CHAPTER 7
Bago ako bumaba ay bineso ako ni Vice at inihatid ako ng sigawan at palakpakan ng audience hanggang sa tabi ni Miley. Nagwawala pa rin si Bestfriend at kinilig siya ng sobra-sobra. Parang hindi nauubusan ng energy at boses.
Pagkatapos ng show ay nagpakuha kami ni Bradley ng litrato kay Miley. Nang kinukunan na kami ay naramdaman ko ang palad niya na nakahawak sa kamay ko. Patago niyang pinisil iyon. Bumilis ang t***k ng aking puso nang maramdaman ko ang init ng kaniyang palad na nakahawak sa aking palad.
“Hihintayin mo ako. Kailangan nating mag-usap.” Bulong niya.
Dahil sa dami ng taong gustong magpakuha ng picture kay Brad ay hindi kami nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap. Ni hindi na ako makalapit. Siya man ay hindi na din makaalis pa. Tanging nagawa ko ay ang pagmasdan siya mula sa malayo na pinagkakaguluhan ng mga fans. Hirap na hirap talaga akong abutin na siya.
“Anon a bestfrend, hindi pa ba tayo uuwi?”
“Hindi na muna, sinabihan kasi ako ni Brad na mag-uusap kami.”
“Seryoso?”
“Oo nga.”
“Naku., kahit pa umagahin tayo dito, maghihintay tayo basta promise mo sa akin na ipakikilala mo ako saka siyempre selfie na rin.”
“Sure basta hintayin natin siya kasi may sasabihin daw siya sa akin.”
Naghintay kami ni Miley sa lobby.
15 minutes na ang nakakaraan, okey lang.
Nagkukuwentuhan naman at nagkakasiyahan kami ni Miley sa mga nangyari sa show.
30 minutes wala pa rin pero nakita naming dumaan siya kasama ang Manager niya at si Erin at dinudumog pa rin siya ng mga fans. Hindi ko nga alam kung napansin niya ako kanina. Kaway kasi ako ng kaway ngunit dumaan siyang parang walang nakita. Napabuntong-hininga na lang ako nang makita kong magkahawak kamay sila ni Erin. Hindi ko alam kung kailangan kong magselos sa nakita ko. May kung ano akong naramdaman. Bago siya tuluyang nakalayo ay nakakuha siya ng pagkakataon para makita ako at sumenyas siyang hintayin lang ako doon. Gusto kong lumapit pero hindi ako makasingit. Sa ikinilos niya, alam kong gusto niyang tumakas doon sa gitna ng mga nagkakagulong fans ngunit hindi din niya magawa.
Isang oras. Nagsimula na kaming mainip. Tinignan ko ang picture namin na kinunan ni Miley. Kuhang kuha ni Miley ang madamdaming pagyayakapan namin at ang huling litrato naming magkahawak ng kamay. Kinilig ako.
Dalawang oras. Hindi na nga siya bumalik. Pabalik-balik na ang guard sa amin para paalisin kami dahil pinagbabawal nga daw ang tumambay ng ganoong na katagal doon. Nakuha lang naman ang guard sa paulit-ulit na pakiusap ni Miley. Hanggang sa higit dalawang oras na at tuluyan na kaming nawalan ng pag-asa ni Bestfriend, kailangan na namin umuwi dahil panay na ang tawag at text ni Papa Zayn. Nagagalit na siya sa akin.
“Ano mahihintay ba natin siya? Sigurado ka ba sa narinig mo?”
“Oo, sabi kasi hintayin ko siya at mag-uusap kami.”
“Naku anong oras na wala na yata yon.”
“Oo nga e.” bumuntong-hininga ako.
"Hayaan mo na best. Ganoon naman talaga kapag sikat at dinudumog na ang kabigan mo. Alam ko may valid reason naman siya kung bakit hindi ka na niya sinipot. Maaring may trabaho pang naghihintay ang kababata mo. Tara na." seryosong pakikisimpatya ni Miley sa nararamdaman kong pagkabigo.
Huminga ako ng malalim. Siguro nga nag-expect lang ako. Iba na nga talaga ang mundong ginagalawan ng kababata ko. Hindi na niya hawak ang kaniyang oras at buhay. Pag-aari na siya ng publiko. At kahit anong gawin ko, hindi na talaga magiging simple lang ang buhay sa amin.
“Tara na, uwi na lang tayo.” Pagyaya ko kay Miley na kanina pa naiinip.
“Oo nga. Wala na ‘yon. Baka hindi siya nakatakas kay Erin.”
“Siguro nga. Tara na.”
Palabas na sana kami ng gate nang biglang may humawak sa aking kamay. Nakasumbrero ito na pinatungan niya ng jacket na may hood, nakasuot ng malaking salamin na sakop ang kalahating mukha.
