One month later...
Day-off nilang magkakapatid kaya naisipan nilang mamasyal. Gusto nilang kasama sana si Tita Nikki pero ayaw nito at gusto nitong magpahinga kaya ang boyfriend ni Nicole ang kasama nila, si Aled. Nakilala nila ito noong binisita nito ang Ate Nicole niya. Mabait naman ito tulad ng Kuya niya at madaling pakisamahan. 'Yun nga lang may pagkamaseryoso ito.
Isang buwan na sila dito sa Italy at maayos silang nandito. Ang inaalala niya lang ay ang mga magulang nila. Kumusta na kaya ang mga ito? Siguradong galit ang mga ito dahil sa ginawa nilang pagtakas ng kuya niya.
"So, saan niyo gustong pumunta?" Tanong ng kasintahan ni Nicole.
"Kung saan ay may parke." Sabay nilang sagot ng kuya niya.
"Mahilig kayo sa nature?" Tanong ni Aled.
Itinuro niya ang kanyang kuya na abala sa cellphone nito. "Nahawa ako sa kanya, Kuya Aled. Kababasa niyang werewolf book ayun naging nature lover. Kasi naman ang mga kwento ng lobong binabasa niya ay sa gubat sila nakatira." Aniya.
Nagkatinginan si Nicole at Aled.
Aled smiled. "Mahilig kang magbasa ng mga werewolf book?" Tanong nito sa Kuya niya.
Kaagad na tumango ang Kuya niya. "Oo. Iniisip ko nga na sana totoo sila."
Tinulak niya ang kapatid niya. "Kuya, pwede bang huwag kang magbiro ng ganyan."
"Malay mo. Totoo talaga sila." Nagkibit ito ng balikat.
Napailing siya. "Ang adik mo talaga sa mga lobo, Kuya."
"Walang masama dun." Sagot naman nito.
"Paano nga kung totoo sila? Anong gagawin mo?" Seryosong tanong ni Nicole kay Nicolai.
Her brother smiled. "Wala. As long as hindi nila ako sasaktan."
Napansin niya ang kakaibang ngiti ng kasintahan ni Nicole.
"Let's go. May malapit na park dito." Yaya nito sa kanila.
Agad siyang umupo sa damuhan nang makapasok sila sa parke. Isang oras yata sila sa parke bago nila naisipang umalis.
Habang naglalakad sa side walk ay napatigil siya nang makita ang isang pamilyar na mukha na nasa pedestrian lane. Inayos niya ang suot niyang bullcap para hindi makita ang mukha niya.
"Kuya?"
"Bakit?"
"Andito si Andrei Smith." Aniya.
"Sh*t!" Mura ng kapatid niya at inayos ang suot nitong bullcap.
"Sino 'yun?" Tanong ng Ate Nicole niya.
"Siya yung gusto nilang ipakasal sa akin, Ate." Sagot niya.
"Kaya ba nandito kayo sa Italy?" Tanong ni Aled.
Tumango sila ng Kuya niya.
"Hindi ko hahayaang ipakasal nila ang kapatid ko sa taong hindi naman niya mahal." Sabi ng Kuya niya at inakbayan siya.
Nagpatuloy sila sa paglalakad at pumasok sila sa isang mall.
"Ano kayang ginagawa ng lalaking 'yun dito, Kuya?" Tanong niya.
"Hindi ko alam pero siguro ay hinahanap ka niya."
She tsked. Napailing siya.
Pumasok sila sa isang restaurant. Agad naman na may lumapit sa kanilang waiter. Nag-order sila at habang hinihintay ang order nilang pagkain ay ipinalibot niya ang paningin sa kabuuan ng restaurant at nanlaki ang mata niya nang makita ang magulang nila sa isang sulok ng restauran at kumakain.
Agad niyang iniyuko ang ulo.
"Kuya, andito rin sina Mommy." Aniya.
"Ha? Saan?"
"Nasa isang sulok ng restaurant. Kuya, umalis na tayo dito."
"Sige." Sabi ng Kuya niya at nauna ng tumayo.
"Pasensiya na, Ate Nicole, Kuya Aled, pero kailangan na naming umalis." Hingi niya ng pasensiya.
"Sige, ingat kayo."
Tumango sila ng kapatid niya at mabilis na umalis ng restaurant na 'yun.
"So, saan na tayo pupunta, Kuya? Uuwi na ba tayo?" Tanong niya.
Her brother sighed. "Ayaw mo pa bang umuwi?" Tanong nito.
Umiling siya. "Gusto ko munang maglakad-lakad."
"Okay. Ingat ka baka makita ka nila Mommy."
Tumango siya.
Nang mag-ring ang cellphone ng kapatid niya. Agad naman nitong sinagot ang tawag.
"Sir? ... yes, sir ... I'm coming ... bye."
Tumaas ang kilay niya. "Boss mo, kuya?"
"Oo, pinapapunta niya ako sa opisina."
"Okay, ingat, Kuya."
"Bago gumabi dapat nasa bahay ka na."
"Yes, Kuya."
Hinalikan siya ng kapatid sa kanyang nuo. Nakatingin lang siya sa Kuya niya habang pasakay ito ng taxi.
Tumingin siya sa kanyang wristwatch. Quarter to one na pala. Patuloy lang siyang naglakad-lakad sa sidewalk at tinitignan ang mga establisment na nasa gilid ng daan. May nadaanan pa siyang gown boutique at nagandahan siya sa long blue dress na naka-display. Nagandahan lang siya. Hindi naman siya nagsusuot ng mga dress. Minsan lang kapag sinabi ng Mommy niya. Hay naku.
Napailing siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Nagtaka siya nang medyo kumonti na ang mga taong naglalakad.
Nang biglang may dalawang lalaki ang humarang sa kanya. Malalaking tao ang mga ito at tadtad ng tattoo sa katawan.
"Hey, miss, wanna come with me?" Sabi ng isa na parang naka-drugs.
Napailing siya. Hindi niya pinansin ang mga ito at nagpatuloy sa paglalakad nang maramdaman niyang may humipo sa kanya. Napabuga siya ng hangin. Hinarap niya ang dalawa.
"Did you do that?" Tanong niya.
Ngumisi ang dalawa.
"Come with us, Miss, and we will take you to heaven." Ani ng isa at tumawa.
She lazily looked at them.
"Miss, huwag ka ng pakipot." Ani naman ng isa.
She sighed. "Okay."
Ngumisi ang dalawa na iba yata ang pagkaintindi sa sinabi. Tsk! Akala ba ng mga ito ay mababa siyang klase ng babae. Itinuro niya ang dalawa.
"You." Itinuro niya ang isa. "And you." Tumalim ang mata niya. "Are one of the bunch of maniac men that I really hate!"
Mabilis niyang sinipa sa dibdib ang isa na sinundan niya ng isang round house kick at ang isa naman ay sa lalamunan. Nginisihan niya ang mga ito. "Next time, know your victim first."
Napailing siya at iniwan ang mga ito na nakaupo sa semento habang sapo ang mga sinipa niyang parte ng kanilang katawan. Ang lalaking tao,ang hina naman pala. Tsk! Mga lalaki talaga. Puno ng hangin at kayabangan.
Nang may mahagip ang pandinig niya.
"Grrrr...."
"Grrrr...."
Mga aso ba 'yun?
Hinanap niya kung nasaan ang mga ito hanggang sa dalhin siya ng kanyang paa sa likuran ng isang gusali.
Nanlaki ang mata niya at napalunok siya.
Is this real?
Dalawang malalaking aso ang nag-aangilan. Napaatras siya at hindi sinasadyang nakaapak ng tumunog na bagay. Tumingin sa kanya ang dalawang aso. They growled at her. Nakalabas ang pangil ng mga ito.
Kahit may alam siya sa self-defense, sa ganitong pagkakataon ay hindi uubra ang alam niya sa martial arts dahil ang pinakamagandang gawin ay ang tumakbo.
Pero pagpihit niya ay isang malaking aso na kulay itim ang nakaharang na mas malaki pa kaysa sa dalawang nasa likuran niya. Pero aso nga ba ang mga ito? Hindi ganito ang normal na kalaki ng isang aso.
Posible kaya ... na mga lobo ang mga ito. Mga lobo na nagiging tao. Alam niya 'yun dahil may binasa siyang libro tungkol sa mga lobo. But they were just a myth. Hindi sila totoo pero habang nakatingin siya sa lobong nasa harapan niya ay nakita niyang nagbago ang kulay dilaw nitong mata at naging kulay brown.
God, ito na ba ang katapusan niya?
Biglang sumugod sa kanya ang itim na aso. Ipinikit niya ang kanyang mata at hinintay ang katapusan niya.