samin at sinabing by next week na ang promotion dahil next week din papasok ung mga bago at ihahandle naming team. "Congrats sa inyong dalawa!" Sabi ni Cams at Tala "Salamat. Next time kayo naman ah!" Sabi ko. "Dahil dyan! Kain tayo sa labas." Sabi ni Tala. Napangiwi naman ako at kinalabit si Nicole. "Nics. Lusot mo ko. May lakad ako." Bulong ko sa kanya. Tumingin naman sya sakin. May date kami ni Henry... Mag celebrate. Mukha namang naintindihan ni Nicole kaya huminga sya ng malalim. "Next time na lang. May lakad kami ni Marky at Alas eh. May pupuntahan kami." Sabi nya at ngumiwi. "Oww! Baka isa na dyan ang jowa mo, Nicole ah." Sabi ni Tala. "Sige na. Next time na lang. Sa sunday na lang." Sabi ni Tala kaya naman tumango kami pero sumagot si Nicole. "Wala akong jowa." Sabi nya. Tinawanan lang namin sya at bumalik na ulit sa mga pwesto namin. Nag aayos na ako ngayon ng gamit ko para umuwi. Nag message lang si Henry na papunta na daw sya para sunduin ako kaya naman isinukbit ko na ung bag ko at naglakad na papunta sa mga kaibigan ko na andoon na sa labas at inaantay ako. Naglakad na kami papuntang elevator at pumasok na. Kasabay na naman namin sila Sir Miggy at Sir Keith. Pero may iba din kaming kasabay na binabati kami ni Nicole. Nagpasalamat lang naman kami. At ang bruhang Krystal! May pagkataklesa talaga minsan. "Kim, akala ko si Nicole ang may date sa mga boys nya. Bakit ikaw ang nakapustura?" Sabi nya kaya naman ung dalawang babae. Mahinang tumawa. "Natural to, Tala. Kaya wag lang desisyon dyan." Sabi ko at umirap. "Atska correction! Wala akong date, magkikita lang kami ni Kenny." Sabi nya kaya sabay sabay kaming napalingon. "Kenny?! Akala ko ba si Alas at Marky?" Tanong ni Tala parang natauhan naman si Nicole bigla. Putek! Mabibisto pa ata ako. "Alas at Marky ba sabi ko?" Tanong nya na ikinatango naman ni Tala. "Ah! Akala ko si Jacob ung sinabi ko kanina." Mahinang sabi nya kaya kinurot ko sya kasi ipapahamak nya ko. Dahil baka makahalata si Tala na wala naman pala syang lakad at magyakag! "Sino ba talaga?" Tanong ni Tala. "Baka sa susunod nyan si Sir Henry na ah! Hahaha." Habol nito kaya sabay kaming napatingin ni Nicole. Aba! Jowa ko ung binanggit nya! Gusto kong talakan to si Tala kaso nga lang naalala ko hindi pa pala nila alam. "Tarantado!" Mahinang mura ni Nicole na sapat para marinig naming apat, Kaya natawa si Cams. Nung tinignan ko si Nics, natawa na din ako dahil ngayon ko lang ata sya nakitang nahirapan magpigil ng bwisit nya. Hahaha. "Nagmura ka? Hahahaha." Sabi ni Cams na tumakip pa ng bibig dahil tawang tawa talaga sya. Tumawa din naman si Tala nung nakitang nahihirapang magpigil si Nicole. "Apaka kasi! Hahaha. Umakyat lahat ng dugo ko sa utak ko at parang gusto ko manapak ng kaibigang desisyon! Hahaha." Sabi nya kaya mas natawa kami dahil dun. Ramdam namin na nagpipigil sya ng inis nya. Hahaha. Hindi na namin napansin ung dalawang boss na kasabay namin pati ung iba. Hahaha. Sorry naman. Hanggang sa lumabas kami, nagtatawanan pa din kami. Bigla naman akong napatigil dahil wala na sa tabi ko si Cams. Laging nawawala un bigla. "Asan si Cams?" Tanong ko at nagpalinga linga. "Nagpaalam na. Hindi nyo narinig." Sabi ni Nicole pero talaga? Hahaha. Hindi ko alam. Hinayaan na lang namin dahil lagi namang ganun un. Bigla na lang mawawala. Tinutukso pa din ni Tala si Nicole hanggang makalabas kami at