“Hoy sino ka! Bitiwan moa ng best friend ko!” ipinalo pa ni Miley ang maliit niyang shoulder bag sa lalaki.
“Ako ‘to, si Brad.”
“Brad! Oh my God!” napahawak si Miley sa dibdib niya.
“Huwag mong lakasan baka marinig tayo.” Bulong ni Brad.
“Oh My God! Ikaw nga! Brad! Idol!” paanas lang iyon pero sobrang punum-puno na emosyon na sinabi ni Miley.
"Bilis! Let's go. Sumunod kayo sa akin!" Tumalon ang puso ko sa sobrang saya nang hila-hila na niya ako.
Hindi ko na talaga inaasahang magpapakita pa siya sa akin. Akala ko, nakalimutan na niya ang sinabi niyang kailangan ko siyang hintayin sa lobby. Nang dumating siya at palihim akong hinila palayo sa gate ay mabilis ko ding hinila si MIley na nabigla sa kung ano ang nangyayari ngunit bago bumanat ang walang preno niyang bunganga ay pinandilatan ko na. Tahimik kaming sumunod kay Bradley na nakayuko habang naglalakad. Nang marating namin ang sasakyan niya ay sumakay siya at sumunod kami ni MIley. Nauna si MIley at sa harapan talaga siya pumuwesto. Wala akong magawa kundi tunguin ang backseat pero bubuksan ko palang sana ang pintuan nang lumabas si MIley.
"Sorry best, na-excite lang." nakangiti siya. “Dito ka pala dapat talaga.”
"Diyan ka na. Nakaupo ka na e. Okey lang naman."
"Naku, ayaw ko naman talaga pumupuwesto sa harap. Allergic pala ang puwit ko sa front seat. Kaya nagbago ang isip ko."
"Seryoso ka? Ayaw mo ba talaga o nahiya ka." tanong ko.
"Slight.” Ngumiti siyang lumingon kay Brad. “Gaga, huwag ka nang plastic! Sige na, do’n ka na sa harap. Baka kasi ikaw ang gustong makausap. Later na lang ako bibida. Moment ninyo itong magkaibigan. Nahiya ako sa ginawa kong pagtabi sa kaniya sa harap agad. Sige na. Dito ka na at diyan ako sa likod." Hinila niya ako.
Nang binuksan ko ang pintuan sa harapan at sasakay na sana ako ay natanggal na niya ang hood ng jacket niya, sumbrero at malaking salamin.
Nakangiting kumindat sa akin. Sapol na naman ang puso ko.
Namula ako. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin o gagawin. Naupo ako. Hinanap ang seat belt para lang may magawa. Tumingin ako sa kaniya.
"Sala" pagsisimula ko pero sinabayan niya ng "Pasen". Sabay din kaming tumigil. Tahimik lang si MIley sa likod na parang nakikiramdam sa aming dalawa.
"May sasabihin ka ba? Sige, go ahead, ikaw na muna." Pagpapaubay ni Brad.
"Hindi, ikaw yata ang may sasabihin e, kaya mauna ka na."
"Nagkakahiyaan pa kayo. Naku! Hindi ako makapaniwala na kasama ko na ang matagal ko ng idol. Whoo! Sobra. Mukhang nakalimutan yata akong ipinakilala ng bestfriend ko." nagsimula na si MIley. Minabuti kong bigyan na lang siya ng moment kahit medyo sinisira niya ang sa akin. Hindi siya nakuntento sa kadadakdak niya. Ipinagitna pa niya ang ulo niya sa aming dalawa.
"Ako po pala si MIley, idol. Naku, alam mo bang wala akong pinalampas na teleserye mo, movies, mall shows dito sa Manila, binibili ko at kinakain lahat ng mga nasa commercial mo, iniipon ko lahat mga pictures mo. Basta to the highest level ang pagka-idol ko sa'yo. Sa akin nga unang nakita niyang si Shantel ang picture mo e. Wait! Hindi ko palalampasin ang moment na ito. Bestfriend. Kunan mo kami ng picture now na. Baka magkalimutan e. Wala akong maipakita sa fanpage na proof. Kailangan documented lahat para maging kapani-paniwala ang hatak natin sa 35k na likers natin." Mabilis niyang hinanap ang cellphone niya sa bag.
"Dito talaga Bestfriend? Sa loob ng sasakyan? Okey lang ba, tol?" tanong ko.
"Tol? God! Namiss ko ang tawagan natin na 'yan. Sige, para kay Miley na best friend mo. Ayos lang."
Pumuwesto si MIley. Inilapit niya ang mukha niya kay Brad. May pataas-taas pa siya ng kamay na di ko maintindihan kung sign ng peace o gunting-guntingan lang. Kinunan ko sila. Iniabot ko kay MIley ang cellphone niya pagkatapos.
"Pasensiya na tol. Napakarami ko kasing kailangan siputin na talk show sa araw na ito kaya napaghintay ko kayo ng matagal ni MIley. Alam ko nainip na kayo sa kahihintay sa akin kanina. Tumakas nga lang ako ngayon kasi break namin sa shooting ng susunod kong pelikula. Hindi ko kasi mapapalampas ang pagkakataong ito nang di kita makausap." Pagsisimula ni Brad. Nakangiti. “Baka kasi hindi na kita uli mahanap.”
"Halla, sana inuna mo mu..."
"Ayusin mo naman ang kumuha Bestfriend.” Pamumutol ni Miley sa sinasabi ko kay Brad. “Putol ang tainga ko, pano ko 'yan mapost sa sss fan page natin. Hay naku, isa pa. Idol isa pa please?" panggugulo ni MIley. Iniaabot niya ang cellphone niya sa akin. Tumingin ako kay Brad. Humihingi ng dispensa.
"Okey lang ba, isa pa daw?"
"Sige lang." Nakangiti pa rin siya.
Pagkatapos ko silang kunan ay ibinalik ko kay MIley ang camera at mabilis nitong tinignan.
“Thank you bestfriend. Salamat Idol, ambait-bait mo talaga.”
"Saan na ba ako kanina?" inaalala ko ang huling sinabi ko. " Yun nga, sana inuna mo muna ang..."
"Naku naman talaga Bestfriend! Bakit ka ba ganyan kumuha! Andilim o! Nakakainis naman. Isa pa. Idol, please? pasensiya ka na ha, shunga lang kasi kumuha itong si Bestfriend e." muling banat ni MIley. Nagsimula na akong maubusan ng pasensiya.
Nagkatinginan kami muli ni Brad. Ngiti pa rin siya. Parang okey lang lahat. Naisip ko, mukhang hindi talaga kami magkakausap kung nandito si MIley na wala nang ginawa kundi istorbohin kami dahil sa pagpapakuha ng picture. Nakahalata na ako. Kinuha ko ang cellphone sa kamay niya.
"O sige, pumuwesto ka diyan sa tabi ni Bradly at magsawa ka sa kapopost at pagkatapos, puwede manahimik ka dahil nag-uusap kami?"
“Ay bakit galit?”
“Hindi ako galit, inis, oo”
Kinunan ko sila ng mga nasa sampung shots bago ko ibinalik sa kaniya ang camera.
"Salamat Bestfriend. Lav mo talaga ako grabe. Salamat idol, sobrang bait mo." Pambobola niya.
"Saya ko nga di ba? Kita mo 'to?" inilagay ko ang kamao ko sa tabi ng pisngi ko sabay ng pekeng ngiti.
"Oo nakangiti ka. Ang ganda mo talaga Bestfriend. Gandang nagnanaknak."
"Hindi ang mukha ko Bestfriend. Ang kamao ko. Isang-isa na lang. Dadapo na ang kamaong ito sa nguso mo."
"Whatever!" sagot niya. “Umikot ikot pa ang kanyang mga mata.”
Kinikilig niyang tinignan ang mga pictures.
"Nakakatuwa naman kayo. Na-miss ko na maging simpleng tao. Yung nagpakatotoo. Yung talagang ako at hindi yung pigil lahat ng actions ko kasi baka punahin ng tao.”
“Hindi bale, for sure naman na kapag mag-isa ka, ikaw pa rin naman yung dating Brad na kilala ko.”
“Oo naman.”
“Ano nga pala ang pag-uusapan natin?”
“Gusto sanang malaman kung ano ang nangyari sa'yo nang nagkahiwalay tayo. Makumusta lang sana kita." si Brad. Nakatingin siya diretso sa aking mga mata.
"Napakaraming nang..." biglang may sumingit.
"Bestfriend, sampung shots, kalahati madilim, kalahati nun halos putol ako! Ano ba! Ayusin mo kasi!"
"Saan ka nakatira MIley? Gusto mo ihatid ka na muna namin?" si Brad. Sana makuha ni MIley ang mensahe sa likod ng sinabing iyon ni Brad.
"Halla, idol. Nakulitan ka ba sa akin? Sorry po."
"Nope, medyo kailangan ko lang kasi talaga makausap ang bestfriend mo privately to catch up things, kailangan ko kasing bumalik sa set later. I am asking you a favor, kung okey lang sa'yo?" nakangiting lumingon si Brad kay MIley.
Ngunit matalino si Miley. Na-gets niya agad ang gustong sabihin sa kanya ni Brad. Namula. Ako yung parang napahiya para sa bestfriend ko. Ako man ay napayuko ng bahagya.