BESTFRIEND

1536 Words
CHAPTER 8 “Gusto sanang malaman kung ano ang nangyari sa'yo nang nagkahiwalay tayo. Makumusta lang sana kita." si Brad. Nakatingin siya diretso sa aking mga mata. "Napakaraming nang..." biglang may sumingit. "Bestfriend, sampung shots, kalahati madilim, kalahati nun halos putol ako! Ano ba! Ayusin mo kasi!" "Saan ka nakatira MIley? Gusto mo ihatid ka na muna namin?" si Brad. Sana makuha ni MIley ang mensahe sa likod ng sinabing iyon ni Brad. "Halla, idol. Nakulitan ka ba sa akin? Sorry po." "Nope, medyo kailangan ko lang kasi talaga makausap ang bestfriend mo privately to catch up things, kailangan ko kasing bumalik sa set later. I am asking you a favor, kung okey lang sa'yo?" nakangiting lumingon si Brad kay MIley. "Naku huwag! Huwag na ninyo ako ihatid. I understand po. 8 years kayong nagkalayo. Kaya bet ko 'yang ganyang bonding-bondingan ek-ek. You need time para makapagkuwentuhan. Huwag kang mag-alala sa akin idol, suportado ko si Bestfriend. Alam mo ba kahit..." "Bestfriend, gusto mo samahan kita hanggang sa kuhaan ng taxi?" pamumutol ko sa siguradong mahabang kuwento na naman niya. "Ano ba! Nagsasalita pa lang ako sumisingit ka." "When did you start caring naman sa kapag may nagsasalita e huwag kang sumingit. Ganun ka kaya mula kanina." "Ah, okey! Fine! Salamat sa time idol. Bestfriend, kita tayo bukas okey? Kaya ko na ang sarili ko idol. Pakiusap idol, ingatan mo ang Bestfriend ko. Nag-iisa na lang 'yan na nagtitiis sa kadaldalan ko, naku kung mawala pa..." "Gusto mo pagbuksan kita ng pintuan Bestfriend? Dami pa kasing satsat!" pamumutol ko muli. "Eto naman, ipinagbibilin nga lang kita eh." Binuksan na niya ang pintuan. "Are you sure ayaw mong ihatid ka namin?" tanong ni Brad. "Opo idol, huwag na. Magpapasundo na lang ako sa driver namin" Nakaramdam ako ng saya nang nakalabas na ang isang paa niya sa sasakyan. "Pero puwede isa pang picture please?" muli niyang ibinalik ang paa niya sa loob. Nanlumo ako. " Yung maayos naman Bestfriend. Hayan naka-set na huwag ka ng pumalpak kasi pagkauwi ko upload na agad ako. I am sure maraming likers natin ang matutuwa nito" Nagkatinginan kami ni Brad. Para matigil na ang kaibigan ko ay muli ko silang kinunan. Alam ko namang maayos ang mga kuha ko. Papansin lang talaga ang Bestfriend ko. Nang makuhaan ko siya at kinuha ang cellphone ay saka niya ako bineso. "Ingat ka ha? See you bukas." Bulong ko bilang pamamaalam. Ngunit hindi pa rin siya bumababa. Tinignan ko siya sa salamin. May isinesenyas siya sa akin na di ko talaga maintindihan. "Ano?" naguguluhan kong tanong. Naiirita na rin kasi ako. "Ang shunga naman ne'to. Sabihin mo kay idol baka puwede ko naman siyang i-beso o kaya makamayan bago umalis. Slow naman sa sign language." Singhal niya. "O hayan, kaya mo naman palang sabihin dami mo pa kasing inaarte na sign language. Ngayon ka pa nahiya pagkatapos nasabi mo na at nakapa-picture ng ilang beses." Lumingon si Brad. “You know what? You are indeed funny. Siguro kung mag-artista ka, kakagatain ka ng masa sa kakuwelahan mo.” “So, ano pwedeng pabeso idol? Next time na natin pagkuwentuhan ang pag-aatista ko kasi may umiirap diyan oh.” “Sure, beso lang naman pala e.” Iniharap niya ang pisngi niya kay MIley. Sobrang kinilig si Bestfriend na nagawa pa niya pagsaklubin ang kamay at itinapat sa labi saka siya humagigik ng paarte. Nabuwisit ako sa kaartehan niya. Ilang saglit pa at bineso na niya si Brad, sa kanang pisngi at kaliwang pisngi saka siya bumaba na halatang kotang-kota sa saya. "Hay! Salamat! God! Akala ko talaga din a matapos ang panggugulo niya." Sa isip ko lang iyon. "Pasensiya ka na sa Bestfriend ko, tol." Panghingi ko ng dispensa. "Its okey. Sanay na sanay na ako sa kagaya ni MIley. Kasama 'yan sa pagtitiis namin bilang mga entertainer. Marami pang mas..." Nagulat ako sa katok sa bintana. Si MIley uli may sinasabi na di ko marinig. Kinagat ko ang labi ko. Di pa pala umaalis. Kung puwede lang bumigti ng Bestfriend ginawa ko na. "Ano ba!" singhal ko. "High blood?” “Ang kulit mo kasi e. Anong sasabihin mo?” “Kapag tumawag sina Tito Zayn at tinanong ka, sabihin ko kasama kita at tinatapos natin ang ating project. Sa bahay ka na kako magpapalipas ng gabi?” “Ha? Ano ka ba uuwi ako.” “No, I can’t just let you go home. Anong oras na rin naman and for 8 years baka naman pwedeng magbonding tayo kahit isang buong gabi. I’ll make my schedule free for you tonight.” “Oh see? Aarte ka pa. Ano? Dapat kasi pareho tayo ng irarason, okey?” “Okey. Sige.” “Huwag mo nga akong tignan ng ganyan dahil lulukutin ko pa lalo ‘yang nakabusangot mong mukha. Para sa'yo ito kaya huwag mong isipin na humihingi ako sa'yo ng favor. Ikaw na nga..."   "Okey. Fine! Salamat Bestfriend...see you!" pamumutol ko sa pagdadakdak niya hanggang sa tuluyan ko nang naisara ang pintuan ng kotse. Kumaway siya. Kinawayan ko rin kasunod ng flying kiss. Pagkaalis ni MIley ay pinaandar na din ni Brad ang sasakyan niya. Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta. Sandaling katahimikan. Nagpatugtog siya para kahit papaano ay may ingay kaming naririnig. Sisimulan ko sana ang pakikipag-usap nang may tumawag. Nakita ko sa screen ng cellphone niya. Si Edu, ang manager niya. "Hello, I am not feeling well. Pakisabi kay direk bukas na lang ang shooting sa part ko. Nahihilo ako at sumasakit ang tiyan ko." pagsisinungaling niya. Nagdadadak-dak ang manager niya sa kabilang linya. Inilayo niya bahagya ang phone niya saka siya kumindat sa akin. "Boss, I can't. Really! Di na ako nakapgpaalam kasi nga...ah okey…Sige, thanks. That’s good to hear. Nice… Bawi na lang ako sa shooting bukas. Okey... sige... noted... okey lang ako, pahinga lang katapat nito. Yap!... Sure... Pakisabi pasensiya na...Bye." Magsasalita na naman sana ako pero biglang tumunog din ang cellphone ko. Nanadya ba talagang pigilan ako ng mga taong malapit sa akin? Wala ba akong karapatang mag-moment? Si Papa Zayn ang tumatawag. Kinabahan ako. Tinignan ko ang oras sa pambisig na relo ko, lagpas na pala sa curfew ko. Huminga ako ng malalim. Nilingon ako ni Brad. Tumaas ang kilay niya, nagtatanong ang mukha kung okey lang ako. Ngumiti ako. Sana makita niya sa mukhang kong I am not just okey, ecstatic ang feeling ko ngayong finally magkasama na kami ng taong matagal ko ng gustong makasama. Ngayon lang ako sumobra sa curfew. Hindi ko alam kung ano ang irarason ko. Hindi ako sanay magsinungaling sa kanila pero parang ito ang hinihingi ng pagkakataon ngayon. Unang pagkakataong makapagsinungaling ako sa mga taong kumupkop sa akin. "Hello Pa." sagot ko. "Nasaan ka? Anong oras na oh?" kalmado ang tanong ngunit may kaunting diin. "Puwede ho bang bukas ng maaga na lang ho ako uuwi?” “Bukas ng umaga? Why?” “Hindi pa kasi tapos ang aming project for finals.” “Sinong kasama mo?” “Kasama ko si MIley.” “At nasaan kayo?” “Sa bahay po nila. Okey lang po ba mag-overnight kahit ngayon lang po?" kinikilabutan ako sa unang pagkakataong nagsisinungaling ako kay Papa. "Okey, sige, basta huwag nang lumabas. Sandali lang ha at may sasabihin si Mama Sheine mo." "Anak, kumain ka ha, saka uminom ka ng gatas bago matulog, yung vitamins mo huwag mong kalimutan. Pray ka bago matulog mamaya." Alam kong pinagtritripan na naman niya ako. "Ma, please! Di naman ako umiinom ng gatas at wala naman akong iniinom na vitamins kaya puwede ba? Huwag OA." "Wala lang kasi akong masabi anak. Nagulat nga ako sa Papa mo bigla sa akin ibinigay na may sasabihin daw ako e natanong at nasagot mo naman na lahat ang gusto kong sabihin.” “Nang-aasar lang ‘yan si Papa e.” “Basta mag-ingat ka ha. Uwi na agad bukas. We just miss you here anak.” "Salamat sa pagpayag 'Pa. Bye po." “Bye anak.” Huminga ako ng malalim. Napalunok ako. "Tama bang ginagawa nating magsinungaling sa kanila dahil lang gusto nating mag-bonding? Bigla akong nakonsensiya e. Ngayon ko lang ginawa ito. Pati work mo naantala dahil sa akin at kailangan mo ding magsinungaling sa Manager mo." "Oo nga eh. Ngayon ko lang din ito ginawa. Doon na lang kaya tayo sa condo ko muna. We really need to talk. Hindi tayo puwede sa labas kasi for sure maraming kagaya ni Miley na sisira sa kuwentuhan natin at baka makunan pa tayo at kumalat sa social media. Okey lang sa akin kasistill publicity pero hindi maganda para sa pribadong tao na kagaya mo. So what do you think." Hindi ko alam kung tama ngunit nang nakatitig siya sa akin, wala na akong magawa pa kundi ang tumango ng tumango. Nang nasa elevator na kami ay hindi ako mapakali lalo pa't dadalawa lang kami sa loob. Parang naririnig ko ang kabog ng aking puso. Panakaw ko siyang nilingon ngunit nakatingin din pala siya sa akin. Mabilis niyang binawi ang kaniyang tingin kasabay ng pagbawi ko ng aking tingin sa kaniya. Weird. Mahal ko na ba siya?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD