"Please fasten your seatbelt..." pagkarinig ko sa mga katagang iyon ay nagmamadali ko nang sinunod ang utos at hindi na pinakinggan pa ang susunod nilang sasabihin. Puno ako ng pananabik na makita, mayakap at mahagkang muli ang aking si Vinny. Puno rin ako ng pagtataka kung bakit sa loob ng isang linggo na nasa Ontario ako ay hindi man lang niya magawang sagutin ang mga text at tawag ko. Deactivated din ang mga online accounts niya. Nakapagtataka. Nakakakaba. Pero pilit ko na lang na binibigyan ng rason ang mga iyon. Pilit ko na lang binibigyang rason ang pang-isnob niya sa akin. I told myself na siguro nagtatampo pa rin siya. Gusto niya kasing ihatid ako sa airport nung gabing iyon pero tumanggi ako. First, I don't trust his driving skills. Sa ilang linggo na pagtuturo ko sa kanya ay ilan