Chapter 16
By: Joemar Ancheta
Iyon na ang simula ng walang patid na communication naming ni Brad. Hindi man kami madalas maikita dahil sa mga out of town shows at shooting niya ay panay pa rin naman ang kaniyang tawag sa umaga at sa gabi bago ako matulog. Sa teleserye at mga commercials ko na lang siya muling nakikita. Para lang akong isang fan na lang uli. Sa mga interviews at guesting ko na lang muli naririnig ang kaniyang mga tawa at nakikita ang cute na cute niyang ngiti. Sobrang namimiss ko na siya. Bumabalik kami sa katotohanang, isa siyang bituin na kailangan ko lang tingalain. Suntok sa buwan ang mahalin siya ngunit umaasa akong darating yung araw na muli kong mahawakan at mayakap ang bituin na iyon. Kung hindi man ngayon ay maaring sa mga susunod na araw. Nagsimulang tumindi ang hangarin kung iyon mula nang binigyan niya ako ng pag-asang nagkakatotoo ang mga pangarap.
Dalawang araw bago ang graduation ko at Tatlong Linggo pagkatapos ng aming unang pagkikita ay may tawag si Brad. Katabi ko si Miley noon dahil abala kami sa aming pagsasanay sa aming graduation song. Tumayo ako palayo kay Miley para sagutin ang tawag.
"Kumusta ang Babe ko ko?" pagsisimula niya.
"Okey lang po.”
“Anong ginagawa?”
“Heto ga-graduate na din ng High School. Ikaw po? Kumusta ang work?"
"Okey sana kung nakikita at nakakasama kita. Yung pangako kong aayusin ko ang schedule ko, hindi na natupad. Sana bigyan mo pa ako ng sapat na araw kasi ito yung mga schedules na tinanggap ko bago ka dumating sa buhay ko.”
Okey lang. Alam ko at naiintidnihan kong trabaho ‘yan.”
“Thank you for understanding. Anong oras naman ang labas mo niyan ngayon?" casual lang niyang tanong.
"After an hour, maybe?”
“Okey. Are enjoying yourself naman there?”
“Opo, namimiss nga lang kita. Uuwi na din kami ni Miley nito pagkatapos ng practice."
"Good. Kailan nga uli ang graduation ninyo?"
"Sa makalawa po. Umaga. Kung makakadalo ka sana, mas magiging masaya."
Huminga siya ng malalim. "Of course, I would love to. I wish I could. Pero you know naman my situation, hindi ba? I can not promise kasi nasa Laguna pa ako ng oras na iyon sa shooting namin. I hope mahaba pa ang pasensiya mo sa akin niyan babe ko."
"Okey lang. Alam ko namang importante sa'yo ang trabaho mo."
Sinabi kong okey lang pero sa totoo lang nami-miss ko na siya. Naintindihan ko na naman pero sana makita ko siya. Sana magkita na kami. Kung sana alam lang niya na sabik na sabik na akong makita siyang muli pagkatapos nang huli kaming nagkasama.
“Love, who’s on the line?” boses iyon ni Erin. Napalunok ako. Hindi ko alam kung kailangan kong masaktan kahit alam ko naman.
"I have to go Babe ko. I miss you so much!" paalam niya.
"I miss you too Babe ko." Sagot ko ngunit garalgal na ang aking boses. Naiiyak ako. Nasasaktan pero wala pa naman kami at sila naman talaga ang nauna. Huminga ako ng malalim. Masakt pa rin pala kahit alam kong sila naman talaga ang madalas magkasama.
Hindi pala talaga sapat ang text at tawag kung ganitong sobrang mahal mo na ang taong kausap mo. Naghahanap ako ng higit pa roon lalo’t alam kong sila ni Erin ang magkasama. Tama ba itong nararamaman ko? May karapatan ba akong maramdaman na ito?
Hindi. Mahal ako ni Brad. Hindi ko dapat sirain ang araw ko dahil lang sa narinig kong iyon. Inilagay ko ang phone ko sa aking dibdib. Nangilid ang luha ko. Ganito ba kung nagmahal ka ng artista? Kailangan intindihin kahit mga partners niya sa mga teleserye at pelikula. Kailangan lawakan ang unawa. Kahit saan ako tumingin, sa kalye, billboards, mga sari-sari store, pati mga kuwentuhan sa palengke at istasyon ng mga tv at radio, hindi ko matakasan na makita o marinig ang pangalan at mukha ni Brad. Kahit nga pati pambalot na lang ng tinapa naroon ang nakangiti niyang mukha. Sana nanatili na lang akong tigahanga niya kaysa ganitong nabigyan ang katiting na pag-asa ang puso ko at ngayon, hindi ko na mapigilan pa ang damdamin kong mangarap lagi siyang katabi at masaktan sa mga iba’t ibang kong iniisip ng tungkol sa kanila ni Erin.
"Okey lang 'yan Bestfriend. Ganun talaga kapag big star ang dyowa. Nakikita lang kapag maliwanag ang kalangitan ngunit madalas natatabunan ng makapal na ulap. Ayaw mo niyan, may textmate, chatmate at caller kang artista. Masaya ka na dapat nu'n kasi hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon maka-close ang katulad nila. Di bale, mahaba pa rin naman ang buhok mo, may split ends na nga lang." tinapik ni Miley ang balikat ko na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin ni Brad.
Ngumiti ako sa sinabi ni Miley. Napabuntong-hininga na lang ako. Inakbayan ko siya para bumalik na lang sa aming ensayo.
Pagkatapos ng aming practice ay lumabas na kami ni Miley at hinintay ang sundo ko. Naunang dumating ang sundo ni Miley ngunit minabuti niyang samahan na lang muna akong maghintay para may makausap muna ako. Ilang sandali pa ay may huminto na sasakyan sa tapat namin at mabilis na nabuksan ang front door nito. Nasapo ko ang aking bibig. Biglang kinabog ang aking dibdib. Kaagad kong nakita si Brad na nakangiti sa amin ni Miley. May bulaklak na nakapatong sa upuan sa harap. Kumindat siya siya sa akin. Hindi ko alam kung ngingiti ako o sisigaw sa sobrang sayang naramdaman ko.
"Hi Babe ko!" mahinang tawag niya sa akin.
Lumingon ako sa paligid. May mangilan-ngilang istudiyante lang naman sa di kalayuan.
"Sheeeeeeeet! Sorry but shet shet shet! Kinikilig ako, sheeeettttt!" Si Miley. Unti-unting naupo sa tabi ko na parang sinasaniban.
"Anong ginagawa mo rito?" kinikilig kong tanong lalo na nang kinuha niya ang bulaklak at iniabot niya sa akin na hindi siya umaalis sa driver's seat. Nakagat ko ang aking labi.
Nairita lang ako sa kasalukuyang ginagawa ni Miley na paghaplos-haplos sa aking mga binti at hita na para ba akong Virgin Mary na aparisyon.
"Sinusundo ko lang sana ang Babe ko ko para sa isang dinner? Kung okey lang para makabawi?"
Sobrang nahulog ako sa nakatamis niyang ngiti.
Nginuso niya si Miley. "Anyare diyan?"
"Uyy! Bestfriend ano ba!" nagtataka ko na ding tanong.
"Nagdadasal lang ako sa pinakabagong poon ng kagandahan." Nakangising sagot niya.
"Tumayo ka nga diyan. Para kang sira." Hinila ko ang braso niya. Nang makatayo ay mabilis niyang kinuha ang iniabot na bulaklak sa akin ni Brad.
"Hi idol! Mabuti at pinuntahan mo na si Bestfriend. Muntik na 'yan masiraan ng ulo sa kahihintay sa pagdating mo." Kinikilig niyang sabi. Sabay amoy sa mga bulaklak na kinuha niya sa kamay ni Brad. "Answeet lang naman talaga. Beauty queen lang ang peg ng Bestfriend kong mukhang tinder ng pabango."
"Hello Miley. So, alam ng Bestfriend ang lahat ng kuwento?" tanong sa akin ni Brad. Namula ako. Wala kasi akong hindi ikinuwento kay Miley nang gabing natulog ako sa kaniya. Alam na niya lahat.
"Naman idol, pati amoy ng hininga mo at..." mabilis kong tinakpan ang bibig ni Miley. Hindi ko na gusto ang tunguhin ng kaniyang mga sasabihin baka pati ang sukat ng ano ni Brad ay masabi pa niya. Nakakahiya.
Nanatiling nakangiti si Brad sa amin.
"Ano ba! Ugali mo na talagang takpan ang bibig ko kapag may sinasabi akong totoo." Inirapan niya ako. "Oh 'eto na ang bulaklak mo. Nagnaknak ang ganda mo." Pinunas niya ang palad niya sa mukha ko saka kunyari ay ipinunas niya sa laylayan ng kaniyang damit. "May pabulabulaklak ka pa. Sarap lang ihampas sa fezlak mo!" singhal niya.
"Inggitera!" sagot ko.
"Puwede." Natawa siya. "O sige na, tumuloy na kayo at nakakaabala na ako. Kita na lang tayo bukas." Bineso niya ako.
Sumakay ako. Sinara ko ang pintuan. Kumatok si Miley.
Binuksan ko muli. "Ano na naman?" nagtataka kong tanong.
"Yung kapa mo kamahalan, naipit ang kalahati. Hindi mo naipasok lahat." nagkunyarian siyang may binuhat at itinapon sa mukha ko. “Char! Ingat kayo.” May flying kiss pa siya.
“Salamat.” Sagot ko sa kanya. Abot tainga ang aking ngiti.
"Uyy Bestfriend, ako na ang bahala magsabi sa driver mo na huwag ka na niyang hintayin. Sabihin ko sabay ka na lang sa akin kasi may ginagawa ka pa sa loob ng campus.”
“Ayy oo nga. Sorry nakalimutan ko.”
“Huwag kang atat 'te. Paminsan-minsan isipin mo din yung mga ibang tao sa paligid mo. Excited lang lagi? Simpleng landi lang ang peg? Kaloka ka. Palda mo te, wasak na. Magpanty ka kaya lantud! Kusang bumubukas ang kepay sa kalandian! "
"Baliw ka talaga. Para kang hindi milyonarya. Tinddera ka bang isda gurl?" Nangiti ako.
Hinila ko na ang pintuan para isara ngunit pinigilan uli niya.
"Idol. Ingat po kayo ni Bestfriend. Bye po!"
"Salamat Miley. Bye." Maikling sagot ni Brad.
And that night was indeed magical!