Sabrina’s Point of View
Maaga kaming nagising ng mga kaibigan ko. Ginawa na namin ang mga dapat naming gawin para makakain na at makaalis na ng bahay. Hindi naman kami excited pumasok pero mas maganda na rin na pumasok ng maaga kaysa late.
Nang makarating kami sa school ay marami-rami na ring tao kahit na maaga pa talaga. Anyway, wala akong pakealam sa kanila at mukhang wala rin naman silang pakealam sa amin. Grr, naiinis na talaga ako. Sa school na ito lang ata kami hindi sikat. But okay, I guess, nagana naman ang pagiging “lowkey” namin kagaya ng gusto nila Andrea.
Dumiretso kami sa silid kung saan gaganapin ang unang klase namin. May iilan na kaming naabutan doon pero hindi pa rin kadamihan. Nauumay na ako sa mga mukha ng mga kaklase ko, pangalawang araw palang namin iyan, ha? Kahapon ay half day pa.
Naupo ako sa bangkuan ko. Wala pa iyong katabi kong pinaglihi ata sa yelo dahil sobrang lamig kung makatitig. Damn, I forgot to bring my jacket!
Habang naghihintay na magsimula ang klase ay naisipan ko munang magpictures para naman may maipost ako mamaya. I’m sure my boys are waiting for my pictures. Hay, I miss my life, na iniwan ko para sa misyon namin dito. Ang saya siguro ng s*x life ko kung hindi dahil dito. Tapos si Andrea, pinagbabawalan pa kami para raw hindi kami mahuli. What a boring life. Tingnan ko kung kayanin nilang walang lalaki. Oh, partly, kasama nga pala ako sa pagpaplano ‘non.
Minsan ay pumunta ako sa mga kaibigan ko para makipagchismisan, madalas ay nagpapagala gala lang ako sa loob ng classroom para magpalipas ng oras.
Sinilip kong muli ang aking cellphone at agad kong nakita ang pagsabog ng notifications ko sa i********:. See? My boys are thirsty for my update.
Binasa ko ang iilan nilang mensahe sa akin dahil sa picture na pinost ko.
_xxkael: Damn, girl, you’re stunning. I miss you.
aidenj: Baby, you’re making me want you even more.
At marami pang iba na kesyo miss na raw nila ako at gusto na nila akong makasama. Wala ba silang reserved na tatapat sa galing ko sa kama? I guess, wala. Kaya sa akin pa rin sila bumabalik. Hirap naman ng ganito.
Nang mapansin na may halos isang oras pa kami bago magsimula ang klase ay tumayo ako. Pupunta nalang muna siguro ako ng cafeteria to buy something, para lang malibang ako.
“Saan ka pupunta, Sab?”
Napalingon ako sa mga kaibigan ko na nagke-kwentuhan sa hindi kalayuan. Ngumiti lang ako sa kanila bago ituro ang labas.
“Sa cafeteria lang, may ipapabili kayo?” Umiling sila sa alok ko. Nagkibit balikay nalang ako bago magpatuloy sa paglalakad.
Nakarating ako sa cafeteria, wala na namang masyadong tao. Bumili nalang ako ng juice para kung mauhaw man ako mamaya ay may iinumin ako. Pabalik na ako ng classroom namin nang may mahagip ang mata ko sa hindi kalayuan.
It’s my seatmate!
Parang may lightbulb sa tuktok ng ulo ko kaya napangisi ako at naglakad ng mas malapit sa parking lot dahil doon ko siya nakita. Nakatalikod siya sa akin at nakahilig sa kanya mamahaling sasakyan. Napansin ko rin na may kinakausap siya.
Uminom ako ng juice. I don’t want to eavesdrop but oh well, naandito na rin naman ako.
Sinikap kong magtago para hindi nila ako makita but at the same time ay maririnig ko pa rin sila ng malinaw. Kung ano mang marinig ko rito ay hindi ko naman ipagkakalat. I’m not that kind of person, kahit na alam kong mali ring makinig sa kung ano mang pinag uusapan nila.
“Anak, mag usap muna tayo. Hindi ka pa naman huli sa klase mo, hindi ba? Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong makalapit sayo. Sana ay pagbigyan mo ako.” Humikbi iyong matandang babae na sa tingin ko ay nanay niya. What? She just called my motherfucking seatmate his son, so it’s safe to assume.
“Isa pa, pwede bang mayakap ka?”
Gusto ko nang umalis dito. I hate drama! Masyado na akong maraming ganyan sa buhay ko tapos madadagdagan pa dahil sa pakikinig ko sa kanila. My father is a goddamn cheater. Sa kanya siguro ako nagmana talaga kaya ganito rin ako ngayon. That’s is why I don’t believe in true love. Ulul, sa panaginip lang iyon nag eexist—or maybe for some, but obviously not for me—not to my kind.
Hindi sumagot iyong seatmate ko. Ano nga bang pangalan nito? Hindi ko alam at wala na rin akong balak alamin. Kahit naman malaman ko ay matitikman ko ba siya? Hindi. Ang sungit kaya niyan.
Niyakap siya ng nanay niya. Gusto ko nang umalis dahil alam ko na hindi para sa akin ang mga ganitong eksena but also, I want to dig deeper. Dig his secrets, to blackmail him and dig his grave. Makaganti man lang ako sa kabastusan niyang natanggap ko.
Nakita ko ang paghaplos ng babae sa mukha ng seatmate ko kahit na halata namang parang walang pakealam iyong magaling kong kaklase sa kanya.
“Luke, alam mo bang mahal na mahal ka ni Mama—”
“What do you want now? Money?” Malamig na sabi nito kaya’t natigilan iyon nanay niya. Napataas ang aking kilay dahil sa way ng pakikipag usap niya sa nanay niya.
Well, I’m not the nice daughter, too, I can’t judge him dahil ako, hindi ko rin naman masyadong ginagalang ang mga magulang ko. May pagkakataon na binabastos o sinasagot ko sila lalo na’t nasa mali sila but still, I know when to give them respect. And I hate it when someone invalidates their mom’s feelings lalo na kung sincere ito. Buti nga sila—nevermind.
Napayuko ang babae at muling humikbi. Ngayon ay mas malakas na ang paghikbi niyang iyon. Kitang kita mo na rin ang pagtulo ng luha niya.
“No, Luke. I’m not here for your money. I’m here for you. Ang tagal kong hinintay ito—”
Muling naputol ang pagsasalita ng babae dahil sa biglaang pagsasalita ng kanyang anak.
“If you don’t need anything, then, go. I don’t have enough time to waste for the likes of you.” Malamig at matalim nitong sabi.
Napailing ako. How can his mother bear all of these? Kahit na hindi naman ako mabuting anak ay ni minsan hindi ko napagsalitaan ng ganyan ang nanay ko. As for my dad, he’s an asshole so he deserved the disrespect.
“Luke—”
“Don’t call my name. Mas lalo lang akong nandidiring ito ang pangalan ko dahil ikaw ang nagbigay nito sa akin. Can’t you see? I don’t want to see you nor go near you. I hate you. Ayoko sayo. Kung gusto niyong manlimos, you can do it outside and not inside our school premises. Who let you enter our school, anyway? Garbage doesn’t belong here—”
“Kuya, sa papaanong paraan mo natatawag na basura ang sarili mong ina? Paano mo naaatim na sabihin sa kanya ang mga salitang iyan? Hindi mo man lang ba iniisip ang mararamdaman niya? You’re not just talking to someone, she’s your mother! Siya ang nagsilang sayo. Respetuhin mo man lang siya.” Sigaw ng dalagang kasama ata ng nanay ng seatmate ko.
“Respect? How dare you beg me to respect her when she didn’t give us that? Nanay ko siya? How can you call someone as my mother when she didn’t do her responsibilities as our mother? I don’t owe her anything, even my life. Because if I were to choose, if I have a choice, I would rather not be born than become her son. Ayokong maging ina ang isang kagaya niya na mas pinili ang kabit kaysa manatili sa pamilya niya—”
Isang malakas na pagsampal ang nagpatigil sa seatmate ko sa kanyang mga sinasabi. Yeah right, serves him right, huh?
Agad napatakip sa kanyang bibig iyong babae. Halata ang pagsisisi sa kanyang ginawang pagsampal sa anak.
“I’m sorry, Luke. Hindi ko sinasadyang sampalin ka.” Akmang hahawakan niya ito nang marahas na hinawi ni Luke ang kanyang kamay.
“Ma, bakit kailangan niyong humingi ng tawad?! Karapat-dapat sa kanya ang sampal na iyon. Hindi niya kayo nirerespesto. Wala siyang pakealam sayo—sa atin. Bakit ba hinahayaan niyo lang siyang pagsalitaan kayo ng ganito?” Sumingit na rin sa usapan iyong isa pang binatang kasama rin ng matandang babae.
“John!” Agad na suway ng nanay niya sa isa pang binatang anak. “Huwag mong pinagsasalitaan ng ganyan ang kuya niyo. Mas nakakatanda siya sa inyo kaya’t dapat respetuhin niyo siya.”
Napairap ako sa hangin dahil sa narinig. Now, everything makes sense. Kaya hindi niya marespeto ang ibang tao ay dahil mismong ina niya ay hindi niya mabigyan ‘non.
“Bakit sa amin pa kayo nagagalit, Ma? Siya ang pagalitan niyo. Hindi dahil gusto niyong makuha ang loob ni Kuya at magawa niyang patawarin kayo sa kung ano mang kasalanan ang nagawa niyo sa kanya noon ay hahayaan niyo nang bastusin niya kayo. Nanay niya pa rin kayo. He needs to respect you, still.” Mangiyak-ngiyak na sabi ng binata.
“Mama, tama naman po si Kuya John. Kahit kailan ay hindi kami matatanggap ni Kuya Luke. Let’s deal with it. Kasalanan ang turing niya sa amin, kami ang bunga ng pangangaliwan niyo para sa kanya.” Sabi naman ng dalaga.
Nakita ko ang paghikab ni Luke. Tumayo ito ng tuwid bago malamig na naman na tapunan ng tingin iyong nanay niya at mga kapatid niya.
“Done with your drama? Pwede na ba kayong umalis? I need to go, too. Huwag niyong sayangin ang oras ko and please, don’t drag or involve me in your family drama.” Sabi nito sa malamig na tono at umaaktong parang walang nangyari.
He’s too cruel, that is.
“Ganyan ba talaga ang ginawang pagpapalaki sayo ni Lucio?” Mahinahong tanong nito, pero ramdam pa rin ang sakit sa kanyang boses.
“No. Hindi kailangang sabihin sa akin ni Papa ang lahat. I grew up knowing anything. No brainwashing needed, dahil saksi ako kung paano ka sumama sa kabit mo. Nakakatawang isipin na kahit anong pigil nila Tito kay Papa na patulan ka ay nagawa niya pa ring piliin at pakasalan ang kagaya mo. A Casanova, huh? Those dirty beings,” umiiling iling na sabi nito at tinalikuran na ang kanyang ina at mga kapatid.
“Ano ba, Kuya?! Hindi mo ba talaga magagawang kaawaan at respetuhin si Mama?” Muling sigaw ng dalagang anak.
Humarap muli sa kanila si Luke bago dukutin ang wallet niya. “How much do you want? Just so you can stay away from me.”
Halos malaglag ang aking panga. He’s dealing with this situation using money. Gaano kasarado ang utak ng lalaking ito?
Natigilan ako nang mapansin ang isang nakakakilabot na ngisi sa kanyang labi. This is the first time I saw another expression on him, and it’s scaring the s**t out of me. It’s telling me that he’s dangerous.
“Iyan ba talaga ang tingin mo sa amin? Mukhang pera? Lalapitan ka lang kapag kailangan namin ng pera mo?” Halos pumiyok at ibulong iyon ng kanyang ina. Ramdam mo kung gaano ito nasasaktan. If only her pain can reach him, but he’s too cold to even notice.
“Ano pa nga bang ibang rason?” Tumaas ang isang kilay niya bago may ibang kunin mula sa maliit na bag naman na dala niya. May pinirmahan siya bago punitin ito at ihagis sa nanay niya. “That’s a blank cheque, name your price. Just stay away from me.” Muli niyang tinalikuran ang kanyang ina na halos mahimatay dahil sa ginawa niya.
Dire-diretso siyang pumasok sa kanyang sasakyan at pinaandar ito. Nakailang busina ito dahil nakaharap sa daraanan ng kotse niya ang mag iina. Binuksan niya ang bintana para muling magsalita.
“If you don’t get out of my way, I don’t have a choice but to run over my car on you. Don’t blame me after.”
Agad tumabi ang mag iina dahil sa sinabi ni Luke. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa nasaksihan.
Oh damn, I had enough drama for this day.
Somehow, I can understand his side after all that but still, I don’t know her mother’s side. Masakit ang mga natanggap niyang mga salita. I think, his mother already reflects on that, why can’t he just forgive and forget? It’s all in the past. May mababago ba dahil galit siya? Wala.
Pero sino ba ako para magsalita? Maging ako man ay nilalamon pa rin ng galit ko.
Tiningnan ko ang orasan ko. I still have 20 minutes before my first class. Hindi ako nagdalawang isip na lapitan iyong nanay niya.
Kinuha ko iyong panyo ko sa bulsa at inabot sa kanya. Tiningnan niya ito bago ako. Ngumiti siya bago tanggapin ang panyo ko.
“Salamat.” Anito.
Ngumiti lang ako at inayayahan siyang maupo sa isang wooden bench malapit sa parking lot.
“Mama, bibili ang kami ng maiinom niyo.” Pagpapaalam ng dalawa niyang anak bago umalis papunta siguro sa tindahan.
“Anak niyo po pala si…Luke?” Gusto ko sanang itanong ay kung anak niya ba iyong walang kwentang lalaking iyon pero huwag nalang. Baka magalit pa siya sa akin dahil ginaganoon ko ang anak niya.
“Oo, anak ko siya.” Matipid itong ngumiti sa akin. “Ngayon nalang ulit kami nagkita matapos siyang ilayo sa akin ng kanyang ama noong sampung taon palang siya. Pinaniniwalaan kasi nila na sumama ako sa ibang lalaki kahit ang totoo niyan ay natatakot lang akong balikan ni Lucio, iyong tatay ni Luke.”
Napataas ang aking kilay pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya. I don’t care about his life. Hindi naman kami close. But if telling me this will lessen her pain, I guess, it’s okay.
“Makikinig po ako,” alam kong kailangan niya iyon. Minsan mas nanaisin mong mag open up sa mga taong di mo kakilala kaysa sa mga taong nakakakilala sayo. The strangers won’t judge you. Minsan kung sino pang nakakakilala sayo ng lubos ay sila pang hinuhusgahan ka. That’s why, I’m thankful that I have friends like those three. Hindi nila ako pinaplastik.
Ngumiti sa akin ang nanay ni Luke bago tumango. “Baguhan ako sa isang manufacturing company. Gusto ko kasing kumita ng sarili kong pera. Ayokong umasa lang sa pera ng asawa ko. Nakita ko roon si Andres, isa sa malapit na kaibigan ko noong high school palang ako. Siya iyong naging kasa-kasama ko sa trabaho. Wala namang malisya kung tutuusin dahil magkaibigan lang talaga kami. But not for Lucio. Masyado siyang seloso. Lahat ng lalaking lalapit sa akin ay pinagseselosan niya.” Tumigil siya at huminga ng malalim.
Nakikinig lang naman ako sa kanya. Sa tingin ko naman ay hindi ko kailangang magsalita. Naandito ako para makinig lang.
“Binubugbog ako ni Lucio, iyong tatay nila Luke. Hindi ko man lang magawang makapagpaliwanag na wala akong relasyon sa kahit na sinong lalaki, na siya ang asawa ko at wala siyang dapat ikapag alala. Hindi ko nakaya ang araw-araw na pagpapahirap niya sa akin kaya’t lumayas ako.” Muling tumulo ang kanyang luha. Agad niya naman iyong pinahid.
Napalunok ako. Pakiramdam ko ay naaawa ako sa naging sitwasyon niya. Sino ba namang hindi? Hindi niya deserve iyong mabugbog dahil lang sa nagseselos ang kanyang asawa. Nakikita ko si mommy sa kanya. Halos pareho sila ng naging sitwasyon sa mga asawa nila. May kaunting pagkakaiba at magkaiba nga lang ang naging solusyon nila para makatas.
“Tinangka kong isama ang dalawa ang anak ko, si Luke at si Lucia nang maghiwalay kami ni Lucio ngunit hindi ko nagawang maisama ang dalawa. Inilayo agad sila ng kanilang ama. Si Andres iyong tumulong sa akin, kalaunan ay nagkamabutihan kami. Nagkaanak din, isang lalaki at babae.” Ngumiti ito, isang malungkot na ngiti. “Ganoon pa man, hindi ako sumuko sa paghahanap sa mga anak ko kay Lucio, gusto ko rin silang makasama. Isang araw, pag uwi ko ng bahay ay natagpuan ko nalang na patay na si Andres. Naliligo ito sa sariling dugo. Ayoko mang pagsuspetiyahan si Lucio pero siya lang ang maaaring gumawa ‘non.”
Natigilan ako sa huling sinabi niya. If that was true, does it mean that Luke’s father is a killer? Holy s**t!
“Mama, tara na po. Kailangan na po nating umuwi.” Natigil ang aming usapan nang dumating na ang dalawa niyang anak. May inabot itong tubig sa kanilang ina. Tumayo na rin naman ang kanilang ina.
“Salamat sa pakikinig. Sana ay alagaan mo ang anak ko. Magkaibigan naman kayo, hindi ba?” Matamis itong ngumiti sa akin. Nginitian ko rin siya. Matapos iyon ay umalis na sila.
Napawi ang ngiti ko nang may maalala ako sa sinabi ng babae kanina.
“Magkaibigan naman kayo, hindi ba?”
What the f**k? Magkaibigan kami ng lalaking iyon? Kailan pa? Hindi ata namin alam na dalawa na magkaibigan kami? Ni kausapin nga ang isa’t isa ay hindi namin magawa. How can I be friends with my prey? No way! Papaiyakin ko po ang anak niyo, hindi kakaibiganin. s**t.