CHAPTER 14
Hinawakan niya ang kamay ko. Bumangon ako. Sabay naming tinungo ang kaniyang kama. Pagkahiga namin ay kinikilabutan pa rin ako. Wala sa hinagap kong magiging ganito kabilis ang lahat. Mabilis pa sa t***k ng aking puso ang bilis ng mga nangyari sa gabing ito. Dumikit ang kaniyang braso sa braso ko. Humarap siya sa akin habang nakatihaya ako. Naramdaman ko ang labi niyang nakadikit sa aking pisngi. Iniharap ko ang labi ko sa labi niya. Hinalikan ko iyon.
"Good night" bulong ko.
"Good night." Sagot niya.
Tumihaya siya. Inilagay niya ang kaniyang braso sa aking leeg. Bahagya niyang hinila ang ulo ko para sa braso at dibdib niya ako uunan. Nilagay ko ang braso ko sa dibdib niya payakap sa kaniya. Hinalikan niya ang buhok ko. Magkayakap kami pumikit hanggang sa ilang sandali ay nadinig ko na ang mabigat niyang paghinga. Kinikilig ako. Hindi ako dinadalaw ng antok. Ang isang imposibleng pangarap ay nasa tabi ko na. Ang isang tinitingala kong bituin ay abot ko na. Isa ba itong himala? Pero gusto kong namnamin ang himalang hindi ko alam kung hanggang kailan sa aking mga palad. Ang mahalaga ay ang ngayon. Alam kong nakatulog na siya sa pagod at pilit na sinabayan ko na din siya.
Kinabukasan paggising ko ay nakaupo siya sa ulunan ko at may hawak ng tasa ng kape. Nakangiti sa akin. Nakaligo na din siya.
"Kape mo." iniabot niya ang kape sa akin kasabay ng isang mabilis na halik sa pisngi. "Kumusta ang tulog mo?”
“Okey naman. Ikaw? Hindi ba masakit ang ulo mo?”
“No, not at all. Okey lang ba?”
“Okey lang ang alin?”
“Kailangan na nating umalis kasi may hahabulin pa akong show. Ikaw din, malate ka na sa klase mo."
Sinipat ko ang oras. God! Alas-sais na ng umaga. Male-late na ako kasi kailangan ko pang dumaan sa bahay dahil naroon ang mga gamit ko sa school. Bumangon ako. Pinatong ko ang iniabot niyang kape sa mesa.
Mabilis kong tinungo ang banyo.
"Late na ako." Wika ko habang palabas sa kuwarto.
Naghilamos ako. Nagmumog at sinuot ko ang mga hinubad kong damit kagabi. Ilang sandali lang all set na.
"Let's go!" yaya ko sa kaniya.
"Not until you drink this at kumain ka kahit isa o dalawang pandesal nang may laman ang sikmura mo." Nakangiti siyang lumapit dala ang kape at pandesal.
"Later na. Sa school na lang ako kakain."
"Nope. Pinaghirapan kong timplahin 'yan tapos iiwan mong di mo man lang tinikman."
Tinignan ko siya. Alam kong hindi ko siya mahindian. Mabilis kong kinuha ang kape sa kamay niya. Nilagok ko iyon.
"Ouch! Ang init!" reklamo ko.
Natawa siya. Natawa na din ako.
Hinawakan niya ang kamay ko na may hawak na kape. Hinipan niya ang kape habang nakatingin ang mapungay niyang mata sa akin. Kilig much!
"O, sige na. Hindi na 'yan mainit."
Muli akong humigop.
"Sarap naman." Ngiti ko sa kaniya. Muli akong humigop at dinamihan ko na para mabilis maubos. Nang nasaid ko na ay niyaya ko na siya.
"Salamat sa kape.”
“No worries. Ikaw pa lang ang unang babae na tinimplahan ko ng kape.”
“Okey, tara na. Kakalbuhin ako nina Papa." Hila ko sa kaniya.
"Maaga akong lumabas para makabili lang sa baba nitong pandesal. Kumain ka na muna. Sayang naman yung effort ko oh" nagmamaktol siyang parang bata.
Pumulot ako ng tatlong piraso.
"Sa daan ko na kakainin ito." Tatalikod na sana ako. Pero hinila niya ako. Niyakap niya ako ng mahigpit. Niyakap ko din siya. Hinalikan niya ako sa labi ng mabilisan. Nagulat ako nang una ngunit ilang beses na bang nahalikan niya ako para umarte pa. Ngumiti na lang ako.
"Bye na po! I really have to go." Pamamaalam ko.
"Don't worry. Idadaan na kita sa inyo. Kunin mo ang things mo sa bahay ninyo and I will drop you sa school mo, okey."
"Pero may show ka pa kamo."
"No worries, in case ma-late ako, nandoon na si Edu para harapin sila. Siya na ang ma-stress sa akin. Saka isa pa, ngayon lang naman ito mangyayari kaya sandali lang at kunin ko ang susi."
Habang ngumunguya ako ng pandesal ay nag-dial ako nang nasa loob na kami ng sasakyan at binabagtas na namin ang daan papunta sa bahay. Kailangan kong matawagan sina Papa lalo pa't may three missed calls na sila.
"Ma, pauwi na ako. Kunin ko lang ho yung gamit ko sa bahay then papasok na ako." agad-agad kong bungad nang marinig ko ang pag-hello ni Mama Sheine.
"Walang good morning? Nagmamadali ka ba anak?”
“Good morning po.”
“Ano 'yan, pagtitipid sa load? Yung baon mo at bag mo, nasa mesa sa sala. Nakaalis na kami ng Papa Zayn mo. Tinatawagan ka namin kanina pero di mo sinasagot kaya baka tulog ka pa. See you tonight anak, okey? Nagdadrive kasi si Papa."
"Sige Ma. See you po. Salamat sa pagprepare sa mga gamit ko."
“No worries. Si Elijah hinahanap ka. Silipin mo sandali bago ka aalis ng bahay ha? She kept on asking you since last night. Alam mo naman ‘yon maka-ate.”
“Okey po Ma. I will po.”
“Okey. Bye anak.”
“Bye!” boses iyon ni Papa Zayn.
“Bye po. Ingat po kayo.”
“Ikaw din ‘nak.”
Pagkababa ko sa tawag ay huminga ako ng malalim. Inilapat ko ang phone sa dibdib ko.
"Grabe, sobrang bait ng mga umampon sa'yo." Puna niya.
“Sobra. Wala na akong mahihiling pa pagdating sa pagmamahal ng magulang at pagkakaroon ng masayang pamilya.”
“Sana balang-araw tayo rin ano?”
Sinimagutan ko siya.
Binuksan niya ang car stereo niya. Pumailanlang ang isang kanta ng Boyzone. May kalumaan pero may dating sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa ni Brad. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko. "For us. Maganda yung lyrics niya to start our day." Kumindat siya sa akin. Sinabayan niya ang kanta.
No matter what they tell us
No matter what they do
No matter what they teach us
What we believe is true
Tumayo ang balahibo ko. Handa na ba talaga akong harapin ang relasyon? Yung mabuhay na walang pakialam sa sasabihin ng iba lalo na ng mga umampon sa akin. Yung kaya kong panindigan siya kahit anong hadlang pa ang gagawin sa amin ng mga tigahanga niya. Fourth year High School pa lang ako. Walang kamuwang-muwang sa kung anong naghihintay na pagsubok sa ganitong katinding responsibilidad.
"Kantahin mo ang susunod na line. Alam kong alam mo ito. Sige na babe ko."
Mabilis kong pinindot ang pause button. Nagulat ako sa itinawag niya sa akin. "Babe ko" Napangiti ako. "Babe ko talaga? Bakit? Tayo na ba?" tanong ko.
"Gusto natin ang isa't isa di ba?”
“Oo, gusto naman talaga kita pero hindi pa naman kita sinasagot ah.”
“Wala na ngang nangyayari sa atin, ayaw mo pa akong sagutin, bakit hindi natin simulan kahit endearment lang? Ayaw mo din ba?" kinindatan niya ako sabay ng pagpapacute niya. “O ayaw mo lang sa babe?”
"Okey. Sabi mo eh!" ngumiti ako ngunit sa loob-loob ko ay parang ipinaghehele na ako sa alapaap. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng nagmamahal? “Pero wala pang ibig sabihin niyan ah? Hindi pa tayo.”
“Okey. Hindi pa tayo.” Ngumiti siya at nakita ko na naman ang mapuputi niyang ngipin at mamula-mulang labi na binagayan ng kanyang bigote.
Pinindot niya ang play button sabay sabing, "Kanta na please, namiss ko yung ganda ng boses mo kahapon e." pambobola niya.
(Note: Mas maramdaman ang impact ng story kung pakinggan muna ang song habang nagbabasa)
Sinabayan ko ang kanta kahit hindi ko gaano alam ang lyrics ng kanta at panlalaki ito. Nakatingin ako sa kaniya. Siya naman ay pasulyap-sulyap sa akin habang nagda-drive sabay ng kaniyang pagkindat at nakakaakit na ngiti.
No matter what they call us
However they attack
No matter where they take us
We'll find our own way back
I can't deny what I believe
I can't be what I'm not
Sabay na kaming kumanta. Nakangiti kaming dalawa. Bigay na bigay sa bawat hagod ng liriko. Magkahawak kamay. Walang inaalintana. Tama sa amin ang kanta. Kailangan naming magpakatotoo para sa aming sarili. Sa sumunod na linya ay mabilis kong pinisil ang palad niya bago namin sabay kinanta.
I know our love forever
I know, no matter what
"Akin yang susunod. Mukhang bagay iyan sa aking mga pinagdadaanan." Hiling niya.
"Sige, back-up ako." singit ko. Natatawa lang sa aming munting kakornihan.
If only tears were laughter (ooh)
If only night was day (ooh)
If only prayers were answered (hear my prayers)
Then we would hear God say (say)
"Ako naman ang susunod. Para sa'yo pa rin ang linyang iyan lalo na sa career mo." pinisil ko ang kamay niya habang sinasabi ko iyon. Ngumiti siya sa akin bago ibinalik ang paningin sa harap.
No matter what they tell you (ooh)
No matter what they do (ooh)
No matter what they teach you
What we believe is true
And I will keep you safe and strong
And shelter from the storm
No matter where it's barren
A dream is being born
"Thank you, Babe ko. Sobrang pinapagaan mo ang loob ko ngayon. God! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito na sobrang kasaya. Puwede din palang maging masaya at hindi lang puro about sa career ko ang iniisip at mga linyang kailangan kong imemorya pagdating sa set." Wika niya. Hinayaan namin ang stero ang kumanta sa sumunod na linya. Daman-dama ko kasi yung pagsasabi niya sa akin ang totoong pinagdadaanan ng katulad niyang sikat.
No matter who they follow
No matter where they lead
No matter how they judge us
I'll be everyone you need
Siya na ang sumunod na kumanta. Hininaan pa niya ang stereo para mangibabaw ang kaniyang boses. Sa totoo lang puwedeng-puwede din siyang maging singer. Patataubin ng boses niya si Jericho Rosales. Lalo pa't habang kumakanta ay lalong nagiging cute ang kaniyang hitsura. Napakaguwapo talaga niya. Hindi ko masisisi kung bakit napakaraming gusto siyang tikman lang. Hindi ko masisisi ang mga babaeng sumasama sa kanya para sa isang gabing kaligayahan. Mapalad akong
No matter if the sun don't shine
Or if the skies are blue
No matter what the end is
My life began (kinindatan niya ako) with you
Hinila niya ang kamay ko. Hinalikan niya iyon. "Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Salamat." Wika niya habang nakatingin siya sa akin. Naramdaman ko ang sinseridad ng sinabi niya sa akin.
“Ako rin, ngayon ko lang naramdaman yung ganito kasaya. Salamat.”
Pagdating ko sa tapat ng bahay namin ay niyaya ko muna siyang bumaba.
“Huwag na, wala naman yata ang Papa at Mama mo. Para mas mabilis ka ring kumilos at makabalik agad dito.”
“Sige. Sorry ha. Sandali lang talaga ako.”
“Take your time. I’ll wait you here.”
Mabilis akong nagpalit ng uniform at kinuha ang hinanda ni Mama Sheine na baon ko.
Palabas na ako nang naisip ko ang kapatid ko. Mabilis akong pumanhik para silipin si Elijah sa kuwarto niya pero si Manan g**g agad kong nakita. Inilagay niya ang kanyang hintuturo sa gitna ng kanyang labi. Sinesenyasan akong huwag maingay. Tulog pa nga ang kapatid ko. Hinalikan ko na lang siya saka ako mabilis na bumaba.
Habang nagmamaneho siya ay hawak niya ang kamay ko. Panay ang kanyang mga kuwento tungkol sa iba’t ibang artista na nakatrababo niya. Pagdating ko sa school ay huminto kami malapit sa gate kung saan kami nagkikita ni Miley. Bago ako bumaba ay tumingin siya sa paligid. Alam kong may gusto siyang gawin ngunit sa dami ng istudiyante ay natigilan siya at ganoon din ako. Nilahad niya ang kamay niya patago sa baba. Hinawakan ko din iyon.
"Ingat ka ha. I hope to see you the soonest." Bulong niya.
"Ikaw rin." Sagot ko. Binuksan ko na ang pintuan para makababa na ngunit hinila niya ako.
“Wait lang.”
“Bakit?” nakangiti kong tanong sa kanya.
"Para sa'yo patutunayan kong magbabago ako.”
“Wala kang dapat baguhin.”
“Meron at iyon yung pagiging babaero ko. Ikaw lang. Ikaw na lang.”
Napalunok ako. Hindi ko alam ang isasagot ko.
“Pangako 'yan, ikaw na alng hanggang sa huli." Kumindat siya.
Parang nasa alapaap ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang tinitilian ng buong bansa, sa akin na ang puso niya.