MAAGANG natapos ang klase ni Avery dahil wala ang kanilang last subject teacher. Naisipan niyang pumunta sa children's park bago siya umuwi. Three o'clock pa lang ng hapon kaya alam niyang wala pa ang kaniyang mga magulang sa kanilang bahay.
Alam niyang nasa duty pa ang Papa William niya at baka gagabihin ito ng uwi at ang Mama Harley naman niya ay siguradong nasa Baguio ito at inaasikaso ang taniman nito ng bulaklak. Her Mama Harley loves flowers very much. At minsan ay ginagamit niya rin ang kaniyang abilidad para mas lalong palaguin pa ang mga bulaklak.
Umupo siya sa isang bench at pinanood ang mga batang naglalaro. May mga pamilya ring nagpi-picnic. Naalala niya tuloy noong bata pa siya ay dinadala rin siya ng kanyang magulang sa park para magbonding. Napapangiti na lang siya habang inaalala ang mga kabataan niya. And on the night of her eight birthday, doon na nagsimula ang mga kakaibang nararamdaman niya sa kanyang sarili. Hanggang sa inamin sa kanya ng kanyang mga magulang ang totoo na hindi sila mga tao. At doon niya rin natuklasan na sila ay hindi niya totoong mga magulang. Ang kanyang Mama Harley ang nagturo sa kanya kung paano gamitin at kontrolin ang mga kakayahan niya.
She looked at her phone screen when she felt it buzzed. It was a text from her mother and she says ...
'Be home early. I'm cooking.'
Uh-oh ... no way! Hindi niya maiwasang ngumiwi habang nagre-reply. Her mother is not good and no luck in the kitchen. Yes,she's good in making potion but not in making food. Ang kanyang ama ang nagluluto. He is a good cook. Minsan na nagluto ang kanyang ina ay kawawa sila ng kanyang ama na nagpabalik-balik sa restroom. Kaya kumuha ng kanyang ama ng kanilang kasambahay ay para may magluto ng kanilang pagkain. She knows how to cook but she's just lazy in cooking. Pinapanood niya minsan na magluto ang kanyang ama kaya natuto siya.
'Mama, please, maawa ka naman sa amin. Ayaw kong magpabalik-balik sa restroom. Please.' she replied.
'Dorris is the one who's infront of the stove. Not me, don't worry. I'm just helping her preparing the ingredients. Be home early, okay?'
Nakahinga pa siya ng maluwang.
'Okay, Ma.'
'But I made cookies for you.'
Bumagsak ang balikat niya at napailing.
She's sure na ang unang kakain sa cookies na ginawa ng kanyang ina ay ang kanyang ama. Well, her father hates to see her mother sad face. Her father is maybe a serious guy but he is soft like a marshmallow when it comes to her mother which she finds ... sweet and cute.
Napatingin siya sa kanyang tabi ng may umupo doon na matanda. Nagulat pa si Avery nang biglang tumingin sa kanya ang matanda. Seryoso ito at parang may gustong sabihin. Nginitian niya ito. Tatayo na sana siya nang magsalita ito.
"Susubukin niya kung gaano ka katatag. Magpakatatag ka at dapat maging matapang ka sa lahat ng oras. Dumating na ang oras na kukunin na sila sayo para sanayin mo na ang iyong sarili na tumayo ka na sa mong paa. Bata ka pa pero kaya mo ng ipagtanggol ang iyong sarili. Ihanda mo na ang iyong sarili dahil dumating na ang oras na nakatakda." Seryosong saad ng matanda.
Hindi niya alam kung sa kanya ba nito sinabi. Hindi naman kasi ito nakatingin sa kanya. Tatayo na sana siya ng muli itong nagsalita.
"Hija, sana gamitin mo ang iyong kakayahan para protektahan ang mga nilalang na nilikha niya." Tumayo na ang matanda at iniwan siya. At ang nagawa niya lang ay tignan ito hanggang sa mawala ito sa kanyang paniningin.
"Weird." Napailing siya. Hindi niya naintindihan ang sinabi ng matandang babae.
Tumayo siya at umalis ng park. Dumeretso na siya ng uwi. Pagdating niya sa kanilang bahay ay dumeretso siya sa kusina.
"Ate Dorris, si Mama po?" Tanong niya.
"Nasa hardin kasama ang papa mo." Sagot nito habang nakaharap sa stove.
"Salamat po." Lumabas siya sa pintuan ng kusina at pumunta sa hardin. Nakita niya agad ang kanyang magulang na nasa loob ng kubo.
"Ma, Pa." Pumasok siya sa loob ng kubo at umupo sa harap ng mga ito.
"Ang aga mo yata ngayon, 'nak." Sabi ng kanyang ama.
She shrugged. "E kayo po ang aga niyo rin ngayon na umuwi."
Her father chuckled. "Request ng Mama mo. Kaya nga lang hinila ko siya paalis ng kusina dahil baka—" tinampal ni Harley ang diddib ng asawa nito kaya napatigil ito sa pagsasalita.
"Tumigil ka nga." Pag-irap nito.
Avery shooked her head. Kumuha siya ng cookies sa mesa at kinain. Napatango-tango siya nang masarapan siya ng lasa.
"Ma, did you made this?" Tanong niya para makasiguro.
"Oo naman. I'm improving." Proud na sabi ng kanyang ina.
"Napansin ko nga po." Sabi ni Avery at kumain pa ng cookies.
"So, how's school today?" Tanong ng kanyang ama.
She shrugged. "Good, I think. But I met a old woman in the park." Pagkwento niya.
"Old woman?"
Tumango si Avery at ikinuwento ang sinabi ng matanda sa kanya. "Hindi ko nga po alam kung ako ba ang kinakausap niya. Hindi po kasi siya nakatingin sa akin, e."
Napailing ang kanyang ama. "Old woman. Baka naman kasi ulyanin na. Matanda na, e."
She looked at her father. "Speak for yourself, Papa. Matanda ka na rin kaya."
"Oh. E, ang mama mo, matanda naman na yan—"
"Gusto mo bang matulog sa guestroom, Honey?" Nakangiting sabi ng kanyang ina.
"No, your still young." Mabilis na sagot ni William at niyakap ang kanyang ina.
Napailing na lang si Avery sa eksenang nasa harapan niya at nagpatuloy sa pagkain ng cookies. Wala sa sariling napagawi ang tingin niya sa puno na nasa likod ng kanilang bahay. Nakita niya doon ang isang matandang babae.
Ang matandang babae kanina sa children's park!
Anong ginagawa niya dito? At paano siya nakapasok ng gate?
"Ma." Tawag niya habang nakatingin pa din sa puno kung saan nakatayo ang matandang babae at nakatingin rin sa kanya.
"Bakit?"
"Iyong matandang babae na nasa tabi ng puno. Siya ang matandang sinasabi ko kanina." Aniya.
"Ha? Anak, wala namang tao, ah." Sabi ng kanyang ina.
"Wala namang nakatayo doon." Dagdag pa ng kanyang ama.
"Huh?" Siya ang nagtaka. Kitang-kita niya na nakatayo ang matandang babae sa tabi ng puno. Nakatingin ito sa kanila na parang may gustong sabihin. "Ma, Pa, totoo ang sinasabi ko. May matandang babae sa tabi ng puno." Giit niya.
"Anak ..." Her mother sighed. "Walang tao sa puno. Baka imahinasyon mo lang 'yan. Tara na lang sa loob at baka tapos ng magluto si Dorris."
Tumayo na ang mga ito at lumabas ng kubo pero siya nakatingin pa rin sa matandang babae na nasa tabi ng puno. Imposibleng imahinasyon niya lang 'to.
"Mauna na po kayo sa loob, Mama. Dito lang po muna ako." Wika ni Avery. Gusto niyang makausap ang matandang babae. Hindi naman nagiinit ang mata niya kaya alam niyang wala itong balak na masama sa kanila o sa kanya.
"Sige."
Nang makapasok ang mga magulang niya sa loob ng kanilang bahay ay tumingin siya sa matandang babae pero wala na ito sa kanyang kinatatayuan.
Where is she?
"Hija."
Napaigtad siya at nagulat nang may biglang nagsalita sa tabi niya. Dahil sa gulat ay may biglang lumabas na apoy sa kanyang kamay at naibato niya ito sa matandang babae pero tumagos lang ito sa katawan ng matanda. And she's really shocked.
What is this?
"S-sino po kayo?" Medyo kinabahan siya at umatras siya ng kaunti.
Ngumiti ang matandang babae at biglang nagbago ang hitsura nito. She gasped. Naging isa itong napakagandang babae! Napakurap-kurap si Avery at hindi siya makapaniwala sa nasaksihan.
Avery gulped. Nakatingin lang sila sa isa't-isa. Pero napansin niya ang pagkakapareho nila ng mata ng magandang babaeng nasa kanyang harapan.
"Anak ..." Wika nito habang nakatingin sa kanya na para bang matagal na siya nitong kilala.
"Ah, Avery po ang pangalan ko." Wika niya at tumingin sa kanilang paligid.
"Huwag kang kabahan, Avery. You already grown ..." Anito habang nakangiti at hindi man lang siya nakapalag ng hawakan nito ang kanyang pisngi na parang sabik na sabik na mahawakan siya.
Pilit niyang ngumiti. "Sino po ba kayo? At ano ang meron sa inyo at hindi kayo nakita ni Mama at Papa kanina?" Usisa niya.
"Avery, sino bang kausap mo diyan?" Tanong ni Kuya Lando na nag-aayos ng mga nakapasong bulaklak. Nakakunot ang nuo nito at halatang nagtataka kung sino ang kausap niya.
"Ah, hehe ... nagprapraktis lang po, kuya. May role play kasi po kami bukas, eh." Pagsisinungaling niya kahit wala naman talaga.
"Bukas? Sabado kaya bukas."
Napakamot na lang ng batok si Avery. "Huwag niyo na lang po akong pansinin."
Napailing naman si Kuya Lando at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Ibinalik naman niya ang kanyang atensiyon sa babaeng nasa kanyang harapan. Habang nakatingin siya rito ay napansin niya ang kulay ng mata nito.
Kulay ginto. Pareho lang sa kanya.
Hinawakan nito ang kanyang kamay. "Ako si Amanda, ako ang iyong ina."
Avery eyes widen in shocked.