Chapter 9

1888 Words
Kim's POV "Love life? Mahirap yan." Sabi ng kung sino kaya nilingon ko un at nakita ko si Sir Henry. Agad akong nagpunas ng luha. "Kung saan saan ka na lang andun, Sir." Sabi ko at humarap sa kanya. Natawa naman sya ng bahagya tapos umiling. "Hindi naman. Sadyang nahahanap mo lang ung mga sanctuary ko dito sa school kaya nagkikita tayo." Sabi nya tapos tumingin sa taas. Napatingin ako kay Sir Henry. Gosh! Bakit nga ba mawala ung pagkagusto ko dito sa prof kong to. Bakit ba nabaling kay Shaun? Di hamak na mas gwapo si Sir kay Shaun. Di hamak na mas matalino at mas mabait. "Sir. Cheater ka din ba?" Biglang tanong ko sa kanya kaya napatingin sya sakin na magtataka. "Ay sorry po. Prof nga pala kita. Hehehe." Sabi ko at nagpeace sign pa. "Bakit, Ms. Santos. Niloko ka ba ng boyfriend mo?" Tanong nya sakin. Hindi nya sinagot ung tanong ko, siguro cheater din si Sir. "Ex po. Hindi ko na jowa un." Sabi ko. Nakita ko naman na tumango tango sya. "Buti naman. Hindi kayo bagay." Sabi nya at natawa ng unti. "Ou nga Sir. Chararat kasi sya. Sa mga gwapong katulad mo ako nababagay." Biro ko sa kanya. Natawa naman sya at tinuro pa ko. "Ikaw talaga." Sabi nya lang. "Bakit ka umiiyak? Hindi mo dapat iniiyakan ung mga lalaki na un. He doesn't deserve your tears." Sabi nya at tumingin sa mga bulaklak sa paligid. "Nakakawala kasi ng ganda, Sir. Matatanggap ko pa sana kung nawala ung pagmamahal nya sakin pero ung ipagpalit ako sa chararat? Parang nakakawala ng dignidad saking maganda." Sabi ko at ngumuso. Napatingin ako sa kanya nang makarinig ako ng murmur pero hindi malinaw. "Ano po un?" Tanong ko. Umiling lang sya at tumayo. "Wala. Sige na. Magmoment ka na dito. But wag sobra. Move on and walk forward. Walang mapapala pag nagdrama ka. It's okay to cry but after that, wipe that tears and tell to that guy na hindi sya kawalan sayo. Bye." Sabi nya at ngumiti tapos naglakad na papaalis sa garden. Tinignan ko lang ung likod nyang papaalis sa garden. Nabalik ako sa reyalidad ng makarinig ako ng himig ng ibon. Napatingin ulit ako sa taas at inisip ung sinabi ni Sir Henry. Okay lang umiyak... Okay lang umiyak... Ipinikit ko ung mata ko at nakaramdam ako ng luha. Last na to! After nito. Babalik na ko sa Kimberly na kilala ng madami. Ung totoo ng Kimberly at ipapamukha ko sa g*go na un na hindi sya kawalan sakin. Kahit masakit ung ginawa nya. Napatingin ako sa gilid ko ng makarinig ako ng tunog ng gitara at magandang boses. Si Nicole. Kinakanta nya ung kanta na lagi naming kinakanta sa isat isa pag malungkot kami. Mas naluha ako dahil dun. Bakit nga ba hindi ako lumapit sa kanila. Sa tao na laging andyan para sakin. Natapos ang kanta nya na naluluha din sya. Sinabi ko lang sa kanya lahat ng rant ko kay Shaun pati ung muntikang mangyari samin. Natapos ang drama ko ng magyaya syang kumain. Ganun na din ginawa ko dahil nagugutom ako. Di ko pala kayang hindi kumain. Ilang minuto lang dumating din sila Tala at Danica na hindi pumasok at sinisi pa ko. Hahaha. Mabuti na lang na hindi sya mag sumunod sakin dahil mag aaway lang kaming dalawa pag magkataon. "Ay bahala kayo basta ako papasok kay bebe Henry." Sabi ko sa kanila dahil nagkakayayaan na wag kaming pumasok. "Ayan! Kaya ka nasasaktan, puro ka kasi bebe." Sabi ni Danica na agad sinaway ni Nicole. Nahiya naman ako. Kahit alam kong biro yun medyo masakit pa sakin. Hindi na nga ako uulit ih. Kay Sir Henry na lang talaga. Inferness! Ung sinabi ni Sir kanina natauhan ako. Napaisip din ako. Diba si Sir Henry naman talaga ang crush ko? Baka nabaling lang sa iba. Excited lang ako, nagpadala lang ako sa mga mabubulaklak na salita ni Shaun. Ituloy ko kaya ung balak kong pang aakit kay Sir? Baka pag nagkataon mahulog sakin si Sir tapos at the end of my college maging jowa ko si Sir! Hahahahaha. Baka kaya ako nasaktan kasi maharot ako! Dapat take it easy lang. Nagmamadali kasi ako! Hay naku! Mag move on muna ko bago ako magpapansin ulit kay Sir. Give me a sign, Lord! Need ko yun ngayon! Hahaha. Tapos na kong umiyak ngayon kaya naman. Umpisa na ng pagmomove on. After ng warlabels namin ni Danica, naggroup hug lang kami tapos nagkwentuhan ng unti. Tapos nagpunta na sa room namin. "Taray! May contest ba ng pakapalan ng blush on dito sa room?! Ang kapal ng blush mga teh!" Sabi ko ng tuluyan kaming makapasok sa room. Paano ba naman?! Mga itsura nila, akala mo kung ilang beses pinagsasasampal at kung ilang beses nginudngud sa lamesa para maging ganyan kapupula ang labi at pisngi. Nakarinig lang ako ng tawanan dun sa iba naming kablock. Naupo na lang kami nila Nicole sa pwesto namin pero nakatingin pa din ako kila Miles pati sila Sandra at Andrea na mga full scholars nakamake up din. Di naman magtagal dumating si Sir. Natawa sya ng unti sa mga itsura ng mga kablock namin. "Okay lang naman na magmake up kayo pero mas okay na ung simple lang parang..." Hinto nya tapos tumingin tingin at napunta samin ung tingin nya sabay ngiti. "Ayan. Parang sila Irine, Claire, Krystal, Kimberly at Nicole." Nakangiting sabi nya. Napangiti naman ako. Yiee! Maganda daw ako. Kahit niloko ako atleast sabi ng isa kong crush. Maganda daw ako! Nagreact naman ng mga good comments ung mga kablock namin. Walang magsalita dun sa apat pero ako. Magsasalita ako. "Ay! Salamat Sir! Ganda ko diba? Ay! Namin pala." Sabi ko at kunwaring nahihiya. Nakarinig na naman ako nf tawa saga kablock ko pero may isang epal. "Wow! Bilis mag shift ng mood ah! HAHAHAHA." Sabi ni Tala. Kainis to! Napanguso na lang tuloy ako kaya pati si Nicole tinawanan ako. "Yes. Maganda naman talaga kayo. Actually lahat kayo kaya no need na ng make up." Nakangiting sabi ni Sir bago sya mag start ng class nya. Nakinig na lang ako at nakatitig lang kay Sir. Ang cool ni Sir habang nagtuturo. Napaka matured at professional nya. Walang wala kay Shaun. Humanda ka sakin Sir Henry. Tatapusin ko lang tong sakit na nararamdaman ko tapos aakitin talaga kita. Makita mo! Natapos ang klase ni Sir Henry at may inannounce lang sya. Inilabas ko ung phone ko saglit para tignan un dahil may nagtext sakin kanina. From: BS Vangie BS, We have meeting today after class. Grounds tayo. Kitakits. Sabi sa text kaya nagreply na lang ako kay Ate Vangie. To: BS Vangie Noted Ate Girl. I reply then send. Sakto naman pagsend ko dumating ung isa pa naming prof. Nakinig na lang ako ulit at tumahimik. Natapos ang buong araw namin at nagkanya kanya. Si Nicole sa banda nya, ako sa grounds at ung dalawa sa kanya kanya nilang org. Pagdating ko sa grounds, andun na sila pero hindi pa kumpleto. "Hi po." Bati ko sa kanila. "Hi Kim! Dito ka." Sabi ni Hazel na kasing edad ko lang. Lumapit ako sa kanya at nakipag usap lang about sa studies. "Okay, kumpleto na ba?" Tanong ni Ate Vangie ung leader namin sa Black Syndora. Nagnod naman kaming lahat dahil mukha namanng kumpleto na. "Okay. Good. So ang agenda natin today ay about sa competition na sinabi satin nung nakaraan. Naalala nyo pa ba?" Tanong nya. "Yes, ate." Sigaw naming lahat. "Okay. So we need to practice para dun. Wala namang quota na hinihingi pero kailangan nating mag ambagan para sa costume natin. Also tulungan tayo pagdating sa choreography ng sayaw. Don't worry. Walang category na ibibigay ang SC at KC. Meron din tayong pifill up'an na application form para maregister tayo as contestant sa Dance Troupe Competition. Wala pang binigay na exact date pero alam ko by next week maglalagay na sila sa bulletin board." Paumpisa nya. Napatango naman kami. "Ate Vangie. Lahat po ba ng group na nasa Dance Club, sasali?" Tanong nung isang lalaki na kasama namin sa grupo. "Hindi naman nila nirerequire. Ayun nga lang ung grupo na hindi sasali. Wag mag expect na may mapipili sa kanila pag oras ng regional competition. Kayo? Ayaw nyo bang sumali?" Tanong nya samin. "Ay hindi, Ate! Sali tayo. Hindi naman about un sa competition talaga. At least man lang maenjoy nating sumayaw na may suspense. Hahaha. Ung may kaba." Sabi ko naman kaya natawa sila. "Ay bet ko un! May point si Kimmy Dora!" Sabi naman ni Basha. "Actually yan din naisip ko for experience na din. Atska at least naenjoy natin." Sabi ni Ate Vangie. Kaya naman nagsisang ayunan naman silang lahat na sasali kami. "Okay. Text ko mamaya si Ferrer kung may napag usapan na ba sila sa SC at KC kung kelan pwede mag fill up ng form." Sabi ni Ate Vangie. Nagtaka naman ako... Ferrer? May iba bang Ferrer dito bukod sa pinakamaganda kong kaibigan. "Sinong Ferrer, Ate?" Tanong ko. "Ung Secretary ng Kinaaadman. Nicole ata pangalan nya. Ou. Nicole nga." Sabi nya tapos parang iniisip pa ulit. Shemay! Si Nicola lang pala! Gusto ko sana ipagyabang kaso baka malagay sa alanganin si Nicole. Hahaha. Wag na lang. Hahaha Natapos ang meeting namin at masaya naman ako dahil nagkasundo kami na uumpisahan na ung practice kahit wala pang date kung kelan ang start. Naglalakad na ko pauwi ng may biglang humarang sakin mga panget! Tsk! "Hi babe. Miss me?" Tanong nito sakin. Napairap naman ako sa kawalan. Sya mamimiss ko! In his dream! "No. Pwede umalis na kayo sa daanan ko. Kasi nakakaimbyerna kayo ih." Sabi ko at akmang lalagpasan sila pero hinarangan ako ni Shaun. "Really? You didn't miss my kiss, touch and body? Kasi namiss ko ung iyo." Sabi nya at akmang lalapitan ako pero bago nya magawa un. "Kim!" Tawag ng kung sino at paglingon ko!!! Waaaah! Sila Bryan! Palapit samin. Oh Ghad! May tagapagtanggol ako. "Sino tong mga to?" Sabi nya ng makalapit samin. "Boyfriend nya, bakit?" Sabi ni Shaun at aakbayan sana ako pero agad akong hinila ni Ivan palapit sa kanya. "Hoy! Hindi kita jowa nuh? Break na tayo remember?! Cheater ka kasi! Umalis na nga kayo! Mga panget!" Sigaw ko sa kanila habang nasa likod ako ni Ivan. "Oh?! Hindi naman daw pala kayo jowa ih. Ano pang inaantay nyo? Chupi!" Sabi ni Kenny at naghand gesture pa ng pagtataboy. Di naman nagustuhan yun nila Shaun pero bago pa magkasapakan. May dumating na agad na guard kaya umalis na din sila. "Ex mo yun, Kim? Ang shonget! Mas gwapo pa ko!" Sabi ni Kenny. Well totoo naman. "Ewan ko ba bakit ako nainlove dun?! Dinaan ako sa mabubulaklak na salita. Ayun marupok! Nahulog. Hahaha." Sabi ko. "Salamat pala sa inyo ah. Paano una na ko. Byie!" Sabi ko at maglakad na din paalis. Feeling talaga ng Shaun na un. Hahabulin ko sya! Over my sexy, yummy, beautiful body. Hindi ko gagawin un! Kahit tumirik pa ng paulit ulit ung mata nya. Hindi ko gagawin un. Nakauwi na ko ng bahay at masaya ako kasi unti unti kaming bumabalik nila Mama sa relasyon namin noon. Nagtatawanan at asaran na kami. Hindi katulad nung nasa buhay ko pa ung letcheng Shaun na un. --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD