Chapter 6:

2230 Words
Andrea’s Point of View Narinig ko ang pagsara ng libro ng guro namin, hudyat na tapos na ang klase at ang pagdidiscuss niya. Agad akong nabuhayan. Sa wakas ay uwian na! Best part talaga ito bukod sa mga break. Nasa gate na kami ngayon ng school, nag iisip kung tutuloy sa pagpunta ng mall o hindi. Alam niyo naman ang mga kaibigan ko, kay hihilig magshopping. “Ano na? Aabutin pa ata tayo ng isang dekada para lang malaman kung tutuloy tayo sa mall o uuwi nalang.” Buntong hininga ni Alexis. Napairap naman ako sa sinabi niya. Kung ako sa kanila ay uuwi nalang ako. Wala ako sa mood magmall, gusto ko lang matulog. Napansin ko rin ang pag ismid ng mga kaibigan ko kay Alexis bago sila magkasundo na pumunta na nga ng mall. Papasakay na kami ng sasakyan nang may mareceive akong message mula kay Tita. She wants me to meet someone. Hindi ko alam kung bakit ako lang pero nagpaalam ako sa mga kaibigan ko at sinabing susunod nalang ako sa kanila sa mall. Marami silang tanong pero gumawa nalang ako ng excuse para makatakas sa kanila. Nagtaxi nalang ako papunta sa ibinigay na lugar ni Tita sa akin. Noong una ay natatakot pa ako dahil baka may makakita sa akin at mabuking pa ako ngunit nang makita kong isa itong pasugalan na pagmamay ari namin ay nakahinga ako ng mabuti. “Miss Andrea,” agad akong sinalubong ng isang lalaking nakashades at nakaitim na polo shirt. Hanggang bukana lang ako dahil nakauniporme pa ako ng school. “Yes?” Nagtaas ako ng isang kilay. Siya na ata iyong sinasabi ni Tita. “Here’s the file. May ilan po diyang inpormasyon na maaaring makapagturo kung sino ang Gangster Princes. It can help you but we still need solid pieces of evidence. Hint palang po iyan.” May iniabot siya sa akin na isang envelope. Kinuha ko iyon at agad na nagpasalamat sa kanya. Umalis na rin ako matapos iyon. Nilagay ko sa bag ko ang envelope. Sa bahay ko nalang siguro iyon bubuksan. Itatanong ko pa kay Tita kung ipapaalam ko ba ang tungkol doon sa mga kaibigan ko. Naghintay ako ng taxi na maaari kong sakyan ngunit walang dumaraan dito. Nagtry din ako sa grab ngunit wala akong signal. Oh f**k, ang swerte ko ngayong araw. Huminga ako ng malalim bago nagdesisyong maglakad na lang hanggang sa magkasignal ako or makakita ng taxi. Ang saya saya ng buhay, leche! Panay ang silip ko sa cellphone ko kung nagkakasignal ba ako pero wala pa rin. Hindi ko na alam kung nasaan na ako o may mapupuntahan ba ang paglalakad kong ito. Damn, this is annoying. “Miss!” Natigilan ako saglit nang may sumitsit sa akin. Napairap ako habang nakatitig pa rin sa aking cellphone. Sunod sunod ba talaga ang kamalasan ko ngayong araw? Wala na bang ilulubos iyan? Darn. Nagpatuloy ako sa paglalakad, pretending not to hear anything. “Miss Pretty!” Stop catcalling! Ayoko sa lahat ganito. Alam kong malandi ako and all pero ayoko pa rin na binabastos ako. I still now my worth, at hindi ako dapat binabastos o kahit sinong tao pa. I still deserve to be respected, s**t kayo! Hindi ko pa rin sila pinansin at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. I really want to curse them pero mas iniisip ko ang makaalis na sa lugar na ito. “Hoy!” Nagulat ako nang may humawak sa aking braso. Mariin iyon at nakakaramdam ako ng pagsakit nito. Kunot noo akong tumingin sa kung sino mang humawak sa akin at agad akong nagsisi. May limang lalaki ang nakapaligid sa akin, ang isa sa kanila ay hawak ang braso ko habang may nakakakilabot na pagngisi. “Kanina ka pa namin tinatawag, ah. Parang wala kang naririnig.” Hindi mawala ang pagngisi niya sa akin. Napangiwi ako. Bukod sa nakakaradam ako ng takot ay nandidiri rin ako sa kanila. “Paligayahin mo kami.” And now he’s commanding me? As if, I will! Agad kong hinila ang aking braso at umatras papalayo sa kanila. “No! Tangina niyo! Ipapakulong ko kayo!” Matapos kong isigaw iyon ay agad akong tumakbo papalayo sa kanila. Sobra iyong pagkabog ng aking dibdib dahil sa kaba. Minsan ay napapaisip ako bakit tinatanggihan namin ang anyaya nila Tita na turuan kaming makipaglaban for self-defense. We need it in times like this! “s**t!” Halo halong mura ang aking sinabi nang maabutan nila ako at hinawakan ang magkabilang braso ko. Ngayon kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ko na magawang makatakas pa sa kanila. “Papahirapan mo pa kami, ha? At akala mo magagawa mo pang makapagsumbong sa pulis pagkatapos ng gagawin namin sayo. Nagkakamali ka.” Marahas nila akong hinila pero gumawa pa rin ako ng paraan na patigilin sila sa balak nila kahit na alam kong walang nangyayari at hindi ko matulungan ang sarili ko. No! This is rape. I don’t want this. No one deserves to be in this situation! Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. I’m helpless. Kung sino sinong Santo na ang aking tinawag at dinasalan para lang makawala ako sa posisyon na ito. “Anong ginagawa niyo?” Napamulat ang aking mata nang may marinig akong boses ng lalaki na mukhang hindi kasama ng mga lalaking ito. Mukhang may pag asa pa akong makawala sa sitwasyong ito. “Help me—” bago pa man ako makahingi ng tulong at makatingin sa lalaki ay agad tinakpan ng isa sa mga lalaki ang aking bibig. “Hoy, huwag kang mangengealam dito, ha!” Mariing sabi ng isa sa mga lalaki. Nakarinig ako ng yabag. Ang susunod na nakita ko ay nasa harapan ko na siya. May maliit na distansya nalang siya sa akin. Dahil doon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob magpumiglas. Nakawala ang aking bibig sa kanilang pagkakatakip at agad na humingi ng tulong sa lalaking dumating. “Please, help…me?” Nawala ang pag asang nararamdaman ko at para bang nagdalawang isip kung tama bang humingi ako ng tulong sa kanya. It’s Kevin! Iyong seatmate kong mas maarte pa sa akin at tinuring akong germs! “Ganyan ba ang paghingi mo ng tulong? May pagdadalawang isip? Hmm?” May panunuya sa kanyang mga salita. Nairita tuloy ako. Iyong takot ko kanina ay napalitan ng pagkainis lamang sa kanya. “So, I guess, magdadalawang isip din ako kung tutulungan kita o hindi?” Jerk! “No, no, I was just surprised, that’s all. Please, help me, Kevin.” I plead. Lulunukin ko na ang kahit anong inis ko sa kanya matulungan niya lang ako. Gusto ko nang makawala rito. I know it’s not obvious but this is kind of traumatizing! Ngumisi siya, kinilabutan ako dahil doon. Hindi ko tuloy alam kung kanino ba ako dapat matakot. Sa mga lalaking may binabalak na masama sa akin o sa kanya. On a swift move and seconds, nagawa niya akong mabawi mula sa mga lalaking kanina lamang ay marahas akong hinahawakan sa braso. Natulala ako habang pinapanood si Kevin kung paano bugbugin iyong mga lalaki. Even if he’s outnumbered and obviously on the disadvantage side, he knows how to fight. Sa huli ay kahit mag isa siya, natalo niya iyong limang lalaki na may masamang balak sakin kanina. Nakahinga ako ng maluwag at napangiti. Agad kong nilapitan si Kevin para man lang makapagpasalamat. “Thank you—” Agad siyang humarap sa akin na siyang napatigil sa aking pagsasalita. Muli siyang ngumisi sa akin kaya’t bumalik iyong kabang nararamdaman ko kanina. He’s dangerous, I can feel it, more dangerous than those five men! “My help is not free, you owe. I need something in return.” Aniya. Ilang segundo siguro akong nakatitig lang sa kanya bago mapakurap kurap dahil sa sinabi niya. Kapalit? Anong kapalit ang gusto niya. “What? You want s*x?” Pagtataas ko ng kilay sa kanya. Kung iyon ang kapalit ay okay lang naman sa akin. Hindi naman maituturing na rape kung walang sapilitang naganap kagaya ng kanina. Napailing siya at muling ngumisi. I can see amusement in his eyes. Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan. “Is this the police station?” Napakunot ang aking noo nang may kausapin siya sa kabilang linya. It turns out, he called the police, para pulutin at ipakulong iyong mga nagtangkang mang rape sa akin. Tumaas ang kilay ko nang ibaba niya ang cellpone niya. He’s done talking and he diverts his full attention to me. All eyes on me now. It’s making me nervous for some unknown reason. “Back to what I’ve said. It’s not free, you need to pay.” Muling kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong kapalit ba ang kailangan niya? Ayaw pa akong diretsuhin. “And it’s not sex.” Para bang natatawa niyang sabi sa akin. I pursed my lips, tinatago ang pagkairita sa kanya. Para akong napahiya sa sinabi niyang iyon. “Then what?” Hamon ko sa kanya, pilit na tinatago ang kahihiyan. Tangina nitong lalaking ito. Naiiyamot na talaga ako. Humakbang pa siya papalapit sa akin, sa bawat hakbang niya naman ay siyang pag atras ko. He’s creeping me out. Sinasabi ko na nga ba, hindi lahat ng gwapo ay dapat pagpatansyahan! Oo, nang makilala ko siya, kahit na nainis ako dahil ang arte niya ay pinagpantasyahan ko rin naman siya ‘no! Sino ba namang hindi? He has the looks; his body is muscular. Parang ang tigas tigas ng bicep niya at ng abs niya. s**t—okay enough with that. “You must agree first, papayag ka sa kahit anong kabayaran ng pagliligtas ko sayo.” He licked his lower lip, the reason why I almost choked with my own f*****g saliva. Bakit ang pagdila niya sa kanyang labi ay nakakamangha at nakakapagpatulala sa akin? “Paano ako papayag sa gusto mo gayong hindi ko naman alam kung anong klase ang ipapagawa mo sa akin?” Inirapan ko siya at humalukipkip. Gusto ko mang takbuhan siya ay natatakot ako. Baka mamaya ay saktan niya ako kapag tumakbo ako. Oo, iyon ang tingin ko sa kanya. Matapos ko siyang makitang makipagbakbakan sa limang lalaki ay nagbago ang imahe niya sa akin. Pakiramdam ko ay babalian niya ako ng buto kapag inayawan ko ang gusto niya. He’s far from being a gentleman, after all! “Well, wala ka namang choice kung hindi pumayag. Dahil kung hindi…” kinagat niya ang kanyang labi at ngumisi. Halos mapasinghap ako dahil sa nakita kong pagkagat niya ng kanyang labi. Omg, Andrea, keep your s**t together! “Kung hindi?!” Sa pagsigaw sigaw ko sa kanya ay tinatago ko ang panginginig ng aking boses. f**k, I want him! “You’re dead,” mala anghel siyang ngumiti. Ang mga pagnanasa kong nararamdaman para sa kanya kanina ay napalitan ng pagkagulat at takot. Is he…serious? Nag angat ako ng tingin sa kanyang mga mata. Nakangiti man siya ngayon ay iba naman ang sinasabi ng kanyang mga mata. He’s f*****g serious about it! “So, what’s the condition?” Sa tingin ko ay wala na akong magagawa. Wala rin naman sigurong mawawala sa akin kung papayag ako o kung hayaan ko nalang siya. Niligtas niya naman ako. Lumawak ang kanyang ngiti, but the hardness and the darkness in his eyes are still evident. Kinilabutan na naman ako. “It’s easy,” panimula niya. “I need you, Andrea.” May kung anong kuryente ang gumapang sa akin mula sa likod ko nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Ngayon ko lang ata narinig na tinawag niya ako sa pangalan kong iyon. “A-Ano?” Bakit ako kinakabahan ngayon? Bakit ako nauutal? Oh s**t! What now? “I need you.” Halos ibulong niya sa aking tainga ang mga salitang iyon. Muli ay nakaramdam ako ng kakaibang kuryente sa katawan. “You need me?” He needs me, he says, pero hindi ko alam kung tama ba ang mga iniisip kong mga bagay bagay. “Kailangan kita. I will be needing your help to make someone jealous, Andrea. Kailangan ko ng tulong mo para pagselosin si Arianne.” Aniya. Lahat ng halo halong pakiramdam na nararamdaman ko ay naglaho. Napalitang iyon ng pagkadismaya. Hindi ko alam kung bakit ako dismayado pero siguro ay dahil hindi lang ako sanay na gusto akong gamitin ng lalaki para pagselosin ang ibang babae. Damn you, ako ang nanggagamit sa lalaki ang not the other way around! “How can I help you? Hindi ko nga kilala iyon.” Umirap ako. Halatang halata ang pagkairita sa boses ko. “Just pretend to be my girlfriend.” Halos malaglag ang aking panga sa sinabi niya. Pretend to be his what? Nababaliw na ba siya? I don’t do those things! Hindi ako nakikipagrelasyon, kahit pa pagpapanggap lang, counted iyon sa akin. I just f**k and that’s it! “Seryoso ka ba diyan?” Gusto kong matawa sa kanya pero hindi ko magawa. Hindi ako natutuwa! “Do I like I’m joking here?” Seryosong tanong niya sa akin bago iangat ang isang kilay niya. Napairap muli ako. “Why me?” Isang tanong ko na sa tingin ko ay masasagot niya naman. “Because I know you’re not going to fall in love with me. Hindi ka kagaya ng mga babaeng nakakandarapa sa amin. You’re different.” Of course! For me, relationships are like games. You need to play well, the first to fall in love will lose. “Okay, fine! Wala naman akong choice, hindi ba? I owe you.” Wala rin naman sigurong masama. May utang na loob ako sa kanya at binabayaran ko lang iyon sa pamamagitan ng pagpapanggap. I can do this. Matapos ang dalawang relasyong nagparealize sa akin na walang tunay na pagmamahal, at sa mga isyu na rin ng pamilya ko, nakakasigurado ako that love is nonexistence. Kahit sino ka pa, hindi mo magagawang tibagin ang pananaw ko at hindi ako mahuhulog. Kaya nakakasigurado ako na tama siya, hindi ako mapo-fall sa kanya kahit anong mangyari. Wala akong dapat ikatakot. Hinila niya ako papalapit sa mamahaling kotse niya. “Ipapakita ko sayo kung sino si Arianne, para alam mo ang gagawin mo kapag nakita mo siya.” Nagpadala nalang ako sa kahit na anong gusto niya. Let me just get out of this place. At noong araw na iyon, nakakasigurado akong papatayin din ako ng mga kaibigan ko dahil nakalimutan kong sumunod sa kanila sa mall.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD