Third Person’s Point of View
Nang umalis si Lawrence sa tabi ni Alexis ay agad itong dumiretso kung nasaan ang isang kaibigan niya na mahimbing pa ring natutulog na katabi naman ni Lucille.
Si Lucille naman ay pilit na iniiwas ang tingin sa katabi, dahil bukod sa hindi niya makita ang mukha nito ay ayaw niyang mapag abutan siyang nakatitig dito.
Bago pa man tuluyang makalapit si Lawrence sa kaibigan ay napatigil siya nang biglang pumasok muli ang isang professor nila.
“There will be an important meeting today. Cut na ang lahat ng klase para sa araw na ito. Iyong mga wala nang importanteng gagawin sa school ay maaari nang umuwi. Thank you and take care.”
Matapos i-announce iyon ay dali daling umalis muli ang propesor. Huminga ng malalim si Lawrence at nagpatuloy na sa paglalakad nito patungo sa kaibigan niyang katabi ni Lucille.
Marahanag ginising ni Lawrence ang kaibigan. “Thunder, wake up. The class is over. Umuwi na tayo at doon ka na matulog.”
Tinabig ng binatang katabi ni Lucille ang kamay ni Lawrence kaya mariin itong napapikit, nagpipigil na mainis dahil alam niyang sayang sa oras kung maiinis lang siya.
“Alam nang natutulog ang tao, eh! Respeto naman!” Giit ng lalaki.
Napakunot ang noo ni Lucille at napatigil siya sa kung ano mang ginagawa niya. Para sa kanya ay pamilyar ang boses na iyon, hindi niya nga lang masyadong matandaan kung saan niya iyon narinig.
“Gisingin mo na si Blood. I’ll wake Prince. Do it. I want to go home.” Mahinahon pero mariing sabi ni Lawrence sa kaibigan nang masigurado nitong gising na ito. Naglakad na si Lawrence papunta sa isa pa nilang kaibigan para gisingin na rin.
Itinunghay na ng lalaki ang kanyang ulo at kunot noong kinusot ang mata. Napatingin siya sa kanyang katabi nang mapagtantong may nakaupo na roon. Tumaas ang isang kilay nito noong una pero agad ding ngumisi.
“So, I have a seatmate now. Sinong naglakas ng loob tumabi sa akin, ha?” Sarkastikong sabi nito bago silipin ang kanyang katabi.
Mariing pumikit si Lucille. Naiinis man ay pinigilan niya pa rin. Ayaw niyang mang away sa unang araw niya rito.
“Can you please—”
Agad siyang napatigil sa pagsasalita nang harapin niya ang lalaki ay isang pamilyar na lalaki ang kanyang nakita. Ang kaninang pagpipigil ng inis ay hindi na niya napigilan pa. Agad siyang kinain ng galit niya para sa binatang iyon.
“s**t, it’s you!” Hindi na maiwasan ni Lucille ang pagsigaw.
Napataas ang kilay ng lalaki bago tumawa. “Oh, hindi ba ikaw iyong naligo kakahanap ng office ng department?” Tinuro niya pa si Lucille bago tumawa tawa.
Nagsalubong ang kilay ni Lucille dahil doon. Hindi na niya maitago ang nararamdamang pagkainis para sa lalaki.
“Ikaw ang dahilan bakit ako nabasa noon! How dare you laugh at me right now?!” Umirap si Lucille at humalukipkip. “At kapag minamalas ka nga naman, ikaw pa ang nakatabi ko? What the fuck.”
Natigil sa pagtawa ang lalaki bago magsalita. “Bakit nagrereklamo ka pa? Pasalamat ka nga at ang gwapo pa ng nakatabi mo. Ako dapat ang nagrereklamo dahil kagaya mo ang katabi ko, hindi ba?”
Nanlaki ang mga mata ni Lucille sa gulat dahil sa narinig niya. “Are you saying that I’m ugly? Ang kapal naman ng mukha mo! Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Mister? Eww ka.”
Tumawang muli ang lalaki, natutuwa dahil nagagawa niyang inisin ang katabi niya. “Bully ako but I’m not a liar. Totoo namang gwapo ako.” Kininditan pa nito si Lucille bago tumayo.
Hindi na naman nagsalita pa si Lucille. Aminado rin naman siyang gwapo talaga ang lalaki. Kung hindi lang niya iyon ginawa sa kanya rati ay baka patulan niya pa ito.
