bc

Mate of the Werewolf King (COMPLETED)

book_age16+
8.3K
FOLLOW
31.7K
READ
alpha
mate
independent
brave
king
queen
sweet
werewolves
pack
special ability
like
intro-logo
Blurb

Bata pa lang si Avery ay alam niya kung sino siya. Because of her ... her parents were murdered by the rogues and hunters. But before her parents died, they made her promise that she won't tell anyone about her ability. The rogues and hunters were after her, she ran and ran until she crossed someone's territory.

The Cresent Golden Moon Pack.

------

Zachariah Donovan is the Alpha of Cresent Golden Moon Pack, the most powerful pack around the world and he is also the King of all werewolves. No one can beat his pack, especially, him. He is cold-hearted Alpha. He killed whoever blocked his way. Werewolves are feared of him.

But as an Alpha,he needs a luna. He waited for a long time ... until his innocent mate crossed in their territory.

And he will not let her go.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
AVERY is concentrating controling the water in their pool. Itinaas niya ang kaniyang kamay at tumaas rin ang tubig sa pool. Napangiti na lang siya dahil kahit papaano ay kaya na niyang kontrolin ang mga abilidad niya. "Avery!" Nagulat siya at bigla niyang naibaba ang kaniyang kamay kaya bumagsak ang tubig ng pool, nabasa siya at nabasa rin ang kaniyang ama na papalapit sa kaniya. She peaced sign. "Sorry po, Papa." Napailing lang ang kaniyang ama. "Anak naman wala na akong oras para magpalit. Sabi ko naman sa 'yo, huwag kang masyadong magugulatin." "Tutuyuin ko na lang po ang damit niyo. Steady lang po kayo diyan." Aniya. "Siguraduhin mong hindi ako masusunog." Biro nito at lumapit sa kaniya. "Opo, Pa." Natawa na rin siya ng maalalang pinagpraktisan niya noon ang kaniyang ama. Sinubukan niyang tuyuin ang damit nito pero nasobrahan niya yata kaya bigla itong nasunog. Mabuti na lang at nasa tabi nila ang pool. Tawa naman ng tawa ang Mama niya. Itinapat ni Avery ang dalawang kamay sa kaniyang ama at unti-unti ay natuyo ang suot nitong uniporme. "Salamat, 'nak. Oo nga pala, hindi kita maihahatid sa school mo dahil kailangan kong maagang pumunta sa police station. Ihahatid ka na lang ni Lando. Pasensiya na." Inakbayan siya ng ama. "Ayos lang po. Naiintindihan ko." "Sige, mauna na ako, Avery." "Ingat po kayo." Tumalikod na ang kaniyang ama. Siya naman ay pumasok na sa kanilang bahay. Napansin niya ang kasambahay nila na nahihirapang itulak ang sofa para ibalik sa dati nitong pwesto. Tumingin muna siya sa kaniyang paligid para siguruhing walang makakakita sa gagawin niya. Gamit ang abilidad niya sa hangin ay itinuro niya ang sofa, umangat ito ng kaunti at sinabayan niya ang paggalaw ng kasambahay nila para hindi nito mapansin ang paggaan ng sofa. Agad niyang ibinaba ang kaniyang kamay nang biglang tumingin sa kaniya ang kasambahay nilang si Dorris. "Morning, Ate." Nginitian niya ito at mabilis siyang umakyat ng hagdan. Dumeretso siya sa kaniyang kwarto at kinuha ang kaniyang bag. Nadaanan niya pa ang kwarto ng kaniyang magulang. Kumatok muna siya bago siya pumasok. "Mama, alis na po ako." Paalam ni Avery. Nakaupo ito sa kama at nakatalikod sa kaniya. "Ma-waahhhh!" Nagulat siya at napasigaw dahil sa bigla nitong pagharap sa kaniya ay iba ba ang hitsura nito. Tumawa naman ang kaniyang ina sa reaksiyon niya. Sinapo naman niya ang tapat ng kaniyang puso. "Aatakehin ako sa puso dahil po sa inyo, e. Kayo talaga, Ma." Naiiling niyang saad. Her mother chuckled and removed her monster mask. "Pareho lang kayo ng Papa mo." Natatawa pa rin nitong sabi. "You prank, Papa?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Buti kung hindi po nagalit sa inyo. Minsan 'yang si Papa ay parang batong kausap, e." Ngumisi naman ang kanyang ina. "Avery, ilang beses ko bang sabihin sa 'yo na understanding 'yang, Papa." She rolled her eyes. "Whatever. Bakit po ba kasi nagsuot ng maskara?" "Wala. Trip ko lang." Napailing na lang siya. "Alis na po ako." "Okay, ingat ka, Ave." "I know." Palabas na siya ng tawagin siya ng ina. "Avery." Muli siyang humarap. "Yes, Ma?" Tumayo ang kaniyang ina at may kinuha sa bedside table bago lumapit sa kaniya. "Wear this." Isinuot nito sa kaniya ang isang bracelet na kulay violet. "For what?" She asked. "To hide your scent. Ang sabi kasi ng papa mo ay nag-iba na ang amoy mo. Alam mo naman ang papa mo matalas ang pang-amoy. And this bracelet will hide your elemental scent. Don't remove it, okay?" "Yes, Ma. Thank you." Ngumiti ang kaniyang ina. "Sige na. Kanina pa naghihintay sa 'yo si Lando." Lando is their driver and also their gardener. Ito ang asawa ni Ate Dorris. "Bye, Ma." Avery kissed her mom's cheek. "Please, don't scare me again." "Can't promise, sweetie." Ngingiti-ngiting sabi ng kaniyang ina. Napailing na lang siya. Patakbo siyang bumaba ng hagdan at lumabas ng kanilang bahay. Paglabas niya ay naghihintay na sa kaniya si Kuya Lando. Kaagad siyang pumasok sa backseat. Habang papunta sila sa academy ay nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng kotse. She saw kids playing outside their house. May mga nag-jo-jogging rin na nadadaanan nila. She sighed and looked on her phone. She switch her phone off. Sumandal siya sa kaniyang kinauupuan at tinignan ang bracelet na pinasuot ng kaniyang ina. They really care for me ... a lot. She's already fifteen years old and she knows na ampon lang siya ng mga kinikilalang magulang. Ayon sa kwento ng kanyang kinikilalang ina ay ibinigay daw siya ng isang duguan at nanghihinang babae sa mga ito at nagmamakaawa ito na alagaan siya at huwag siyang pababayaan at kung maaari ay ilayo siya sa lugar na iyon. At sa araw din iyon ay binawian ng buhay ang kaniyang totoong ina. Italy ... Ang bansa na balang araw ay pupuntahan niya para alamin ang lahat tungkol sa kaniyang pagkatao. Ipinikit niya ang kaniyang mata. She was aware with the existence of werewolves and witches because her parents are one of them. Her handsome father, William Paze, is a werewolf and he is a police officer and her beautiful mother, Harley Paze, is a witch. They are now hundreds years old but they don't look like one. Minsan pa nga napagkakamalan na nakakatandang kapatid niya ang mga ito kaysa sabihing magulang niya. They both kind and caring to her. Her mother is a bubbly person, minsan ay kung anu-ano ang pinaggagawa nitong experiment sa mga ginagawa nitong potion. She is also making a medicine with the use of different kind of flowers. Malawak ang taniman ng kaniyang ina ng iba't-ibang klase ng bulaklak sa baguio at araw-araw ay pumupunta ito doon para asikasuhin ang mga tanim na bulaklak. While her father is a serious-type of guy. Minsan mo lang itong makitang tumawa o ngumiti. Sila lang yata ng kaniyang ina ang nakapagpapatawa dito at nagpapangiti. Kung nakaharap na kasi ito sa ibang tao ay seryoso na ito. And for her, they match because they are mates. Her? Me? I know a little about me. I'm an elemental. Nothing more. Nothing less. She can control fire, water, wind and earth. Nagmulat siya ng mata nang maramdaman niyang tumigil na ang kotse. "Ave, nandito na tayo sa academy." "Thanks, Kuya." She opened the car's door for herself and stepped out from the car. Pagkababa niya ay agad siyang yumuko nang mapansing napunta sa kaniya ang atensiyon ng ibang pumapasok sa gate. Why? Its just because of her eyes color. It's color gold. Sometimes, they called her 'weird' because of it. Hindi naman siya pwedeng gumamit ng contact lens dahil sasakit ang mata niya. Noong una siyang gumamit ng contact lens ay sumakit ng grabe ang mata niya at kamuntikan na siyang hindi nakakita kaya hindi na niya inulit pa. Mabilis siyang pumasok sa gate at dere-deretso lang ang lakad niya papunta sa room niya. "Hi, Avery ..." Pagharang sa kaniya ng isang lalaki. Ang campus heartthrob ng Everson Academy and at the same time ay classmate niya rin ito. She don't like him. Masyadong mataas ang tingin nito sa sarili at mayabang rin. "Pasabay sana ako." Sabi nito at nanatili sa harapan niya. Nakangiti ito but she can read behind those sweet smile is a threat. Hindi pa nagkakamali ang instinct niya. And she was right. Dahil biglang uminit ang mata niya. Nangayayari ito kapag may masamang balak ang kaharap niya sa kaniya. She forced a smile. "Excuse me. Baka pwedeng huwag kang humarang sa daraanan ko?" Dahil baka masunog kita ... Alam niya ang mangyayari kapag nag-iinit ang mata niya. Nakakasunog siya ng bagay na makikita niya. Nang mas lalong umiinit ang mata niya ay basta na lang niyang nilagpasan ang lalaki at mabilis siyang tumakbo papunta sa likod ng school building. Walang estudyante at siya lang mag-isa. Itinutok niya ang kanyang mata sa damuhan at bigla na lang itong nasunog. Napaluhod siya at nararamdaman niya ang enerhiyang dumadaloy sa kanyang mga ugat. Sana naging tao na lang ako para hindi ko ito dinadanas. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya dahil may ganito siyang kakayahan. Pero minsan ay hindi rin maganda para sa kaniya dahil minsan ay napapahamak siya o di kaya ay nakakahamak siya. She can't live normally like what other people do. Minsan naiingit siya sa mga kapwa niya teenager dahil parang wala silang problema while her, practicing to control her ability. Pero minsan ay nagpapasalamat rin siya na may kakayahan siyang ganito dahil nakakatulong siya sa kapwa niya. Bumuga siya ng hangin at umupo sa damuhan. Ilang saglit lang ay biglang lumago ang mga d**o at yumabong ang mga puno sa likod ng school building. Pati na rin ang mga bulaklak na natutuyo na ay bigla ring lumago. Mas lalo pang naging berde ang mga d**o at halaman. She sighed. I don't know if my ability is a curse or not ... I hope not.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
119.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.6K
bc

My Master and I

read
134.4K
bc

YOU'RE MINE

read
902.6K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.9K
bc

SILENCE

read
387.6K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
73.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook