"Hey..." "Good morning, sweetlips. Gising ka na pala. Tamang-tama tapos na akong magluto ng breakfast. Come, kain na tayo." Imwinestra ni Sandro... er... Sanders na nga pala dahil ‘yun ang gusto niya, ang isa sa mga upuan na nasa dining table. Nagtungo ako dun at umupo. Agad naman niyang ilinagay ang plato na puno na ng pagkain. Fried rice, bacon, sunny side up at hotdog. "Andami naman." Pagrereklamo ko sa kanya. "Konti pa nga yan, sweetlips. Ngayon na marami na akong time para alagaan ka, patatabain talaga kita." He grinned at me. Napatitig ako sa kanyang ngisi. Napapansin ko, napakadalas na niyang ngumisi ngayon. Unlike before na puro matatamis lang na ngiti ang ibinibigay niya. "Parang iba naman ata ang ibig sabihin ng ngiti mo eh." I pouted at him. "Tell me, ano ba ang ibig sabihi