Nagtungo na ang lalaking katabi ni Lucille sa isa pang lalaki na katabi naman ngayon ni Sabrina. Sabrina doesn’t care about him, though. Nang mawala ang kanilang guro ay panay ang pagkuha niya ng litrato sa sarili.
“Blood, gumising ka na. Uuwi na tayo.” Tamad na sabi nito sa kaibigan. Hindi na ito nahirapan sa paggising dito dahil agad itong tumunghay. Mukhang kanina pa gising ngunit mas piniling manatili sa ganoong posisyon.
Nang mapansin iyon ni Sabrina ay agad niyang tiningnan ang lalaki. Ang mga ngiting nakalapat lang sa kanyang labi kanina ay biglang naglaho.
Napamura si Sabrina nang makita niya ang kabuuang mukha ng lalaki.
“Hindi ba ikaw iyong nakabunggo sa akin at hinayaan lamang akong pulutin ang mga gamit ko? Iyong hindi man lang nagmagandang loob na tulungan ako kahit kasalanan mo naman bakit iyon nangyari—”
Napatigil si Sabrina sa kanyang mga sinasabi nang tumayo ang lalaki at hindi siya nililingon, totally ignoring her.
Napatayo rin si Sabrina dahil na inis. “Ganyan ka ba talaga? Hindi mo man lang ako lilingunin kahit kinakausap pa kita? Oh my god! Such a rude fellow!” Humalukipkip si Sabrina habang tinataasan ng kilay ang lalaking nakatalikod pa rin sa kanya.
Bahagya siyang napaatras nang bigla siyang lingunin ng lalaki at binati siya ng malamig na mga mata nito. Napalagok siya dahil sa kaba pero hindi niya iyong pinahalata. She won’t back down, dahil ayaw niyang mapahiya.
“Done with your worthless rants? Can I go now?” Malamig na sabi nito. Halos manigas si Sabrina sa kanyang kinatatayuan. Marami pa siyang gustong sabihin pero hindi na niya sinabi pa. Ayaw na niyang marinig pang muli ang malamig na boses ng lalaki.
Pinanood nalang niya iyong umalis bago naiinis na maupo muli sa pwesto niya, nawalan ng ganang gawin ang bagay na ginagawa niya kanina.
“Damn, I hate him.” Bulong nito sa sarili.
Si Andrea ay nakangiting nakatitig sa kanyang katabi na nakahalumbaba habang nakatingin sa unahan. Kanina pa ito gising pero dahil sa may klase sila ay hindi niya magawang batiin. Gusto ni Andrea na magmukhang friendly kahit papaano, lalo na’t tipo niya ang lalaking katabi niya. He may be her next prey.
“Hi, I’m Andrea Marcella Sy, your new classmate, and seatmate. You are?” Naglahad ng kamay si Andrea sa lalaki. Napatingin ito sa kamay niya bago tumingin ng diretso sa kanya. Ngumiti ito, halos pumikit ang mga mata ng lalaki dahil sa pagngiti niya na siyang nagpatigil sa oras ni Andrea. She knew it! He’s just her type.
“Prince, uwi na tayo.” Naagaw ng mga kaibigan ng lalaki ang atensyon niya. Sumenyas ito sa mga ito bago ibalik muli kay Andrea ang buong atensyon.
“Kevin.” Matipid nitong sabi bago muling ngumiti. Tumingin itong muli sa kamay ni Andrea na nakalahad pa rin sa kanya, waiting for a shake hand. “And no need to do shake hands, nag iingat ako. Baka magkasakit ako kapag hinawakan ko ang kamay mo.” Tumayo na ito matapos sabihin iyon, leaving Andrea dumbfounded and speechless.
Nang magsink in sa utak ni Andrea ang nangyari ay agad napalitan ang ngiti niya ng pagkunot ng noo. Sinundan niya ng tingin ang lalaki ngunit huli na ang lahat dahil nakalabas na ito ng silid. Marahas siyang humilig sa backrest ng inuupuan niya bago nakangusong humalukipkip.
“Ang kapal naman ng mukha ng lalaking iyon. Anong akala niya, germs ako? Mukha ba akong madumi?!” Nakasimangot na bulong nito sa sarili.
Alexis’ Point of View
Dahil wala na raw klase ay nagdesisyon kaming umuwi nalang. Akala ko ay ako lang ang mainit ang ulo ngayon dahil sa lalaking iyon pero mukhang mas maiinit ang ulo ng mga kasama ko. Pwede ka na atang magprito ng itlog sa mga ulo nila sa sobrang init nito.
Nang makapagbihis ako ay agad kong kinuha ang phone ko. I searched for our school forum para naman maupdate ako sa mga nangyayari rito. Masabi man lang bang interesado ako sa university na iyon kahit na gusto ko na ulit bumalik nalang ng Korea or Japan para magpatuloy sa pag aaral. I still don’t get why our Titas chose this school—oh yeah, because of the Gangster Princes. Silly me, I almost forgot about that.
Habang nagscroll lang ako sa iba’t ibang articles na naandon ay may napansin akong isang article na nakakuha ng atensyon ko. It’s one of the hottest articles here and the most searched.
The Princes.
Hmm, ito ata iyong tinutukoy na grupo ng isang kaklase kong lumapit sa akin kanina. I forgot her name but whatever, she’s not important.
I clicked it and tried to read the whole article. May part doon na para sa mga estudyanteng gustong magsimula ng discussion at mayroon naman doon na part na may mga pictures and background ng mga tinatawag nilang Princes.
“Heartthrobs.” Basa ko sa isang nabasa tungkol sa kanila. Nagtaas ako ng kilay. I can’t deny that they are all good looking. Iyong katabi ko palang ay masasabi kong hindi malayong maging sikat nga sila but still, he’s annoying! I bet his friends are, too.
“Kevin Caius Hyo-Maranzano. Born on September 11, 199-. He’s the leader of the group and his friends call him Prince.” Pagbabasa ko patungkol doon sa tinagurian nilang first prince. Dami namang kineme ng mga ito.
“Second prince.” Tumaas ang isang kilay ko. This is him! My f*****g annoying seatmate! “Lawrence Aston Kang-Salvatore. Born on September 25, 199-. He’s heartless and the majority of the students are scared of him. But still, a lot still admires him. He has an older sibling named Nicole Amber Salvatore. His nickname is Ace.”
Hmm? What’s with their weird nicknames? Wala namang connect sa mga pangalan nila. Oh well, trip nila iyon.
“Third Prince.” Kumuha ako ng popcorn at kinain iyon habang patuloy sa pagbabasa. “David Axle Lim-Siangchongco. Born on January 3, 199-. He’s a bully and he has a younger sister, Jesselle Adrianna Siangchongco. His nickname is Thunder.”
“Fourth prince.” Oh, it’s the last member.
Babasahin ko palang sana ang tungkol dito ay napatitig ako sa nagload na picture nito. Halos manigas ako dahil ang lamig ng mga mata nito. Muli kong binalikan ang picture ni Lawrence at napansin ko na wala naman itong buhay. I thought they have the same expressions in their eyes but I guess I was wrong. It’s different. Lawrence has this sharp yet emotionless eyes. It’s dull, while for this fourth prince, he’s cold.
“Lucas Raleigh “Luke” Chua-Villafuerte. Born on December 23, 199-. He’s mysterious and that’s why everyone is interested and attracted to him. His nickname is Blood.”
Blood, huh? Mukha ngang walang dugo ang isang ito dahil sa sobrang lamig ng ekspresyon niya.
Ibinaba ko na ang cellphone ko matapos kong basahin ang article tungkol sa kanila. Nakilala ko na rin sila at naging pamilyar dahil sa mga nakaattach na pictures nila roon. So, they are really heartthrobs, huh? I thought that girl from earlier was just bluffing about it.
Hindi ko maitatanggi na gwapo nga sila at mahuhumaling talaga ang mga babae sa kanila. Sila iyong tipo na hahawi ang mga tao kapag dadaan sila. With the built of their bodies and with those faces, they can even pass as models for Calvin Klein.
Humiga ako sa kama ko at napatitig nalang sa kisame. Kinagat ko ang aking labi. Bakit ba kasi kailangan kaming magkakilala sa ganoong sitwasyon. Kung hindi lang ako naiinis sa tuwing nakikita ko siya ay hindi ako magdadalawang isip na landiin siya. I can make his heart beat even if they called him heartless. I can make him warm in my bed.
Damn, now I’m messed up. Pinagnanasaan ko ang lalaking kinaiinisan ko. I guess, there’s nothing wrong about it. Hindi naman sinabing masamang pagnasaan ang taong nagpapairita sayo, hindi ba?
Oh s**t, now I feel weird. f**k.