nakita ko na ung kotse ni Henry, kaya kinalabit ko lang si Nicole at sinenyasan. Tumango naman sya kaya dahan dahan akong sumibat nang hindi nahahalata ni Tala. Hahaha. Mukha akong magnanakaw! Next time hindi ko na gagawin to! Mabilis akong pumasok sa kotse ni Henry nang makalapit ako. Nakatingin lang sya sakin na parang naamaze or sarcastic. Paniguradong nakita nya ung team up namin ni Nicole at kung paano ako tumakas kay Krystal. "Magdrive na, Hens." Sabi ko sa kanya dahil mukhang wala pa syang balak mag drive tapos nakita ko si Tala na palinga linga. "Henry!" Singhal ko sa kanya kaya naman natawa sya at umiling tapos nagdrive. Tahimik lang kami sa byahe at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Dahil hindi naman sya nagsasalita. "San tayo punta?" Hindi ko na napigilang tanong. Tumingin lang sya sakin tapos bumalik na ulit ung tingin sa daan. "Somewhere na malayo sa makakakita satin. Ung malaya kitang mahahawakan sa kamay at mayayakap." Sabi nya kaya napabuntong hininga naman ako. Eto na naman po kami. 2 weeks na lang naman... "Henry naman... 2 weeks na lang naman eh." Sabi ko. Nagulat ako nang ihinto nya ung kotse sa gilid. Tumingin ako sa paligid at nakita kong wala gaano dumadaan. Agad ko naman syang tinignan at nakatingin din pala sya sakin na nakataas ang kilay. "Natatakot ka sakin? May ginawa na ba kong iba sayo bukod sa halik?" Sabi nya. "Don't worry. Wala akong gagawin sayo. Kung ung ex mo dati may ginawa sayo. Ibahin mo ko. Mahal kita at kahit kelan hindi ako nagtake advantage sayo, Kimberly." Dagdag nya pa at lumabas. Napatulala naman ako dahil dun. Nakwento ko na kasi sa kanya ung about samin ni Shaun. Ung ginawa sakin ng walang hiyang hayop na yun. Nung araw na nakwento ko sa kanya un, halos gusto nyang sumugod pero sabi ko hindi naman namin alam kung asan si Shaun at bukod dun. Tapos na yun at masaya na ko sa kanya pero syempre, andun pa din ung trauma sakin at natatakot akong iwan ulit pag hindi ko binigay dahil naalala ko, niloko ako dahil nga hindi ko naibigay ang iniingatan ko. Mali ko naman un dahil may part sakin na nakokompara ko si Henry kay Shaun at minsan natatakot ako pag may mga gantong pagkakataon. Mali ko talaga na may doubt pa din ako. Tinignan ko lang si Henry na nakaupo sa hood ng kotse nya at nakatanaw sa madilim na kawalan. Hindi ko alam kung lalabas ba ko o ano? Dahil alam kong galit sya. Pero dahil si Kim ako at mahal ko tong lalaking to, lumabas ako. Sinadya kong ibagsak ung pinto ng kotse para marinig nyang lumabas ako. Nagwagi naman ako dahil bahagya syang lumingon sa gawi ko. "Pumasok ka na. Malamok dito." Rinig kong sabi nya pero naglakad pa din ako palapit sa kanya. "Malamok pala, bakit andito ka?" Tanong ko at balak sanang umupo din sa hood ng kotse nya pero bigo ako dahil maliit ako at nakapalda, hindi ko nagawa. "Waaah!" Tili ko nang bigla nya kong hawakan sa bewang at iangat paupo sa hood ng kotse. "Close your leg. Nakaskirt ka." Sabi nya nang maupo na nya ko ng maayos. Seryoso ung boses nya kaya naman sinunod ko. "Hens." Tawag ko sa kanya dahil kanina pa kami tahimik dito. Walang nagsasalita at nakatanaw lang. "Hm?" Sagot nya lang kaya tinignan ko sya dahil nainis ako sa sagot nya sakin. "Anong hm?" Inis na tanong ko sa kanya. Napatingin din naman sya sakin at mahinang tumawa. "Huh. Alam ko ako ang nagtatampo dito. Bakit nabaliktad ata?" Sabi nya sakin. Ay ou nga pala pero kasi nabwisit ako eh! "Kasi naman... Sasagot. Hm... Anong sagot yun?!" Inis pa din na sabi ko. "Nagtatampo nga kasi ako kaya ganun. Ikaw nga pag nagagalit. Ano?! Ganun eh. Sigaw pa yun." Sabi nya at ngumuso. Hindi ko naman napigilang tumawa dahil sa sinabi nya, may pamake face pa yun, nahampas ko pa sya. "Ayan! May hampas pang kasama." Dagdag nya kaya mas natawa ako at nakita kong bahagya syang ngumiti dahil dun. Kinalma ko muna ung sarili ko bago magsalita. "Sorry na." Sabi ko at tumingin ulit sa kanya. "Ou na. Wala naman akong magagawa dun, nakakainip lang. Tignan mo ung ginawa mo kanina. Akala mo may malaki kang kasalanan at nagtatago ka dahil huhulihin ka ng pulis. Wala ka naman ginagawang masama. In love lang naman tayo sa isa't isa, may relasyon lang naman tayo. You are my girl and beside! Legal tayo sa family mo. Even to your dad. Gwapo din naman ako kaya hindi katago tago pero tinatago mo ko." Sabi nya at ngumuso. "Sorry na, Hens. Sasabihin na din natin sa kanila. Hindi naman kita kinakahiya." Sabi ko at nag iisip ng tamang word para dun sa naiisip ko pero nagsalita na sya. "Iniisip mo ung sasabihin ng mga tao sa paligid dahil dati mo kong professor tapos ngayon boyfriend mo na. Ayun ba?" Tanong nya sakin kaya dahan dahan naman akong tumango. Nakarinig ako ng buntong hininga sa kanya at naramdaman ko na lang na niyakap nya ko galing sa likod at ipinatong sa balikat ko ung baba nya. "I don't care what others will say as long as you love me. Ano naman kung naging tayo? Graduate ka na. Wala na din ako sa pagtuturo, so wala ng mali dun, Sweetie. Sana ikaw din ganun ang maisip. Mahal kita kahit ano pang sabihin ng iba." Sabi nya at naramdaman kong dumampi ung labi nya sa balikat ko. Napangiti namam ako dahil sa sinabi nya. Isa siguro to sa minahal ko kay Henry. Napakavocal din nya sa nararamdaman nya. Simula nung grumaduate ako at nagkaroon kami ng relasyon. Lagi nyang sinasabi na mahal nya ko at mamahalin nya ko. "Thank you. Sorry na talaga. Mahal din kita." Sabi ko at sumanding sa kanya. "Alam ko. But you're still doubting me, right?" Tanong nya pero hindi ako sumagot. "I won't hurt you. At hindi ko gagawin ung ginawa ng ex mo sayo. Hindi kita dadalhin sa hotel. Dadalhin kita sa simbahan at papakasalan tapos ska kita ibabahay, ganun ang deserve mo. Hindi ka panghotel, Kim. Pang bahay ka, pang bahay ka natin." Seryosong sabi nya kaya naman umalis ako sa pagkakayakap sa kanya. "Papakasalan mo ko?" Tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nya sabay irap. Siraulo talaga to! "Malamang! Alangan namang ibahay lang kita. Syempre kasal muna bago bahay. Hindi ako nanligaw sayo para maging girlfriend ka lang forever. Niligawan kita para maging girlfriend, asawa at maging ina ng mga anak natin." Sabi nya, kaya napangiti ako bigla. Bakit ang sweet nitong lalaking to?! "Bakit napakavocal mo, Hens?" Sabi ko habang nakangiti. "Because i love you... And untold feelings lead to misunderstanding. So mas okay ng vocal kesa magtago." Sabi nya at ngumiti. "I love you na talaga, Sir Henry! Hahaha. Pakasal na tayo." Sabi ko pero pinitik nya lang ung noo ko. Ang sakit ah! Hahaha "Sabihin muna natin ung about sa relasyon natin, bago tayo magpakasal. Okay? Mahal na mahal kita, Kim." Sabi nya at hinapit ako palapit sa kanya at masuyong hinalikan. --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD