Chapter 14

2336 Words
Kim's POV "Good job, guys. Goodluck satin. Bigay na ang todo mamaya. Manalo, matalo! At least we give our best. Okay?" Sabi ni Ate Vangie habang nakapabilog kami. Andito kami sa studio na nirent nila noon. Today is our day sabi nga nila, dahil nga ngayon ung finals ng DTC. At kabado kaming lahat. Bago kami pumunta ng Campus. Naglunch muna kami. Light meal lang, sabi nila mag heavy meal kami after ng competition dahil manalo, matalo. Kakain kami sa labas. Hehehe. After namin kumain, bumyahe kami papunta ng campus at deretso kami ng Gym dahil dun gaganapin. Walang stage na nakahanda, Pero meron silang nilagay na backstage para dun lalabas ung mga grupo. They also build a small tent para sa mga grupo na kasali. Para mag karoon ng privacy bawat grupo. Habang naghahanda ako, biglang nagvibrate ung phone ko. May nagtext kaya tinignan ko kung sino un at napangiti naman ako. From: Nicole Kimbeng, I might not be able to shout your name like the crowd will do, hindi mo man ako makitang napalakpak nang malakas at nagchicheer mamaya kagaya ng block D at nila Danica but always remember that I support you with all my heart and my love. So proud of you my beshywap kambal! Hahahaha. I love you! Ikembot mo ang bewang mo hanggang sa matanggal! Hahahaha. Goodluck! Muah! :* Ayan lang naman ung nakalagay sa text kaya hindi ko alam kung maluluha ba ko o matatawa o maiinis. Hahahaha. Pero sobrang natouch naman ako sa kanya. To: Nicole Thank you. Alam ko naman na nasakin ang supporta mo ih. I love you too! Igigiling ko talaga baka sa kaling mabingwit ko na si Sir Henry. Hahahahaha Reply ko at isend yun. Inilagay ko sa bag ko at hindi na inantay ung reply nya. Alam ko kasing busy un. Dahil sya ang may hawak ng Judges Score. Inaiintindihan ko sya. Kinuha ko ung damit ko at nagpalit na. Hindi ko muna sinuot ung crop top na sweater, nakulay red tas black ung tube naming mga girls tas nakaloose pants kami na nakataas hanggang tuhod. Tapos ung buhok namin nakabraid ng maliit. Lahat din kami nakawhite sneakers. Habang nag aayos kami. May biglang pumasok sa tent namin. Si Nicole. Nagtama agad ung mata namin ni Nicole at malawak syang ngumiti. "Hi! Si Ate Vangie?" Tanong ni Nicole. "Ay nagbihis, Ferrer." Sabi nung isang kasama namin. "Nicole na lang," saad n'ya. "Ahm. Sino kayang pwedeng bumunot para malaman kung pang ilan kayo sa tatawagin," tanong n'ya kaya naman, nagtinginan kami. "Kim, ikaw na lang." Sabi nila kaya napatingin din ako kay Nicole. "Ikaw na." Sabi nya sakin at tinignan ako ng mapanghusga! Siraulo 'to! "Okay," kibitbalikat ko tapos lumapit sa kanya. "Asan bubunutin ko? Ung ipin mo?" tanong ko pero mahina lang ung huli. "Sira! Wait lang! Atat ka masyado!!" singhal n'ya. "Magritwal ka muna," biro nya at ngumisi. "Ayoko nga. Si Sir Henry k- Sir Henry!" sigaw ko nang makitang pumasok si Sir Henry sa tent na nakalaan samin. Tinawanan lang naman ako ni Nicole. At gusto ko syang sabunutan. "Mukha kang tanga," bulong nya habang natatawa. Si Sir Henry naman nakangisi lang sakin. "Ikaw, Kim ah. Narinig ko na naman pangalan ko sayo," saadnya kaya napangiwi ako. Wow! So now, pinapansin na ko! Char! After kaya nung 2nd round. Pinapansin na ko ulit ni Sir. ayun nga lang, naalala ko ung kwentuhan namin nila Nicole. "Sorry na, Sir." Sabi ko at yumuko. Nahihiya ako bigla. "Bunot ka na kay Sir." Sabi ni Nicole. Napaangat naman ako ng ulo at nagtaka. "Anong bubunutin ko kay Sir? Hoy! Nicole! Ung scholarship ko na kasalalay dyan sa sinasabi mo!" Histerikal na sabi ko. At ang bruha tinawanan lang ako at binatukan. "Gaga! Ibang bunot ung iniisip mo. Bumunot ka na kung pang ilan kayo sa sasayaw. Ang halay talaga kamu ng isip mo this past few days," bulong sya sakin. "Ikaw kaya nauna," bulong ko din sa kanya at parang may naalala naman sya dahil dun. Sabay kaming napatingin kay Sir Henry na nakataas ang kilay samin. "Sira ulo ka! Bumunot ka na nga," ani nya at pinanlakihan na naman ako ng mata. Tumingin na lang ako kay Sir Henry at bubunot na sana pero nagsalita si Sir. "Ritwalan mo muna bago ka bumunot." Malumanay na sabi nya kaya parang kinilig naman ako dun at namula ung pisngi ko. "Okay na. Bunot ka na." Sabi nya kaya naman dahan dahan akong bumunot dun sa box na hawak ni Sir. Naiilang ako kasi feeling ko nakatitig sakin si Sir Henry. Tanggal angas ko e! Pagbunot ko. Nakita kong pang 5 kami. 2nd to the last! Nakuha ko ung gusto talaga naming makuha. Kaya naman napapalakpak ako! "Ang galing talaga ng ritwal ko! 2nd to the last kami, Nicole" turan ko sa kanya at sinulat naman nya un sa dala dala nyang que card. "Noted!" nakangiting sabi nya. Tas tumingin sa mga kasama kong busy sa pag aayos kaya hindi kami napapansin kanina. "Black Syndora. Pang 5th kayo sa magpeperform. Goodluck and Enjoy." Sabi nya at ngumiti. Kaya naman natawa ako dahil biglang magsicomment ung mga kasama ko. Kinilig sila kay Nicole! Hahaha "Salamat Ms. Beautiful." Sabi nung isa. Mag sasalita pa sana sya nang sumingit na si Sir Henry. "Let's go." Sabi nito. Tapos tumingin sakin. "Goodluck, Kim." Sabi nito sakin kaya napangiti ako. "Salamat Sir!" Nakangiting sabi ko. Tapos tumingin kay Nicole na nakataas ang kilay. Hahahaha. Bakit ba?! Kinikilig kaya ako! Nagpaalam na sila at dun na dumating si Ate. Sasabihin pa lang sana namin sa kanya ung nakuha namin, nang mauna pa syang nagsabi kaya shut up na lang kami. Nakita nya siguro sila Nicole. Hahaha At nag umpisa na nga ang competition! May malaking monitor na hinanda para saming mga nasa backstage dahil hindi kami pwedeng manuod sa labas basta basta. Hanggang sa tinawag na ang pang apat. Ayos na kaming lahat at inaantay na lang silang matapos. Pinuntahan na din kami ng isang committee na stand by na kami. "Okay! Hinga kayo. Okay? Manalo, matalo! Kakain tayo sa labas. But still give our best! Laban Black Syndora!" Sabi ni Ate Vangie at nagstand by na kami sa backstage dahil malapit na matapos ang pang apat. Nang matapos na at lumalabas na sila sa kabila. Naririnig na namin ung MC na nagsasalita. Tapikan na kami dahil sa kaba. Aaminin ko! Mayabang ako pero kinakabahan ako. "Of course, hindi naman magpapahuli ang susunod na grupo. Sila ang huling inaannounce na nakapasok nung 2nd elimination, pero hindi ibig sabihin na panghuli sila, eh nagpapahuli sila sa mga galawan at pag indak." Sabi nung babaeng MC. "Tama ka dyan, kaya naman, ano pang hinihintay natin, Let's give a round of applause to Black Syndora!" Sabi naman nung lalaking MC kaya naman ung crew na nasa side namin. Sinenyasan kami na lumabas na. Ang ingay ng crowd at naririnig ko ung pangalan ko! Nung tinignan ko! Mga hayop! Ung Block D! Taray naman sa supporta! "Kimberly! Kimberly! Black Syndora! Black Syndora! Kimberly! Kimberly! Let's Go!" Ayan ung sinisigaw nila kaya napangiti ako at inilingan sila. Mga buang! Parang chant ung ginagawa nila. Bumilog muna kami at inilagay ni Ate ung kamay nya sa gitna. Kaya ginawa din namin. "Black Syndora! Laban!" Sabay sabay naming sabi na ginaya ng Block D! Mga bwisit! "Whhoooo! BLACK SYNDORA! LABAN!" sigaw nila. Mukhang kami ang may pinakamataas na audience impact. Hahahaha Pumwesto na ko, pumikit at huminga nang malalim. At saktong pagdilat ko. Ang mga ngiting nakakakilig at nakakapagbigay inspiration ang sumalubong sakin. Ang gwapo ni Sir! Nakakalaglag panty ang putik! Nakangiti sya sakin at labas ung dimples! 'goodluck' ayun ata ung sinabi ng bibig nya tapos ngumiti ulit, ngumiti na lang ako at tumango. Nakakakilig naman ung suporta na yan ni Sir! Hahahaha. Mahal ko na ata si Sir! Hahahahahahaha. Henry's POV "Goodluck." I mouthed to her kahit hindi ko alam kung nagets nya ba. Pero nung ngumiti sya, napangiti na din ako. I actually don't know my feelings to her but she's special. I like her. I admit, at first it was just a lust kaya nga sabi ko iiwasan ko ung ganung pakiramdam pero habang iniiwasan ko sya at nakikita ko ung mga pagpapacute nya sakin na hindi ko alam kung sinasadya nya ba o ganun talaga sya. Hahaha. Damn! She can't get out of my head. Naiisip ko ung pagpout nya, out of nowhere I smile because of that. I like her personality na very vocal at walang tinatago! Pag gusto ka nya. Sasabihi nya. Kaya nakukuha nya ung attention ko. "Whooo! Go Black Syndora! I love you na Kim!" Naputol ung pagtitig ko sa kanya nang may sumigaw sa Block D. Hahaha. Makukulit talaga tong mga batang to. Buti na lang at malapit sila sakin kundi nakatikim sakin ung nagsabi ng 'I Love You, Kim.' Samantalang ung presidente nila, stress na sa kanila dahil kanina pa sila nag iingay. Hahaha. Napailing na lang ako sa kanila. Binalik ko na lang ung tingin ko sa harap dahil nag uumpisa na ang sayaw ni Kim. She really good at it! She's so graceful while dancing. And her custome! It's suit to her. Her flat stomach, slender body. Damn! I really appreciate it! Ang sexy nya. And speaking of sexy, here comes the sexy dance na part ng Choreography nila. Gusto ko syang makita na sumasayaw ng ganto, kaya naman hinuli ko ung mga tingin nya at hindi naman ako nabigo dahil nahuli ko un. And now we are staring at each other. Minsan lang to. Lubusin na natin. While staring at her, napatulala ako at napakagat sa loob ng ibabang labi ko. She's swaying her hips habang hinahagod ng kamay nya ung katawan nya. Sinong hindi maaakit sa ginagawa nyang sayaw at dahil nga nakatingin kami sa isa't isa. Feeling ko inaakit nya ko at ako namang g*go! Naakit! Pero alam kong hindi dahil part yun ng sayaw nila. Hindi nya inaalis ung tingin nya sakin, ganun din naman ako. Natigilan ako nang bigla syang kumindat bago ibend ung katawan nya palikod, sabay taas ng paa papuntang ere at lumanding sa likod. I don't know what is called but bending cartwheel maybe? But i don't care... Ang galing nya! "Whooo! Baka si Kimberly yan!" Sigaw ng Block D. Ang ingay talaga nitong mga to. Hahaha. Full support sa kablock nila. Tinignan ko naman si Nicole na pigil na pigil sa pag cheer sa kaibigan nya. Hahahaha. Sya kasi ang may hawak ng mga score kaya hindi pwedeng magcheer din sya. Ibinalik ko ung tingin ko sa grupo ni Kim ng biglang magsigawan at magcheer ang buong crowd. Napatulala ako because of their synchronization, sabay sabay at pantay pantay din ung mga galaw. Pati ata paghinga pinaktis nilang pagsabay sabayin. Hindi ko alam ung tugtog nang sinasayaw nila pero ang galing! Hahahaha. Magaling naman lahat. Bias lang ako na mas magaling sila dahil kay Kimberly. Natapos ang sayaw nila at hindi mag kamayaw ang mga nanunuod dahil sa last post nila. Todo taas naman ng banner ang Block D. Pati ung iba. Palakpak lang naman ang mabibigay ko. Kung sila man ang mananalo. Deserve nila. Lumabas ako ng gym para pumunta ng garden. Gusto ko lang mag isip. Naguguluhan na ko ih. Hahaha. Sa araw araw na nakikita ko si Kim dahil hindi ko naman maiwasan since ako ang adviser nila. Pwede palang magbago ang nararamdan ng isang tao. From lust to like or love? Akala ko kasi from like to love then to lust without love. Ganun lang kasi ung nakikita ko minsan, katulad na lang nang kay Miggy. She like Sofia na napunta sa love, then biglang naging lust na lang at wala ng pagmamahal. But this time, iba kasi ih. At first I only see her as a woman who will be part of my bachelor life pero unti unting napupunta sa pag iimagine na, nasa iisang bahay kami at asawa ko sya? Really?! Hahahaha. But of course I don't want to tolerate my lust last time kaya ibinaling ko sa iba kaya nga narinig pa ko ni Nicole na may kas*x na iba. Pero kahit nangyari un, parang may kulang pa din. Siguro nga dahil walang love. Puro lang kamunduhang pagnanasa. Tumitig lang ako sa mga puno dito sa garden. Maganda talaga dito sa pwesto na to. Lagi kami dito nakatambay nila Caleb pag lunch break o kaya naman gusto lang naming lumayo sa mga babaeng nasunod samin. Bigla namang tumunog ang phone ko habang nag mumuni muni ako. Si Harold... "Bakit? Busy ako." Ayun agad ang bungad ko dahil totoo naman talaga. [We know. Pupunta kami ng mini concert. Pinapasabi nila.] Sabi nya kaya napangiti ako. "Okay. Sino mga kasama nyo?" Tanong ko sa kanya. [Miggy, Keith, Theo at ako. Ewan ko kung kasama sila Sofia but alam mo naman un. Kung asan si Miggy andun din sya. Kahit hindi na sya pinapansin ni Miggy.] Sabi nya na halatang naiirita. Hahaha. Kahit naman ako minsan naiirita din sa kanya. "Okay. Sabay sabay na tayo magpunta dito. Sabihin ko na lang kay Cyrus." Sabi ko tapos nagpaalam na. Ngayon lang namin mararanasan ang concert dito sa Campus. Hahaha. Kaya nga nung sinabi ni James ung proposal nya about dito. Sinuportahan ko sya agad dahil gusto ko din maranasan. Habang nag iisip biglang lumanding ung tingin ko dun sa upuan kung saan ko nakitang umiiyak si Kim dahil sa ex nya. Naawa ako nun kasi bakit sila nilolomo ng mga lalaki, ang ganda ganda naman nila. Kaya nung sinabi nyang nakakawala ng ganda, napasabi ako ng hindi naman nawala ung ganda nya, pero hindi nya narinig. Buti na lang. At first, akala ko talaga special sya sakin dahil estudyante ko sya and I really like her personality. But now?! Gulong gulo na ko. Pero kung anoman to?! at makumpirma ko ung mararamdaman ko. I will wait her hanggang sa makagraduate sila, dahil kasabay ng paggraduate nila at pagtatapos ng term ko sa pagtuturo. -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD