"SWEETHEART, what's happening to you?" Mula sa pagkakaluhod sa harapan nang bowl, umangat ang mukha ni Aya para salubungin ang nag-aalalang mukha ni Kurt. "Are you okay?" Inalalayan siya ni Kurt sa pagtayo. Inabot nito ang tuwalya at ito na mismo ang nagpunas sa mukha niya. “Ang putla mo, Sweetheart. Are you sick?” Hindi siya makasagot. Dahil maging siya ay hindi alam kung anong nangyayari sa katawan niya. “Dadalhin kita sa ospital.” "Okay na ako, Kurt. Hindi na kailangang pumunta sa ospital." "No, Sweetheart. Ilang araw ka nang ganyan. And if I'm not mistaken, nagsusuka ka rin nitong mga nakaraang araw. C'mon, fix yourself, or I'm gonna do it myself." Sumusukong pumasok siya sa shower room. Nang matapos siyang maligo ay inalalayan siya ni Kurt hanggang sa kama nila. Nanghihina