DATING

1644 Words
Chapter 17 By: Joemar Ancheta   “Huwag kang atat 'te. Paminsan-minsan isipin mo din yung mga ibang tao sa paligid mo. Excited lang lagi? Simpleng landi lang ang peg? Kaloka ka. Palda mo te, wasak na. Magpanty ka kaya lantud! Kusang bumubukas ang kepay sa kalandian! " "Baliw ka talaga. Para kang hindi milyonarya. Tinddera ka bang isda gurl?" Nangiti ako. Hinila ko na ang pintuan para isara ngunit pinigilan uli niya. "Idol. Ingat po kayo ni Bestfriend. Bye po!" "Salamat Miley. Bye." Maikling sagot ni Brad. Pagkasara ko ay inihipan ni Brad ang bangs niya. Umangat iyon. "Sakit sa bangs ang Bestfriend mo." Nakatawa. "Pasensiyahan mo na." paghingi ko ng dispensa. "Saan tayo pupunta?" tanong ko. "Samahan mo ako sa dinner." Nilingon niya ako at kumindat sa akin. "Dinner na ganito ang suot ko? Naka-uniform ako saka hindi ako nakapagpaalam kina Papa at Mama." Nabaling ang tingin ko sa bulaklak. "Salamat dito ha. Kahit pinagmukha mo akong babae." "Puwede ka namang magpalit dito sa sasakyan mamaya. May dala akong damit diyan sa likod. Puwede mo ding tawagan ang Papa mo para sabihing you'll be home late. Pasensiya na sa bulaklak. Iyan lang ang nakita ko sa daan kaysa wala akong maiabot. Tumakas lang muli ako sa set dahil sobrang miss na miss kita. Actually wala naman sa itinerary ko ito ngayon. Pinatay ko na nga ang phone ko para di tayo maistorbo ni Edu. Sigurado nagbubunganga na iyon ngayon." "Bakit kasi biglaan. Kausap lang kita sa phone kanina. Baka masira ang career mo niyan ha ako pa ang masisisi." "I can't focus kasi.” Hinawakan niya ang palad ko at hinalikan niya. Kinilig ako ng sobra. “Di ko kasi ma-memorize ang mga lines ko dahil siguro iniisip at miss na miss na kita. Naisip ko, kailangan kitang makasama to regain my energy. Salamat ha," pinisil niya ang kamay ko, "kahit biglaan, pinili mo pa ring sumama sa akin." Tinignan ko ang hawak niyang kamay ko. Nilingon ko siya habang nagdadrive. Nang lingunin din niya ako ay mabilis kong ibinaling sa iba ang aking mga mata. "Namiss kita ng sobra kung alam mo lang." mahina kong tugon. "Ako dapat ang magpasalamat dahil nagpakita ka." Pinisil ko ang kaniyang kamay. Nang lumingon ako ay nagtama ang aming mga mata at nagngitian kami. “Can I call Papa muna?” “Sure. Go ahead.” Ngumiti siya sa akin habang hinhintay kong sagutin ni Papa Zayn ang tawag ko. “Yes anak.” "Pa, I'll be home late." Pakiusap ko. "Bakit?” “May tatapusin sana kami.” “Oh, talaga? Di mo naman sinabi kagabi o kaninang umaga na may lakad kayo ni Miley." "Tapusin lang naming yung pinagagawa ng teacher namin for graduation." “Ah okey. Tawagan mo rin si Mama mo.” “Pwede ho bang kayo na lang ang magsabi?” “Alright. Sige. Hihintayin ka namin ng Mama Sheine mo before your curfew.” “Pa, di ba sabi ko late?” “Be home before your curfew.” “Okey po.” “Di bale kapag college ka na, tatanggalin na namin ang curfew mo but please, tuloy lang ang pagiging responsableng bata okey?" "Huminga ako ng malalim. "Okey po." Nagsinungaling na naman ako. At iyon ang isa sa mga hindi ko nagugustuhang epekto ng pagmamahal ko kay Brad. Pagdating namin sa isang restaurant ay nagpalit na muna ako. Halatang bagong bili ang dress na binili niya sa akin. Saktong-sakto naman sa akin at bumagay. Inayos ko lang ang buhok ko. HInayaan kong nakalugay lang ang mahaba at maitim kong buhok. Nauna na siyang pumunta na sa restaurant paagkahatid niya sa akin sa mismong pintuan ng comfort room. Nakangiti siya nang pumapasok na ako sa restaurant. Titig na titig siya sa akin habang naglalakad ako palapit sa kaniya. Naasiwa ako. Yumuko ako habang naglalakad at nang nasa tapat niya ako ay tinignan ko siya. "You’re so gorgeous! Ang ganda ganda mo talaga ng Babe ko ko." bulong niya. "Ikaw nga ang guwapo diyan e.  Tigil-tigilan mo ako sa pambobola mo." Ninenerbiyos kong sagot. Kung alam lang niyang nangangatog ang tuhod ko at parang hirap akong humakbang. First time kong kumain at makipag-date sa labas at sa isang artista pa. Inilagay niya ang kamay ko sa kanyang braso. Naglakad kaming nakahawak ako sa kanya na para bang hindi ko alam kung paano ko itataas ang aking mukha na may mga nakakakita. Nahihiya ako. Nanliliit sa aking sarili lalo na nang may nakasalubong kaming mga customer ng restaurant na palabas na rin. Nakatingin sila sa kaniya. Alam kong nakikilala siya ng mga iyon kaya panay ang bulungan nila. Pero diretso na lang siya. Nakangiti siya sa kanila na parang mga kakilala. Napakaganda at napakaaliwalas ang garden restaurant na pinasukan namin. May mga parang kubo na magkakalayong nakapuwesto sa garden. Agad kaming sinalubong ng isang waiter. "Good Evening Sir Bradley. This way po sir." Sumunod kami sa waiter at tinungo namin ang isang bakanteng kubo. Mabilis na tinanggal ng waiter ang nakalagay doong, "Reserved". Nakapagpareserved na pala siya. Sabay kaming umupo na magkaharap. Muli kong inilibot ang aking mga mata sa napakaganda at tahimik na lugar. Naisip ko. Gaano kaya kadalas si Brad dito? Iniabot sa akin ng waiter ang menu. Nag-order kami ngunit bago umalis ang waiter ay hinabol siya ni Brad. May sinabi siya dito. Naisip kong baka may nakalimutan lang siyang inorder. Muli kong inilibot ang aking paningin. Bumalik siya. Buo ang pagkakangiti. "Madalas ka ba dito?" tanong ko. "Madalas pero group date. Ngunit yung date na as in date na ganito maliban kay Erin. Ngayon lang. I don't really expect na aabot ako sa ganitong magde-date ako ng babaeng mahal na mahal ko. Iba pala talaga yung pakiramdam. Hindi ko kailangan magbalatkayo na gusto ko ang ginagawa ko kahit hindi. Alam mo yung napakagaan ng pakiramdam, kasi totoong-totoo yung saya na nararamdaman mo?" tumitig siya sa akin. Maluwang ang pagkakangiti. Nakikita mo talaga sa mukha niya ang sobrang saya. "Ikaw? Nakipag-date ka na ba?" "Ngayon palang. First time ko." nahihiya kong sagot. Tumingin ako sa paligid. Ninenerbiyos pa rin talaga ako. "Paano kung may makakita sa'yong ka-date mo ako dito?" tanong ko. "How do they know na date ito? We are just having dinner? Sa atin, date ito, sa kanilang nakakakita, paano sila nakakasiguro? Maliban na lang kung gusto nilang pag-usapan ako at gagawa ng isyu. In the case wala na talaga tayong magagawa pa. Pero ayos lang iyon, kayang lusutan basta wala silang magiging pruweba." Sagot niya. "Paano kung malaman ni Erin ang tungkol sa lihim nating pagkikita?" diretsuhan kong tanong. Iyon kasi ang isa sa mga gumugulo sa akin. Paano kung darating ang panahong formal nang maging kami samantalang ang alam ng lahat ay nagmamahalan na sila ni Erin. Malaking eskandalo iyon. "Look, we are here to enjoy our dinner, together. Huwag nating pag-usapan si Erin dahil wala ako dito sa harap mo ngayon kung hindi ikaw ang gusto kong makasama. Iniwan ko si Erin sa set. Kahit alam kong kukunan na kami ng eksena ay nagawa ko pa ring tumakas to have a memorable evening with you. Kaya okey bang let's just enjoy the night Babe ko?" mabilis niyang hinawakan ang palad ko. Tumingin ako sa paligid. Natatakot akong baka may makakita sa ginawa niya. Gusto kong protektahan ang pangalan niya. Nang wala akong makita ay hinawakan ko na din ang isang kamay niya. Inilabas niya ang isang kamay niya may hawak na bagong pitas na bulaklak ng orchid. Inilagay niya sa kamay ko. "Sa'n mo na naman kinuha yan?" tanong ko. Inginuso niya ang pinagpitasan niya sa bahaging kaliwa niya. Ngumiti ako. Tumingin ako sa kaniyang mga mata. Masayang-masaya ako ngayong kasama kong muli siya. "I love you Babe ko." Bulong niya. Bago iyon sa pandinig ko. Dati sinasabi lang niyang gusto niya ako. Dati naririnig ko lang ang I miss you. Sa text at tawag lang ang, "I wanna hug and kiss you" at "I care for you". Ngayon, parang nanunuyo na ang lalamunan ko sa sinasabi niyang mahal niya ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Kailangan ko na bang isatinig ang tunay na nararamdaman ko para sa kaniya?  ABOUT THE AUTHOR: SINO BA SI JOEMAR ANCHETA SA LARANGAN NG PAGSUSULAT? ISA SIYA SA MGA PIONEER NA NAGSIMULANG MAGSULAT NG M2M O BL SA ONLINE. ANG BLOG NIYA AY UMAABOT NG HIGIT 1 MILLION VIEWS TAONG 2009 NA WALA PANG SUMUSUBOK MAGSULAT ONLINE NG NOBELA. NAKILALA SIYA BILANG ISA SA PINAKAMAHUSAY NA MANUNULAT NG M2M DAHIL NANG MGA PANAHONG IYON, IYON ANG IN AT WALA PA GAANONG NAGSUSULAT NG GANOONG GENRE. NITONG TAON NA ITO, SINUBUKAN NIYA ANG NORMAL ROMANCE TUNGKOL SA LALAKI AT BABAE. NAGKAMIT SIYA NG DALAWANG PARANGAL SA DREAME. THE ONLY WRITER NG DREAME NA PINARANGALAN NG MAGKASUNOD SA MAGKAIBANG KATEGORYA. NAKALINYA NA BUWAN-BUWAN ANG MGA NOBELA NA LALAKI AT BABAE ANG BIDA. ANG THE LADY SOLDIER AY MAY  DALAWANG BAHAGI 1. THE LADY SOLDIER 2. THE UNBEATABLE SUPERSTAR SUSUNOD NA DITO ANG I'LL BE THAT GIRL NA BOOK 1 NG SURGERY BEAUTY SORRY NAUNA ANG BOOK 2 KAYSA SA BOOK 1 KASI NAUNANG NAPIRMAHAN ANG BOOK 2. SA MGA NAKABASA NA, DITO NINYO MALALAMAN ANG BUHAY NG DOKTOR NA SINA KASHMINE AT DOK BRYAN. KUWENTO NILA ITO GANITO DAPAT ANG PAGKAKASUNOD: 1. ILL BE THAT GIRL 2. SURGERY BEAUTY SUSUNOD NA ANG: THE DAWN OF LOVE THE PRESIDENT'S PRINCESS THE CEO'S CONFIDENTIAL LOVER THE MAFIA LADY BOSS AT MGA ILAN PANG IPOPOST KO SOON KAYA MATAGAL PA ANG ATING PAGSASAMAHAN. MARAMI PANG NAKAPILA NA IBA PANG BOOK NGUNIT 1 OR 2 NOVELS LANG ANG KAYA MUNA NI AUTHOR NA IUPDATE PERO MONTHLY NAMAN NA MATAPOS. MARAMING SALAMAT AT SANA PATULOY ANG ATING PAGSUPORTA AT PAGHIKAYAT NG IBA PA NA BASAHIN ANG AKING AKDA. SALAMAT PO SA INYONG TIWALA AT PAGMAMAHAL. MAMAYA PO ANG DALAWA PANG CHAPTERS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD