GANDANG GABI VICE

3001 Words
Chapter 5  Hihiga na sana ako nang tumunog ang cellphone ko. "Hello. Gabing-gabi na at pagod na pagod. Hindi ba pwedeng bukas na lang ‘yan. Sige na!” “Gagang ‘to! Sinagot mo pa kung ikaw lang rin naman pala ang magsasalita ta’s bye na agad! Bruha ka taaga e ‘no. Kung nakakabili lang ng tumpukan na best friends sa divisoria, bili akong sandosenang tumpok at ikaw ang una kong ililgwak! Nyeta ka.” “Naku andami mo pang sinasabi, o ano na. Bakit ka napatawag bespren!" "OMG! Makinig ka! Hindi ka maniniwala pero this is it!" kinikilig na bungad ni Miley. "Ano nga nga! Daming pasakalye." "Nag-open ka ba ng fanpage natin para kay idol?" tanong niya. Halata ang kilig sa boses . "Hindi pa. Kadarating ko nga lang hindi ba? Anong meron?" "Pwes! Magbukas ka.” “Ngayon na? Hindi ba pwede bukas na lang?” “Gaga, habang nakahiga buksan mo na, bilis.” “E, di papataya muna kita ng phone?” “Poorita ka gurl? Buksan mo ang laptap mo ngayon din at basahin mo ang message sa akin ng nagngangalang Edu Morales.” “Sino namang Edu Morales ‘yan. May kilala ako, Edu Manzano.” “Sinasayang mo ang oras ko, gurl. Bubuksan mo o hindi.” “Ay may panakot? Oo na, bubuksan na pero sino itong si Edu Morales?” “Gaga! Hindi mo ba kilala?” “Magtatanong pa ba ako kung kilala ko.” “OMG. Listen to this.” “Andami na namamg kuda.” Huminga ako ng malalim. “Sino nga.”  “Nagpakilala siya bilang Talent Manager ni Brad. This is it na talaga. Whoooh!" may kasunod pang sigaw. "Wait! Huwag mo akong binibigla ng ganyan bespren at nanginginig ako." sagot ko. Mabilis kong binuksan ang naka-off kong laptop. Parang napakatagal sa pakiramdam ko ang sandaling pag-i-start-up nito. Nanlalamig ang aking mga kamay. Nanginginig ang aking buong katawan. "Nabuksan mo na ba?” “Hindi pa.” “Basahin mo ang message niya, dali." "Wala pa nga, gurl. Huwag mo akong inaapura puwede?” “Bakit antagal naman mag-open ‘yan. Gusto mo ba palitan ko?” “Iba na talaga kapag bilyonaryo ang mga magulang ano? Yun nga lang mayaman nga di naman bagay sa inuugali.” Natawa ako. “Ano na ate. Kayaman baa ng topic at ugali ko o yung pinagagawa ko sa’yo. Antagal ha. Bilisan mo naman.” “Huwag mo nga akong inaapura. Alam mo namang kapag natataranta ako nahihirapan akong huminga. Relax okey? Hindi natin hinahabol ang oras dito." Sagot ko pero sa totoo lang ako yung atat na atat mabasa kung ano ang sinulat ng nangngangalang Edu Morales na binibida niya. Kung kailan pa kasi nagmamadali minsan doon pa tumatagal ang pag-open ng laptop na minana ko pa kay kuya Cedrick. Kaagad kong pinindot ang f*******: icon sa desktop. Pinindot ko ang messages at nanlalaki ang mga mata ko habang binabasa ko ang conversation nina Miley at Edu. "Nandiyan ka pa ba?" tanong ni Miley nang kalaunan. "Oo.” “Oh ano, nabasa mo na?” Hindi ako sumagot. Hindi ko ma-contain yung saya. “Ano bilib ka na ba?” “Totoo ba ito?” “Oo gurl. Iniimbitahan niya tayo kahit sampu lang daw. Admins at members ng "Bradian " para sa guesting ni idol sa Gandang Gabi Vice sa Linggo." "Nabasa ko nga.” “Gano’n lang? Nabasa ko na, as in plain lang na nabasa ko na?” “ Best, paano ka naman nakakasigurong hindi nanloloko ang nagmessage na ito sa'yo. Baka mamaya pinapasakay lang niya tayo." Nagdadalawang isip pa rin ako. "Di mo ba nabasa na hiningi niya ang number ko?" "Oo at binigay mo nga and your conversation ends there.” “Oo at huwag kang shunga.” “OMG…maliban na lang kung tinawagan ka niya." Huminga ako ng malalim. “Tinawagan ka niya! Tama! Tinawagan ka ba niya?” Ayaw ko pa ring mag-expect kahit sa totoo lang ay sinasabayan ko ang pag-uusap namin ni Miley ng isang panalangin sa Diyos na sana ito na. Napakatagal na akong fan at sana makita ko lang naman sana siya ng malapitan. "Tinawagan lang naman niya ako." casual ang pagkakasabi ni Miley. "At nag-confirm lang naman ako na pupunta tayo with our banners and all.” “Oh my God! Totoo? Walang echos?’ “Ang old ng echos word mo ah haha. Hindi nakaka-millenial. Magpopost ako sa fan page natin ng mga walong puwedeng sumama sa atin. Bespren, this is it, is it na talaga!" kinikilig pa rin siya Hindi ako makasagot. Parang nanunuyo ang lalamunan ko. Nangatog ang tuhod ko. Umupo ako at huminga ng malalim. "Hello! Shan? Nandiyan ka pa?" "Oo. Sandali lang at ina-absorb ko pa ang lahat. Para kasi akong hihimatayin bespren.” “Gaga wala pa nga himatayin ka na.” “E kasi, nanginginig ako bespren. Ito na ba talaga to?" "Yes, ito na to. Bukas pagawa na tayo ng cute banners natin at go na tayo sa GGV sa Linggo. My God! Kinikilig ako! Sige na. Bye! Need ko ng mahabang beauty rest. Malay mo mapansin ako ni idol. Bye!" "Ilusyonada ka din e." Naputol na ang linya. Ugali talaga ng baklang ‘to. Bigla na lang niya pinuputol ang tawag. "Yes! Yes! Whoooo! Yes!" napapasuntok ako sa hangin sa sobrang saya. Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama. Noon ko naranasang tumawa mag-isa. Nang naglaon ay bumagtas ang luha ng kaligayahan sa aking pisngi. Halos hindi ako makatulog magdamag sa sobrang excitement. Dumating ang araw na pinakahihintay namin ni Miley. Hawak namin ang pinagawa naming banner para kay Brad. Bago kami pinapasok kanina ay kinausap muna kami ni Sir Edu, ang Manager ni idol para ma-orient niya kami sa dapat naming gagawin. "Basta, hindi lang si Brad ang suportahan ninyo kundi kasama ng kaniyang kalove-team na si Erin Keith.” “Bakit pati siya? Si Brad lang naman ang idol namin,” protesta ng palaban kong kaibigan. “Aba, love team ng idol ninyo ‘yon kaya dapat kasama siya. Kung ayaw ninyo sa iba ko ibibigay kasi ayaw ko nang panggulo lang.” “Si Mother naman. Joke lang. siyempre kasama si Erin.” “Madali ka naman palang kausap e. So, ganito ha, sa tuwing may nakakakilig silang sasabihin, sumigaw kayo ng “I love you Erin, I love You Brad!” Gano’n ha! Sa tuwing may gagawin sila, masigabong palakpakan agad sabay ng tili. Kaya ko kayo kinontak para magbigay ng suporta kung talagang idol niyo si Brad." "Hay naku mother, kahit hindi mo sabihin gagawin namin iyan. Basta para kay idol." Sagot ni Miley. Tumaas ang kilay ni Sir Edu. Pangalawang taas na ‘yon ng kilay niya. "Anong tawag mo sa akin?” “Mother… di ba ang ganda?” “And you are?" nagsalubong na ang kaniyang kilay. Mukhang hindi niya nagustuhan ang itinawag ni Miley sa kaniyang mother. Siniko ko ang bespren ko. "Sorry, sir. Siya po si Miley, ang President ng Bradian, yung kausap niyo sa phone at facebook.” “At ikaw ganda?” tanong sa akin. “Alam mo, maganda ka ha. Anong pangalan mo, iha?” “Shantel po. Ako po ang Vice President." “Shantel. Hmmnnn.” Tumingin sa akin si Sir Edu. Malagkit ang kaniyang mga tingin. Yumuko ako. "Next time, piliin mo ang itawag mo sa akin Miley ha? Hindi ako katulad ng iniisip mo. Palalampasin ko ngayon pero hindi na sa susunod." Muli akong tinignan ni Sir Edu pataas at pababa. "Shantel, right?" "Po?" nagtataka kong sagot ng tinawag niya ang pangalan ko. "May balak ka bang mag-artista?" diretso ang kaniyang pagkakatanong. Namula ako. Hindi ako sanay na tinatanong ako ng ganoon kahit pa maraming nagsasabing artistahin ang hitsura ko. "Wala po. Okey na po ako sa pagiging fan." "Bakla ka ba?” “Ho?” “Kasi bakla ang kasama mo, baka retokada ka lang. Kagaya nitong…” hindi na niya kailangan pang ituloy ang kaniyang sasabihin. Sa pagnguso palang niya kay Miley ay alam ko na kung sino ang tinutumbok niya. "Sir Edu, akala ko ba walang husgahan. Hinihusgahan ba ninyo ang bespren kong katulad niya ako kasi magkasama kami? Kung may dalawa sa ating tatlo na halatang sirena hindi ho ang bespren ko iyon. Babaeng-babae po ‘yan. Sobrang gandang babae. Intact pa ang matris. Virgin at totoo ang boobs. Hindi lang marunong munang mag-ayos pero magandang dilag po ‘yan. Kung amoy ng pagiging bilasang bakla ang usapan, bukod ho sa malansang amoy ko, may isa pa sa ating tatlo at nasisiguro ko hong alam ninyo kung sino ang isang tinutumbok ko." palabang sagot ni Miley. Muli ko siyang siniko. Namula si Sir Edu sa sinabing iyon ni Miley. Namayani ang sandaling katahimikan. "O pa'no, huwag kalimutan ang sinabi ko sa inyo. Pumasok na kayo at magsisimula na." Nilakasan ni Sir Edu ang huling bilin niya para marinig ng iba pang mga fans nina Erin at Brad na pinangalanan nilang “Braderin", ang kay Erin naman ay "Erin babies" at kami naman ay " Bradian". Maayos kaming pumasok at nasa bahaging gitna ang grupo namin ni Miley. Sa bahaging harap naman ang mga Braderin. Tumayo kaming lahat nang pumasok na si Vice Ganda at nagpalakpakan para sa kaniyang opening number. Nagsimula na ding lumakas ang kabog ng aking dibdib. Nang matapos ang number ni Vice Ganda ay pinatugtog na ang Gandang Gabi Vice theme song... Tarararara... Bongga, Bonggang gabi na to... Buhay, para magkulay dapat, may konti ring problema Luha, puwedeng maging muta Kung di ka, di ka laging masaya... Sinabayan namin ang kantang iyon. Nagkakangitian kami ni bestfriend habang isinasayaw namin ang kanta. "Kinikilig ako bestfriend. Hawakan mo ang kamay ko, sobrang lamig na!" bulong ni Miley sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Ouch! Mas malamig pala ang kamay mo!" bawi niya nang maramdaman niya ang sobrang panlalamig na ng aking mga palad. Ni hindi nga ako makapagsalita sa nerbiyos. “Ganyan, ganyan at ganyan nga. Dapat lagi lang tayong nakangiti. Lagi lang tayong nakatawa! Gusto ko ‘yan! Palakpakan naman muna natin ang G Force sa mainit na number kasama ako." Simula ni Vice. Nagpalakpakan din kaming lahat. "Thank you much for joining me." Humakbang siya paharap at tumingin sa aming na mga nasa studio. "Speaking of mainit na number, nag-iinitan din ng mga magagandang tao dito sa studio, gandang gabi sa inyo!" muli kaming sinenyasan na pumalakpak kaya isa muling masigabong palakpakan. Iyon yata talaga ang role mo kapag nasa audience ka. Kahit hindi kailangan palakpakan ay kailangan palakpakan. "At ngayon palang ay summer na summer na dito sa GGV dahil may hatid kami sa inyong mainit na kuwentuhan, kasama ang mga super special na mga bisita ko ngayong gabi, eto ha, tried and tested na ang babaeng ito pagdating sa baliwan, ngayon naman, game na game na naman siya sa next level na kalokahan, the Philippine sweetheart, Erin Keith." Nang ipinakita sa screen ang picture ni Erin ay nagsigawan ang kaniyang mga tigahanga at napilitan na din lang akong pumapalakpak. Hindi naman sa ayaw ko kay Erin kundi hindi lang din ako sanay na may loveteam na ngayon ang iniidolo ko mula noong grade six palang ako. "At ang makakasama niya ay walang iba kundi ang lalaking pinagpapantasyahan kong makahabulan sa beach, ang super crush kong prinsipe ng teleserye, siguradong maraming maiinggit sa kilig na ibibigay sa akin ni, Brad Santiago!"dumagundong ang mas malakas na hiyawan. Lalo na nang ilabas ang kaniyang sobrang gwapong litrato. Hindi ko napigilan ang hindi sumigaw na may kasamang palakpak at padyak ng paa. Noon ko lang naramdaman iyon. Ganoon pala ang feeling kapag idol mo na ang tatawagin. Wala akong pakialam sa mga katabi ko o kahit sino pang makakapanood sa akin na sumisigaw ako at nawawala sa sarili para sa aking idol. "Oh see, wala pa man din, pangalan palang 'yan ha, kung magsigawan kayo para gusto ninyong magiba ang studio. Taray super tili." Palakpakan muli kami! "Ngayon palang, kahit hindi pa man summer ay sobrang nag-iinit ng kilig at halakhakan dito sa trending capital show ng bansa at ang pinakamagandang bisyo tuwing Linggo ng gabi, ito ang..." iniharap niya ang kaniyang mikropono sa amin at sabay sabay kaming sumigaw ng...Gandang Gabi Vice!" Unang tinawag si Erin Keith at nagtayuan kaming lahat at nagtilian ang kaniyang mga fans. Hindi dahil gusto namin ni Miley kundi iyon ang utos. Kailangan naming tumayo at pumalakpak. Namangha ako nang makita ko siya kasi nakapaganda naman pala talaga niya at balingkinitan. Nagtinginan kami ni Miley. "Ang ganda pala niya bestfriend. Bagay na bagay sila ni Brad." Hinawakan ni Miley ang braso ko at nakita ko sa kaniya ang sobrang saya. "Gusto ko na siya para kay idol." Hindi ako sumagot. Bumunot ako ng malalim na hininga. Hindi ko tuloy masyadong narinig ang pag-uusap nila ni Vice sa nararamdaman kong kakaiba. "Kumusta naman at mukhang hindi mo naman pinaghandaan talaga ang gabing ito." "Kailangan ba naka-gown kapag sumalang sa GGV? Mahirap naman kung ma-outshine ng guest ang host di ba?" palabang banat ni Erin. "Hayan, ito lang talaga yung show na inookray nila ang host. Alam mo bang andami naming nabubuwisit sa'yo ngayon at alam mo na kung bakit. Ano bang bago sa'yo ngayon bukod sa tumataas na rating ng panggabi ninyong tambalan ni Brad na Apoy sa Dalampasigan. Grabe mula nang nag-hit ang The Lady Soldier ninyo, hindi na kayo naubusan ng project. Kaya na ang bagong king and queen of Teleserye na sadyang kinainisan ko dahil sa'yo talaga napupunta ang mga projects na ito samantalang matagal na akong naglulumuhod na makatambal ko si Brad. Anong bang meron ka na wala ako?" "Kailangan pa bang sabihin at ipamukha sa'yo Vice? Alam ko nakakabit sa pangalan mo kung anong meron ako ngunit hindi ko alam kung makikita mo iyon kapag haharap na tayo sa salamin. Ipasok nga ang salamin nang makita ni Vice ang meron ako na wala siya nang di na siya muli pang magtanong." Ang palaban pa ring sagot ni Erin. Nagpalakpakan ang kaniyang mga fans. Ngumiti ako ng pilit. Di ako natawa. "Hoy huwag kang ganyan. Ano ka, maganda na ako sa lagay na'to. Kung yang sa'yo ay gandang natural, ito naman ay ang gandang pinagsusumikapan." Tawanan muli. "At ngayon, huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa, tawagin na natin ang isa sa ating mga guest sa gabing ito, ang lalaking nagpapainit sa inyong gabi, ang unkabogable matinee idol ng bagong henerasyon, ang bagong hari ng teleserye , si Brad Santiago!" Nagtayuan kaming lahat. Kasama ding tumayo ang mga balahibo ko at pakiramdam ko mas malakas pa ang kabog ng aking dibdib kaysa sa hiyawan at palapakpakan ng mga tiga suporta ni idol. Tumitili si Miley sa tabi ko na parang sinasaniban. Lalong naging maingay ang paligid nang nabungaran na namin si Brad na papasok. Nanlaki ang mga mata ko. Malayong-malayo na ang hitsura niya noon. Matipuno ang katawan na binagayan ng maputi ng bahagya sa morenong kutis, nangungusap na mga mata, may katangusang ilong at ang may kalusugan niyang mga labi. Pinagsaklob ko ang dalawang palad ko at nilagay ko sa aking labi na hindi mapigil sa pagsigaw ng pangalan ni Brad. Pinatigil kami sa pagtili. Pinaupo. "Maganda at mainit na gabi Brad. Grabe ang tilian ng mga tao nang pumasok ka. Anong pakiramdam na maraming naghahangad na matikman ka este ang makasama ka at isa na ako doon." "Magandang gabi Vice at sa lahat ng mga narito ngayon." Muli kaming nagsigawan. "Ano ulit yung tanong mo Vice?" "Nahihiya na tuloy akong ulitin yung tungkol sa paghahangad kong maano ka, makasama ka. Hindi ka ba naiinitan. Mainit di ba Erin?" "Naku! Luma na yung mga ganyang parinig Vice, hindi mo pa diretsuhin si Brad na maghubad ng jacket kaysa sa ganyang may mga pasakalye ka pang nalalaman. Hindi bagay sa'yo gurl." Sagot ni Erin. "Eto naman makapaglaglag. Kontrabida ka talaga kahit kailan sa buhay ko. Hindi ka ba naiinitan, Brad? Hi hi?" Na-excite ako. Tumayo si Brad. "Mainit nga.” Hinawakan niya ang kaniyang Jacket. Hinubad niya iyon at sumamang tumaas ang kaniyang suot na t-shirt. "O my god! Hihimatayin yata ako neto!" lumuhod si Vice sa harap ni Bradley. Titig na titig sa magandang abs ni Brad. Nakaramdam ako ng inggit. "Grabe, kilig much! Naku alam kong napakaraming naiingit ngayon sa akin diyan." Ngunit sandali lang iyon dahil humarang si Erin at tumayo siya sa gitna nina Vice at Brad. Kalahating dangkal lang ang layo ng mukha ni Vice sa kepay ni Erin. "Lason ka naman ate. Kahit kailan talaga ano, panira ka sa mga kaligayahan ko sa buhay. Ansarap mong ipatumba gurl." Reklamo ni Vice. Nagsigawan at nagtawanan kaming lahat. Naglakad si Bradley at iwinasiwas niya ang sinuot niyang jacket. Tanda na ibabato niya iyon sa mga audience. Nagtilian muli kami. Humanda kami ni Miley para makuha iyon. Handa kaming makipagpatayan makuha lang iyon. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mukha ni Brad. Hindi ko alam pero kakaiba ang nararamdaman ko. Higit pa sa paghanga. Nang naibato niya ito ay mabilis si Miley na tumalon at nang maabot niya ito ay hindi siya pumayag na hindi niya iyon makuha. Kahit anong hila ko, hindi talaga binibitiwan ng bruha. Bumitaw na lang ako. Nakakahiya namang magpatayan pa kaming mag-bestfriend dahil lang sa jacket. Naglulundag sa tuwa ang bespren ko nang bumitiw ako. Mangiyak-ngiyak na niyakap ang jacket ni Brad. Dahil sa ginawang pagwawala ni bespren ay nahagip ako ng tingin ni Brad. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang pagkagulat. Napako ang mga tingin namin sa isa't isa. Pakiramdam ko tumigil ang ikot ng aking mundo. Siya man din ay parang natulala na hindi niya alam kung ano na ang susunod niyang gagawin. Pakiramdam ko parang kaming dalawa lang ang naroon. Nawala sa pandinig ko ang ingay sa paligid. t***k lang ng aking puso ang gumuguhit sa katahimikang nilikha ng aking imahinasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD