"Anak, isa na lang akong elemental spirit ngayon. Kaya ikaw lang ang nakakakita sa akin dahil isa kang elemental ... isang tao ang iyong ama pero patay na siya noong ipinagbubuntis pa lang kita. Pinatay siya ng mga rogue. Hina-hunting naman ako ng mga hunters para patayin. Tumakas ako at kung saan-saang lugar ako ng Europe napadpad para maging ligtas ka ... tayong dalawa, ikaw na lang kasi ang tanging alaala na iniwan ng iyong ama sa akin. Kamukhang-kamukha mo siya, Avery ... Isang matandang babae na may magandang loob ang kumupkop sa akin. Isa siyang white witch. Apat na buwan mula ng ipinanganak kita, nalaman ng mga rogue at hunters kung nasaan ako. Pinatakas ako ng white witch pero naabutan ako ng isang hunter,ginawa ko ang lahat para mailigtas kita. Nanghihina na ako at duguan. Mabuti na lang at nakita ako ng mag-asawang kumukop sayo at nagpapasalamat ako na pinalaki ka ng maayos ..." Hinaplos nito ang kanyang buhok.
"Bakit po gusto tayong patayin?" Tanong niya at hindi niya napigilan ang pagtakas ng kanyang luha.
"Dahil sa kakayahan na meron ang isang elemental,anak. Isa akong Earth elemental, kaya nitong kontrolin ang halaman o bato dito sa lupa. At tayo ang mga taga protekta ng mga taong-lobo. Alam kong hindi ko maintindihan pero sa oras na dumating ang tamang panahon ay maiintindihan mo rin ang lahat." Hinalikan siya nito sa nuo.
"I-ina ..."
"Paalam, anak. Magpakatatag ka. Marahil ito na ang huli nating pagkikita ... mahal na mahal kita, Avery ..."
At unti-unti itong naglaho sa hangin.
HINDI alam ni Avery kung ilang oras na siyang nakatitig sa kisame ng kanyang kwarto. Napukaw na lang siya nang may kumatok sa kanyang kwarto at pumasok ang kanyang ina.
Mula ng magkausap sila ng kanyang totoong ina ay naging matamlay siya.
"Anak, okay ka lang ba?" Tanong nito at umupo sa gilid ng kanyang kama. "Ilang araw ka ng parang wala ka sa sarili mo. Nag-aalala na kami ng papa mo. Ano bang problema?"
Umiling siya. "Wala po, Ma. Okay lang po ako."
Muli siyang tumitig sa kisame. She heard her mother sighed. "Papasok ka ba ngayon?" Tanong nito.
"Hindi po, Ma. Wala akong gana. I feel I'm not in the mood. Maybe I'll absent today." She said and closed her eyes.
"Pero bukas, papasok ka ba?"
Avery nodded her head. "Yes, Ma."
"Okay. Oo nga pala. Ito ang pinapabili mong sketch pad sa papa mo. Ilalagay ko dito sa bedside table mo."
"Thank you, Ma."
"Sige, bababa na ako. Kapag nagutom ka,bumaba ka na lang para kumain, okay?" Harley kissed her forehead.
"Okay."
Nang narinig niyang bumukas at sumara ang pinto ng kanyang kwarto ay iminulat niya ang kanyang mata. Bumangon siya at kinuha ang sketch pad na nasa bedside table niya. Habang hawak ang pencil ay ipinikit niya ang kanyang mata at inalala ang buong detalye mg mukha ng kanyang tunay na ina. Si Amanda. Kusang gumagalaw ang kanyang kamay para iguhit ang mukha ng kanyang ina. At nang matapos ay nagmulat siya ng mata. Tinitigan niya ang naiguhit niyang mukha ni Amanda.
"I-ina ..."
Pumatak ang luha niya.
"PAPASOK ba siya?" Tanong ni William kay Harley.
Umiling si Harley at napabuntong-hininga. "Ano bang nangyayari kay Avery? Ilang araw na siyang parang wala siya sa kanyang sarili."
And William sighed. "Nagsimula lang naman yun noong sinabi niya ang tungkol sa matandang babae."
Nangalumbaba si Harley at tumingin kay Dorris. "Dorris, kapag hindi lumabas si Avery sa kwarto niya, please, pakihatiran siya ng pagkain."
"Yes, Maam."
"Salamat." Tumingin siya sa kanyang asawa. She's worried to Avery. Alam niyang may problema ito pero ayaw lang nitong magsabi. Pero hindi bale pagdating niya mamaya galing baguio ay kakausapin niya ito ng masinsinan.
"Aalis na ako." Paalam ni William.
"Take care."
"Always." They kissed each other.
PAGDATING na pagdating niya ay agad siyang pumunta sa kwarto ni Avery.
"Avery ... anak ..." Binuksan niya ang kwarto ni Avery pero walang tao.
Napailing siya. Nasa hardin siguro ito. Inilapag niya sa kama ang dala niyang pasalubong pero natigilan siya ng makita ang sketch pad sa kama. Nanlaki ang mata niya ng makita kung sino ang nakaguhit sa sketch pad.
Paano niya ito nakilala?
Hanggang sa dumating si William ay nakatingin lang siya sa guhit ni Avery na nasa sketch pad. Kinuha niya ito at pumunta sa kanilang kwarto.
"Hon, anong tinitigan mo diyan?" Tanong ni William kay Harley.
Harley sighed and looked at her husband. "Hindi ko alam ang sasabihin ko, William. Tignan mo 'to." Ipinakita niya ang sketch pad.
Tumaas ang kilay ni William. "Sino 'yan?" Hinubad niya ang suot niyang uniporme.
"Ang ina ni Avery. Kahit ilang taon na ang lumipas,naaalala ko pa ang mukha niya. Hindi ko alam pero may kutob ako na baka ang matandang babae na sinasabi ni Avery ay ang kanyang ina."
"Hon, hindi tumatanda ang isang elemental." Sabi ni William.
"Alam ko 'yon pero may kakayahan silang magpalit ng mukha." Ani Harley.
"Hon, patay na ang ina ni Avery. Paano naman siya magpapakita sa anak niya?"
Harley looked at her husband flatly. "Ang isang elemental ay nagiging spirit na lang kapag ito ay namatay. Kapag namamatay ang katawang tao nila, nagiging isa na lang silang elemental spirit para gumabay sa mga mahal nila. Ang tagal mo ng nabubuhay dito sa mundo, hindi mo pa alam ang mga 'yan."
Napailing si William at pumasok sa banyo. Si Harley naman ay lumabas ng terasa ng kanilang kwarto. Agad niyang nakita si Avery na nasa loob ng kubo habang nakaharap ito sa kanyang laptop.
Bumuntong-hininga siya at pinagmasdan ang kanyang anak. Kahit hindi niya ito tunay na anak ay itinuring na nilang mag-asawa na parang tunay nilang anak si Avery.
Nakita niya ang driver nila na parang may tinitignan sa likod ng kanilang bahay. Sa likod ng kanilang bahay ay berdeng kakahuyan na doon. Minsan ay doon tumatambay si Avery at pinagdidiskitahan ang mga puno at halaman sa paligid. Pinapalago nito ang mga halaman at puno.
Dahil likas na sa kanilang mga hindi pangkaraniwang nilalang na may matalas na paningin ay nakita niya ang isang lalaking nakatayo sa isang sanga ng puno at nakatingin sa kanilang bahay.
"Rogue."
Tumingin siya sa kaniyang asawa na nasa likuran niya pala.
"Anong ginagawa niya dito?" Tumalim ang mata niya. "At paano siya nakapasok sa barrier?"
"Let's go and hunt him." Wika ng kanyang asawa.
She smirked. "Let's go."
She chanted a spell. Lumutang silang dalawa sa hangin.
"I'll shift."
"Okay."
Nanatili siyang nakalutang sa hangin. Her husband shift into his wolf form at mabilis itong pumasok sa kakahuyan. Ganun din siya, nakalutang siya sa hangin. Nararamdaman niyang nandito pa ng rogue. She knows why rogue is after them and so as hunters. Gusto ng mga ito na makuha si Avery. Patay na ang lahat ng elemental dahil sa kagagawan ng mga rogues at hunters. Palihim ng mga itong nilason ng sabay-sabay ang mga elementals.
Bata pa lang siya noon at isang tagasilbi ang kanyang ina sa palasyo ng mga elementals. Nakita niya noon ang isang lalaki na pumasok sa kusina ng palasyo at may ibinudbod sa inuming alak. Pero nakita siya nito at pinagbantaan na papatayin kapag nagsumbong siya.
Nasa isang pagpupulong noon ang mga elementals at na hindi nila naramdaman na ang mga inuming ihinahain sa kanila ay may lason. At nakita niya kung paano nawalan ng buhay ang mga elementals at wala siyang nagawa para tulungan ng mga ito. Ilang daang taon na rin ang lumipas, hindi niya akalain na may nakaligtas pa. Si Amanda at may anak ito, si Avery.
Avery is the powerful elementals at alam niyang ito na lang ang elemental na natitira sa mundo nila. Kailangan nila itong protektahan para sa mga bagong elementals na sisibol.
Nang makita niya ang rogue at nagkikipaglaban na ito kay William. Lumapag siya sa lupa at sinugod ang rogue. Sunod-sunod na sipa ang pinakawalan niya while his husband in his wolf form, sit on the ground. Nanonood lang ito sa kanila.
"Who are you and what are you doing here?" Matalim ang boses niyang nagtanong.
"None of your business!" Singhal nito.
"Ah, ganoon, okay. Madali akong kausap."
Nagchant siya ng spell at napangisi na lang siya nang hindi na ito makagalaw sa kinatatayuan. Nilapitan niya ito at tinignan sa mata ang lalaki.
"Tell me ..." Her voice became cold. "... what are you doing here?"
"Tell me, your not hipnotizing him." Sabi ni William na nagbalik na ito sa human form.
Nginisihan niya lang ito.
"I was ordered to find the daughter of Amanda Mintz and kill her."
"You can't kill her, Rogue ..." She looked at her husband. "Break his neck."
Her husband break the neck of the rogue. At pagkatapos ay sinunog nila ito.
"I'm sorry but no one is allowed to harm Avery." Aniya.
"Let's go, Harley." Inakbayan siya ng kanyang asawa at lumabas sila ng kakayuhan.
"I need to strengthen the barrier—"
"No, hon. We need to move. Lumayo tayo dito. Hindi na ligtas ang lugar para kay Avery. We need to move in a safe place." Wika ni William.
"Hindi tayo pwedeng bumalik sa Italy, William." Sabi ni Harley.
William sighed. "Then we don't have a choice. You need to train her."
Tumango si Harley. "Better idea ..."