Prologue
"Hope, I want you to meet Andrei, anak ng business partner namin ng Daddy mo." Pakilala ng ina ni Hope sa isang binata.
"Hi, hope. Nice to meet you." Nakangiti nitong bati at inilahad ang kamay. Foreigner ang lalaki at sinabi ng kanyang ina na hindi ito nakakaintindi ng salita nila.
Tinignan niya lang ito at bumaba ang tingin niya sa nakalahad nitong kamay. Gentleman na sana pero napansin niya ang uri ng tingin nito sa kanya. Napailing siya. Mga lalaki nga naman. Tsk!
"Kung nalulugod ka na makilala ako. Ako naman ay hindi nalulugod na makilala kita." Aniya.
Kinurot siya ng kanyang ina.
"Huh? What did you say? Sorry, Hope, but I don't understand your language." Anito at kinuha ang kamay niya at hinalikan ang likod ng kanyang palad.
Agad niyang inagaw ang kamay niya at kinurot na naman siya ng kanyang ina. "Be nice to him." Pinandilatan siya nito.
She rolled her eyes. "Whatever."
"You're really beautiful, Hope. I like you." Ani Andrei na nakangiti sa kanya.
"I told you, Mr. Smith. My daughter is indeed very beautiful." Sabi ng ina.
Peke siyang tumawa. "Excuse me." Aniya.
"Saan ka pupunta, Hope?" Tanong ng ina.
"Uuwi na po ako, Mommy."
"Umupo ka. Mamaya lang ay darating na ang magulang ni Andrei kasama ang Daddy at Kuya mo." Seryosong saad ng ina sa kanya at nakangiti itong tumingin sa binatang kaharap nila.
Nag-uusap ang mga ito habang siya ay gusto na niyang umuwi dahil kating-kati na siya sa suot niyang dress. Gusto na niyang magpalit.
Maya maya pa ay dumating na ang magulang ni Mr.Smith kasama ang kanyang ama at kapatid. Ipinakilala naman agad siya ng kanyang ina.
"Your daughter is very beautiful. Bagay sila ni Andrei." Anang ina ng lalaki.
Napaismid lang siya.
Ngumiti sa kanya ang magulang ni Andrei.
"Kumusta ka, hija?" Tanong ng ina nito.
"I'm fine, Ma'am."
"Oh, please, call me Tita or Mama. Magiging mother-in-law mo na ako kapag ikinasal na kayo ni Andrei." Anito na ikinalaki ng mata niya.
Ano raw?! Kasal?!
"It would be the grandest wedding of the year." Ani ng ama ni Andrei.
Hindi na siya nakatiis. "Sandali lang po. Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Ah, Amiga, mukhang hindi mo pa nasasabi sa iyong anak ang tungkol sa napag-usapan natin." Ani ng ginang.
Tumawag ng waiter ang kanyang ama. Nag-order ito ng pagkain. Tumingin siya sa kanyang kapatid.
"Let's talk later..." He mouthed. Tumango siya.
"Anak, kasi napagkasunduan namin ng Daddy mo na ipakasundo kay kay Andrei." Ani ng ina.
Kumuyom ang kamay. "Pero hindi niyo ako kinausap tungkol dito, Mommy. At isa pa hindi pa ako pumapayag."
"Hope." Nagbabantang saad ng ama. Yumuko siya.
"Hope, I'll be a good husband." Ani ni Andrei.
Good husband your face. Mag gugustuhin ko pang mamatay kaysa magpakasal sa'yo.
Parang gusto niya tuloy umiyak. Hindi pa nga siya nagkaka-boyfriend tapos asawa na agad.
"Huwag kang mag-alala, Amiga. Nabigla lang si Hope pero pumapayag naman siya, 'di ba Hope?" Siniko siya ng ina.
Kung hindi niya lang talaga nanay ay baka nasigawan na niya ito.
At kahit hindi niya gusto ay tumango na lang siya. Go with the flow muna bago mag-isip ng paraan upang gilitan sa leeg ang Andrei na 'yan pero masyado naman yatang bayolente 'yun. Okay fine,itulak na lang sa bangin para mamatay na. Para wala ng kasalang maganap. Oh, edi tapos ang problema niya.
Pero sana ganun kadali 'yun.
Bumuntong-hininga siya.
"Then pag-usapan na lang natin ang date ng kanilang kasal." Ani ng ina ni Andrei habang kumakain na sila.
Humigpit ang hawak niya sa tinidor.
"Magandang ideya 'yan, Amiga." Ani ng kayang ina.
Nang maramdaman niya ang bahagyang pagsipa ng kuya niya sa kanyang paa. Tumingin siya rito.
"Bakit, Kuya?" Tanong niya.
Sinenyasan siya nitong lumapit at agad naman niyang inilapit ang tenga niya rito.
"Hindi ko gusto ang tingin ng pesteng lalaking 'yan sa'yo." Bulong nito na ang tinutukoy ay si Andrei.
Napailing siya. "Ang sarap ngang tusukin ang mata." Bulong niya rin.
Nagkatawanan silang magkapatid.
"Anong tinatawanan niyo?" Tanong ng ama.
"Naalala ko lang ang isa kong kaibigan, Dad." Sagot ng kanyang kapatid. "Binastos niya kasi ang isang babae at tinusok naman ng babae ang mata nito ng tinidor. Ayun nasa hospital ngayon. Gusto ko lang ikwento kay Hope baka sakaling makakuha siya ng ideya kung paano gantihan ang mga lalaking mambabastos sa kanya." Sabi ng kuya niya at tumingin kay Andrei.
Nagbaba naman agad ng tingin ang binata at mukhang natakot. Teka, naintindihan ba nito ang sinabi ng kuya niya? Akala niya hindi ito nakakaintindi ng tagalog? Mabuti naman para hindi niya ma-nose bleed kaka-english kapag ito ang kausap niya.
Ngumisi siya at tumingin sa kanyang kuya. Kinindatan siya nito.
Patuloy na nag-uusap ang mga kaharap niya maliban sa kanya at sa kanyang kuya. Pinag-uusapan ng mga ito ang tungkol sa pesteng kasal na 'yan.
Pagkauwi nila ay agad siyang pumunta sa kanyang kwarto at nagpalit ng kasuotan. Ibinagsak niya ang katawan sa kama at tumitig sa kisame.
Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatitig sa kisame nang pumasok ang kanyang kuya sa kanyang kwarto.
"Kuya, bakit?" Nagtataka niyang tanong.
Sinenyasan siya nitong huwag maingay.
Nagtaka rin siya nang makita ang suot nito. Nakasuot ito ng black pants at black shirt. Nakarubber din ito ng black.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
Lumapit ito sa kanya. "Magpalit ka. May pupuntahan tayo."
"Saan?" Kumunot ang nuo niya.
"Basta." Sagot ng kapatid at hinila siya patayo. Itinulak siya sa walk-in closet.
Nagtataka man ay sinunod na lang niya ito.
Nagpalit siya ng damit. At nang lumabas sila ng silid niya ay patingin-tingin ang kanyang kuya sa paligid. Hinawakan nito ang kanyang kamay at bumaba sila ng hagdan.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ng ama na kalalabas ng dining area.
"Sh*t! Nakalimutan kong nandun pala siya." Bulong ng kuya niya.
Ang kapatid niya ang sumagot. "Sa mall, Dad. Magpapasama lang ako kay Hope." Siniko siya ng kapatid. "'Di ba, Hope?"
"Ah, yes, Dad. Nagpapasama po pala si Kuya. Manonood kami ng sine. Showing kasi ngayon ang movie ng wolverine. Alam niyo naman si Kuya ... adik sa mga lobo. Mabuti nga at hindi siya nagmukhang lobo." Napangiwi siya. Saan nanggaling 'yun?
Tinignan siya ng masama ng kapatid. Ngiting aso lang naman ang naisagot niya.
"Ganun ba? Sige." Ani ng kanilang ama.
"Thanks, Dad." Hinila siya ng kanyang kuya palabas ng mansion.
Pagkasakay nila ng kotse ay agad na pinaharurot ng kapatid ang kotse.
Nang madaanan nila ang mall ay dere-deretso ito.
"Akala ko sa mall tayo?"
Umiling ang kapatid. "Sa airport tayo."