Chapter 10

2759 Words
Kim's POV Kinabukasan, pinilit kong sumabay kay Nicole dahil sabi nya wala syang meeting nang umaga. Nagulat din ako dahil si Tala inaabangan kami sa gate ng campus. Bakit parang mas masaya kung sila ung nag aabang sakin sa gate. Natapos ung morning class namin at syempre, subject na ni Bebe ko Henry! Hahahahaha. Charot! Hinay muna sa kakabebe. Nag usap lang kami habang paakyat ng room namin dahil kakatapos lang ng lunch namin. Nag uusap kami about dun sa groupings na gagawin ni Sir. Sana nga magkakagrupo kami kasi nakakahinayang kaya paghindi namin kagrupo ung isa samin o magkakahiwalay kami. Pagdating namin nagkakagulo ang mga kablock ko at parang magkakaroon ng diskusyon. Patuloy lang naman kaming naglakad nila Tala. Pag upo namin nakita namin si Nicole na nakatayo pa din sa pinto at nasa likod si Sir Henry, habang nakataas ang kilay na nakatingin kay Nicole. Natatawa kami kasi walang kaalam alam si Nicole na nauna na kami at nasa likod nya si Sir. Kumaway pa kami sa kanya ng hanapin nya kami. Hahahaha. Bahala ka dyan. Daydreaming na naman kasi yan. Hahaha "Grabe! Iniwan ako! Hahaha." Sabi nya tapos na upo na. Tinawanan lang namin sya sa sinabi nya. Tumahimik naman kami nang magsalita na si Sir Henry at sabihin iaannounce na nya ung grouping. Pagkita namin sa grouping! Nanlumo kaming tatlo. Kasi hindi namin kagrupo si Nicole. Madaya! Kasama nya sila Kenny na medyo pasaway pero matatalino. Sila ung tumulong sakin kahapon. Sayang naman hindi namin si Nicole kagrupo kahit na may point si Sir dun sa dahilan nya. Hindi pa din namin kagrupo si Nicole. "So... Ang balak ko sana is ung Villanueva Corps., Para madali na lang din atska incase na irequired ung interview. Atleast madali nating malalapitan." Sabi ko sa mga kagrupo ko dahil ako lang naman ang inassign na leader ng bebe ko! Hahaha "May point. Sige. Go na natin ung sa Villanueva Corps.," Sabi naman ni Gab. Habang nag uusap usap kami. Lumapit naman sakin si Nicole, tinanung nya lang kung kukunin namin at umoo naman ako. Sinulat ko na lang sa papel katulat ng sabi ni Sir Henry, dahil decided na naman kaming un na ung company namin. Kinolekta na ni Sir ung mga papel namin at parang naamaze sya sa mga napili namin. "Dahil eto ung napili nyo. May twist tayong gagawin. Hehehe." Nakangiting sabi ni Sir. Gwapo! Labas dimples! Hahaha. Okay, research paper na ulit. Maya na landi. Hahahaha. Bigla naman sumigaw si Kenny. Hahahaha. Napagtripan pa si Nicole ng mga to. Ung isa naman halong umusok na ang ilong dahil sa pantitrip sa kanya nila Kenny. Hahahaha. "Mukha naman kasi talagang twist si Sir. Lagi na lang." Bulong ni Tala kaya natawa din kami. "Sumbong kita, Tala!" Sabi ko pero joke lang un. Hahaha Natapos na ang biruan at bubunot na kami. Agad akong pumunta sa harap nung tinawag na ko. Tumapat ako kay Sir Henry na nakangiti sakin. Magriritwal lang ako saglit kasi ayokong makuha ung Monticlaro! Mahirap un. Okay nang iba wag lang un. "Hoy Kimberly! Bumunot ka muna! Mamaya na landi!" Sigaw ni Tala kaya natawa ung buong klase pati na si Sir! Echosera to! Hahahaha "Nagriritwal pa ko dito." Sigaw ko sa kanya. Sumabat naman si Nicole sa sagutan namin. Bago pa kami mauwi sa kung ano ano. Pinigil na ko ng bebe ko Henry. Hahahaha. Malandi ka talaga, Kimberly! "Get one now, Kim. Baka okay na ung ritwal mo. Hahaha." Sabi nya at gusto ko pa sanang tumulala dahil sa tawa ni Sir pero ayoko naman pag initan na naman ng klase kaya bumunot na ko dun sa nakabilog na kamay ni Sir. Ang lambot ng kamay ni Sir! Kamay pang mayaman. Bago pa ko mawala sa katinuan dahil sa kamay ni Sir. Kumuha na ko ng isa at binuksan un. Nagdiwang naman ang kalooban ko ng makita ko kung ano ung andun! Hahaha. "Oh diba?! Effective ung ritwal ko! Villanueva Corps., Wala ka kasing tiwala sakin Krystal Jane ih." Sabi mo at nagyayabang pa kay Tala. Naglakad na ko pabalik ng upuan ko at pinagyabang ung nakuha namin. Alam kong mas mapapadali kami dahil ganun pa din ung nakuha namin. After magbunutan nagpaalala pa si Sir ng mga gagawin namin sa research namin. After nun hinayaan na nya kaming mag usap para sa gagawin namin. "Okay. So kuha tayo ng tig iisa sa mga strategies nila." Sabi ko. Magpatuloy pa nga kami sa pag uusap about sa aming research hanggang sa matapos ung time ni Sir Henry na puro plano ang ginawa namin. Dumating ung mga prof namin at nagdiscuss at paalala lang. Hanggang sa nag uwian kami. Humiwalay ulit samin si Nicole ngayon dahil may meeting sila sa scholars org. "Namimiss ko na si Nicole." Sabi ni Tala habang nakain kami ng kikiam sa labas ng campus. "Ako din. Hahaha. Sobrang busy kasi pero magiging busy din ako. Kasi may mga practice kaming gagawin." Sagot ko sa kanya. "Ako din ih. Sasali din ako ng Poster Making Contest." Sabi nya. Sa totoo lang magaling talaga to si Tala sa drawing, calligraphy at hindi lang yun, sya ang aming offical photographer sa grupo. Dahil magaling sya sa mga angulo angulo, ako kasi magulo lang. Hahahaha. At syempre maganda. Habang nakain kami, may biglang sumagi sakin dahilan para matapon ung kinakain ko. Sinadya ung pagkakatabig sakin kaya naman tinignan ko ung tumabig sakin at halos umusok ang ilong ko nung nakita ko ung pagmumukha nila. "Opx. Sorry! Hindi kita napansin. Akala ko basurahan." Sabi ni Francine na ikinatawa nang grupo nila Shaun at nang iba pang babaeng kasa kasama nila. Ou! Sila ung andito! At si Francine ung tumabig sakin! Waaaaaaah! Kinakalimutan ko na nga sila! Hindi na ko nagseselos, hindi na ko nasasaktan! Nagagalit na ko. Actually nabubwisit nga ako bakit ako nainlove sa g*gong to?! Ngayon alam kong na excite lang ako na may nag hahalaga sakin. Huminga ako ng malalim at kinuha ung nahulog na pagkain ko at tinapon sa kanya ung natirang sauce. Tumili naman sya at tumingin sakin ng masama. Ako naman ngumiti ng sobrang tamis. "Sabi kasi dispose it properly, kaya naman tinapon ko lang sa tamang basurahan." Sabi ko. Nakarinig naman ako nang malakas na tawa kay Tala. "Im not a trash bin. You are!" Maarteng sabi nya habang pinupunasan ung sauce. Nagkunwari naman akong magulat. "Ay hindi ba?! Bakit nasayo ung tinapon ko?" Sabi ko at tinuro pa si Shaun na biglang sumama ang tingin sakin. "Di ka inform? Tinapon ko yan." Dagdag ko pa tapos humarap kay Manong at nagabot ng singkwenta pesos. "Kuya, eto na po ung bayad ko. 20 lang ung nakuha ko. Nawalan na ko nang gana. Ang baho kasi ng mga andito, umaalingasaw ang pagiging malandi at pagiging f*ckboy. Keep the change na din po o kaya libre ko na sila." Sabi ko at tumalikod na at umalis. Naririnig ko pa ding tumatawa si Tala pero nakapagbayad na sya at nararamdaman kong nakasunod na sya sakin. Gigil ako sa mga walangyan un! Akala nila papaapi ako! No! No! No! Hindi ako si Lovely Kimberly Santos kung hindi ako palaban. Henry's POV "Sino bang babanatan natin at tinawag mo pa talaga kami." Sabi ni Trev. Tinawagan ko kasi sila ni Theo para tulungan ako. May reresbakan lang kami. Heheh. Well! Minsan kaming naging basag ulo nitong mga to. Dahil nga sa ganun kaya kami naging magkakaibigan ih. Ako ung napagtripan nila nun tapos syempre sinabi ko sa mga kaibigan ko, kila Miggy. At yun! Pinuntahan namin, hanggang sa nagkaresbakan na at bandang huli naging magkakaibigan. "Estudyante ung reresbakan natin. Hahaha. Saglit lang." Sabi ko. Natawa naman si Theo at napamura pa. "G*go! Gusto ko to ah! Hahaha. Anong ginawa sayo at reresbakan natin?" Tanong nya sakin. "Hindi sakin. Basta." Sabi ko at pinagpatuloy ung pagpiprint ng mga papers na ibibigay ko sa Kinaaadman. "Oh s**t!" Bulaslas ko nang maalala ko na may meeting nga pala kami ng mga batang un ngayon! Agad kong tinawagan si Jasmine para sabihin may emergency akong pupuntahan at magpapunta na lang dito ng pwedeng kumuha nung mga papers. Hindi ko pa kilala lahat ng officers ng Kinaaadman, ung president pa lang kaya sya ung kinontak ko. Natapos ko na ung piniprint ko pero wala pa ung pinapapunta ni Jasmine kaya tumawag ako ulit na sa parking na ko puntahan. Dun ko na lang aantayin. Niyaya ko na ung dalawa papuntang parking at sinabing dun ko na aantayin ung pagbibigyan ko ng papers. Malapit na kami sa kotse nang may tumawag sakin. Paglingon ko si Nicole? May problema pa ba sya sa groupings namin? "Ganda." Sabi ni Theo pero siniko ko lang sya. "Dun na kayo sa kotse. Sunod ako." Sabi ko at inabot ung susi sa kanila. Ska ko hinarap si Nicole. "Oh? why? may problema ka pa din ba sa groupings?" Natatawang tanong ko sa lanya ng makalapit sya. Bahagya naman syang nagulat at napangiwi. Hahaha. Sa totoo lang, maganda talaga tong batang to. Matalino pa. Sexy at talented pa. Hahaha. Aaminin ko din na crush ko tong batang to pero nabaling sa iba ung pagkagusto ko. Papansin kasi ung nagustuhan ko. Bukod dun estudyante ko sya. "Hala Sir. hindi ah.. okay na po ako sa groupings.. kukunin ko lang po sana ung list ng mga gagawin ng Kinaaadman for Festival. Ako po ung inutusan ni Ate Jasmine po." Paliwanag nya. Ow! Part din pala sya nun?! Ano pang hindi kayang gawin ng batang to?! "Kinaaadman? Kasali ka dun? Officer ka? Ay wait! Di ko pa nakikita ung list ng officer ih. Kahapon lang kasi binigay sakin. Kung alam ko lang na andun ka edi sana, sayo ko na lang sinend and dun na lang prinint.. Hahaha. Anyway eto ung list. Sorry, may emergency lang talagang pupuntahan. Meeting na lang ulit tayo by next week para mameet ko ung ibang officers.. pakisabi." Sabi ko at ngumiti. Hindi naman kasi talaga ako ang nakaasign dun pero hayop na Cyrus! Sinabing ako na lang daw! Hayop. Napaka competitive, hindi naman ako nakikipag competition sa kanya. Hahaha. Sadyang gusto ko lang mag turo because that's one of my dream, to be come a teacher but my dad doesn't want me to be on that profession. Sabagay sino nga bang ama ang gugustuhin na maging Teacher ang nag iisang lalaking taga pagmana nya. Napunta lang ako sa posisyon ko ngayon dahil minsan kong nakwento kay Tito Miguel na gusto kong mag turo then he offer me to work here as a professor, tinanggap ko agad! And talk to my Dad about this. Though he agree to it, may kondisyon nga lang. Dapat talaga isang taon lang pero pinag hawak ako ng isang block na akala ko magiging sakit sa ulo ko but no! They're became one of my happy pill and I enjoy being with them pag nagtuturo ako. Para akong isang Kuya na may 25 na kapatid. Masaya silang kasama at matatalino silang lahat. Walang nagpapaiwan. Kaya naman nakipagdeal ako kay Dad na once na magkapagtapos ang Block na hawak ko, dun ako titigil na sa pagtuturo at Ako na ang hahawak ng company namin. Nabalik ako sa reyalidad ng mag salita si Nicole. "Opo sir, di ko din alam kung paano ako nasali pero kasali po ako. Sige po sabihin ko na lang kay Ate Jas. Thank you po. ingat po kayo. Bye!" Paalam nya. Hindi alam eh! Ang talino kaya nya! Ngumiti na lang ako at nagpaalam na din. "Salamat. Ingat din kayo sa pag uwi mamaya. Ikaw na lang ang hihingan ko ng update. Hahahaha. Bye!" Paalam ko. Kaya tumalikod na sya at naglakad palayo. Tinignan ko lang muna sya bago naglakad na din papunta kotse ko. "Chiks mo yun, Papi Hens?" Tanong ni Trev. "No. Estudyante ko." Seryosong sagot ko at tumingin sa kanya. "At wala akong balak na ipakilala ka o kayo. Wala din akong number nya at 18 years old lang un. Inosenteng bata at hindi bagay sa mahahalay na utak katulad nyo." Dagdag ko. Bigla naman silang natawa. "Bro! You look like a Big Bro to that girl! Hahaha. Paping papi ang dating! Hahaha." Sabi ni Theo tapos tinapik pa ung balikat ko. "Now! Asan na ung babanatan natin. Nangangati na ung kamao ko ih!" Dagdag nya pa. Ngumiti na lang ako at yeah! Im a big bro to them and no one mess up with my student especially her! Nagdrive na ko at pumunta sa malapit kung saan laging nakatambay ung reresbakan namin. "Sino dyan?" Tanong ni Trev habang inaayos ung cap nya. "Nakapang engineerng student na uniform." Sabi ko at pinakita ung picture. "Oww! Ilang taon na yan? Hindi naman na minor yan diba? Baka matanggalan ako ng lisensya. Hahaha." Sabi ni Trev kaya natawa ako. "G*go! Hindi. 22 na yan. Nakailang shift na yan ng course. Dating nasa BM tas napunta sa Engineering." Sabi ko at kinuha ung cap ko. "Ow! Hindi na minor! Kaya nang gumawa ng minor. Anong atraso sayo?" Tanong ni Theo. Napailing na lang ako sa sinabi nya. Sira ulo! "Messing up with someone special to me." Maikling sabi ko. "Oww! Special ah! That someone special you are talking about.. is it a girl or a student?" Nakangising anong ni Trev. Napailing na lang ako at hindi nagsalita. Sinuot ko ung cap ko at facemask at bumaba. Hindi ako pwedeng makilala dahil malalagot ako. "F*cker! Hindi mo ko sinagot!" Rinig kong sabi ni Trev at bumaba na din, tawa lang naman ang narinig ko kay Theo. Naglakad na kami papalapit dun sa grupo ng reresbakan namin at walang sabing sinipa ung table nila kung saan may mga beer. Ang lakas ng loob ng mga to mag inum habang suot ung uniform ng AHC! "The f*ck! Sino k-" hindi na nya natapos ung sasabihin nya dahil isang sapak ang ibinigay ko sa kanya. Naharangan naman agad nung dalawa ung mga tropa nya kaya tinignan ko lang nang tamad ung lalaking nakahandusay na ngayon. "Don't you f*cking dare come near her. Naiintindihan mo?! At alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko." Sabi ko pero bakas pa din sa kanya ang pag tataka. "Sinong sinasabi mo?" Nanginginig na sabi nya. Hinila ko ung damit nya at pinaupo tapos ninawakan ko ung buhok nya na pasabunot. "The girl you recently cheated on." Sabi ko pero mukhang hindi nya pa din kilala. Tarantado to?! Ilan bang babae ang niloko nito at hindi nya matandaan?! "Dude! Tagalugin mo! Baka nasobrahan sa panloloko kaya nabobo." Sigaw ni Theo. "Ah tama! Wag mo nang subukan na lumapit sa babaeng niloko mo kamakailan lang. Kasi hindi mo magugustuhan ang gagawin ko pag lumapit ka pa sa kanya. Ngayon naiintindihan mo na ba?" Dahang dahang sabi ko pero madiin. Dun naman nagdiwang ang loob ko dahil sa wakas mukhang naget na nya. "Kayo ung nakaaway ko kahapon nung lumapit ako kay Kim! Kayo un!" Sabi nya. Napangisi ako sa loob ng takip ko sa bibig. Hindi kami un pero sila ung nagsumbong sakin. Na hinaharass nang g*gong to si Kimberly. "Hindi kami un. Pero wag mong subulang rumesbak at magsumbong dahil hindi lang to ang makukuha mo. Naiintindihan mo ba ko, bata?!" Sabi ko at mas hinigpitan pa ung pagkakasabunot sa kanya. Tumango naman sya at takot na takot. "Mabilis naman pala tong kausap ih." Sabi ni Trev na nakalapit na sakin at binigyan ng mahihinang sampal ung Shaun. "Walang karapatan makipagrelasyon ang mga katulad mong walang itlog. Wag mo na uulitin ah! Kasi tatanggalin ko yan." Sabi ni Trev sabay basag ng isang bote at kinuha ung malaking bubog nun at itinapat sa ibaba nung Shaun. G*go ang hayop! Hahaha "Dami mong chiks, bata. Pwede ko bang hiramin ung isa? Mas malaki ung akin kesa sayo kaya mag magaling akong magpaligaya." Rinig kong sabi ni Theo at nilapitan ung babaeng akbay ni Shaun at walang sabing hinalikan to. Babaero talaga ang g*go! "Naiintindihan mo naman lahat ng sinabi ko diba?!" Tanong ko, tumango tango naman sya. "Mabuti." Sabi ko at pabalya syang binitawan. Tapos niyaya ko na ung dalawa na umalis at pumunta sa kotse ko. Medyo nakatago naman un kaya hindi nila kami makikita bukod dun tinted naman ung kotse ko. Subukan lang talaga ng batang un na magsumbong. Ipaparanas ko sa kanya ang galing ng isang Henry Villas. "A girl huh! Hahahaha. I wonder sino ung Kim na un." Sabi ni Trev habang tinatanggal ung cap nya. Ngumisi lang ako at tinignan sya. "Hindi nyo sya makikilala hangga't hindi pa pwede." Sabi ko lang at nagdrive na. ------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD