Kim's POV
2 weeks had passed at mas nanlamig si Shaun sakin. Minsan ko syang kinausap about kay Francine at sinabi nyang kaibigan nya lang daw talaga si Francine. Naniwala ako pero, lakas makag*go! Dahil lagi ko silang nakikita ni Francine na madalas magkasama. Everytime na itatanong ko kung asan sya, sasabihin nya may meeting sila but little did he know, nakatingin ako sa kanila ni Francine na maglalandian.
He cheated on me! Ang sakit! Pakiramdam ko. Wala akong kwentang babae at parang ang panget panget ko dahil ipinagpalit nya ko sa panget na katulad ni Francine. Mas maganda ako, mas sexy pero bakit ako pinagpalit dun?! Dahil ba hindi ako pumayag na makipags*x sa kanya?! Hayop!
Habang maglalakad ako papunta sa tambayan nila para kumprontahin sya. Iniisip ko na ung sasabihin ko sa kanya. Kung sasampalin ko ba sya o hindi. Malapit na ko dun at agad kong nakita kung paano sya makipaghalikan dun sa babaeng yun!
Dahan dahan akong lumapit sa kanila at pumalakpak! Agad naman silang naghiwalay nung babae.
"Ayos! Im waiting for your message and calls tapos makikita kong nakikipaglampungan ka dito? Magaling!" Dahang dahang sabi ko pero madiin habang nakatingin sa kanila.
"Kim! Sorry. Ahm... She's the first one who kissed me." Sabi nya. Napasmirk naman ako. Hayop! Gawin pa kong tanga!
Lumapit ako sa kanilang dalawa at walang pasabing sinampal silang dalawa.
"You cheater! Porket hindi mo nakuha ang gusto mo, ipagpapalit mo ko sa panget na babaeng to! I give everything to you! Lahat! Pati oras ko sa bahay, sa mga kaibigan ko, oras ko sa pag aaral at oras ko para sa sarili ko. Ibinigay ko sayo! Kahit anong sabi ng mga kaibigan ko na niloloko mo ko, pinagtanggol kita kasi mahal kita! Tapos ipagpapalit mo ko sa mas maganda ako! Wala kang kwenta!" Sigaw ko sa kanya.
"Hindi mo binigay sakin lahat dahil tinulak mo ko nung kukunin ko na. Kaya wag mong sabihing ibinigay mo na sakin lahat dahil hindi." Sabi nya at nakangisi.
"Mabuti nga't hindi ko ibinigay sayo kasi hindi mo deserve. T*ngina mong f*ckboy ka!" Sabi ko at sinampal ulit sya. "Break na tayo! Go f*ck that chararat!" Sabi ko at tumalikod. Di ko napigilang hindi umiyak habang naglalakad pabalik ng campus.
Ang sakit pala talaga! Niloko na nga ako, gusto lang kunin ung birhen kong p********e tapos ang panget pa ng pinalit sakin ng walang hiya! Nakakainis! Ang sakit sakit! Ung pinalit sakin kamukha nung baliw sa palengke sa lugar namin nila Nicole!
Kinalma ko ung sarili ko at pinunasan ung luha ko. Hindi dapat ako magpahalata na may dinadamdam. Hindi muna ngayon. Huminga ako ng malalim at ngumiti.
Hindi kami magkikita ng mga pashnea dahil busy kami. Pumunta ako sa meeting naming grupo at nagkunwaring walang sakit na nararamdaman. Kata kong itago sa iba ung nararamdaman ko pero kila Nicole. Duda ako dun. Kaya iiwas muna ko.
Natapos ang meeting at umuwi ako, ganun pa din sila Mama sakin. Cold treatment, miski sa pagkain, hindi nila ako sinasabay. Nagtatawanan sila pero pag nakikita na ko. Tumatahimik. Alam kong galit pa din sila sakin at hindi ko alam kung paano sila susuyuin.
Nakarating ako ng bahay at nakita ko si Ad na nanunuod ng tv, nagkatinginan kaming dalawa, hindi naman sya nagsalita at tinignan lang ako. Ngumiti ako ng tipid sa kanya pero nagulat ako ng bigla syang tumayo at naglakad papunta sakin, sabay yakap.
"Gaga ka, Ate! Bakit nangiti ka?! Umiyak ka kung gusto mo! Hindi ung ngingiti ngiti ka dyan!" Sabi nya at alam kong umiiyak din sya. "Lagi kitang naririnig umiiyak dahil sa panget na yun! I want to hug you pero gusto ko din na ikaw ang lumapit sakin dahil may kasalanan ka pa saking barbie ka!" Sabi nya at ngayon pinapadyak na nya ung paa nya.
"Sorry." Ayun lang ung nasabi ko. Matalim magsalita si Ad paggalit pero sweet sya.
"Wag ka na magsorry! Makipaghiwalay ka na dun sa chararat na jutay na un." Sabi nya at hindi ko napigilang tumawa dahil sa sinabi nya.
"Nakita mo na ba? Kung makajutay ka dyan! Hahaha. Pero ou. Nakipaghiwalay na ko. At mabuti hindi ko nasuko ang bataan." Sabi ko at humiwalay. Hinila naman nya ung dulo ng buhok ko.
"Ay buti naman! Ayokong magkaroon ng pamangking chararat at jutay! Hindi na nga kagwapuhan ang kapal pa ng mukhang manloko!" Sabi nya at umirap habang pinupunasan ung luha nya. "Kaimbyerna! Maganda man lang ba ung pinalit sayo? Dapat kasing barbie yan ni Ate Ganda ah!" Sabi nya tas humarap sakin.
"Ay naku! Kasing chararat ni Theresang Malunggay sa palengke!" Sabi ko at ngumuso.
"Ay! Kasing chararat nya ang pinili nya! Hayaan mo na un. Ang mga barbieng katulad natin dapat hindi iniiyakan ang katulad nun. Pero trulabels bang hindi mo nasuko ang bataan, Ate?!" Pag tataray nya sakin. Tumango naman ako.
"Nung gabi na nag away tayo. Muntikan na un. Sa sobrang kalasingan ko, dinala nya ko sa hotel at ayun. Pinapak ako ng hayop na tarantadong un. Tapos muntikan na. Ipapasok na lang pero nabalik ako sa reyalidad at tinulak ko sya. Ayun! Kaya ata ako, niloko dahil hindi ko binigay ang bataan." Naiiyak na sabi ko. Hinila naman ako ni Ad paupo ng sofa at dun ako inalo.
"Hayaan mo na, Ate. Hindi sya kawalan, dahil fresh pa ang pearly shell mo. Siguro ung dun sa chiki na ipinalit nya sayo bilasa na." Sabi nito kaya naman natatawa ko syamg hinampas.
"Ang bibig mo! Sira ulo ka." Sabi ko, ngumiti lang naman sya at pinunasan ung luha ko.
"Stop na, Ate. Nawawala ang pagkabarbie natin. Mahal kita kahit mas barbie ako sayo." Sabi nya at yumakap sakin
"Mahal din kita, Ad. Sorry ah." Sabi ko at hinimas ung likod nya. Nagkwentuhan pa kaming dalawa dun at nakwento ko sa kanya ung sinampal ko si Shaun at ung babae. Tawa naman ng tawa ang loko! Dun kami naabutan ni Mama.
Tinignan nya lang kaming dalawa at kusang ngumiti na may luha sa matang lumalapit samin. Niyakap ko sya ng mahigpit. Katulad ng kay Ad, i said sorry to her. Alam kong sobrang nag hihirap si Mama kaya naman may karapatan syang magalit sakin.
Nung gabi na yun, gumaan ung pakiramdam ko dahil kahit paano, naging okay na kami nila Mama at ni Ad. Pero akala ko lang pala dahil pagpasok ko ng kwarto ko at mag iisa na lang ako. Dun bumuhos ung sakit na nararamdaman ko. Sakit na maloko, maganda naman ako, sexy, may ipagmamalaki din naman ung height ko, hindi man ako ganun kaputi dahil morena ako, makinis naman ung balat ko. Maganda naman daw ung mga mata ko, ung ilong kong hindi naman gaano katangusan pero merong point naman. Matalino din naman ako.
Lumakad ako papuntang cr at nagtanggal ng mga damit. Tinignan ko ulit ung katawan ko sa salamin. Malaki naman ung juga ko, ung pang upo ko malaki din naman dahil lang ba hindi ako nagpagalaw, kaya ako iiwan? Pero hinayaan ko naman na hawakan nya ko sa kahit saang parte ng katawan ko. Pero un ata ang mali ko dahil hinayaan ko syang babuyin ako.
Naligo na lang akong may luha sa mata. S*x na ata ang basehan ng iba para mapatunayan na mahal nila ang isa't isa. Hay.
Kinabukasan, pumasok ako ng school at katulad ng inaasahan ko, wala ng Shaun na mag aabang sakin. Nakaramdam ako ng pag ihi kaya naman dun ako dumeretso bago umakyat. Mahirap kayang umakyat ng hagdan pag naiihi! Try nyo! Hahaha.
Pag pasok ko ng CR, ungol agad ang narinig ko! Ano ba yan?! Hanggang dito?! Bawal ang PDA sa school ah! Kaya siguro dito nila ginawa?! Kabataan talaga. Hahahaha. Kung makapag salita ako akala mo talaga ih! Hahahaha
Pumasok na lang ako ng cubicle at umihi. Habang umiihi ako. Hindi ko maiwasan hindi marinig ung ungol nung babae. Para syang nahihirapan na nasasarapan. Iniimagine ko pa lang. Nandidiri na ko! Yuck!
Wow! Talaga? Kimberly? Muntikan mo na kayang gawin yan.
Iniiling ko na lang ung ulo ko para mawala sa isip ko un. Kasi napunta sa puso at ang sakit nun. Maghuhugas na sana ako ng kamay ng biglang tumili ung babae.
"Sh*t! Shaun! Im near! So near!!!" Sabi nun kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Mga hayop! Sa sobrang galit ko at sakit na nararamdaman ko. Kinuha ko ung tumbler ko at kinuha ung takip nun, malaki kaya ang takip nito! Pagkatapos kong matanggal un, pinuno ko ng tubig. At alam kong malapit na sila sa climax nilang dalawa kaya saktong pagtili nung babae, agad kong binuhos sa pwesto nila ung tubig at dali daling tumakbo palabas ng cr. Narinig ko pa silang tumili at napamura pero wala akong pake.
Patakbo akong umakyat ng hagdan at muntikan pa kong mahulog dahil may isang baitang akong hindi natapakan.
"Hey! Careful Ms. Santos."
Narinig kong sabi ng kung sino kaya naman nilingon, paglingon ko si Sir Henry! Nakakahiya.
"Hehehe. Sorry Sir! Bye po." Sabi ko at tumakbo ulit paakyat.
Pagdating ko ng room namin. Naupo na ko agad at hindi pinansin ung mga tingin nung dalawa. Hehehe. Ska na ko magsasabi pag okay na ko.
"So paano? Sunduin ko kayo ah." Sabi ni Danica sakin pagkatapos nya kong ipagpaalam kay Mama. Nagyaya kasi akong mag bar pero sabi ko pagpaalam nya ko. Hahahaha. Umookay naman sya at pinagpaalam nga ako.
"Sureness!" Sabi ko lang, umalis na silang dalawa at ako naman pumasok na ng bahay.
"Sila Ate Danica lang ba kasama mo? Promise?" Sabi ni Ad. Napangiti naman ako.
"Yes. Sila lang promise." Sabi ko naman.
"Sige. Wag ka masyado maglalasing ah! Alam ko broken ka pero... Wag mo naman lunurin ung sarili mo." Sabi nya at umakyat sa taas. Tinignan ko lang sya na umaakyat sa taas.
"Hayaan mo na ung kapatid mo. Nag aalala lang un sayo. Hindi mo kailangang sarilinin ung sakit, LK. Andito kami. Pwede kang umiyak samin." Sabi ni Mama. Ngumiti lang ako.
Alam kong hindi ko man sabihin kila Mama. Nakikita nila ung sakit na nararamdaman ko. Gusto ko lang mag liwaliw at mag enjoy at the same time gusto kong magluksa.
Hindi pa din kasi ako makapaniwala na ipinagmalit ako sa panget!
Kinagabihan, sinundo ako ni Danica sa bahay. As usual hindi na naman namin kasama si Nicole pero nangako sya na susunduin nya kami once na tawagan namin sya.
"Nagluluksa ka ba? All black ang peg mo!" Sabi ni Tala.
"Black is beautiful!" Sabi ko naman. Tapos tinignan ung sarili ko. Nakasuot ako ng black jeans, black turtleneck na sleeveless tapos black stilleto para sa paa. Then hinayaan kong nakalugay ung medyo kulot kong buhok at naglagay ng light make up.
Si Tala naka white sleeveless partner with denim skirt then black boots sa paa. Syempre si Danica na pambato namin sa mga fashion! Red lace brallete partner with High waisted jeans and red stilleto.
Napag usapan kasi namin na sa medyo may class kaming bar na pupunta kaya ganto ung outfits namin. Nakadenim jacket ako kanina kaya hindi nakita nila Mama ung suot ko. Hehehe. Wala akong dalang bag at ung phone ko naman nasa bulsa lang ng pants ko. Si Danica lang ang nakapurse samin.
Nagdrive na lang si Danica papunta bar na sinabi nya. Pagdating namin dun, pumasok kami agad. Nasa legal age na kami kaya pwede na. Maingay sa loob at madaming magsasayawan. At hindi na bago samin ang mga nagmemake out pero mukhang mga mayayaman ang nandito lagi. May mga class.
Nagpunta agad kami sa table na nireserve ni Danica tapos nag order ng drinks. Pagdating ng drinks, may hard at Ladies drink lang.
"So... What the problem? Bakit bigla kang nagyaya mag bar?" Tanong ni Tala sakin.
"Wala." Maikling sagot ko at inisang inum ung hard na alak. Agad gumuhit ung init at pait sa lalamunan ko. "Wala na kami ni Shaun." Sabi ko habang nagsasalin ng alak ulit sa baso ko.
"Are you okay?" Tanong ni Danica na halatang nag aalala. Tumango naman ako pero ramdam kong may luhang tumulo sa pisngi ko. Takte! Naalala ko na naman!
"Yes. Im fine. Hindi ko lang matanggap na pinagpalit ako!" Sabi ko at ininum ulit ung alak na nasa baso ko. This time nakaramdam na ko ng hilo. Pero wala akong paki! "Nakakag*go kasi! Pinagpalit ako sa panget sakin!" Sabi ko at umiyak agad naman akong pinatahan ni Tala.
"We already told you diba? Hay naku! Cut the drama. Hindi sya kawalan. Magparty tayo para naman mawala sa isip mo yan." Sabi ni Danica at uminum din ng alak nya sa baso.
"Tama! Hanggang nasa akin ang bataan. Hindi sya kawalan. Let's just enjoy the night, sayang at wala si Nicole. Cheers!" Sabi ko at nakipagcheers sa kanila.
Unti unti na kaming tinatamaan ng alak bago nagyaya si Danica at Krystal na sumayaw. Kaya habang hawak namin ung mga baso namin at parepareho ng may tama. Sumayaw kami sa dance floor.
Bumalik kami sa table namin nang mapansing wala ng laman ung baso namin.
"Hey! Enough na. I will text Nicole to pick us up." Sabi ni Danica na pilit inaagaw sakin ung bote pero hindi ko sya pinansin at nilagyan ulit ung baso ko. Tapos inistraight un. Naglakad ako ulit papuntang dance floor. Kahit naririnig ko ung tawag nung dalawa, hindi ko sila pinansin.
Habang nagsasayaw, nakaramdam ako ng hawak sa bewang ko. At sumasabay sa paggiling ko ung lalaki sa likod ko.
"Nice. You are a good dancer." Sabi nun kaya napangiti akong humarap sa kanya at s**t! Ang gwapo! Tanga! Dito tayo nadadali sa kakagwapo natin ih! Pero gwapo talaga!
Habang nakatitig ako, naramdaman ko ung kay nya na nasa bewang ko pa din at pilit akong inilalapit sa kanya. Dahil sa tama ng alak, hinayaan ko lang un. Kumapit pa ko sa leeg nya at sumabay sa pag giling nya. Habang sumasayaw, naipikit ko ung mata ko at huli ko ng narinig ang pagtawag nung lalaki at tuluyan na kong nablack out.
Nagising na lang ako at umaga na. Napahawak pa ko sa ulo ko dahil sa sakit. Asan na ba ko? Huli kong matatandaan. Nakikipagsayaw pa ko tapos....
"Argh! Ang sakit ng ulo ko!" Sigaw ng kung sino kaya tinignan ko un. Pagtingin ko si Tala.
Inilibot ko ung tingin ko, nakita ko mga libro, gitara, maayos at malinis na kwarto. Yeah! Naalala ko na, sinundo kami ni Nicole kagabi at mukhang dito kami natulog sa kanila. Si Mama at Ad baka nag aalala na naman.
Napalingon ako sa bumangon sa kabila at nakita ko si Danica na nakahawak din sa ulo nya. Nagtagal pa kaming tatlo sa ganung posisyon namin bago naming naisipang lumabas at bumaba. Nakita namin si Nicole at Tita Ja na nag uusap.
Niyaya lang kami ni Tita kumain, akala pa namin galit si Nicole pero ginogoyo lang pala kami. Tahimik lang naman ako dahil iniisip ko kung anong sasabihin ko kay Nicole pag nagtanong sya.
Hanggang sa pumasok na kami ng school at buti na lang talaga at sexy kaming lahat dahil kasya samin ung uniform ni Nicole. Nakita pa ng mga mata ko sila Shaun at Francine na maglalampungan. Ah! Ang sakit talaga! Ang sarap manakal! Habang tumatagal, iniisip ko kung masakit ba dahil niloko ako o masakit dahil pinagpalit ako sa pangit?! Pero totoo ah! Minahal ko talaga tong g*go na to.
Buong klase tahimik lang ako at iniisip ko ung nangyari sakin nitong mga nakaraang buwan. Apat na bwan ko lang karelasyon si Shaun pero parang nawala ako sa sarili ko. Parang hindi ako ung nakatira sa sarili ko nun. Parang pilit inalis sakin ung Kim na kilala ng madami.
Hanggang matapos ang umaga naming klase tahimik lang ako. Umalis din ako sa cafeteria dahil wala akong gana bigla. Naglakad lakad lang ako habang nag iisip.
Hanggang sa hindi ko na alam kung asan ako at pagtingin ko sa paligid. Ang ganda! Napunta ako sa garden dito sa likod ng building.
Naglakad ako papunta dun para maghanap ng mauupuan. Nang makaupo ako tumingin ako sa taas. Sa di ko alam na dahilan nakita ko ung mukha ni Shaun at ni Francine na naglalandian.
"T*ngina! Ang sakit! Kahit pala anong gawin ko. Masakit pala talaga." Bulong ko at naramdaman kong tumulo ung luha ko. Kahit pala anong inis o galit ko kay Shaun, mangingibabaw ung sakit ng ginawa nya. Nakakawala ng dignidad bilang babae.
"Love life? Mahirap yan." Rinig kong sabi ng kung sino kaya napatingin ako sa kanya. Shete! Si Sir Henry na naman?!
------------------