Chapter 11

2119 Words
Kim's POV "Di ako makakasabay! May practice kami kila Ate Vangie for Elimination." Paalam ko kila Tala at Danica after kong magpalit ng damit. Si Nicole kasi sumibat na kanina pa dahil nakaexcuse sya. "Ay taray! Busy busyhan din ang lola mo!" Sabi ni Danica. Umirap naman ako. "Move on na sa ex yang chararat! Hahahaha." Dagdag pa nito. "Of course! Ako pa ba?! Si Kimberly kaya to! Hahahaha. Sige na nga dito na ko!" Sabi ko at tumalikod na sa kanila at naglakad papuntang grounds dahil dun kami magkikita kita. Speaking of ex! 2 days ko ng hindi nakikita un. Miski ung mga kaibigan nya wala na sa daanan kung saan kami nadaan lagi nila Nicole. Buti nga ih! Dahil naging kampante ang loob ko at walang nanggugulo sakin. Naalala ko ung huling encounter namin. Ginigil talaga nila ako nun kaya gumanti ako. Totoo naman na binasura ko un si Shaun dahil ako ang nakipagbreak at hindi sya! Bukod dun hangga't nasakin ang bataan. Hindi ako ang binasura kundi sila! Nakarating na ko ng grounds at nakita ko na ung mga kasama ko, kaya nagpunta na ko dun sa kanila. Nagbatian lang at nakakapagtaka kasi unti pang kami. "Asan ung iba?" Tanong ko dun sa isa namin kasama. "Ahm. Hindi ko din alam ih. Baka susunod na lang." Sabi nya dahil nag kakayayaan na silang umalis. Tumango na lang ako at sumunod sa kanila. Bumyahe kami papunta kila Ate. Hindi ganun kalakihan ung bahay nila pero may bakuran na pwede naming pagpraktisan. "Oh, inum muna kayo tubig." Sabi nya at inabot samin ung pitsel at baso. "Walang may kulay?" Tanong nung isa kong kasama kaya natawa kami. "Ayan lagyan mo ng lupa para may kulay. Demanding ka pa ah." Sabi ni Ate kaya mas natawa kami. May point naman sya. Hahahaha. After naming uminum, naupo na kami dun sa upuan na ibinigay nya. 15 kaming lahat sa grupo pero ang andito ay 7 lang. "Okay. Kung napapansin nyo, 7 lang tayo. Dahil ung mga tinext ko ngayon kanina ay un ung gagawa ng sayaw. So tayong pito ung gagawa ng choreography ng sayaw natin." Paumpisa nya. Uy! Hahaha. Ang saya ko naman dun! Choreographer ako. Hahaha. "I saw the six of you how to dance and masasabi kong matutulungan nyo kong gumawa ng sayaw... Don't worry. May nagawa na kong kanta. Papakinggan nyo na lang tapos gawan ng sayaw. Hati hati tayo. Okay ba yun?" Dagdag pa ni Ate at umagree kaming agad. Ibinigay samin lahat ung remix ng song namin at pinakinggan naming lahat un. Kanya kanya kami ng kinig. After ng isang oras nag tipon ulit kami para sabihin kung saang part kami gagawa. Inilagay kaming dalawa ni Jeff sa partner dance. Medyo silahis si Jeff kaya nakapalagayan ko sya agad ng loob dahi nasanay ako kay Ad. "Ay ti! Ang sexy mo naman! Hahaha. Inggit ang medyo malaki kong tummy. Buntis kasi ako! Mga 2 years na. Hahahaha." Sabi nya ng humiwalay na kami para gawin ung sayaw namin, hawak hawak nya ung bewang ko. Dahil meron kaming sayaw na hawak ng guy ung bewamg ng babae habang gumigiling. "Ilabas mo kasi lagi gurl para lumiit. Wag mong ipitin. Hahaha. Char lang syempre!" Sabi ko. Natawa lang din sya at pinagpatuloy namin ung paggawa. Hindi pa namin ganun nabubuo pero meron na kaming naumpisahan at bukas na lang ulit dahil gabi na at kailangan na naming umuwi. Nakauwi ako ng bahay at nadatnan ko si Mama na nanunuod ng TV. Lumapit ako at nagmano sabay upo sa tabi nya. "Kakain na!" Sigaw ng nasa kusina. "Magpalit kamu na, LK. Baka basa ang likod mo, matuyuan ka ng pawis." Sabi ni Mama. "Sige po." Sabi ko at tumayo na din. Alam nila Mama na may praktis kami ngayon kaya ganyan lang sya. Alam nyang pagod din ako. Umakyat na ko kwarto ko at nagpalit tapos bumaba para kumain. Nagkatuwaan lang kami habang kumakain. Dahil ang Adriene, mukhang nagiging lalaki na. May maganda daw syang nakitamg babae sa school nila. Sabi nya gusto nya dawaging friend pero habang kinukwento nya un, nag liliwanag ang mga mata. Hahaha Tanggap naman namin sya kung ano pa sya. Kung magpakalalaki sya, edi maganda. Kung magstay sya sa pagiging gay. Okay lang. Basta wag lang syang mag palit ari. Ewan ko lang. After kumain, umakyat na ko sa kwarto at pinakinggan ulit ung remix namin at nag stretching para masayaw ng maayos ung steps. Nang pwede na at alam kong kaya ko na. Atska ko inumpisahang igalaw ang katawan ko at isabay sa saliw ng tugtog. Dancing is my passion, sumasayaw ako pag malungkot ako, sumasayaw ako pag masaya ako at sumasayaw ako dahil eto ung gusto ko. I got a secret to tell. Hahahaha. Danica and Nicole are also good at dancing. Mas naenchance nga lang ako dahil gusto ko talaga. Kaya kung sila good, ako daw ay great. 4th year kami, PE at need naming gumawa ng dance video as project dahil kaming tatlo na din ang magkakagrupo sari sarili kami ng choreography. Kami ang may pinakamataas na grade nun dahil sa ginawa namin sa huli. Hahaha. Sabay sabay ba naman kaming tumambling ih. Hahaha. Hindi lang ganda at talino ang meron kami nuh?! Pati talent pasado kami. Tapos lolokohin lang ng mga walang hiyang hayop talipandas pashnea na mga lalaki! Tsk! Hindi sila kawalan! "HA!" Sigaw ko dahil sa pagod. Nagulat naman ako ng buglang bumukas ung pinto ko at bumungad si Adriene dun. Nagsasalita sya pero hindi ko marinig dahil nakaearphone ako. "Saglit! Hindi kita marinig." Sabi ko at tinanggal un. "Anong meron kako?! Bakit ka sumisigaw?!" Iritableng sabi nya. "Wala. Nagsasayaw ako at huminga lang ng malalim. Malakas ba?" Tanong ko sa lanya at umupo na sa kama ko. "Ay hindi! Kaya nga ako andito dahil rinig ko sa kwarto ko. Hindi malakas." Pilosopong sabi nya. "Bwisit ka!" Natatawang sabi ko. Lumapit naman sya sakin at humiga sa kama ko. "Ate. Kungagiging lalaki ako. Anong mapapayo mo sakin?" Tanong nya bigla. Napatingin naman ako sa kanya na nagtataka. "Gaga! Lalaki kang talaga." Sabi ko at tuluyang inalis ung earphones ko tapos inilapag sa mesa ko. Nakita ko naman syang nakasimangot. "Ay bwisit ka te! I mean maging totoong lalaki. Hindi binabae. Ganurn ung tinatanong ko sayo!" Sabi nya at hinila ung dulo ng buhok ko. Lagi nyang ginagawa yan. "Ad. Hindi ka naman namin pinipilit maging lalaking lalaki. Tanggap ka naman kahit binabae ka. Mahal ka namin. Wag mong pilitin ung sarili mong magbago dahil lang sa sinasabi ng lipunan sayo. Pero kung gusto mo talagang magpakalalaki na. Suportahan kita dyan! Kami nila Mama. Basta kungaging lalaki ka man talaga at magkagusto ka sa babae. Wag mong lolokohin. Wag kang mambubuntis agad at bukod dun at pinakaimportante sa lahat. Mahalin mo ng totoo ung babae, wag ma wag kang mag sisinungaling sa kanya dahil pag tiwala ang nasira. Yare na talaga! Mahirap ibalik un." Sabi ko at tumingin sa kanya. "Pero wag mong pilitin dahil mahal ka namin kahit ano ka pa." "Bakit nagpapaiyak ka?! Tinatanong ko lang kung anong payo mo sakin ih." Sabi nya habang nagpunas ng luha nya. Hahaha. "Salamat, Ate. Kahit nabuang ka nung nakaraan mahal din kita." Sabi nya at yumakap pero umalis din agad. "Pawisan ka! Maligo ka na! Yuck!" Sabi nya kaya natawa ako. Paano magpapakalalaki to, eh mas maarte pa sakin. Hahahahaha. "Hahahaha. Ou na. Good night." Sabi ko at tumayo para pumunta ng banyo at magshower. Akala ko umalis na ung isa sa kwarto ko kaya naman nakatapis akong lumabas ng banyo pero nakita ko syang nakahiga sa kama ko. "Lumabas ka nga muna! Magbibihis ako." Sabi ko at nagtuloy sa lakad paounta closet ko. "Ate! Buti kahit morena ka, makinis ang balat mo nuh?" Sabi nya at totoo naman un. Hehehe "Alaga naman kasi ni Mama. Ikaw din naman ah. Labas na at magbibihis ako." Sabi ko. Ginawa naman nya. Nakabihis na ko at humiga na pero bumukas ulit ung pinto ng kwarto ko at nakita ko ulit si Ad na papasok habang dala ung mga unan nya. "Patulog. Namiss kita, Ate." Sabi nya at pabagsak na humiga sa kama ko. "Okay." Sabi ko at umayos ng higa. "May problema ka?" Tanong ko "Wag kang maingay kila Mama at Papa ah." Sabi nya tapos humarap sakin. Tumango naman ako bilang sagot. Huminga sya ng malalim bago sabihin ung shocking ma sinabi nya. Hahahahahahaha. "May babaeng humalik sa virgin lips ko!!!!" Mahinang sabi nya pero madiin. "Gaga! Seryoso ka?! Hahahaha. Kelan?! Kaya pala para kang tuliro dyan?!" Natatawang sabi ko. Sinamaan naman nya ko ng tingin dahil sa tawa ko. Hahaha. Sorry na. Gulat ako ih! "Kanina lang!" Sabi nya tapos ngumuso. "Bakit ka daw nya hinalikan?! Gaga! Type ka! Ganda! Hahahaha." Asar ko sa kanya. "Waaaah! Ayun ng ung sabi nya! Crush nya daw ako at kung kailangan nya daw maghubad sa harap ko para maging lalaki ako, gagawin nya! Yuck talaga ate! Alam mo bang gusto ko syang itulak sa building dahil sa ginawa nya. Kakalurkey talaga!" Sabi nya at naglupasay sa kama ko, ako naman tawa lang ng tawa. "Grabe! Ang ganda mo! Ayun nga lang iba ang nabingwit ng ganda mo! Babae din! Hahahaha. Chararat ba?" Tanong ko sa kanya. Sandali naman syang tumahimik at tinignan ako ng seryoso. Ung lalaking lalaki ang dating. Gwapo! Hahaha. "Ewww! But yeah. Barbie din..." Sabi nya at iwas ng tingin. Hahahahaha "Tinamaan ka dun sa barbie na yun nuh?!" Sabi ko at tinusok pa ung tagiliran nya. "Ay! Hindi ah! Naiinis lang ako kasi kinuha nya ang first kiss ko sa harap ng crush ko. Sayang... Kainis ng todo!" Sabi nito tas ngumuso na naman. "Ay! Hahaha. Dapat nga tinulak mo. Hahahaha. Joke lang!" Sabi ko at tumawa ulit. Inirapa nya lang naman ako kaya tumahimik na ko. "Ikaw, Ate Kim. Sinong first kiss mo?" Tanong nya sakin. "Hm... Si Tin." Mabilis na sagot ko. Natawa naman sya dahil dun. "Grabe! Walang kaisip isip. Hahahaha." Sabi nya. "Sya naman talaga ah." Sabi ko at umupo. Kapit bahay namin si Tin dati, crush ko sya pero si Danica ang crush nya. Ako ung unang nang kiss kaya tanda ko. Malando talaga ako ih! Hahahaha "Eh sinong gusto mong maging last?" Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit may last agad?" Tanong ko sa kanya. "Gusto mo na kong mamatay?" Iritableng tanong ko. "Gaga! Hindi. Syempre ung gusto mong sya lang ang hahalik sayo! Ung maging asawa." Sabi nya kaya mas kumunot ung noo ko. "Kakabreak ko lang, asawa na agad?!" Sabi ko at akmang hahampasin sya. "Bakit?! Hindi ka pa move on sa jowa mong chararat?! Ay naku, Ate! Utang na loob. Mag move on ka na at humanap ng bagong chupapi!" Sabi nya sakin. Sa di ko malaman na dahilan. Biglang nag appear ung nakangiting mukha ni Sir nung nag usap kami sa garden. Kusa namang umangat ung gilid ng mga labi ko. Ang gwapo talaga ni Sir pagnakasmile, labas ung dimples na malalim. Tapos pag seryoso naman sya, ang cool at ang hot nya. "Hoy! Ay bago kang papable nuh?!" Sabi ni Ad kaya napabalik ako sa reyalidad. Wow! Usapang asawa at bagong chupapi tapos si Sir Henry ang nag appear?! Eto na ba ung sign, dapat ko nang ituloy ung operasyon pang aakit kay Sir Henry?! Hahahahaha. "Wala." Ayun lang ung nasabi ko sa kanya dahil hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ung balak ko. Hahahaha. "Alam ko yang mga ganyang ngiti! Bebe yan nuh?!" Pamimilit nya. Tumawa lang ako kasi hindi ko alam kung paano sasabihin. Ang tagal naming nagpilitan bago ko napagdesisyonan na sabihin sa kanya. "Crush ko ung prof ko. Sya ung nakwento ko na nakita ko nung orientation namin." Sabi ko sa kanya at biglang nagliwanag ang mga mata. "Hala! Bad un!" Sabi nya pero ngumisi. "Pero kung wala namang makakaalam, hindi. Hahahaha. Joke lang!" Dagdag nya pa. "BI ka alam mo un. Hahahaha." Sabi ko at tumawa. "Pero, Ate! Wag kang gagawa ng ikakasira ng pag aaral mo." Sabi nya at humiga na ulit. "Be yourself sa harap nung prof mo. Malay mo. Mahulog sayo at maging future mo pa. Ayiiie! Hahaha. Matulog na nga tayo." Sabi nya at tumalikod sakin. "Good night." Sabi ko lang. Lagi naman akong nagpapakatotoo sa sarili ko kahit kaharap ko si Sir ah. Ung mga pahaging ko, ayun talaga ako ih. Pero bakit nga ba si Sir ang nakita ko nung usapang asawa? Hahahaha. Hindi naman daw napatol si Sir sa bata. Pero paano kung sakin pumatol sya. Hahahaha. Ay naku! Makatulog na nga! Sa susunod ko na iisipin un. Basta ang akin! Move on na ko kay Shaun. ------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD