Chapter 7

3309 Words
Kim's POV Dahil sa naisip ko at nakita ko. Agad kong tinulak si Shaun paalis sa ibabaw ko, humagilap ng pwedeng ipantakip sa katawan ko. No! Mali to! Maling mali! Tama si Danica. Hindi na ako to. Unti unti na kong nilalamon ng kamunduhang taglay na meron si Shaun. "What the f*ck is that? P*tangina! Para san ung tulak mo?" Inis na sigaw ni Shaun at ngayon ko lang sya nakitang magalit ng ganto. I mean ung mag mura at sigawan ako. "Ihatid mo na ko samin. Asan ang mga damit ko? Sabi mo ihahatid mo ko. Ihatid mo na ko ngayon. Kung ayaw mo. Magtataxi na lang ako." Sabi ko at tumayo habang nakatakip pa din ung katawan ko. "T*ngina! Bakit ka kasi nagising?! Malapit na ih." Rinig kong bulong nya pero hindi ko pinansin un. Dahil abala ako sa pag bibihis ng damit ko. "Ihahatid mo ba ko?" Tanong ko sa kanya pagkatapos kong magbihis. Nawala ung pagkalasing ko dahil sa nangyari. Tinignan nya lang naman ako at ngayon ko lang napansin na nakaunderwear na lang sya. "Magtaxi ka na lang." Iritableng sabi nya at pumunta ng cr. Hindi ko alam pero para akong binuhusan ng malamig na tubig sa ginawa nya. Kusang tumulo ung luha ko dahil dun. Kahit ayoko, lumabas ako ng kwarto na un at bumaba sa lobby. Nasa hotel nga kami. Consolatio Hotel? Mayaman ang g*go! Isa sa pinakamagandang hotel tong kinuha nya. Sayang hindi ko man lang napagmasdan ng maigi ung kwarto dahil sa nangyari pero wala na kong paki, basta dapat makauwi na ko. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa bahay. Kinuha ko ung phone ko para tignan kung may nagtext sakin. Madami pero isang message lang amg binuksan ko. From: Nics Good Night Kim. Miss ko na kayo nila Danica. Hahaha. I don't know, i just felt you need someone to talk. Hahaha. Dito lang ako. Labyu! Sabi dun sa text kaya tumulo na naman ung luha ko. I don't know if Danica already told her what happened kanina pero bakit parang saktong sakto. But of course ayokong magsabi kay Nicole. Madami tong ginagawa. Busy to dahil may mga compete, elections and audition sa org at club nya kaya ayoko syang guluhin. Ayoko kausapin si Danica o si Krystal dahil magtatalo lang kami at mag aaway ng todo. Pinunasan ko ung luha ko at umayos ng upo. Hindi ngayon. Saka na. Nakarating ako ng bahay at nakapagbayad na. Wala akong nareceive na text o call galing kay Shaun para kumustahin ako o tanungin kung nakauwi na ba ko?! Galit sya dahil hindi ko sya pinagbigyan? Pwes galit ako dahil sinamantala nya ko. Pero mali din ako dahil nagpabaya ako. Pagpasok ko ng bahay. Akala ko wala ng gising pero mali pala dahil gising pa si Adriene at mapanghusga sya saking nakatingin. "San ka galing?" Tanong nya at ramdam ko sa boses nyang galit sya. "Dyan lang. Sa birthday ng kaibigan ko." Sabi ko at naglakad na paakyat sana. "Wow! Ikaw ba ang handa sa birthday ng kaibigan ko kaya puro ka hickey? Pinapak ka ba ng mga bisita dun?" Sabi nya, biglang magpantig ang tenga ko kaya hinarap ko sya at walang pasabing sinampal. "Ang lakas ng loob mong sabihan ako ng ganyan. Mas matanda ako sayo baka nakakalimutan mo!" Inis na sigaw ko sa kanya. Humarap sya sakin at may luha sa mata. "Mas matanda ka?! Pero bakit sa ginagawa mo para kang bata na kailangang bantayan?! Ate! Baka nakakalimutan mong nagpapakahirap si Papa sa ibang bansa para sa pag aaral natin. Tapos nagpapapak ka lang sa lalaki?! Akala mo hindi ko nakikita araw araw yang mga hickey mo sa leeg?! Hindi na nga nawawala. Tapos ano? Sa susunod makikita na lang namin yang tyan mo lumulobo na dahil buntis ka?! Maawa ka naman kila Papa!" Galit na sabi nya habang umiiyak. Natulala naman ako at hindi nakapagsalita. Dahil kung hindi ko napigilan ung sarili ko kanina. Lahat nang sinabi nya mangyayari. "Halos gabi gabi kang umuuwi na lasing at may mga pula sa leeg. Minsan kang nalelate sa school dahil nga lasing ka. Hindi sila Ate Danica ang kasama mo panigurado dahil kung sila ang kasama mo, hindi ka ganto. Asan na ung Ate kong maharot pero nirerespeto ung sarili nya?! Asan na ung Ate kong makulit pero hindi bantayin?! Hindi na ikaw yan Ate Kim. Ibang iba ka na dahil sa boyfriend mong hindi man lang makapagpakilala dito sa bahay." Sabi nya at nauna pa saking umakyat sa taas. Tuluyan na nga ata akong nalamon ng gawain ni Shaun. Masyado ko na atang pinakain ung sarili ko sa mga ginagawa nya. Nawalan na ko ng respeto sa sarili ko. Umiiyak akong umakyat ng kwarto ko pero bago pa ko makapasok. Nakita kong nakatingin sakin si Mama pero hindi nya ko pinansin at pumasok nang tuluyan sa kwarto nya. Miski si Mama hindi ko na napapansin, dahil wala ako lagi sa bahay. Pagpasok ko ng kwarto ko. Hinubad ko lahat ng damit ko at nakita ko ung mga sinasabi ni Ad na mga hickey. Meron nga, halos buong leeg ko meron at meron din ako sa dibdib, balikat, tyan at kung saan saan pa. Mukha nga akong pinapak ng ilang beses. Pumunta ako ng cr at naglinis ng katawan. Kung pwede lang matanggal ng pagkuskos tong mga mark na to, gagawin ko! Kung kaya lang! Umiiyak akong nagkukuskos ng katawan at pilit tinatanggal ung mga marka ko sa katawan pero wala talaga. Napagod na lang ako at nagsawa kaya tinapos ko ang pagligo at nagbihis. Di naman ako nahirapan makatulog dahil sa pagod. Dahil sabado kinabukasan, buong araw akong nagkulong sa kwarto. Hindi ako lumabas. Hindi rin ako kinatok ni Ad o ni Mama. Wala pa din akong tawag na narereceive galing kay Shaun pati text. Kahit kila Danica at Tala. Si Nicole naman alam kong busy yun kaya hindi na ko mageexpect ng message sa kanya. Dumaan ang weekends at monday na. Hindi ako pinapansin nila Mama at Ad. Alam kong galit sila sakin lalo na si Ad. Pero hinayaan ko lang dahil ako naman ang may mali. Papalamigin ko muna ung ulo nilang dalawa. Pagpasok ko, buong akala ko wala akong Shaun na makikitang mag aabang sakin pero andun sya ayun nga lang medyo cold ung treatment nya. Hindi na katulad noon na dobrang sweet. Sya nagbubuhat ng bag ko pero ngayon miski hawakan ung kamay ko hindi nya ginagawa. Hinayaan ko lang din dahil baka galit pa din sya sakin. "Hey Shaun. Let's go." Tawag sa kanya ng isang babae at alam kong malandi to. Dahil sa tono pa lang nag pagkakatawag nya kay Shaun. Alam mong mang haharot na. "Oh. Wait up, Francine." Biglang sigla ng boses ni Shaun tapos humarap sakin na may cold expression ang mukha. "You can go to your building, right? Sama na ko sa mga kaibigan ko." Sabi nya pero nakatingin lang ako sa kanya. "Sino yun?" Tanong ko. Tumaas naman ang kilay nya. "A friend." Sabi nya at tumalikod sakin sabay takbo papunta dun sa mga tropa nya at dun sa francine. Nakita ko pang humalik sa pisngi nya ung francine at pumulupot ung mga kamay sa leeg nya. Di ko naman pinansin at nagderetso sa building namin. Mahal nya ko tama?! Mahal nya ko. Sabi nya un. Kaya pang hahawakan ko un. Henry's POV Habang naglalakad papuntang building ng klase ko, i saw Kimberly looking somewhere kaya naman out of curiosity sinundan ko ung mga mata nya at nakita ko ung lalaking lagi nyang kasama. Boyfriend nya ata to pero kung boyfriend nya bakit may mga braso ng babae na nakapulupot sa leeg nun. Ibinalik ko ung tingin ko kay Kimberly at nakita ko ung sakit sa mata nya tapos nagtuloy sa paglalakad. Asan ba mga kaibigan nito at nag iisa sya? Actually nakaramdam ako ng inis dun sa lalaking tinitignan nya kanina. Kasi! Nakikita ko ung sarili ko. Hahahaha. Yeah! Babaero din ako kaya ayoko pa ng commitment dahil gusto ko pa magliwaliw sa buhay. Syempre gamit muna tayo ng chiks! Hahahaha. Pero ung ganyan na pinili mong magcommit sa isang babae?! Dapat hindi ka na maging babaero dahil makakapanakit ka lang ng damdamin ng babae. Atska kung katulad din naman nila Kimberly na magaganda at magaganda ang katawan. Sexy, matalino, natural ang ganda at mababait. Bat ka pa magloloko?! Magsettle ka na! Pinuntahan ko ung grupo ng lalaki na tinitignan ni Kimberly kanina at papalayasin ko! Masakit sa mata. "Wala ba kayong mga klase at dito kayo naglalandian?" Bungad ko sa kanila. Agad naman silang tumayo at nagpaalam sakin. Ayun naman pala ih. Mga PDA. After kong magpalayas, dumeretso na ko sa klase ko kung saan sila Nicole ang una kong klase. Pagdating ko dun. Tsk! Wala na naman ung presidente ko ah! Gumala na naman! "Good morning. Asan na naman si Nicole? Nilayasan na naman ako." Sabi ko sa kanila kaya natawa sila bigla. Ganto lang naman kami ng mga estudyante ko. Ayoko ng masyadong strikto sa kanila. "Sabi sayo Sir ako na lang gawin mong presidente eh! Hindi kita lalayasan." Singit ni Kimberly. Oww... Kanina lang malungkot toh ah! Ang bilis mag palit ng mood. Hahahaha. Dahil naman sa sinabi nya nagtawanan naman ung buong klase. Pasaway talaga. "Naku, Kim! Baka pati sa bahay ni Sir. Pumunta ka kaya wag na lang daw. Hahaha." Sabi naman ni Calli. One of my gay student. "Ay! Bet ko ung idea mo, Calli!" Sabi ulit ni Kimberly. Napailing na lang ako. Nagtitimpi lang ako pero papatulan ko na tong batang to. Hahahaha. She's cute and adorable. Bago pa humaba ung usapan nila at kung saan pa pumunta, pinigil ko na. "Okay. Tama na yan. Hinahanap ko lang naman si Nicole, bat napunta tayo sa pagpunta ni Kim sa bahay ko." Sabi ko at natawa ng bahagya. "Ay! Rejected agad ako, Sir? Hahahaha." Sabi nya. Kaya naman nagsicomment ang halos lahat ng mga kablock nya. Hindi na nawala sa klase namin to. Hahaha. Ang tawanan at asaran. Umpisa pa lang ng klase namin ganto na sila at nangunguna dun eto si Kim. Hahaha ------------------ Kim's POV Natapos ang klase namin at muli kaming nagkanya kanya ng lakad magkakaibigan dahil iba iba naman ang org namin. Mukha lang akong okay pero deep inside, nakakaramdam ako ng sakit at lungkot. Nagiguilty din ako. Pumunta ako sa Quaters ng Org ko dahil may meeting kami. Pagdating ko dun, hindi pa naman kami agad nagstart dahil may mga inantay pa. Medyo madami kaming andito dahil madaming nag audition nung nakaraan. Habang nag aantay bigla naman tumunog ung phone ko at nakakagulat dahil si Danica ung tumatawag. Simula kasi nung nakaraan hindi na sya nag memessage sakin. [Hello! asan ka?] agad na tanong nya ng sagutin ko ung tawag. "Asa meeting ng org ko. bakit? miss mo na ko? daig mo pa jowa ko ah!" Natatawang sabi ko naman [Asan ang boyfriend mo? alam mo ba kung asan sya?!] Tanong naman ni Danica. Napakunot naman ung noo ko sa tanong nya. "Why? don't tell me type ko si shaun?! naku danica! sasakalin talaga kita!" naiinis na sabi ko [Gaga! ayoko sa jowa mo! manlo- masyadong gwapo!] sarkastikong sabi ni Danica. Ramdam ko ung pagiging sarcastic nya dun. "Oh? eh? bakit ka ba napatawag. bilisan at mag sstart na kami ng meeting." iritable namang sabi ko dahil hindi ko magets un point nya. Mag aaway na naman kami. Pero imbis na si Danica ang sumagot, iba ang sumagot nun. Si Nicole. Magkasama sila. [Tanga! ung jowa mo niloloko ka! andito kami sa grounds at kitang kita namin may kaflirting ung jowa mong pinagmamalaki! bye!] Iritableng sabi nya tapos pinatay ung tawag. Napatulala ako sa sinabi nya. Paniguradong hindi sya magsisinungaling sa sinabi nya dahil ako mismo nakita ko un at naiinis ako dun pero gusto kong bigyan ng benefit of the doubt si Shaun na kaibigan nya lang talaga si Francine. Nag umpisa ang meeting at natapos ang meeting namin. Ang tanging naintindihan ko lang ay igugrupo kami at maglalaban laban para malaman kung sino ang lalaban sa mga competition na sasalihan ng school. Nagpunta ako ng grounds para puntahan ung dalawa. Nakita ko sila dun dahil inaabangan pala talaga nila ako. Nung nakita nila ako, nagyaya si Danica na dun kami sa kanila para magmeryenda. Pero sa kotse pa lang sinasabon na ko nung dalawa lalo na si Danica. Nagpakita pa ng picture ang bruha. Hindi na nya kailangan un dahil ako mismo nakita ko un. Pero ayokong sabihin. Hanggang nakarating na kami ng bahay nila Danica. "Sinasabi ko nga sayo kaflirt nya yan! may pakiss kiss pa yan sa pisngi ng babae! tingin mo kaibigan lang un? walang kaibigan na ganun Kimberly!" Inis na paliwanag ni Nicole sakin. I know but i will deny it. "kaibigan nya nga lang un.. nakilala ko na un. kayo lang tong nag iisip ng malisya kay Shaun.." Sabi ko at umiwas ng tingin. "Argh! how many times na naming sinabi sayo na SHAUN IS FLIRTING THAT GIRL!!!" sigaw ni Danica sakin. "At ilang beses ko na din sinabi sa inyo na KAIBIGAN NYA LANG SI FRANCINE!" balik na sigaw ko din sa kanila. Kahit masakit na totoo ung sinasabi nila. "Bakit kayo nagsisigawan?!" naputol ang sigawan namin ng marinig namin ang galit na boses ni Kuya Daniel. Nagtitigan muna kaming tatlo at pare pareho kaming di nagsalita. "So walang magpapaliwanag kung bakit kayo nagsisigawan?" nakataas kilay na tanong ni Kuya CD. "Wala kuya. we're just discussing something at hindi kami nagkasundo. Akala ko nasa office ka?" sagot naman ni Danica at pilit iniiba ung usapan. Mukha syang hindi kumbinsido sa sinabi ni Dani kaya tumingin sya sa pinaka reliable na tao at hindi marunong mag sinungaling samin. Si Nicole. Napabuntong hininga naman si Nicole. At sabi sa inyo hindi to marunong mag sinungaling ih. "Kinakausap lang namin si Kim about sa BAGO nyang boyfriend. at hindi kami nagkakaintindihan kaya tumataas ang boses namin. sorry... naistorbo ka ata namin." Sabi naman nito at tinignan si Kuya CD na magulo ang buhok at pupungas pungas pa. Sorry Kuya! Inasar lang ako ni Kuya CD sa BAGO kong boyfriend pero biglang parang nakahanap ako ng kakampi! "Okay.. sorry. i'm just surprise.." he just immediately apologize to me at binaling uli kila Danica ang tingin. " Oh? ano naman kung Bago sya. may problema ba dun?" Dagdag nya napapalakpak ako! "See! kahit si kuya daniel, sinasabing walang problema kay Shaun." Sabi ko at ngumiti ng malawak. Natakot naman kami pareho ni Kuya ng magsalita si Nicole. "Hindi naman ung pagkakaroon nya ng bagong boyfriend ung pinoproblema namin ih!" Sabi ni Nicole at makikita mong kalmado sya pero ramdam mo ung galit nya sa tingin at boses nya kaya parang umurong ang buntot ni Kuya. "Ih ano ba? at bakit pati sakin nagagalit ka?" parang natakot na sabi ni Kuya CD. "Kasi naman nakikisali ka dyan, tapos kakampihan mo pa yang si Kimberly!" sagot nya sa pinakairitableng boses nya. Waaaaaah! Sorry na nga ih! "Kasi naman kuya daniel! sabi nila nakikipagflirt daw ung boyfriend ko sa kaibigan nyang babae." nakangusong sumbong ko kay Kuya. "Ih! totoo naman talaga ah! Eto ung picture oh! see for yourself!" naiinis na din na sabi ni Danica. Eto ung picture na nakakiss si Francine kay Shaun. "Whoa! this is alarming Kim.. You should talk to that guy... friend never kiss a friend like this..." sabi naman ni Kuya CD at tumingin pa sakin. "And that's exactly our point! see! even kuya know na hindi tama un?!" At sinegundahan naman ni Danica un. Paturo turo pa sakin. "Magkaibigan nga lang sila!!! Ang kulit nyo!" Sabi ko. Pero that was a lie. I know there's something. "San nyo ba nakita yang lalaki na yan?" Tanong ni Kuya kila Nicole. "sa grounds nga! ang kulit naman ih!" Iritableng sabi ni Nicole sabay tingin sakin. "ikaw! bahala ka. see it for yourself basta sinasabi lang namin ung nakita namin and please! mag ingat ka.. wag kang mahulog ng todo dyan sa lalaki na yan. magreserve ka para sa sarili mo... Masisira pa tayo dahil dyan sa lalaki na yan.. tsk!" Mahabang paalala ni Nicole sakin. Muntikan na Nics! Pero dahil sayo kaya hindi natuloy at nagpapasalamat ako dahil dun. Di ko na napigilan ung sarili ko at agad syang tinakbo para yakapin. "Aalalahanin ko yang bilin nyo.. lab ko kayong dalawa..." Sabi ko at pinipigilang umiyak. "Sus! magkakaayos din naman pala... inistorbo pa ko sa pagtulog.." kamot ulong sabi ni Kuya CD. Hahahaha "Sino ba kasing nagsabing magising ka o bumaba ka dahil narinig mo kaming nagsisigawan?" sarkastikong sagot ko. "Aba at talaga na-" Nagsalita si Kuya pero pinutol ni Nicole un. "ou nga! kasalanan ba namin un.. kahit naman marinig mo kami dapat tinuloy mo na lang ung tulog mo." pagtataray na sabi ni Nicole. Sumunod naman si Danica. "Ou nga kuya dear.. sana natulog ka na lang ulit... you know naman us, magkakaayos din later on.." maarteng sabi ni Danica "let's go to my room, Let's go movie marathon.." yaya samin ni Danica at nagpauna pang pumunta ng kusina dahil kukuha daw muna ng pagkain. "Ano okay na kayo? grabe talaga tong mga babae na to!" kamot ulong sabi ni Kiya CD "Alam mo! matulog ka na lang ulit kesa dada ka ng dada dyan.." Sabi ni Nicole kay Kuya, gusto kong tumawa dahil sa itsura nya. Hahahaha. Di na sya makakapalag kay Nicole. Hahahaha "Bye kuya Daniel!" paalam ko naman kay Kuya. "Hey! Nics! Galit ka pa din... sorry na. okay na naman kayo ni Kim ih..." sigaw nya pero walang sagot si Nicole sa kanya kaya natatawa akong sumunod. Natapos ang movie marathon namin nila Danica kaya naman bago pa kami umuwi. Nagdinner na din kami sa kanila kasama sila Tito Danny, Tita Cassie at Kuya CD na nakikipagbati pa din kay Nicole. "Cass. Hatid mo na si Kim, ako na maghahatid kay Nicole na suplada." Sabi nya. "Ay! No! Magsasayang ng gas. Hindi porket mayaman magsasayang ng gas." Sabi naman ni Nicole kaya natawa kami. "Tsk! Dali na. May pupuntahan din ako kaya dalian mo na. Idadaan lang kita sa inyo." Sabi naman ni Kuya CD. Habang nagtatalo ung dalawa. Niyaya na ko ni Danica na umuwi at sya ang maghatid. Hahaha. Dahil mukhang matatagalan pa ung dalawa sa deskusyon nila. Habang nasa kotse kami. Nung una tahimik lang kami pero hindi na nakatiis si Danica. "Tell me. Okay lang naman kayo ni Shaun, right?" Tanong nya. "Yeah. Okay lang naman kami." Sabi ko. "Okay. Hindi ko kasi nakikita na nakahawak ka sa phone mo o nangiti habang hawak yan." Sabi nya at alam kong hinuhuli nya lang ako. "Ah. Busy din kasi sya. Sa sport nya." Sabi ko at pumikit na. Di naman sya magsalita at nagdrive na. Nakarating kami ng bahay kaya bumaba na ko agad. Nagpaalam lang ako tapos pumasok na sa loob. Nakita ko pang andun si Adriene at mukhang nanunuod pa sya. Di naman nya ko tinapunan ng tingin. Ayoko ng ganto kaming dalawa dahil lagi talaga kaming nag aasaran pero kailangan kong palamigin ang ulo nya. Napabuntong hininga na lang ako at umakyat sa taas. Nakita kong pababa si Mama na hindi din ako tinapunan ng tingin. Madaming nasirang relasyon dahil sa relasyon ko kay Shaun. At muntikan pang masira ung pagkakaibigan namin nila Nicole. Pagpasok ko ng kwarto. Kinuha ko ung phone ko at tinawagan si Shaun. Di naman ako nabigo dahil agad na sumagot un. Ayun nga lang hindi ko gusto ung narinig ko. [Oww! f**k! So tight! Ang sarap, Francine! This is so good!] Ungol ng kabilang linya. Hinayaan ko lang marinig lahat ng ungol nila hanggang sa matapos sila. Umiiyak akong pinatay un. Panaginip lang un. At hindi totoo! Walang totoo dun! Matutulog ako at bukas kakalimutan ko ung narinig ko. -----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD