A THOUSAND YEARS

3388 Words
CHAPTER 6  Naglakad si Bradley at iwinasiwas niya ang sinuot niyang jacket. Tanda na ibabato niya iyon sa mga audience. Nagtilian muli kami. Humanda kami ni Miley para makuha iyon. Handa kaming makipagpatayan makuha lang iyon. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mukha ni Brad. Hindi ko alam pero kakaiba ang nararamdaman ko. Higit pa sa paghanga. Nang naibato niya ito ay mabilis si Miley na tumalon at nang maabot niya ito ay hindi siya pumayag na hindi niya iyon makuha. Naglulundag sa tuwa ang Bestfriend ko. Mangiyak-ngiyak na niyakap ang jacket ni Brad. Dahil sa ginawang pagwawala ni Bestfriend ay nahagip ako ng tingin ni Brad. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang pagkagulat. Napako ang mga tingin namin sa isa't isa. Pakiramdam ko tumigil ang ikot ng aking mundo. Siya man din ay parang natulala na hindi niya alam kung ano na ang susunod niyang gagawin. Pakiramdam ko parang kaming dalawa lang ang naroon. Nawala sa pandinig ko ang ingay sa paligid. t***k lang ng aking puso ang gumuguhit sa katahimikang nilikha ng aking imahinasyon. Yumuko ako. Hindi ko alam pero parang hindi ko matagalan na titigan siya. Natutunaw ako sa hiya. Hanggang sa nakaupo na kaming lahat at nagpatuloy sina Vice, Erin at Brad na mag-okrayan. Patuloy ang masayang tawanan sa ngunit nawala na ako sa aking sarili. Madalas pa rin kaming nagkakatitigan ni Brad. Lagi ko siyang nahuhuli na nakatitig sa akin. Naaalala kaya niya ako? Ngunit imposible kasi bata pa ako noon. Malaki na ang ipinagbago ng aking hitsura. Ngunit kung ako na mas bata sa kanya, naaalala ko siya, siya kaya sa akin? Namumukhaan pa kaya niya ako? "Ano yung tanong mo uli, Vice?” tanong ni Brad na halatang nawawala na rin sa kanyang sarili. “Anong nangyayari sa’yo? Parang biglang nasa kabilang istasyon ang utak mo, Brad." Puna ni Vice. Hindi ko alam kung kiligin ako sa madalas na pagkakatitigan namin o maasiwa ako. Alam ko, ramdam kong kaya nawawala sa sarili si Brad dahil panay ang tingin niya sa akin at sa ginagawa niyang iyon ay lalo akong pinagpapawisan kahit malamig naman ang buong studio. "Ganito na lang. Tatawag tayo ng isa sa audience na magiging karibal kunyari ni Erin sa’yo.” “Ano? Anlakas niyan makababae ah.” Si Brad. “E, baliktarin natin. Kunyari ay idadaan sa kanta ang panliligaw. Humanap tayo ng makakatapat mo, Erin. Dapat yung mahihirapan kang pumili, Brad." Tumayo si Vice. Inilibot niya ang kaniyang paningin. Nagsimulang nagbabai-baihan si Miley. Kahit bakla ang bestfriend ko maganda siya. Babaeng-babae. Binago niya pati ang kaniyang boses sa pagtili. Too late, masyado siyang prepared sa gabing iyon kasi kasingkapal ng foundation ni Erin ang foundation niya at kasinkintab nang mamantikang mukha ng Manager ni Brad ang lip gloss na ginamit niya. Mukha siyang kontrabida sa mga teleserye. Hindi sweet ang dating. "Ayyyy!" tumili si Vice. "May nahanap na ako. Halika!" lumingon ako sa likod ko ngunit mga bakla lahat halos ang nasa likuran ko. "Ako ho?" paninigurado ko. "Hindi ate, siya! May nakikita ako sa likod mong hindi mo nakikita! Nakakaloka ka! Maganda ka na sana, e." Tawanan ang lahat. Napangiti ako. Tumayo ako. Lalong lumakas ang sigawan. Napalunok ako. Hindi ako sanay na pinagkakaguluhan at tinititigan. Ayaw na ayaw kong pinagtitinginan ako na para bang sinusukat ang aking hitsura. Pagkabababa ko ay agad ipinasok ni Vice ang kaniyang kamay sa pagitan ng kamay ko. "O, anong say mo ngayon Erin. Bilis kong makahanap ng pantapat sa’yo hindi ba" pagyayabang ni Vice. “Maganda nga si ate.” Sambit ni Erin na nakatitig sa akin. Lalo akong pinagpawisan nang nasa tapat ko na si Brad. Titig na titig siya sa akin na parang hindi siya makapaniwala o pilit akong kinikilatis. Ako man ay saglit na tumitig sa kaniya at sumunod kong naramdaman ay hindi na ako makahinga ng maayos. Sa sobrabg nerbiyos ay parang ang hirap na sa akin ang huminga. "Ang ganda di ba! Artistahin. Kung lalaki ako, liligawan kita gurl. Ang ganda ano?" paulit-ulit na sinasabi ni Vice iyon.Para tuloy gusto ko nang maniwala na maganda ako.  “Anong pangalan mo?” Ngumiti lang ako. Gusto kong sumagot kaagad pero naunahan ako ng hiya at kaba. "Anong pangalan mo?" inulit ni Vice. "Ako ho?" wala sa sariling tanong ko. "Hindi! Hindi ikaw! Siya! Si Kuya cameraman. Naglolokohan ba tayo dito ate? May katabi ka bang hindi ko talaga nakikita?" Tawananan at palakpakan ang audience. " Shantel po." Maiksi kong sagot. Huminga ako ng malalim. “Gamitin moa ng mic mo ate. Anong pangalan mo?” “Shantel po.” Nagulat ako sa sumunod na pangyayari nang masabi ko ang pangalan ko. Lahat ng tao sa studio ay parang hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan. Ako man din ay hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaction. “Shantel, ikaw na si Shantel?” tanong ni Brad na maluha-luha. Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla na lang niya akong niyakap. Si Erin at Vice ay biglang walang maapuhap na sasabihin. Nanaig ang pagkagulat ng lahat na nasa studio. "Anong nangyayari dito? Bakit may yakapang nagaganap? Nakakaselos na ha? Hindi ako sanay." Patutsada ni Vice. “Si Erin lang ang lagi kong nakikita na niyayakap mo.” Nang humupa ang pagkasabik namin sa isa't isa at lumuwang pagkakayakap namin ay nakita ko sa gilid ng mga mata ni Brad ang luha. Mabuti sa kaniya napigilan niya, ang mga luha ko kasi ay tuluyan ng umagos sa aking pisngi. "Hindi ka makapaniwala Vice pero sobrang tagal ko na siyang hinanap.” “Sobrang tagal mo na siyang hinahanap? Oh my God. Anong chika? Kayo ba?” “Hindi Vice.” Tumawa si Brad. “Kababata ko siya sa Nueva Vizcaya noon. Almost 8 years na siguro ang nakakaraan. Tama ba?” tanong niya sa akin. Tumango ako. “See tama ako. 8 years na nga. Mula nang nagkahiwalay kami noong mga bata kami, hanggang ngayon, alalang-alala ko pa siya kasi siya lang yung naging kaibigan ko at kalaro noon doon. Saglit lang kaming nagkasama noon pero sobrang hindi ko makalimutan kung paano niya ako tinanggap bilang tropa.” “Talaga. Dito lang pala kayo sa GGV magkikita.” “Oo nga Vice. Nakita ko na siya kanina kaso nagdadalawang isip ako kung siya na ba si Shantel. Kanina nang makita ko siya ng malapitan , sabi ko siya na nga at lalong nakompirma ko nang sinabi niya ang pangalan niya. Iyon na, 100% sure na ako na siya nga ang matagal ko nang gustong makita na kababata ko" Mahabang paliwanag ni Brad. Nakita ko sa mukha ni Vice ang pagkabigla ngunit nanaig pa rin sa kaniya ang pagiging kuwela. "Sige na, ipadala mo na lang ang kuwento ninyong dalawa sa MMK, sa ngayon harutan muna tayo sa GGV. Okey lang ba mga tol?" "That's it! 'Yan ang naalala kong tawagan namin noon. Tol! Kasi tropa kami nito. Tropang walang iwanan, pagkain ng isa, isusubo naming dalawa." Inakbayan niya ako. Nagkatinginan kami. Ngumiti siya sa akin. Nangatog ang tuhod ko. Gusto kong himatayin lalo na na sobrang bango niya at ramdam ko ang init ng kaniyang katawan na dumampi sa akin. "Ano ba 'yan? May connection pa rin kahit doon sa tol na itinawag ko sa inyo? Nakakaloka! Pero bet ko yung sinabi mong pagkain ng isa, isusubo ninyong dalawa. Grabe ‘no. Akalain mo bang dito pa kayo magkikita sa programa ko. Pwede bang ju-moin ako ako sa kainan ninyo ni Shantel para piknik, hindi natin isasama yung isa diyan hanggang alam mo na Shantel, beBestfriendin kita para ilakad mo ako kay Brad" sigawan ang lahat. "Bigla akong nahiya sa banat ko." pambawi ni Vice. "Anlandi mo naman te!" singit ni Erin. "Ayyy sorry nandiyan ka pa pala. Gumawa ka ng sarili mong show at doon ka magpakain. Huwag kang inggitera!" sagot ni Vice. Alam kong maraming gustong sabihin sa akin si Brad lalo na kung sinusulyapan niya ako habang nakaakbay siya sa akin ngunit nasa show kami at kailangan pa rin niyang maging professional. "Usap tayo mamaya after the show. Hintayin mo ako sa lobby." Bulong niya sa akin at inilayo niya ang mic na hawak niya sa bibig niya para hindi ma-air ang sinabi niya. Tumango ako saka ngumiti ng tipid. Mula sa pagkakaakbay ay bumaba ang palad niya sa palad ko. Pinisil niya iyon ng tatlong beses. Muli kaming nagktitigan at nagngitian. Kailangan kong huminga ng malalim dahil baka makalimutan kong gawin iyon at bigla akong himatayin. "Tapos na ang kumustahan mga tol? Puwede na nating ituloy ang show?" Tawanan ang lahat. "Ganito ang gagawin natin. Kunyari dalawa kayong manliligaw kay Brad. Baliktarin natin ang sitwasyon. Nakakasuya na kasi na babae ang nililigawan. Gagawa kayo ng isang bagay na sa tingin ninyo ay matutuwa siya habang kayo ay nakanta para kayo ang sasamahan niya for a date." “Ginagawa mo naman kaming bakla ni Shantel.” “Ay no! May mga babae na ngayon na nanliligaw. Let us just be honest here.” Ninerbiyos ako. sa Edad kong labing-anim ni hindi ko pa naranasang manligaw o kaya ay magkaroon ng crush. Tanging si Brad lang kasi ang nasa utak ko mula paggising hanggang sa aking pagtulog. "Mauna tayo kay Shantel. Bibigyan kita ng 1 minute." "Kakantahan ko ho siya?" sagot ko. "Mukhang hindi narinig ang sinabi ko kanina. Yun nga ang gagawin, haranain si Brad. Sige anong kakantahin mo?" A Thousand Years ni Christina Perri po" “Ay kabog.” “Sample, sample, sample!" sigaw ng mga nasa audience. "Shunga naman ng mga audience ko." tumawa siya. "Siyempre no, kakantahin niya. Anong gagawin niya, tutula ng A Thousand Years? Nakakaloka kayo ha!" Nagtawanan din ang mga audience. Bago ko sinimulan ang pagkanta ko ay tinignan ko muna si Brad. Kinindatan niya ako saka siya nag-thumbs up. "Yan ang tropa ko. Sige nga tol, iparinig mo nga sa kanila ang makalaglag panga mong boses." Pagbibigay niya ng suporta. “Ano ‘to Vice! Hindi pa nagsisimula pero parang may nanalo na!” reklamo ni Erin. “Oo nga Brad! Nakakaloka ka ha!” “Support lang kasi siyempre hindi ‘yan sanay sa maraming tao.” Napakamot si Brad. Parang nahihiya. Huminga ako ng malalim. Nilingon ko si Miley na kanina pa nagtititili. Napansin siya ni Vice. "Sandali lang Shantel ha. May napapansin kasi ako kanina pa na super support." Naglakad si Vice patungo sa kinaroroonan ni Miley. "Anong problema mo 'te?" Mabilis na bumaba si Miley at kinuha ang mikropono sa kamay ni Vice. "Oh my God! Bestfriend, totoo nga ang sinabi mo! Di ako makapaniwala. Ikaw na! Ikaw na talaga! Grabe na to! Magkakababata nga kayo ni idol! Go Go lang! Kilig much ako! Hi sa mga Bradian diyan na nanood ngayon, sige lang sa pag-like sa f*******: fan page namin for Brad Santiago. Nandito na kami whoooo!" tili niya." Ako nga pala si Miley, Vice, President ng Bradian Fans Club at bestfriend ni Shantel! Grabe! Sobrang saya ko ngayon! Whoooooo! Puwedeng makuhaan ko ng picture si idol at bestfriend! Saka Vice..." Nilayo na ni Vice ang mic kay Miley ngunit tuluy-tuloy pa rin ang pagsasalita ang aking bestfriend. Nangiti ako. Nagkatinginan kami ni Brad at tuluyang napatawa sa nakikita naming reaction ni Miley. "Anong nangyayari sa mga guest at audience natin sa gabing ito. Nasasapian ba lahat? Nakakaloka. Wala pa akong natatanong napakarami na niyang nasabi. High ka yata 'te. Uminom ka na ba ng gamot mo o nasobrahan ka ng tinira. Mamaya na 'te ha? May show pa tayo e." Nang muling itinutok ni Vice ang mic sa bibig ni Miley ay magsisimula na naman sana siyang magsalita ngunit binawi agad ni Vice ang mic at naglakad bumalik sa amin. Nagtawanan ang lahat. "Okey. Sa totoo lang sobrang riot ang gabing ito. Sige na Shantel, nagsisimula na ang isang minuto mo." Hinawakan ko ang mic. Nanginginig ako sa nerbiyos. Tumingin ako kay Brad. Tumango siya sa akin saka kumindat. Waring sinasabi niyang kaya kong gawin ang lahat. Nagsimula akong kumanta.   Heart beats fast Colors and promises How to be brave? How can I love when I'm afraid to fall? But watching you stand alone All of my doubt suddenly goes away somehow Lumapit ako kay Brad. Dinama ko na lang ang aking pagkanta para tuluyang mawala ang hiyang nararamdaman ko. Nakatitig si Brad sa akin. Namangha siya sa aking pagkanta. Habang kumakanta ako ay narinig ko ang sigawan ng mga naroong audience. Nagpalakpakan silang lahat. Nakita kong napatayo din si Bradley at pumapalakpak kasama ng mga audience. Lalong tumaas ang kumpiyansa ko sa aking sarili dahil sa ginawa niyang iyon.   One step closer I have died every day waiting for you Darling, don't be afraid I have loved you for a thousand years I'll love you for a thousand more Kung alam lang niya ang pinagdaanan kong hirap malapitan lang siya. Kung sana alam niya na nagmumukha na akong baliw na kinakausap lagi ang litrato niya kahit alam kong napakahirap na sa aking abutin siya. Ngayon, isang hakbang na palapit sa kanya ang aking naabot. Halos ikamatay ko yung mga araw na dumaan na hindi siya malapitan at makausap. At kahit ilang taon pa ang dumaan, patuloy siya sa aking alaala bilang pinakamahalagang bahagi ng aking aking buhay. Inilahad ni Brad ang kamay niya sa akin. Niyakap niya ako habang kumakanta ako. Tuloy pa rin ang sigawan ng lahat ngunit nangibabaw ang kay Miley at Brad. "Wow! As in wow!" namangha si Vice. Hindi na niya pinatapos ang aking pagkanta. "Artistahin ka at may boses pa. Napa-wow mo ako ate. May boyfriend?" tanong ni Vice. "Wala pa po. Bata pa, 16 lang ho ako at nag-aaral." "Ayy defensive agad. Hindi tuloy lumusot ang susunod kong tanong. Basta kung nagbago ang isip mo ha? Marami akong irereto sa’yo. Kung gusto mong mag-artista, nagma-manage din ako." “Hindi pa ‘yan magpapaligaw Vice. Sa akin muna dadaan ang lahat ng liligaw diyan kahit sino pang irereto mo!”  to the rescue agad si Brad at umakbay sa akin. Hiyawan ang lahat lalo na nang inakbayan niya ako at inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Okey! Ngayon naman si Erin. Naku Erin, kailangan mong tapatan iyon para ikaw ang piliin ni Brad?" "Kung si tol niya ang piliin niyang i-date, ayos na ayos sa akin iyon Vice. Kababata niya at for sure marami silang kailangan pag-usapan." "Ay talaga? Walng halong pagseselos?” “Wala ano ka ba?” “Kababata ‘yan ha, hindi kapatid hindi pinsan so pwedeng maging sila. So, walang takot?” “Wala. Kampante ako sa pagmamahal sa akin ni Brad.” “Ah iyon naman pala. Napakabait naman palang girlfriend nitong si Erin. Okey, huwag ng pahabain pa ito at mauubusan na tayo ng oras, magsisimula na ang isang minuto mo, Erin. Kumindat muli si Brad sa akin bago siya tumingin kay Erin na noon ay sinimulan na rin ang pagkanta. Kinata ni Erin ang  Love Me Like You Do ni Ellie Goulding. Mukhang wala sa tono ngunit nadadaan sa pagpapakyut. Isa pa, mas sikat siya sa akin. Kaya naman mas marami ang halos manggulo na sa studio habang kumakanta ito.   Anyway I'm just gonna sing and play Um, and I'm gonna play a song that you may know That you may know You're the light, you're the night You're the color of my blood You're the cure, you're the pain You're the only thing I wanna touch Never knew that it could mean so much, so much   Tilian ang mga fans niya. Sinabayan ni Erin iyon ng paggiling ng katawan. Lalong nagwala ang lahat. Ako man ay humanga sa lambot ng katawan ni Erin sa pagsasayaw. May tumakbong Braderin at iniabot ang bulaklak kay Brad habang kumakanta ng on screen girlfriend niya. Kinuha ni Brad iyon.   So love me like you do, lo-lo-love me like you do Love me like you do, lo-lo-love me like you do Touch me like you do, to-to-touch me like you do What are you waiting for? Ibinigay ni Brad ang bulaklak kay Erin. Hinalikan niya ito sa pisngi. Kumindat sa mga fans. Lalong nagwala ang mga audience. Sanay na sanay talaga silang magpakilig. Medyo may naramdaman lang akong hindi maganda. Habang kinikilig ang lahat, ako ay parang… tama… naiinggit ako, nasasaktan… nagseselos ako. Fading in, fading out On the edge of paradise Tumayo sila ni Brad. Isinayaw niya ito at pinaikot-ikot. Palakpakan uli ang mga guest. Mas malakas at nagwawala na sila. Every inch of your skin, is a Holy Grail I've gotta find Only you can set my heart on fire, on… “Hayan, di din pakakabog si Erin ha.” Nakangiti si Vice na tumingin kay Brad. “Ikaw naman, anong feeling ng kinakantahan ng dalawang sobrang gagandang mga babae, Brad?" "Sa akin na lang iyon Vice, kahit sabihin ko sa'yo hindi mo talaga siya ma-feel." Sagot ni Brad. Muling dumagundong ang tawanan lalo na sa naging reaction ni Vice na parang biglang sinilaban ng pagkahiya. Alam kong talo ako. Gagamit ni Erin ang kanyang lakas sa tao. “Okey sige na, ano na Brad. Nakakaguwapo ba? Sino ang pipiliin mo ngayon?" tanong ni Vice nang tuluyan nang natapos ang palakpakan at kilig ng audience. "Ang hirap Vice e. Puwedeng palakasan na lang ng palakpak sa audience?" "E kung ganoon din naman pala ang labanan at hindi ikaw ang mamili sana pala sa audience na lang kumanta ang dalawang ito. Sana din pala, ikaw na lang pala ang humarana. Ang arte! Kapag ba saksakan ng guwapo kailangan mag-inarte? Kapag ba baklang katulad ko, kung anong inartehan o pinagpilian ng magandang babae, iyon ang pagtitiisan ko?" Tulad ng inaasahan, mas nagiging malakas ang palakpak kay Erin. Ngunit ang nakakagulat ay may mga pumalakpak at sumigaw din naman para sa akin. Okey na sa akin 'yun. "Salamat Shantel. At dahil diyan, puwede mong halikan si Brad." "Ikaw talaga ang nagdedesisyon, gurl? Ano ka, bugaw na din ngayon? Walang pasabi?" si Erin. "Joke lang Shantel." Bawi niya. Lumapit siya sa akin at siya na mismo ang bumeso sa akin. "Salamat Shantel." "Oh yakap ka na kay tol bago bumaba Shantel " si Vice. Tumingin ako kay Brad. Nakabuka na ang dalawa niyang kamay para yakapin ako. Lumapit ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Nagkayakapan kami ng mahigpit. "Happy to finally see you tol. Sobra." Bulong niya sa akin. Naramdaman ko ang labi niya sa aking tainga. "Hintayin mo ako sa lobby. Gagawan ko ng paraan para maisingit kita sa sobrang hectic ng schedule ng shows ko ngayon." "Salamat at naalala mo pa ako." mabilis kong sagot. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking likod at tatlong tapik bago lumuwang ang kaniyang pagkakayakap. Ngumiti ako bago ako tumalikod sa kaniya. Kumindat siya sa akin. Kinilabutan ako sa kindat at nakakapanlambot niyang ngiti. Wala ako sa sarili kong tumalikod. "Iyon na 'yun Shantel? Baba na agad ng stage? Walang hug o beso sa akin? Dekorasyon na lang ako dito? Balak mo pang nakawan ang studio?" si Vice. Tumawa ako. Hawak ko pa pala ang mic. Bumalik ako at niyakap ko si Vice ganoon din si Erin ngunit may naramdam akong ginawa ni Erin sa akin. Huling-huli ko ang pag-irap niya sa akin. Parang may kakaibang pisil din siya sa aking braso. Madiin. "Salamat Shantel!" si Vice. "No, Vice, ako dapat ang magpasalamat. Dahil sa GGV nagkita muli kami ng tropa ko." maikli kong sagot. Namumula pa rin ako sa hiya. "Palakpakan natin si Shantel guys!" Bago ako bumaba ay bineso ako ni Vice at inihatid ako ng sigawan at palakpakan ng audience hanggang sa tabi ni Miley. Nagwawala pa rin si Bestfriend at kinilig siya ng sobra-sobra. Parang hindi nauubusan ng energy at boses. Pagkatapos ng show ay nagpakuha kami ni Bradley ng litrato kay Miley. Nang kinukunan na kami ay naramdaman ko ang palad niya na nakahawak sa kamay ko. Patago niyang pinisil iyon. Bumilis ang t***k ng aking puso nang maramdaman ko ang init ng kaniyang palad na nakahawak sa aking palad. “Hihintayin mo ako. Kailangan nating mag-usap.” Bulong niya. Iyon na pala ang simula ng g**o sa tahimik kong puso, simula ng walang humpay na bangayan at tagisan namin ni Erin. Kailangang isa lang sa amin ang mananatili sa gitna ng pedestal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD