MAY NANALO NA!

1242 Words
CHAPTER 15 "Ingat ka ha. I hope to see you the soonest." Bulong niya. "Ikaw rin." Sagot ko. Binuksan ko na ang pintuan para makababa na ngunit hinila niya ako. “Wait lang.” “Bakit?” nakangiti kong tanong sa kanya. "Para sa'yo patutunayan kong magbabago ako.” “Wala kang dapat baguhin.” “Meron at iyon yung pagiging babaero ko. Ikaw lang. Ikaw na lang.” Napalunok ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. “Pangako 'yan, ikaw na alng hanggang sa huli." Kumindat siya. "Aasahan ko yan." maikli kong sagot kasabay din ng isang matamis na ngiti at kindat. Pababa palang ako nang biglang sinalubong ako ni Miley. "Ano ba yan bestfriend! Kanina pa ako naghihintay dito. Naagnas na ang ..." natigilan siya nang makilala niya ang naghatid sa akin. Hindi ang driver ko ang nakita niya. Tinulak niya ako. Pinatabing akala mo yaya lang niya.  Ibinaba niya ang napakalaki niyang sunglasses na nakatakip sa kalahati ng kaniyang mukha. "My God!” “Uyy please. Huwag ngayon.” Natatakot akong dumugin si Brad. “OMG!" lumunok siya. Hinawakan niya ang kaniyang dibdib, nakausli ang hinliliit niyang kinulayan niya ng pink. Mabilis kong isinara ang pintuan at baka mag-ingay siya at dumugin si Brad ng mga istudiyanteng naroon. Hinawakan ko ang siko ni Miley. Palayo doon. Gusto ko lang protektahan muna si Brad. “Bye!” ibinaba ni Brad ang salamin. “Bye. Ingat.” Sagot ko kasabay ng matamis kong ngiti. May isang estudiyanteng nakapansin. “Ohhh my Goddd! Si Brad!” Naglingunan ang mga dumadaan mga mag-aaral ngunit bago pa man sila makabuwelo na lumapit ay nakaalis na ang sasakyan ni Brad. "Sandali! Ano itong nangyayari. Naku! Naku! Naman! Please Bestfriend, sandali lang at kailangan i-absorb muna ang lahat." Huminto kami nang nasisiguro kong wala na siyang magawa pang eksena at malayo na kami sa nga mag-aaral na nakatingin sa akin. Nakalagay ang mga hintuturo niya sa magkabilang sintido. Paikot-ikot ang kaniyang mga mata at nguso. Hinarap niya ako. Nakapamaywang. "Anong nangyari kagabi?” “Wala nagkuwentuhan.” “Sinungaling ka! Anong ginawa ninyo!” “Natulog.” “Natulog ka sa kaniya? Natulog lang ba talaga?” “Oo magkaibigan kami nong tao ano ka ba?” “OMG! Wala kang ginawa? Wala kayong ginawa?” “Wala nga.” “Bakit ba ang gaga gaga mo. Bakit baa ng hinhin hinhin mo! Sana isinuko mo na lahat at kung hindi mo kaya sana ako na lang. ako na lang uli! Ako na lang sana!” “Tara na! Hindi ako natatawa sa eksena mo!” “Magwawala ako! Hindi pwede ito. Hindi dapat ganon lang! nasa langit kana ta’s natulog ka lang sa tabi ng dinadakila ng lahat ng kabaklaan at kababaihan?" lumunok muna siya ng laway niya. "My God!” Huminga siya ng malalim ng nakita niyang nakangiti ako at kinikilig pa rin. “Wait! I know you. Nagsisinungaling kang bruha ka. May nangyari na sa inyo. Isinuko mo na ng ganun-ganun lang ang virginity mo! Baka ikaw ang aggressive! Baka ikaw ang gumawa ng paraan! Shet! Sorry but shet! Hindi puwede 'to Bestfriend! Hindi ka easy lang! Ano to! Hindi ko talaga ma-gets! Siya ang naghatid sa'yo. Oh my god! Kayo na! Hinahatid ka na niya sa school. Ganoon ka kabilis! Next thing I know, magsasama na kayo na parang mga magulang mo  na di muna nagpakasal..." mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Gusto kong siyang bigwasan nang mawalan na muna ng malay. Histerikal lang kasi masyado. Ang OA ng gaga! Binitiwan ko nang alam kong kumalma na. "Advance naman masiyado 'to. Hinatid lang ako, kami na?" nakangiti na ako. "Yung ngiting ganyan. Iba yung spark ng ngiti mo. Kinikilabutan ako sa mala-Anne Curtis mong ngiti!" "Anne Curtis talaga! Baliw! Ewan ko sa'yo." Biglang tumunog ang cellphone ko. Maaring si Papa Zayn na ito. Naisip ko. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita ang parang bagong register na name at number. Ang nakalagay, "Babe ko." Paanong?... Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang message. "Hi there! Surprise! I have your number. Tumutunog kaninang umaga kaya ko pinakialaman. Di naman kasi siya naka-lock kaya nagmissed call ako using your phone sa phone ko para makuha ko lang ang number mo. See you later. I’ll prove it top you po na sa iyo lang ako at magbabago na ako para sa’yo. Aayusin ko ang schedule ko for us to meet more often. Mwah! Namiss na kita agad!" Nanlambot ako. Hindi ko inaasahan iyon. Nakita ni Miley ang pagbabagong iyon sa hitsura ko. Mabilis niyang kinuha ang phone sa kamay ko. Nahimasmasan ako. Pilit kong kinuha ang phone ko pero hawak na niya at binabasa na niya ang message. Umupo siya. Hawak niya ang kaniyang dibdib. Kinuha ko ang phone sa kamay niya. Umupo ako sa tabi niya. "Uyy tara na, late na tayo." Siniko ko siya. "Tama ba ang lahat ng ito. Sampalin mo nga ako ng nota ng mahimasmasan ako sa bilis ng mga nangyayari parang hindi makasunod ang bibig ko sa bilis ng takbo ng lovelife mo. Nagiging instant na talaga lahat? Ang idol at isang masugid na fan, nagkita lang sa isang show, kinabukasan sila na? At ang nakakaloka, si Idol yata ang may bet na bet kay mukhang tindera na fan?" "Wow ha, ang liit naman ng tingin mo sa mga tinder.” “Gaga, tinderang Gucci. Loui vitton gano’n. So kayo na?” “Hindi pa naman kami. Hindi ko alam. Basta naguguluhan din ako." Tumayo siya. May imaginary siyang parang kinuha sa ulo niya at kunyari ay ipinatong sa ulo ko. "Ikaw na! Ikaw na ang bagong reyna. Ganda mo ha!" singhal niya sa akin. "Tara na at baka ma-late na tayo kamahalan!" Tumayo ako. Nang naglalakad kami ay nanatiling nasa hulian siya. Nilingon ko siya. Parang may binubuhat siya na kung anong nabibigatan pa. Mukha lang siyang tanga. Nagtaka ako. “Anong ginagawa mo?” “May binubuhat ako. Lakad ka lang kamahalan.” “Baliw!” "Ingat lang kamahalan, ang korona baka bumagsak at mabasag. Saka masiyadong mabigat ang buhok mo. Ang haba kasi e. Abot hanggang sa ABS CBN!" Hindi ko na lang siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad lalo pa't malate na kami. Paakyat na ako sa hagdanan nang marinig ko siyang sinisigawan ang mga nagmamadaling istudiyante sa likod ko. "Tabi! Doon kayo sa gilid! Maapakan ninyo ang mahabang buhok ng Bestfriend ko!" singhal niya. Nagtaka ang ibang istudiyante. Ang ilan ay nagulat pa na tumingin sa kanilang dinadaanan. Para din lang silang mga tanga na tumabi. Pinigil ko ang tawa kong lumingon sa kaniya. "Kung di ka pa diyan tumigil, ingungudngod ko sa semento ang inaagnas mo nang make-up sa mukha!" bulong ko nang makalapit siya sa akin. "Mamaya mag-usap tayo. Pagkatapos ng klase, hindi puwedeng wala kang ikukuwento sa akin dahil hindi ko patatahimikin ang buhay mo hangga't di ko nalalaman ang buong nangyari kagabi. Tandaan mo! Kahit saan ka magtago, kahit pa sa gabing mahimbing ang tulog mo, di kita titigilan." "Oo na! May maitatago ba ako sa'yo!" hinila ko siya papasok sa classroom namin. Akala ko ganoon lang kadali magmahal, akala ko, puno ng saya at kilig lang ang bawat araw na kasama siya. Ngunit hindi din lang pala ganoon kadali lalo pa't sa katulad naming hindi pa lubusang nakahanda. Iyon na pala din ang simula ng paghihirap ng aking kalooban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD