Chapter 29

1709 Words
Kim's POV "Kumusta si Nicole, Anak?" Tanong ni Mama sakin habang nasa kusina kaming dalawa si Ad kasi at Linsay nasa sala at nanunuod. Si Henry naman may sinagot na tawag kaya lumabas muna. "Hm. Okay naman sya. Pero minsan po naririnig ko syang umiiyak sa kwarto nya." Sabi ko at pumangalumbaba. Naghuhugas kasi si Mama, ako nakaupo sa lamesa. "Kawawa din talaga ang bata na yun. Pero alam ko din na matapang un at malakas kaya malalampasan nya din to." Sabi ni Mama kaya tumango ako. "Ikaw? Magkakaapo na ba ko?" Tanong nya kaya bigla akong kinapos ng hininga at naubo ubo pa. "Aysus! Painosente ang Kimbeng ko." Dagdag nya pa. "Ma! Baka marinig ka ni Henry." Saway ko sa kanya at tingin sa pasukan ng kusina. Tinawanan lang naman ako. "Bakit? Wala pa ba? Ang tagal naman ng manugang kong yun." Sabi nya ulit kaya nabato ko ung basahan ko sa kanya. Gosh! Kay Mama nga ata ako nagmana ng pagiging vocal at mahalay ang utak. Charot! Hahaha "Wala pa, Ma nuh! Atska hindi pa kami kasal bakit may pamanugang ka na?" Tanong ko "Bakit? Hindi ba sa kasal din naman ang punta nyong dalawa." Sabi nya kaya pinamulahan ako ng mukha na ikinatawa ni Mama. Hindi na ko nakarebat dahil pumasok na bigla si Henry. Naalala ko tuloy ung lagi nyang sinasabi na papakasalan nya ko. Sigurado naman na ko kay Henry pero syempre... Nahihiya ako sa mga ganung usapan. Bandang alas singko, nagpaalam na kami kila Mama na uuwi na. Wala na din si Linsay at umuwi na. "Ahm. Kimmy, daan muna tayo saglit sa unit ko. May kukunin lang akong documents tapos hatid na kita. Okay lang ba? Or gusto mo na umuwi?" Tanong nya habang nasa byahe kami. "Hm.. okay lang naman. Nagtext naman si Nicole na okay lang daw sya. So okay lang. Hindi mo naman ako gagahasain dun diba?" Sabi ko at parang mali ata ung nasabi ko. "Hindi ko sure." Sabi nya at ngumisi. Kaya hinampas ko sya! "Tignan mo! Ikaw ang nauna tapos mananakit ka." Sabi nya sabay himas sa pinalo ko. "Nagtatanong kasi ako ng matino." Sabi ko at umirap. "Bakit naman kasi kita gagahasain kung pwede naman akong magpaalam." Sabi nya. "Tutal, maghahanap naman na si Tita ng apo." Bulong nya. "Narinig mo ung usapan namin ni Mama?" Tanong ko at tumango lang sya na nakangisi. "May basbas na. Hahaha." Sabi nya pa. "Hindi na ko bababa. Dito na lang ako." Sabi ko na ikinatawa nya. "I won't do anything, Sweetie. Promise!" Sabi nya at alam kong sincere un. Kaya pagdating namin dun, sabay kaming bumaba at umakyat sa unit nya na magkahawak kamay. Pagdating namin sa floor kung saan ung unit nya na minsan na din akong nakapunta. May tao sa labas. Tatlong babae? Agad akong napatingin sa kanya na nakataas ang kilay dahil narinig ko din syang nagmura. "Sino sila?" Tanong ko kaya naagaw namin ung atensyon ng mga babaeng coloring book. "Hon!" Sigaw nung isang babae kaya napabitaw agad ako ng kamay kay Henry dahil tinakbo sya nung babae at yumakap. Boyfriend ko yang yakap mo. Akma akong tatalikod pero nakita kong tinulak ni Henry ung babae at hinawakan ulit ung kamay ko na inilayo ko na. "Hannah! What are you doing here?!" Sabi nya dun sa babae pero sumulyap sakin. "I miss you. Matagal tayong hindi magkita Honey because of what happened to Sofia kaya ngayon lang ako nakadalawa ulit." Sabi nung babae. "I don't care. Simula nung naghiwalay si Sofia at Miggy, that means wala na rin tayong connection. Kaya umalis na kayo." Sabi nya tapos humarap dun sa isang babae. "And if you're looking for Miggy. Get lost! Dahil wala ka nang mapapala sa kanya. He doesn't love you anymore and he's married." Sabi nito sabay harap sakin at kinuha nya ung kamay ko. "We need to talk, my dear." Sabi nya at nilagpasan ung mga babae pero nahawakan nung kausap nya kanina ung buhok ko. "Argh! Bitaw! Babanatan kita!" Sigaw ko kasi masakit. Tinanggal naman nya dahil siguro kay Henry. "This b*tch! Eto ang ipinalit mo sakin." Sabi nung babae. Sumosobra na to ah! Kaya hinarap ko sya at tumingin sa mga kasama nya. Aba! Hindi ako paapi nuh?! Hindi ako si Lovely Kimberly Santos kung hindi ako talakera! "Hoy babaeng coloring book! Para sabihin ko sayo! Ikaw ang b*tch! At ou! Ako ang ipinalit sayo dahil mas maganda at mas fresh naman ako kesa sayo! Malanding to!" Sigaw ko na ikinagulat nung tatlong babae. Tumalikod na ko at nauna pa kay Henry maglakad dahil nakatulala pa sya. Pero napaharap ako ulit dahil nagsalita ung babae. "This man, pagsasawaan ka lang nyan at pagtapos ibabasura ka na." Sabi nya at taas noo. Kapal nito! Naglakad ako ulit palapit sa kanya. "For your information! Hindi ako nakakasawa bukod dun hindi ako binabasura katulad mo, ako ang nagtatapon. Don't worry, inform kita pag ibabasura ko na sya para pulutin mo." Sabi ko at humarap ulit kay Henry na nagtatanong ang mukha! Ay! Hindi ko ibabasura to nuh?! Kaya humarap ako ulit dun sa babae. "Kaso nga lang hindi ko tinatapon pagmahal ko. Kaya hanap ka na lang ng iba." Huling litanya ko tapos humarap sa unit ni Henry at inilagay ko ung code na which is birthday ko. "How did you?" Nagtatanong ung babae. Tinignan ko sya at nginisian. "Sorry. Pass time ka lang, asawa ako. Chupi! Baka maging kamukha nyo pa ung anak namin. Ayoko syang maging coloring book." Sabi ko at pumasok. Sinundan naman ako agad ni Henry at nakita na nya kong pabagsak na umupo sa couch nya. Lalapit sana sya pero nagsalita na ko. "Kunin mo na ung documents na kukunin mo. Gusto ko na umuwi." Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya. Narinig ko naman syang bumuntong hininga at pumunta sa kwarto nya. Nag iinit ang ulo ko! Ano ung babae na yun?! Bakit may pahoney honey pa syang nalalaman! Sakalin ko kaluluwa nya eh! Tapos etong Henry! Wala man lang sinasabi na may jowa sya noon! Saktan ko kaya ngala ngala nya! Ang sarap sapakin sa esophagus! Argh! "Masisira na yang throw pillow sa kakasuntok mo." Rinig kong sabi ni Henry kaya tinignan ko sya. "Sinong gusto mong sapakin ko?! Ikaw! Halika dito! At gagawin ko talaga! Bwisit ka!" Sabi ko at ibinato sa kanya ung unan. Tapos naluluha akong tumingin sa kanya! "Sino ung babaeng yun?! May pahoney honey pa! Bakit hindi mo sinabing may kafling ka pala! Ilang beses na may nangyari sa inyo?! Simula at Hanggang kelan?!" Sabi ko at umiiyak. "Kim, don't cry... Ung anak natin baka mapaano..." Biro nya sakin pero sinamaan ko sya ng tingin. "Wag mo kong mabiro biro baka tanggalin ko yang atay mo, Henry Villas." Sabi ko at tinuro pa sya. "Ikaw nagsabi kanina tapos ako ung sasawayin mo." Bulong nya pero nanggigil ako kaya binato ko ulit sya ng unan. "Okay. Okay. Stop na. I'll gonna tell you who she is and what we have. Just stop crying." Sabi nya at unti unting lumapit sakin. Yayakapin sana ako kaso tinulak ko sya. "Wag mo ko yakapin! Galit ako sayo." Paarteng sabi ko. "Okay. Hindi na." Sabi nya tapos tumingin sakin. "Kafling ko lang dati un si Hannah, sya ung babaeng narinig ni Nicole nung bago ung festival. Panigurado namang nakwento un ni Nicole sayo, sa inyo kaya alam kong alam mo yun." Dahil sa sinabi nya. Nahampas ko sya bigla ng sobrang lakas. "Kadiri ka! Pinatulan mo yun?! Mas maganda pa ko dun, Henry!" Sabi ko habang matalim na nakatingin sa kanya na hinihimas ung hinampas ko. "Sweetie, nakakadami ka na! Babalikan kita ng halik! Atska kaya nga walang kami kasi hindi ko sya gusto. Tawag lang ng laman! Ganun. Sorry na. Sabi ko sayo g*go ako noon. Nakikipags*x ako sa iba't ibang babae na lalapit sakin. Isa na dun si Hannah. Pero ngayon, wala na talaga. Ikaw lang promise! Ikaw lang talaga. Wala na kong ibang gustong makas*x kundi ikaw lang." Sabi nya kaya nabato ko na naman sya ng unan. "Ang bastos mo!" Sabi ko at nagpunas ng luha. "Totoo naman kasi! Ayoko na sa kanila. Sayo palang busog na ko eh." Sabi nya at ngumisi. "Ang halay ng utak mo! Grabe! Wala na talaga kayo nung babaeng coloring book na yun?" Tanong ko sa kanya. "Wala nga. At wala namang kami. Ikaw palang ang naging girlfriend ko. Lahat sila fling lang. Promise!" Sabi nya at lumapit na sakin. "Ikaw lang ang tangin babaeng mahal ko at ipapakilala ko sa pamilya ko." Sabi nya at dinampian ako ng halik sa labi, aalisin na sana nya pero yumakap ako sa batok nya kaya lumalim dahil gumanti ako nung gumalaw ung mga labi nya. Naramdaman kong unti unti akong napapahiga sa sofa at nakaalalay ung kamay nya sa ulo at bewang ko. Ang lambot ng labi ni Henry. Sa totoo lang. Ayoko nang bitawan kasi masarap. Hehehe. Tuluyan ko ng naramdaman na nakahiga na ko sa malambot na upuan at nakapatong nahalos sakin si Henry. "Uhm.." daing ko ng kagating nya ung ibabang labi ko para mapasok nya ung dila nya at huliin ung dila ko. Pagkatapos nyang magsawa dun bumaba ung halik nya sa panga ko, papunta sa leeg ko. Wala akong ibang ginawa kung tawagin ung pangalan nya dahil sa kiliting nararamdaman ko, nakapikit lang ako pero napadilat din ng bumulong sya. "I should stop now. Baka magkatotoong magkaroon ng laman tong impis at maganda mong tyan. Lalo na kanina pa ko hindi mapakali." Bulong nya sabay kagat ng tenga ko. Inilagay nya ung dalawang kamay nya sa magkabilang gilid ng ulo ko at umangat. Kaya kita ko ung ngiti nyang labas dimples. Napangiti din ako. "Henry. Ako lang ha. Kung ipagpapalit mo man ako, dapat ung kasing ganda ni Nicole para hindi ako magalit sayo." Sabi ko, kumunot naman ung noo nya dahil dun pero nakangiti pa din. "Kim. Hindi kita ipagpapalit. Kahit kasing ganda pa yan ni Nicole, ikaw pa din ang pipiliin ko. Dahil ikaw ung mahal ko. Hindi ko pa naamin sayo na mahal kita, desidido na kong pakasalan ka." Sabi nya at humalik ulit ng mabilis. "Mahal na mahal kita." "Mahal na mahal din kita." Nakangiting sabi ko. -------------

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD