Chapter 20

3844 Words
Henry's POV "Nicole. Go to my office now. Sumunod ka sakin." Tawag ko sa pinakapaborito kong estudyante na nagloko nung nakaraan pero mukhang okay na sya ngayon. Mukhang nakatulong ung pagkakakausap ko kay Kim kahapon. At dahil nakausap ko si Kim, sa sobrang saya ko at lasing ko kahapon dahil magkakasama kami nila Harold. Tinawagan ko si Nicole to make sure na nakausap nya si Kim, ayun nga lang. May nasabi akong hindi dapat. Pagdating ng office agad kong hinarap si Nicole na nakangisi ng nakakaloko! Tsk! Dapat kanina pa tong umaga eh. Kaso hindi ko sya naabutan. "You seems okay now, Nicole." Sabi ko dahil nakangiti sya. "Yes, Sir! Kinausap po kasi ako ni Baby Kimmy." Nakangising sabi nya at tumaas baba pa ang kilay. Oh crap! What I have done?! "About that. Wag mong sasabihin sa kahit na sino ung narinig mo. Or pwedeng kalimutan mo na lang." Sabi ko pero nakangiting umiling sya. "Hindi pwede, Sir! Kaibigan ko ung involve eh. Hahaha. Don't worry, Sir. Wala naman po akong pagsasabihan. Lalo na kay Baby Kimmy." Sabi nya at zinipper pa ung bibig nya. "Dapat lang. Dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya pag nalaman nya." Sabi ko at tumingin sa taas dahil bigla akong nafrustrate. Dahil nalaman ni Nicole na kaibigan ni Kim. Months have passed and I admit. I keep on falling in love to Kimberly! Hindi ko itatanggi un dahil totoong napaibig ako ni Kim nang hindi nya alam. Akala nya biro lang sakin lahat ng mga sinasabi nya. Hindi. Lahat un totoo. Im just waiting for the right time to confess dahil ayokong mailang sya sakin. "Hahaha. Sir! Mahal nyo na si Kim? Ayiie! Hahahaha. Mahal na din ata kayo ng babaeng yun." Sabi ni Nicole kaya tinignan ko lang sya ng masama. I treat Nicole as younger sister and friend. Since i don't have one. At sya nga ang pinaka close ko sa kanilang lahat. Kaya okay lang nabiruin nya ko ng ganto at magtanong sya sakin because of that, pero minsan ang sarap nyang pitikin sa tenga. Dahil, lumalabas ung pagiging makulit nya at mapang asar. Hindi naman ako naooffend dahil pag nasa klase din kami, nirerespeto nya ko as prof pero pag ganto. Okay lang sakin. "Wag mo kong bigyan ng hope, Nicole." Sabi ko kaya napatakip naman sya ng bibig. "Ibig sabihin, trulabels na may gusto ka kay Kim, Sir Henry?" Tanong ulit nya at this time seryoso na syang nagtatanong. "I admit, Nicole. Just don't tell her! Okay. Ibabagsak kita." Sabi ko sa kanya. "Grabe! May bagsakang nagaganap na naman. Opo, hindi na. In love ka lang kay Kim, Sir eh." Sabi nya. Pinitik ko lang sya sa noo at pinaalis na. "Bumalik ka na sa klase mo. Keep your mouth shut, Denzie Nicole." Sabi ko. Natatawa lang naman syang tumango at ngumiti ng malapad. Pag alis nya parang mas nastress ako dahil kinakabahan ako. Baka madulas si Nicole. Pero hindi naman dahil hindi naman ganun ang ugali nun. Lumipas ang linggo, natapos ang mga recitation, midterms at finals, nakakagulat na si Nicole na muntikan magkados ay biglang umangat na naman. Mukhang naging maganda ung pag uusap nila ni Kim. Napapansin kong din hindi nga ako inaasar ni Nicole pero lagi naman nyang tinatawag si Kim na Baby Kimmy. Kahit naiirita na si Kim, sige pa din sya sa pagtawag hanggang sa nagsawa na lang si Kim at hinayaan sya. Grabe! Maling mali na tumawag ako sa kanya habang lasing ako. Hay! Naglalakad ako papunta sa klase ko dahil iaannounce ko ung mag oOJT sa ME, nang makasalubong ko si Camille at may kausap sa phone. Tss! Eto pala ung sinasabi nilang kinababaliwan ni Keith. Nakilala ko na sya nung pasko dahil pinakilala sya samin ni Keith. Malaki talaga ang gulat ko nung nalaman kong sya un. Hahaha. Pero kilala ko na sya dahil estudyante ko sya. "Tss! Hindi ka nilulubayan ni JK ah!" Asar ko sa kanya. Natawa lang sya tapos sinenyasan kong ako kakausap. Kaya ibinigay nya sakin. "Paawat ka! May pasok si Camille." Sabi ko kaya nakarinig ako ng mura galing kay Keith. [F*ck you! Bakit na sayo phone nya?!] Inis na sabi nya pero tinawanan ko lang. "Init ulo. Nakita ko lang sya. Bye. I love you! Hahaha." Sabi ko at inabot ulit ung phone kay Camille habang natawa din sya. Nagpaalam lang ako sa kanya at pinapatuloy ang paglalakad. Pagdating ko ng room ng Block D, nagkakagulo sila. "Bakit kayo nagkakagulo? Anong meron?" Tanong ko kaya naman napunta ung atensyon nila sakin. "Sir! Nag uusap lang kami about sa OJT." Sabi naman ni Kim na nakanguso. Wag kang ngumuso. Halikan kita dyan ih. Hahaha. Ang ganda ng lips nya. Kissable! Hahahaha. Hay! Wait! Trabaho, Henry! Haharot ka na naman ih. Hahaha "Oh. Eto na, nasakin na. Wag na kayo mag away away. Hahaha." Sabi ko kaya naman umayos na sila ng upo at tumahimik. Inannounce ko lang ung names na pinili ng ME. At alam kong andito si Nicole dahil napapansin kong malakas ang tama ni Miggy dito. Kaya gusto nyang mabantayan. Hahaha. Hindi ko lang sya pinapalapit dahil nga parang ang fragile ni Nicole. Ayokong masaktan sya. Hindi dahil gusto ko sya o nahahati ung puso ko sa kanila ni Kim, dahil kay Kim lang ako tinamaan. Pero kasi kapatid na talaga ang turing ko kay Nicole. Kapatid na ayokong masaktan. Lahat naman sila parang kapatid ko na. Si Kim naman kasi hindi ko sya tinuring na kapatid, dahil nakuha nya agad ung atensyon ko sa mga pasaling nya. "Ferrer, Santos, de Guzman, Ramos." Huling banggit ko ng mga surname nila Kim. "Kasama kayo sa mag On the Job Training sa Monticlaro." Sabi ko sa kanila. Pag angat ng tingin ko sa kanilang tatlo, mukha naman silang nalugi. "Sir. Pwede po bang ipasa sa iba ung slot namin. Kasi po, nakapag sabi na po kami sa VilCorp. na dun po kami mag oojt." Sabi ni Nicole. "Ah. Ganun ba? Sige. Pumunta na lang kayo mamaya sa admissions para malaman nila." Sabi ko na lang dahil wala rin akong masabi. Sayang naman at hindi sila sa ME. Gusto pa naman ni Miggy na makita si Nicole. Hahahaha. Well! Parang mas gusto naman din ni Nicole na dun sa family ng ex nya. Hahaha Ilang months ang lumipas at pasukan na ulit. Wala pang klase ngayon ung mga alaga ko dahil may kailangan pa silang ayusin na papers dun sa OJT nila nung nakaraang bwan pero ako meron dahil may kailangang ayusin. Habang naglalakad ako papuntang office ko dahil galing ako ng meeting, nakita ko si Nicole na naglalakad papunta admission ata. "Nics!" Tawag ko sa kanya. Agad naman syang huminto at ngumiti sakin. "Hi Sir Henry!" Nakangiting bati nya. Good mood ah. "Hi. San ka pupunta?" Tanong ko sa kanya at sabay na kaming lumakad. "Ahm. Sa Admission po, pinapunta po ako dito eh." Sabi nya kaya tumango ako. "Para san daw?" Tanong ko ulit. "May ginawa kang kalokohan nuh?" Biro ko sa kanya. "Hala! Wala, Sir ah! Sabi po, para daw sa scholarship ko. Kinakabahan nga ako, Sir! Baka matanggal ako." Sabi nya. Mahina akong tumawa. Hindi sya matatanggalan ng scholarship, ibabalik nga yung allowance nya eh. Simula nung araw na nakwento ko kila Miggy ung about sa scholarship ni Nicole na nawala ung allowance nya. Ang Miggy, malakas talaga ang tama kay Nicole kaya nung nalipat sa kanya ung mga shares at kompanya nila, agad nyang pinalitan ung rules about dun sa scholarship. Kaya ayan at ibabalik kay Nicole ung allowance nya. Nagkaroon kami ng meeting noon about dun. At sya ung nagexplain ng bagong rules. Na hindi na babase sa isang subject, bagkus sa GPA na. Dahil nakakapanghinayang nga naman na, katulad nang kay Nicole, hindi naman halos naapektuhan ung GPA nya at ranking nya pero dahil dun sa isang subject, nawala ung allowance nya. Mabuti na lang talaga nainlove si Miggy sa isang scholar. May nagawang mabuti. Hahahahaha ------------------- Kim's POV Masama ang loob ko ngayon dahil hindi ako nakasakay sa kotse ng bebe ko. Kasi namali ako ng hatak. Huhuhu. "Wag ka na magtampo. Pagdating naman natin sa ME, makikita mo din naman si Sir Henry agad. Hahaha." Sabi ni Tala kaya napatango ako sa kanya. Di naman nagtagal, nakarating kami ng ME. May Company Visit kasi kami ngayon at 3 weeks na lang graduation na. Kaya naman sobrang saya namin dahil! Hahaha. Cumlaude lang naman ako. Kami pala! Maliban kay Nicole. Hehehe. Mas mataas kasi sya samin. Hehehe "Si Nicole talaga may kasalanan kaya nakarinig na naman kayo ng kung ano!" Sabi ng mahal ko pagbaba nila ng kotse nya. Hahaha. Mahal ko talaga?! Hahaha Pero pwera biro. Sa tinagal tagal ko ng nakakasama si Sir. I mean, ung nakikita at nakakausap. Aminado naman na kong may gusto ako sa kanya. Nahulog na nga eh... Pwede ko nang sabihin na in love na ko kay Sir. 2nd year pa lang ako, alam ko naman nang meron, in denial lang ang peg ko. Hehehe. Syempre kailangan ko munang pigilan dahil sa nag aaral ako at professor ko sya. Kaya nga sabi ko hindi pwedeng ako lang dapat pati si Sir. "Hindi. Si Baby Kimmy talaga yun kasi iniwan nya ko." Sabi naman nitong isa nang makalapit sya sakin. Medyo bwisit pa ko sa Baby Kimmy thing na yan! Hindi naman kasi ganyan si Nicole. Pero wala na kong magawa dahil lagi nya kong tinatawag ng ganun. "Sorry na. Inggit naman ako eh." Sabi ko at umangkla sa braso nya. Natawa lang ung iba samin ska kami naglakad papasok. Ang ganda at ang laki! "Dito tayo magtrabaho paggraduate natin." Sabi ni Tala. Tumango naman kaming sabay ni Nicole. Inikot kami sa bawat department at kung saan saan pa. Bago kami pumunta ng Big Room. May hindi magandang balita ang nakarating kay Nicole. Alam kong kahit hindi nya sabihin at nakangiti sya. Nasasaktan sya. Gusto ko man syang samahan, tumanggi sya. Tumalikod na sya samin pero ako nakatingin pa din sa likod nya. Nag aalala ako. Baka kung anong gawin ni Tita Jazz sa kanya. Alam kong sobrang galit ung bruha na un kay Nicole kaya hindi imposible ung naiisip ko. "Let's go. Tawagan nyo na lang sya after ng orientation." Sabi ni Sir Henry habang nakahawak sa kamay ko. Agad naman akong napatingin dun. Gusto kong kiligin pero mas nangingibabaw sakin ung pag aalala kay Nicole. Tumango na lang ako, kaya naman binitawan na nya yun. Nauna na syang maglakad kaya sumunod na lang kami ni Tala. Pagpasok namin sa Big Room. Andun na ung mga board at may ari ng ME. Naupo na lang kami sa tabi ni Sir Henry para hindi na kami makipagsiksikan dun sa Block D. "Tumawag na ba sayo si Nicole?" Tanong sakin ni Tala after ng orientation. "Hindi pa nga eh. Hindi rin sinasagot ung phone nya. Kinakabahan ako." Sabi ko "Tumawag na ba si Nicole sa inyo?" Tanong ni Sir Henry. Mukha namang naintindihan nya ung itsura namin kaya napabuga sya ng hangin. "San kaya dinala ung mother nya? Puntahan sana natin. Para hindi kayo nag aalala." Dagdag nya pa. "Hindi po namin alam, Sir eh. Wala syang nabanggit." Sabi ko, napakagat na ko sa labi ko dahil nag aalala na ko. "Baka kung ano nang ginawa ni Tita Jazz dun. Tsk!" Bulong ko. "Relax lang. Sakin na kayo sumabay. Wait lang." Sabi ni Sir tapos umalis. Pero bago sya umalis may babaeng lumapit sa kanya. "Sir Hens. Una na po ako. Andun na si JK sa baba." Nakangiting sabi nito. "Ow. Sige. Ako na bahala. Ako na magsabi sa adviser mo. Si JK talaga oh. Hahaha. Ingat kayo." Nakangiting sabi nya. Umalis na din sya pag alis nung babae. Niyaya kami ni Sir na umalis na nung nakabalik sya. "Tara na. Hatid ko na kayo. Sinabi ko na kay Sandra na sakin na kayo sasabay. Sila Calli na ung papalit sa inyo." Sabi nya kaya naman napatango na lang kami ni Tala. Pinagbuksan lang kami ni Sir Henry ng pinto ng kotse nya. Nakakahiya na pareho kami uupo sa likod kaya naman nung binuksan ni Sir Henry ung harap natinginan kami ni Tala. At ang hayop! Tinulak ako, kaya ako na ang sumakay sa harap. Natatawa pa ng unti si Sir samin. "Relax. Wala naman akong gagawin sa inyo. Hahaha. Mukha lang kayong stress dalawa kaya ihahatid ko na kayo sa inyo. Baka kung saan pa kayo mapunta." Sabi nya nang makapasok na sya sa kotse nya para mag drive. "Sorry, Sir. Nag aalala lang talaga kami kay Nicole." Sabi ni Tala sabay yuko. Ako naman kasi tinatawagan pa din si Nicole. "It's okay. Naiintindihan ko naman. Nag aalala din ako sa batang un." Sabi nya tapos magdrive na. "Hindi pa ba sya nasagot?" Tanong nya sakin. "Hindi pa po." Sabi ko naman. Bigla syang huminto tapos dumungaw sa pwesto ko. Napatulala ako sa sobrang gulat. Ay Sir! Hinay hinay naman po oh?! Nag aalala ako sa kaibigan ko, pero kinikilig na ko. "Hindi ka na kaseatbelt. Baka bigla kang tumalsik." Sabi nya at sya na mismo ung nagkabit. "Kung sayo naman ako tatalsik, Sir. Okay lang." Sabi ko pero bulong lang. Nakarinig naman ako ng tawa galing sa kanya kaya nahiya ako bigla kasi ibig sabihin narinig nya. Harujusko po! Kimberly! Mamaya na tayo maglandi! Ung best friend mo may problema. Umayos na si Sir ng upo after nyang ikabit ung seatbelt ko. Tapos nagdrive. Una nyang hinatid si Tala dahil si Tala talaga ang pinakamalapit sa way namin. "San ka banda, Kimberly?" Tanong sakin ni Sir at parang kinilig ako sa pagkakatawag nya ng pangalan ko. Bakit parang ang ganda ko?! Hahaha. "Deretso nyo lang po dyan." Sabi ko kaya naman ginawa ni Sir yun. "Dyan sa puso nyo. Hahaha. Joke lang, Sir! Hahaha. Pinapagaan ko lang po ung kalooban ko dahil hindi pa din nagrereply si Nicole." Bawi ko dahil yun talaga ung ginagawa ko. Nakarinig lang naman ako ng tawa kay Sir at hindi nagsalita. "Pagpatuloy mo lang yan para naman gumaan ung loob mo." Sabi nya habang nakangiti. "Dito ba?" Tanong nya at huminto sa malapit sa bahay. Tinignan ko lang naman sya. Tapos naramdaman nya ata un kaya lumingon din sakin at ngumiti. "Bakit?" Tanong nya pero hindi ako nagsalita. Ang gwapo talaga ni Sir. Ung porma nya lakas makabinata. Polo shirt, na nakatuck in sa pants nya, sneakers, neat hairstyle. Matured na matured! "Bakit ang gwapo mo, Sir?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya. Nakita ko naman na ngumiti sya. Ska lang nagsink in sakin un tanong ko. "G*go!" Sabi ko sabay iwas ng tingin napapikit pa ko ng todo. Sa sobrang hiya ko binuksan ko ung pinto pero hindi ko pa natatanggal ung seatbelt ko. Bakit laging panira ang mga seatbelt?! Gusto ko nang umexit eh! Napatingin ako ulit kay Sir nang makarinig ako ng click at unti unting lumuwag ung seatbelt ko. "Wala namang masama sa tanong mo. Wag kang magmadali. Makakauwi ka din naman." Sabi nya pero bakit parang double meaning sakin un. Hahaha. Assuming ka! "Hehehe. Uwi na ko, Sir. Ingat po kayo kasi jojowain ko pa kayo pag graduate ko. Chares! Pero pwede ding totoo. Salamat po." Sabi ko at dali dali nang bumaba at patakbong umuwi ng bahay! "Waaaaaaaaaah! Nakakahiya ka, Kimberly!!!" Sigaw ko nang makapasok ako sa bahay namin. Huminga ako ng malalim at nawala bigla ung nararamdaman ko nang magvibrate ung phone ko. Nakita ko ung pangalan ni Nicole. From: Nicole Im fine. No need to worry. Ayun lang ung sabi nya. Pero hindi pa din nawala ung pag aalala ko. To: Nicole Tawag ka lang ha. If you need anything. Sabi ko ska sinend. Umakyat na ko ng kwarto ko at humiga agad at nagpagulong gulong. Nahihiya talaga ako kay Sir Henry sa mga pinagsasabi ko. Grabe talaga! Pero come to think of it! Pwede ko naman nang landiin talaga si Sir, dahil unting panahon na lang. Hindi ko na sya professor. Kaso kasi naman nakakahiya minsan. Hahahaha Napaigtad ako nang biglang mag vibrate ung phone ko. Pagtingin ko si Danica. Naging tahimik to nung nakaraan dahil sa nangyari kay Kuya Daniel, kinasal na pala to sa Canada. Nung araw na sinabi nya samin, dun din namin nalaman na naging si Kuya Daniel pala at Nicole. Dahil nung sinabi ni Danica un hindi napigilan ni Nicole na hindi umiyak at mag labas ng sama ng loob. May problema sya kay Tita Ja nun kaya alam namin na nagkanda patong patong na. Pero kinabukasan sa sobrang galing nyang magtago, parang wala na lang nangyari. Pero alam namin na sobrang sakit sa kanya. Binasa ko lang ung message ni Danica at sinabi dun na pumunta kami bukas sa hospital ng umaga. Umokay na lang ako dahil un din ang balak ko. ----------------- 3 weeks na ang nakalipas nung naoperahan si Tita Ja at andito kami ngayon sa Auditorium dahil ngayon ang graduation namin. Kasama ni Tita sila Mama at ung parents nung dalawa pa namin kaibigan. Kami nila Nicole nakaupo sa designated seats namin kasama ang Block D. "Congratulations, Block D!" Napatingin kaming lahat kay Sir Henry nang batiin nya kami. Wow! Hulog na hulog na ko kay Sir! Nakasuot sya ng button down polo at may suit lang na nakapatong dun tapos nakatrouser pants na katerno nung polo nya. Simple lang pero ang gwapo nya tignan. Umiwas agad ako ng tingin nang magtama ung mata namin. Kasi naman! Bigla akong nahiya sa kagwapuhan ni Sir Henry. Though kanina gandang ganda ako sa sarili ko ngayon parang hindi na. Hahaha. Nakasuot kasi ako ng off shoulder dress na cream ang color then kinulot ko ung buhok ko sa ibaba para kahit magsuot ako ng hat kita pa din ung style. I also wear a stilleto. After ng batian nila. Nila lang kasi umiwas nga ako. Umalis na din si Sir. Kami naman pinatayo na dahil magkakaroon pa pala ng Graduate's March. So lumabas na kami at pumila kung saan ung designated namin. "Ferrer? Denzie Nicole Ferrer?" Tawag nang kung sino kaya naman napataas kami lahat ng kamay at tinuro si Nicole. Agad naman lumapit ung production na nag assist samin. "Ms. Ganda. Dun tayo sa unahan dahil Magna cumlaude ka, ganda. Dun ang martya mo." Sabi nito kay Nicole at hinila. Di namam nagtagal, pinagmartya na kami papasok ng Auditorium. Pagpasok namin. Nakita ko si Nicole na nakatayo kasama ng mga flying colors na mga student. Nangingibabaw ang kagandahan ng kaibigan ko. Nakawhite off shoulder dress sya tapos nakaflatshoes. Nakalugay ang mahaba at itim na itim na buhok. May light make up. Kumikinang din ang earrings at kwintas? May kwintas sya? "Kelan pa nagkwintas si Nicole?" Tanong bigla ni Tala sakin.. nagkibit balikat lang ako. Nag umpisa na ang ceremony. At muling kumanta si Nicole para sa National Anthem. After nun bumalik na sya sa pwesto nya katabi kami. Nagtuloy tuloy ang ceremony hanggang sa isa isang tinawag ang mga pangalan namin, award at speech ni Nicole. "This is just the beginning of a real life. No more petiks, more deadlines and less of sleeps. But this new journey of us will help us to keep on moving forward in our life. To have a better version of us. Thank you to all the Professors who guide us in our college life. Of course to our Block Adviser, who treat as like his siblings, who join us in non school activities, who help us in everything we need. Sinusoportahan kami kahit na mukha na syang immature sa paningin ng iba. Sir Henry Villas. Thank you for being part of our college life. Madami kaming natutunan hindi lang sa loob ng klase mo kundi pati sa labas. You showed us how to be a good person, even you have a successful profession. Block D will always be at your side, Sir. Katulad ng lagi mong ginagawa samin." Sabi ni Nicole at tumuro pa kay Sir Henry na nakangiti lang sa kanya. "Thank you sa mga kaibigan kong hindi ako iniwan, hindi ako pinabayaan. Isa kayo sa mga naging dahilan kung bakit ako andito ngayon sa harapan na to. And of course, thank you to my mother. Thank you sa suporta at walang sawang pag aalaga sakin. Eto na po! Graduate na ko. Ako naman po." Sabi nya at hindi na napigilan ung luha nya pero huminga sya ng malalim at pinigilang umiyak. "Again! Congratulations and Let's see each other in the future!" Sabi nya at nagbow saming lahat. Kinamayan sya ng mga guest at ni Dean. Sad lang kasi wala ang mga Monticlaro. Dahil may naging emergency daw sa ibang bansa. Kaya spokesperson lang ung andito. Bumalik lang sa tabi namin si Nicole habang pinagtitinginan sya ng mga tao. Normal lang syang maglalakad. "Welcome! I love you!" Sabi ko sa kanya nang tuluyan syang makaupo. "I love you too." Sabi nya at sumandal sakin. Matapos ang ceremony kaya naman nagkanya kanya kami. Napakilala ko na si Krystal kila Mama at Adriene. Binati na din naman ni Mama si Nicole at kinongrats. "Block D! Picture tayo!" Sigaw nang kung sino kaya nagpaalam kami kay Mama. Ganun din ung dalawa. Nang makumpleto na kanya kanya na kami ng pose. Napaigtad naman ako nang may biglang humawak ng kamay ko pag tingin ko sa gilid ko. Si Sir Henry! Hindi normal na hawak! Hawak magjowa eh! OMGash! "Tingin sa harap, Kimberly." Bulong nya kaya tumingin ako. At hindi ko alam kung anong itsura ko. Basta alam ko namumula ako. Hahahaha Nung natapos ung picture taking na yun syang tanggal din ni Sir sa kamay nya sa kamay ko. Mukha pa kong tanga dahil nakatingin ako sa kamay ko na hinawakan ni Sir. Tapos tumingin sa harap ko dahil narinig ko ung tawa ni Sir! "You're so cute. Hahaha." Sabi nya tapos ginulo ung buhok ko. "And beautiful at the same time." Sabi nya tapos pumunta sa mga kablockmate ko! Syeteng palaka! Kinikilig ako!!! Saluhin nyo ko... Please!!!! Hahahahaha "Ihhh..." Mahinang tili ko habang hindi pa din inaalis ung tingin ko sa kamay ko. "Hoy! Anong nangyari sayo? Picture tayong apat!" Basag ni Nicole sa kasiyahan ko. Ngumiti na lang ako at hinanap ng mata ko si Sir, hindi ako nabigo dahil nakatingin din sya sakin at nakangiti. Pafall ka, Sir ah! Hahahaha. Akala mo hindi pa ko nafall sayo! Hahahaha Kinalma ko muna ung sarili ko dahil masaya talaga ung puso ko! Hahaha. Kasi naman! Nagpicture na lang kaming apat. Nakakatuwa dahil lahat kami, with flying colors. Mataas lang talaga si Nicole. Hahaha. Matapos ang pictures namin at papunta na kami sa parents namin, nang harangin kami ni Sir Henry ulit. Pigil akong ngumiti dahil naalala ko na naman ung kamay ko. "Congratulations, Girls. Here!" Sabi nya at nag abot ng box. Saming tatlo. Tinignan namin ung Block D, meron din sila. Binuksan namin un at napangiti kami dahil mug sya na glass at may mga pangalan namin. "Congratulations ulit. Magkikita pa tayong tatlo. Sigurado ako." Sabi nya at kumindat sakin. -----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD