Nagulat si Zane nang madatnan niya ang mga magulang sa CEO's office. Katatapos lang ang board meeting niya. Medyo sumakit nga ang ulo niya sa mga ito. Ang dami nilang suhestiyon na maaaring ikaganda ng Donovan Empire pero hindi naman sang-ayon ang iba. Ewan na lang niya.
"Hi, Dad."
Tinapik siya nito sa balikat.
"Hi, Mom." Humalik siya sa pisngi nito.
"Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong niya at pabagsak na naupo sa sofa.
Ngumiti ang ina at tumabi sa kanya.
"Hindi mo pa ba nahanapan ang mate mo?" Tanong nito.
He sighed. "No."
"E, paano naman niya kasi mahahanap, Mom, nandito lang naman siya sa loob ng building." Sabi ni Zeke na kakapasok lang.
Nginisihan niya ito. "Alam mo 'yan lagi ang pang-aasar mo sa akin. Gusto mong..."
"Blah ... blah ... blah ... wala akong naririnig." At tinakpan nito ang dalawa tenga.
He tsked.
"Zane." Pumasok naman si Zion na may dalang nakarolyong papel at ibinigay nito sa kanya. Bumati ito sa kanilang mga magulang.
"Ano 'to?" Tanong niya.
"Design 'yan na ginawa ni Mr. Buen, 'yong bagong architecture. Approved ko na 'yan pero tignan mo pa rin bago natin ipakita sa client."
"Okay."
Binuksan niya ang nakarolyong papel.
Tinignan niya ng maigi ang designs na ginawa nito para sa ipapatayong hotel ng isang client nila. He shrugged. "Okay." Ibinalik niya ito sa pagkakarolyo.
"Ano? Nakuha ba ng gusto ng client natin?" Tanong ni Zion.
Tumango siya. "Actually, maganda at hindi magulo."
"Okay, ipapakita na namin 'to sa client." Kinuha ni Zion ang nakarolyong papel at nagpaalam sa kanila.
Tumingin siya sa kanyang mga magulang. "Dad, wala po ba kayong dalang pagkain diyan?" Tanong niya.
"Gutom ka na?" Tanong ni Zeke.
"Sinong hindi magugutom sa pesteng board meeting na 'yun. Ang aarte ng mga board." Aniya.
Tumawa naman ang kanilang ina. "Kung si Zeus siguro ang naging CEO. Ewan ko na lang."
"Siguradong kanina pa 'yun umuusok ang ilong dahil sa galit." Sabi ni Zeke at tumawa.
Napailing naman ang kanilang ama at may inilapag itong tatlong paper bag sa center table.
"Nag-take out kami kanina ng Mommy niyo. Sige na, kumain na kayo pero hintayin niyo si Zion."
Nasaan na ba ang kapatid nilang 'yun?
Kinuha niya ang isang paper bag pero nabitawan niya iyon nang may nakita. Isang kotse ang mahuhulog sa bangin at isang babaeng duguan.
Napahawak siya sa kanyang ulo. Hanggang doon lang ang nakita niya.
"Zane, are you okay?" Nag-aalalang tanong ng kanilang ina.
Tumango siya. "May nakita lang po ako."
"Anong nakita mo?" Tanong ng kanilang ama.
He sighed. "Isang kotse ang mahuhulog sa bangin at isang duguang babae."
Natahimik ang mga ito. "Hindi ko siya kilala." Aniya.
Nagtinginan ang kanilang magulang. Tinapik naman ni Zeke ang balikat niya.
"Baka naman siya ang mate mo." Sabi ni Zion na kakapasok lang.
He growled. "Don't say that."
Zion shrugged at nagtaas ng kamay na parang sumusuko.
"Tama na 'yan. Kumain na kayo." Awat ng kanilang ina.
Sa isiping 'yun ang mate niya na nakita niya na duguang babae ay nawalan na siya ng ganang kumain.
"Biro lang 'yun. Kumain ka na." Sabi ni Zion.
"Sa tingin mo may gana pa akong kumain."
"Oo." Sabi nito at iniumang sa bibig niya ang kutsara na may kanin at ulam. "Say 'ah'."
Natawa ng malakas si Zeke ganun din ang magulang nila.
"Tigilan mo ako Zion." Aniya. "Wala ako sa mood ngayon."
Napailing si Zion at kinain ang isusubo sana nito sa kanya.
He sighed.
Pag-alis ng kanilang magulang ay bumalik sila sa kanilang trabaho. Him, as the CEO. Zion, as the assisstant CEO and, Zeke, as the Chief Marketing Officer.
Nang pumasok ang secretary niya.
"Sir, andito po si Ms. Emily." Sabi nito.
"Anong kailangan niya?" Tanong niya.
"Gusto niyo raw kayong makausap."
"Okay, let her in." Aniya habang abala sa harapan ng kanyang computer.
"Yes, sir."
Sana naman ay hindi ito makikipag-flirt sa kanya. Dahil kapag napuno siya ay tatanggalin niya bilang board ang ama nito sa kumpanya. May pasensiya pa siyang natitira para sa babae pero kaunti na lang.
"Zane!"
"What is it?" Pormal niyang tanong.
Nang-aakit itong ngumiti pero walang epekto sa kanya.
"Gusto mo raw akong makausap." Aniya sa pormal pa ring tono.
Lumapit ito sa kanya at hindi niya inaasahan na pupunta ito sa kaniyang likuran at idinantay nito ang dalawang kamay sa kanyang balikat.
"Dinner tayo mamayang gabi, please..." Bulong nito sa tenga niya.
Hindi ko gusto ang amoy niya. Sabi ni Blue, ang wolf niya.
Pinigilan niya talaga ang tawa niya
Bumaba ang kamay nito sa dibdib niya. Mabilis niyang inalis ang kamay nito at tumayo siya. Tinignan niya ito ng masama.
"Ms. Emily, I already warned you many times na huwag mo akong i-flirt pero hindi ka nakinig." Kinuha niya ang cellphone sa bulsa.
"Hindi mo na ako gusto?" Nasasaktan nitong tanong.
"No." Deretsa niyang sagot at tinawagan si Zion.
"What?" Bungad nito.
Tumingin siya kay Ms. Emily. "Remove Emily's father as one of the board." Aniya at pinatay ang tawag.
"Pwede ka ng umalis,Ms. Emily." aniya at ngumiti ng peke.
"No—"
"Kapag hindi ka pa umalis ay tatawag na ako ng guard para kaladkarin ka palabas." Itinuro niya ang pinto. "No, get out!"
Naiiyak itong lumabas.
Napailing siya at bumalik sa kanyang swivel chair.
Noong nakilala siya nito sa isang business party at nalaman nito na siya ang bagong CEO ng Donovan Empire ay hindi na siya nito tinigilan kaya nasagad na nito ang pasensiya niya.
Hindi niya ito mate kaya hindi niya ito pag-aaksayahan ng panahon.
He sighed.
Maya maya ay tumunog ang awditibo. Sinagot niya ito.
"This is the CEO's office. May I know—"
"Why did you removed my name as one of your board?!"
Hindi niya mapigilang hindi mapangisi nang makilala kung sino ang nasa kabilang linya.
"Bakit hindi mo tanungin ang anak mo?" Balik niya sa ama ni Ms. Emily at ibinaba ang awditibo.
Pasensiyahan na lang sila dahil nauna ang anak nito. Sino ba kasing nagsabing makipag-flirt ito sa kanya? Ang pinakaayaw niya sa lahat ay nilalandi siya ng mga babae. Buti sana kung mate niya, hindi naman.
Blue?
What?
Kailan kaya natin makikita ang mate natin? Tanong niya.
Hindi ko alam.
Napabuga siya ng hangin.
Okay, fine ... hihintayin na lang niya itong dumating. Tulad kay Zeus.
He will wait for his mate.