MASALIMUOT NA KAHAPON

2903 Words
CHAPTER 3 Bago tuluyang nakalapit sa akin ang tanod ay mabilis akong tumayo at sinunod ko ang sinabi ni Brad. Mabilis akong kumaripas ng takbo palayo roon. Ilang hakbang lang ang matabang tanod nang hiningal at tumigil na ito. Minabuti kong magtago sa likod ng puno at pinagmasdan ko ang unti-unting paghila nila kay Brad palayo sa akin. Naiwan ako doong lumuluha. Tumingin ako sa nagkakagulong mga tao sa daan. May dumating na mga pulis. Pinunasan ko ang luha ko. Biglang naisip ko si Nanay. Baka hinihintay na ako no'n. Bago ako makatawid sa daan ay madadaanan ko ang mga nagkukumpulang mga tao. Minabuti kong silipin na muna kung ano ang kanilang pinagkakaguluhan. Sumingit ako hanggang sa nasa harapan na ako. Isang babae ang nakadapa sa kalsada at naliligo ito sa sarili niyang dugo. Kinabahan ako. Hindi ako makakilos sa aking kinaTatayuan. Kilala ko ang suot na damit ng babae. Lumapit ang pulis sa nakahandusay na ale. Unti-unti niya itong pinatiyaha para malaman nila ang pagkakakilanlan nito. Nang makita ko ang duguang bangkay ay napasigaw ako. "Nay!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Nanay ko!!!!!!!!!!!" Tumakbo ako palapit kay Nanay na noon ay nakapikit. Mabilis akong lumuhod at hinawakan ang kamay niya. "Nay! Nanay ko!" paulit-ulit kong sigaw. Nag-uunahan nang bumagtas ang luha sa aking pisngi. Naramdaman ko ang mahinang pagpisil ni Nanay sa aking kamay. Unti-unting bumukas ang kaniyang mga mata. "A-nak...an-anak ko!" kasabay iyon ng halos maputol nang hininga ni Nanay. Sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam ang aking gagawin. Gusto kong iligtas si Nanay ngunt paano? "Nay! Huwag kang mamatay nay!" huihikbi kong sinabi iyon sa kaniya. Nagmamakaawang huwag niya akong iwan. "Tulungan ninyo kami! Dalhin natin si Nanay sa hospital! Parang awa na ninyo! Tulungan ho ninyo kami!" paulit-ulit kong paghingi ng tulong sa mga naroon. Humahagulgol na ako. Ngunit bakit walang gumagalaw kay Nanay? Bakit hindi siya binubuhat ng mga pulis para itakbo sa hospital. Bakit wala ni isa ang tumutulong? "Sa-la-mat sa Di-yos a-nak ligtas ka. A-ka-la ko ka-nina maba-bang-ga ka na ka-ya a-ko tum-akbo para sa-na ilig-tas ka ngu-nit a-ko ang na-na-hagip ng sa-sakyan. A-nak, lagi mong..." may lumabas na dugo sa bibig ni Nanay. Naninigas na ang kaniyang mga kamay. Nakita kong hirap na hirap na siyang suminghap ng hangin. "Nay huwag po! Lumaban ka 'nay! Tulungan ninyo kami! Parang awa niyo na ho! Buhay pa si Nanay! Kailangan natin siyang dalhin sa hospital!" May mga nagsilapitan na para tulungan si Nanay. Pati ang mga pulis ay inilapit na din nila ang kanilang sasakyan. Hindi ko binitiwan ang pagkakahawak ko sa kamay ni Nanay. Nakita kong gumagalaw ang kaniyang labi. Inilapit ko ang aking tainga. "Ma-hal kita, anak. Ma-hal na ma..." hanggang sa naramdaman ko ang isang malakas na paghinga ngunit hindi na naulit pa. Tuluyang humina ang pagkakahawak niya sa aking kamay. "Nay!" ginalaw ko ang kamay niya. "Nay! Huwag mo akong iwan nay! Nay, lumaban ka ho! Hindi ko ho kayang mawala ka...Nay!!! Paano ako Nay!" hanggang sa may humila na sa akin palayo doon. Binuhat nila si Nanay pasakay sa sasakyan ng mga pulis. Nagwawala ako. Sumisigaw ako. Ayaw kong mahiwalay kay Nanay. Nang naipasok na nila ang katawan ni Nanay sa sasakyan ay mabilis din akong sumakay. Hinawakan ko kaagad ang kamay ni Nanay. Pakiramdam ko noon ay tuluyan nang nawala ang taong nagmamalasakit sa akin. Ang kakampi ko sa mundo. Ang Nanay kong nag-aalaga at nagmamahal sa akin. Ang tangi kong sandigan. "Nay, huwag mo akong iwan. Di ko pa kayang mag-isa ‘Nay. Paano ako ngayon nay! Nanay Ko! Nanay!!!!" paulit-ulit kong isinisigaw. Napuno ng dugo ang uniform ko. Humahagulgol ako. Niyakap ko ang naliligo sa dugong bangkay ni Nanay. Nakamasid sa akin ang ilang pulis. Nakita ko sa mata ng ilan ang pag-agos ng luha sa kanilang pisngi. Hindi ko na alam noon kung ano ang kaya kong gawin para huwag lang sanang mawala si Nanay sa akin. Masyado pa akong bata para mawalan ng isang ina. Hanggang sa hospital ay walang tigil ang aking pag-iyak. Pilit kong ginigising ang wala nang buhay kong ina. Inilayo ako ng mga pulis kay Nanay dahil ipinasok nila ito sa emergency room. Ngunit alam ko noon na patay na si Nanay. Iniwan na ako ni Nanay. Sinubukan akong pakalmahin ng mga pulis. Sinasabi nilang wala nang masama pang mangyari kay nanay. Binigyan ako ng pagkain at inumin ngunit hindi ko iyon pinansin. Si Nanay lang ang tanging kailangan ko. Kailangang mabuhay si Nanay. Ilang sandali lang ay inilabas na nila ang bangkay ni Nanay sa Emergency Room. Tinalukbungan na nila ito ng puting tela. Sumunod ako nag-iiyak hanggang sa inilagak na nila ito sa Morgue. Naramdaman ko ang paghaplos ng pulis sa likod ko. Pilit nila akong pinapakalma ngunit sinong kakalma kung wala na ang kaisa-isang kakampi mo sa mundo? Sinong titigil sa pag-iyak kung wala na ang tanging nag-aalaga at nagpaparamdam ng pagmamahal sa’yo? Nang bumaba bahagya ang aking emosyon ay kinausap ako ng mga pulis. Kailangan ko daw silang samahan hanggang sa bahay namin para sila na ang magsabi sa aking pamilya sa buong pangyayari. Ngunit kahit bata palang ako noon may takot na ako sa mga pulis. Musmos pa lang ako, sinabihan na ako ni Tatay na huwag na huwag magtiwala sa mga pulis. Nanghuhuli raw sila at nagpapatay. Naisip ko kaagad sina kuya at Tatay. Paano si Tatay at Kuya kung maabutan nila ang mga itong nagamit ng droga? Hindi ko kayang mabuhay nang mag-isa. Sina Tatay at Kuya na lang ang meron ako. Hindi nila dapat malaman kung saan nagtatago si Tatay. Hindi ko sila puwedeng isama sa aming barong-barong. “Ano, ihahatid namin ang bangkay ng Nanay mo sa inyo. Sabihin o ituro mo lang kung saan ang bahay ninyo.” "Dalawa na lang ho kami ni Nanay ang nabubuhay ngayon. Wala na po kaming ibang pamilya." Pagsisinungaling ko. "Kahit kamag-anak neng, wala kayo?” “Nasa probinsiya po sa Nueva Vizcaya ang mga kamag-anak namin.” “Malayo nga. Saang barangay ba kayo dito sa Imus?” “Wala ho kaming bahay.” “May alam ka bang puwede nating tawagan?" "Wala ho!" humihikbi kong sagot. "Sige, ganito na lang. Ipaayos natin ang bangkay ng Nanay mo. Babalik kami bukas dito para tulungan ka namin sa pagpapalibing. Okey ka lang ba dito?” "Okey lang ho ako dito." Matigas kong sagot. “Kailangan naming gumawa ng report para sa pagkamatay ng Nanay mo, kung gusto mo naman, sumama ka na lang muna sa amin sa presinto." “Hindi ho, babantayan ko ho si Nanay.” "Maaring may makakabalik pa sa amin mamaya ngunit sigurado neng, bukas na. Bilhan ka na lang namin ng makakain mo dito. Anong gusto mong kainin ha?" "Wala ho." Humihikbi pa rin ako. Tumingin sa akin ang pulis. Huminga siya ng malalim. Nakita ko sa kaniyang mukha ang awa sa akin. Binunot niya ang kaniyang pitaka. Naglabas ng limandaan. "Kung may kailangan ka habang wala kami, ikaw na lang ang bahalang bumili. Kahit ano. Bumili ka. Subukan naming makabalik neneng ha?" lumuhod ang pulis at niyakap ako. "Ganyan lang ang buhay anak. Tibayan mo lang ang loob mo. Pagkatapos ng libing at kung wala kang mapuntahan, sabihin mo lang sa akin. Huwag kang magdalawang isip na lapitan ako at tutulungan kita ha?" hinaplos ng pulis ang aking ulo saka siya maluha-luhang tumalikod sa akin. “Grabe ‘no? Ang bata niya pa para mawalan ng ina.” “Magandang bata. Hindi lang naging maganda ang pagkakataon.” Narinig kong usapan ng dalawang pulis bago nila ako iniwan. Iba ang ginawa ng pulis na iyon sa mga kuwento ni Tatay sa akin. Iba ang ipinakita nila sa aking kabutihan at pagmamalasakit. Kabutihang hindi ko naramdaman kay itay. Nang umalis na sila ay lumapit ako kay Nanay. Muli akong napahagulgol nang nakita ko ang malaking sugat sa kaniyang ulo. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa lalo na nakikita ko ang mapagmahal kong ina ay wala nang buhay. "Nay, patawarin ho ninyo ako. Alam kong kasalanan ko kung bakit ho kayo nabangga. Nanay ko, alam kong gusto niyo lang ho sana akon iligtas. Hindi ko ho sinasadyang mangyari iyon 'nay. Sinisisi ko ho ang sarili ko ngayon kung bakit nangyari sa inyo ito 'nay. Nanay ko!" hinawakan ko ang malamig na mga kamay ni Nanay. Pinunasan ko ang luha ko. "Maiwan ko lang ho kayo sandali 'nay. Kailangan ko hong umuwi para masabi kay Tatay ang nangyari sa inyo. Babalik ho kami kaagad para sunduin ka naming dito 'nay. Sandali lang ho ako." Mabilis akong umalis. Sumakay muna ako ng jeep papuntang BDO Imus at mula doon ay naglakad takbo na ako papunta sa aming barong-barong. Hindi ako noon nakaramdam ng takot sa madilim na mga iskinita. Ang tanging nasa isip ko noon ay ang bangkay ni Nanay na kailangan naming mabawi bago mag-umaga o kaya bago makabalik ang mga pulis. Pagdating ko sa aming barong-barong ay agad akong sinalubong ni Tatay. Humihingal pa rin ako sa pagod. "Bakit ikaw lang?” tanong ni Tatay na noon ay naghahanda ng foil na gagamitin niya sa kanyang bisyo. “Tay,” nagsimula na akong umiyak. “Ano? Tumigil ka nga sa kaiiyak! Nasaan ang Nanay mo?" Pinakalma ko muna ang aking sarili. Huminga ako ng huminga dahil sa pagod na nararamdaman ko. Nang pakiramdam ko ay maayos na aking paghinga ay tumingin sa akin si Tatay. Nakita ko agad sa kaniyang mukha ang pagtataka. "Punyeta kang bata ka, nasaan ang Nanay mo?" tanong muli niya. "Tay, wala na po si Nanay." "Anong wala na siya. Ikaw huwag mo ako pinagluluko dahil baka masaktan ka na naman sa akin? Ano ngang nangyari sa Nanay mo?" hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Patay na po si Nanay, wala na si Nanay tay!" Humagulgol ako. Yumakap ako kay Tatay. Ngunit mabilis niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya. Hindi ko man siya naririnig na umiyak ngunit sapat na ang pagpatak ng kaniyang luha sa aking leeg. Hanggang sa gumagalaw na din ang balikat nito. "Anong nangyari sa inyo ng Nanay mo? Sabihin mo nga sa akin. Anong ginawa nila sa Nanay mo?" "Nabundol siya ng sasakyan 'tay. Patay na si Nanay nang dalhin ng mga pulis sa hospital."  Tumayo siya. Sumigaw. Pinagmumura ang mga pulis. Hindi ko masabi sa kaniyang walang kasalanan ang mga pulis sa nangyari kay Nanay. Alam kong hindi din naman siya makikinig sa akin. Nang marinig ni Kuya ang nangyari kay Nanay at napasuntok siya sa puno dahil sa galit. Dumugo ang kaniyang kamao. "Nasaan ang Nanay ngayon?" tanong sa akin ni Kuya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Sa balikat niya ako umiyak ng umiyak hanggang sa naramdaman kong binuhat niya ako at marahan niyang hinaplos ang aking likod. Binalikan namin ang bangkay ni Nanay nang mahimasmasan na sina Kuya at Tatay. Iniuwi namin ang bangkay ni Nanay. Wala kaming pera. Kailangan ni Nanay nang kabaong. Hindi naman namin pwedeng balutan na lang siya ng kumot at itapos sa ilog. Kailangan niya ng kahit paano ay marangal na paglilibingan. Ang lahat ng gagawin kapag namatayan ay nangangailangan ng pera. Kumilos si kuya. Didilihensiya daw siya. Sumama na rin si Papa. Nakahanap sila ng pera sa kanilang pinagkukunan nila ng supply nila ng droga at iyon ang ginamit namin para mailibing si Nanay kinabukasan.  Umiiyak kaming tatlo. Tatlo lang din kaming naglibig sa kanya dalhil wala naman kaming sapat na pera para ipaalam pa sa lahat. Ayaw ko sanang iwan ang puntod ni Nanay ngunit wala akong magawa. Kailangan kong iwan iyon dahil sa paghila ni Tatay sa akin. Mula noon, mas nagiging garapal na si Tatay sa paggamit at pagbenta ng droga. Wala na siya halos pahinga sa paggamit at kung magbenta ay akala mo balot o penoy na lang ang kanyang iniaalok. Kailangan daw niyang mabayaran ang nautang dahil kami ang babalikan ng mga pinagkautangan niya kung di niya iyon mababayaran agad. Dahil sa nagibg abala sila sa paggamit at pagtutulak ng droga, hindi na nila ako napansin o naalagaan. Nakaligtaan na niyang may anak pa siyang nangangailang sa kanyang kalinga. Tumigil ako sa pag-aaral. Isinama ni Nanay sa hukay niya ang lahat ng aking mga pangarap sa buhay. Kasabay ng kaniyang pagkawala ang sana ay kalayaan at karapatan kong maging isang masayang bata. Hindi na ako naalagaan. Ako na lang ang nag-alaga sa sarili ko. Lalong hindi ko na naramdaman pa ang pagmamahal ni Tatay at ni kuya sa akin. Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay ni Nanay. Nakakadagdag din ang sakit ng kalooban ko nang ipinamukha sa sa akin ni Tatay na isa ako sa mga dahilan kung bakit maaga kaming iniwan ni Nanay. Hanggang isang araw dumating ang mga naniningil kay tatay ng mga inutang nilang pera sa supplier nila ng droga. Sinisingil nila si Tatay ngunit wala siyang maibigay kaya dali-dali siyang pumasok sa bahay at inilabas niya ang b***l nila ni Kuya. “Papatayin rin naman tayo ng mga ‘yan kaya unahan na lang natin!” bilin ni Tatay kay kuya. “Doon ka Shantel! Magtago ka do’n.” itunulak ako ni Kuya palayo sa kanila. Nagakaputukan. Lumaban silang dalawa. Hindi sila nagpapatalo. Kitang-kita ko ang pagpapalitan nila ng putok hanggang sa mismong harap ko bumagsak ang tinamaan na si Kuya. “Bunso, tumakas ka na. Balik ka na lang dito ng ilang araw pero tumakas ka…” hindi na nasabi ni Kuya ang lahat ng kanyang sasabihin. Bigla na lang tumigil ito sa paghinga. Kahit pa ganoon si kuya sa akin ay masakit makita na malagutan siya ng hinninga sa aking harap. Tahimik ang aking pagtangis. Sobrang sakit sa akin na unti-unti nang nalalagas ang aking pamilya. Hanggang si Tatay naman ang nakita kong tinamaan. Mabilis akong gumapang palapit sa kanya. “Tay, huwag kang mamatay. Huwag naman ninyo ako iwan. Tayyyy mag-isa na lang ho ako kung pati kayo mawala pa! Tatay ko!” sigaw ko. “Umalis ka na… sige na anak, iligtas mo ang buhay mo… alis na!” iniyakap niya ang kanyang duguang kamay. Noon lang niya ako tinawag na anak. “Pero ‘Tay saan ako pupunta? Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tay hindi kita pwedeng iwan.” Humihikbi kong protesta. Itinulak niya ako palayo sa kanya ngunit pilit ko pa rin siyang gustong yakapin. Hanggang sa humina ang kanyang pagtulak hanggang sa tuluyan na siyang pumikit. Namatay sina kuya at tatay. Kailan nga lang namatay si Nanay at sa edad kong walong taong gulang, saan ako pupunta? Paano ko bubuhayin ang aking sarili? Paano ako mabubuhay na wala na ako ni isang makakapitan na pamilya? Hanggang sa may mga nagrespondeng mga pulis. Naglaban ang dalawang grupo. Lalo akong natakot sa dami ng mga putok ng b***l sa labas. Tinakpan ko ang tainga ko habang humahagulgol sa takot. Nang marinig ko ang sigaw ng mga pulis ay natakot ako para sa aking buhay. Naalala ko ang utos nina Tatay at Kuya, kailangan ko nang umalis. Kumaripas ako ng takbo. Iniwan ko sina Tatay at Kuya na hindi ko alam kung paano ang kanilang bangkay. Nagmasid ako sa hindi kalayuan. Nakita kong binuhat ng mga pulis ang mga bangkay at isinakay nila sa kanilang sasakyan. Naiiwan akong takot na takot at iyak ng iyak. Iyon na ang huling pagkakataon na nakita ko sina Kuya at Tatay. Hindi ko na alam kung ano ang ginawa nila sa kanilang bangkay. Hindi ko naman mabawi ang kanilang mga bangkay. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Natatakot. Nalilito. Nababaliw! Mag-isa na lang ako sa barung-barong namin. Hanggang kahit pagkain at pera ay wala na. Hindi ko na alam kung paano pa ako mabubuhay. Umiiyak ako araw-araw na nakaupo sa harap ng aming bahay. Naghihintay ng kahit sinong darating. Ngunit sino? Wala na sina Nanay, Tatay at kuya. Mag-isa na lang ako. Naisip kong mamatay ako ng gutom kung dito lang ako mamalagi sa bahay. May mga nakikita ako sa Imus na namamalimos. Natutulog sa mga kalye. Gagawin ko na rin iyon para lang mabuhay. Mamalimos ako sa mga lansangan. Manghihingi ako ng tulong sa mga tao. Kahapon pa yung huling kain ko at gutom na gutom na ako. Kahit tubig na maiinom ay wala na rin ako. Kung hindi ako kikilos mamatay ako ditong nakadilat. Hindi ko hahayaang mamatay ako na walang ginagawa. Paglabas ko sa aming barung barong ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Parang umiikot ang paningin ko dahil na rin siguro sa gutom at uhaw. Ngunit bago ako bumagsak ay may sumalo sa akin. Pilit kong inaninag kung sino iyon. Si Kuya Zayn. May sinasabi siya sa akin ngunit hindi ko marinig. Bago ko pa naipikit ang aking mga mata ay alam ko, sa wakas, dumating na ang aking tagapagligtas. Ang paglandas ng luha sa aking mga pisngi ay tanda ng kaligayahan. Naniniwala akong hindi ako pababayan ni Kuya Zayn kahit anong mangyari, Si Kuya Zayn na buong pinsan ko dahil magkapatid ang mga Nanay namin. Na nang naglaon ay siya nang tumayo na aking ama.   May tatlong katok sa pintuan ng aking kuwarto. Ang mga katok na iyon ang siyang nagdala sa akin sa kasakuyan. Iyon ang hudyat na ang lahat ng iyon ay isa na lang alaala. Masakit na alaala ng nakaraan. Muling naulit ang katok sa pintuan. Mabilis kong pinunasan ang aking luha. Kinuha ko ang mga na-print kong pictures ni Brad at inipit ko iyon sa aking libro. Bumukas ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD