"YOU'RE thinking about it again." Lalong lumapad ang ngiti ni Aya nang magsalita si Kurt. Nakasandal ito sa headboard ng kama habang nagbabasa ng libro. Siya naman ay nakayakap sa beywang nito at pinapanood ang bawat galaw nito. Ang tinutukoy nito ay ang pag-amin nito sa kanya noong isang araw. Madalas kasi ay natutulala siya at bigla-bigla na lang napapangiti. Kapag naaalala niya ang mga araw na nakatatanggap siya ng mga mamahaling bulaklak, teddy bears, chocolates at jewelries ay hindi siya makapaniwala na galing lahat ng mga iyon kay Kurt. "I can't move on! Who would have thought that the heir of Anderson Group of Companies was once a stalker?" "Oh, c'mon. Stop teasing me." Alam niyang nahihiya si Kurt dahil namumula ang tainga nito. Imbes na huminto, lalo pa niyang inasar si