Chapter 1:

1812 Words
Andrea’s Point of View “Oh, we’re here!” Masayang sambit ni Sabrina na nasa likod ko lang. Humikab ako at dahan dahang ibinaba ang wayfarer na suot ko at agad ko rin namang ibinalik sa pagkakasuot. Damn, ang init dito. Kumpara mo sa weather sa Korea ay ibang iba ang timpla ng panahon sa lugar na ito. Okay, I’ve been here. Actually, all of us. Sinasama naman kami rito ng mga magulang namin dito pagminsan, para raw hindi makalimot. That’s why marunong akong magtagalog kahit na sa Korea ako nag aaral. Tagalog naman ang salita sa bahay kaya sanay na sanay ang dila ko. The same goes for my friends. “Nasaan na ba iyong susundo sa atin para ihatid tayo sa bahay na binili ng mga tita natin while we’re here? I want to rest.” Maarteng pagkakasabi naman ni Alexis. Hindi na rin bago, sa aming apat ay siya iyong maarte talagang magsalita while Sabrina ay mas maarteng kumilos pero mas normal naman magsalita. As for Lucille, ewan ko diyan, laging mainit ang ulo. Pinaglihi pa ata ng nanay niya sa sama ng loob. Ako lang ata talaga ang normal sa aming magkakaibigan. Nakakita kami ng maliit na banner kung saan nakasulat ang pangalan namin. Agad kaming lumapit sa lalaki at ibinigay ang mga gamit. Kagaya ni Alexis ay gusto ko na ring umuwi para makapagpahinga. “Okay, I really want to rest but I want to go shopping, too. Which shall I do first?” Tiningnan kami ni Alexis matapos niyang itanong iyon. “Duh, did you really have to ask that? Syempre,” umirap si Sabrina. Humilig nalang ako at ipinikit ang mga mata. Iidlip muna ako habang nasa byahe. “Shopping!” Sabay nilang sabi bago magtawanan sa likod. Napairap ako. Kung magsha-shopping sila ay hindi naman ako sasama. I can do that on the other day, sa ngayon ay gusto kong magpahinga lang. “I’m not coming with you,” malamig na sabi ni Lucille. See that freaking attitude of her? Lagi iyang ganyan. Laging mainit ang ulo. Akala mo menopausal stage na kahit hindi pa. Sa lalaki lang malambing. “KJ!” Sigaw ni Alexis. “Ikaw Sabrina?” “Gusto ko rin, but on the second thought, I really want to rest.” Hinayaan ko na silang magdaldalan doon. Makakapaghintay naman ang kwento pero ang tulog at pahinga ko ay hindi. Nakapikit man ang mga mata ko ay hindi naman ako talagang tulog. Hindi ko malaman dito sa sistema ko. Ramdam na ramdam ko ang pagod dahil sa byahe pero gising na gising ang diwa ko. Naalala ko ang ilang paalala nila Tita sa amin bago kami umalis ng Korea. Ang sabi nila ay huwag daw naming ilalantad ang pagkatao namin sa iba dahil baka maging ang mga taong hinahanap namin ay hinahanap din pala kami. Bakit nga ba magkagalit ang grupo naming mga Casanova at ang grupo ng mga Gangsters na iyon? Malay ko rin. Ang alam ko lang ay may nangyari sa nakaraan kaya nagrambulan ang dalawang grupo. Kung ano man ang dahilan ay wala na akong pakealam. Mabilis lang naman ang trabaho namin dito, ang kumuha ng inpormasyon. Our plan is to seduce them. Since mga lalaki ang mga iyon at mayroon sila ng tinatawag nilang instinct at dahil doon ay mabilis lang siguro sa aming apat ang landiin sila. Bahala na sila kung mahulog sila sa patibong namin. As of now, wala pa kaming sapat na inpormasyon tungkol sa kanila. May mga tao namang nag iimbistega sa kanila kaya once na nalaman nila ang katauhan ng mga iyon ay agad nilang ibibigay sa amin. Hindi kami pinanganak na malandi. Sa katunayan niyan ay hindi rin namin maintindihan noon kung bakit papalit palit ng lalaki sila Tita, kung bakit hanggang ngayon ay wala silang asawa. Kahit na may anak si Tita Ana. Mangmang ako noong bata ako, wala akong kaalam alam sa nangyayari sa mundo at lahat ng katanungang mayroon ako noon ay nabigyan ng sagot nitong lumaki na ako. Men are trash. I am not generalizing them, dahil may mga lalaki pa rin namang matitino but if the shoe fits, then, feel free to wear it. Bato bato nalang sa langit. My dad left my mom for his mistress when I’m still a kid, iyon ang sabi ni Mommy. Hindi ko alam ang buong kwento. Basta dahil doon ay nag iba ang tingin ko sa mga lalaki. Though, I must say, sa tuwing dinadalaw ako ni Dad ay naiisip ko na parang hindi siya ganoong tao tulad ng kwento ni Mommy. But never mind. Dalawang lalaki ang nanloko sa akin. Iyong una, si Jerome, ay sobra akong nasaktan lalo na nang malaman kong gangster siya. Alam niyang ayaw namin sa mga ganoong tao yet he deceived me and broke my f*****g heart. Iyon naman pangalawa ay hindi na ako masyadong umiyak. Nasaktan ako, oo, dahil naloko na naman ako pero hindi na kagaya noong sa unang heartbreak ko. Now, I’m a changed woman. I don’t do boyfriends anymore. I f**k, I flirt and that’s it. Bukod pa sa mga karanasan ko ay napapansin ko rin iyong napagdadaanan ng ibang tao. I have enough evidence para sabihing basura ang ibang lalaki. Para naman sa mga kaibigan ko, may iba’t ibang dahilan sila bakit ganito ang naging landas nila, kung bakit pare-pareho naming tinahak ang landas na pinili rin noon ng mga tita namin. Marami ang nagsasabing mas kaugali namin ang mga tiyahin namin kaysa sa mga tunay naming ina. Hindi ko rin naman maitatanggi iyon dahil malapit talaga kami sa mga tiyahin namin, siguro ay dahil na rin hinuhubog nila kami para sa araw na ito, sa araw na magagamit nila kami para kalabanin ang kaaway nila. Okay lang naman sa akin, I mean, kung may maitutulong ako para sa kanila, I am willing to help. Nakarating na kami sa bahay na binili ng mga tita namin para tirahan naming apat. It’s a modern house. Sinugurado talaga nilang matitipuhan namin iyong bahay. Pumasok na ako sa loob ng bahay. The interior is great, too. Hindi masyadong girly ang kulay, though, malalaman mo talagang mga babae ang nakatira. “Magpapahinga na ba kayo?” Pagtatanong ni Alexis. Tumingin kami sa kanya at sabay sabay na tumango. “Okay, magpapahatid lang ako sa mall. My hands are itching to touch new clothes. Ciao!” Matapos niyang sabihin iyon ay inilagay niya lang muna ang mga gamit niya sa isang tabi at kumaripas na ng takbo palabas.   Alexis’ Point of View Nang makarating ako sa pinakamalapit na mall sa bahay ay agad akong dumiretso sa Starbucks para makabili ng paborito kong inumin. Nagsimula na akong maglibot libot sa loob. I scan every store they have here. Some stores are familiar to me and the rest are not. Pumasok ako sa store ng isang kilalang brand at tiningnan ang mga magaganda nilang damit doon. Hinahaplos ko ang bawat tela at tinitingnan kung maganda ba ang pagkakagawa. Ayoko namang bumili lang ng damit na maganda lang pero mabilis masira. I invested to it so I want it to be worthy. “Hi Ma’am, new arrivals po namin ang mga iyan at mga best sellers.” Hindi ko pinansin iyong saleslady dahil nakatuon ang buong atensyon ko sa mga damit na naandito. Napatigil ang kamay ko sa isang dress na nakapukaw ng aking atensyon. Tela palang ay halos luhuran ko na, paano kaya kapag nakita ko na ang buong disenyo ng damit? Kukunin ko na sana iyon nang may isa pang kamay ang humila sa kabilang bahagi ng damit. Agad kumunot ang noo ko dahil sa nangyari. Hindi ako nagpatinag at panay pa rin ang hila at pagkapit ko sa damit na iyon. Kapag sinabi kong maganda ang isang damit ay hindi ko iyon tinatantanan hangga’t hindi ko nabibili. Inis kong tiningnan kung sino man ang humihigit sa damit na nagustuhan ko at halos mabitawan ko iyon nang makita ang isang lalaki sa kabilang dako. Pinasadahan niya ako ng tingin at halos manginig ang tuhod ko sa tila walang buhay niyang mga mata. Why so lifeless? What’s with his eyes—Oh, f**k! Forget about that, you’re here for the dress and not to flirt! “Bitawan mo.” Utos ko sa kanya. Ganoon pa man ay hindi kumilos ang lalaki at nakahawak pa rin sa dress na hawak ko pa rin naman. Akala niya ba ay magpapatalo ako sa kanya? No way! Kahit na gwapo siya at tipong tipo ko ang mga kagaya niya ay hindi ako magpapasindak at magpapadala roon. The freaking dress is mine! Tiningnan niya ako pero hindi siya nagsalita. Muli kong napagmasdan ang tila walang buhay niyang mga mata. “Ang sabi ko bitiwan mo!” Naiinis na talaga ako. Pakiramdam ko ay sinusubukan nitong lalaking ito ang pasensya ko. “No,” malamig niyang sabi sa akin. Oh, at marunong naman pala siyang magsalita? Grabe iyong boses, mami! Makalaglag panga. Boses palang, nakakahimatay na. If only were not in this situation, lalandiin ko talaga siya. “Ako ang unang nakakita rito, kaya akin ito!” Hihilahin ko pa sana papalapit sa akin pero hindi ko nagawa. Masyado siyang malakas kahit na pakiramdam ko ay effortless niya itong hinahawakan. “Ma’am—” pigil sa amin noong saleslady pero hindi ko iyon pinakinggan. “Give this to me!” Hinila kong muli ang damit, sinisiguradong hindi pa rin masisira dahil sa paghilang ginagawa ko. “Don’t order me around, Miss, and please, the dress is not yours, hindi ka pa bayad.” Malamig niya muling sinabi sa akin. “Wala akong pakealam. Mas una ko itong nakita kaysa sayo so give this dress to me—” Bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay agad niya iyong binitawan kaya’t napaupo ako sa sahig. Tangina, ang sakit ng pwet ko! “There, all yours.” Matapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya papalapit sa isang saleslady. Tumango tango iyong kausap niya bago umalis at may kinuha sa stock room. Napansin ko ang iilang dumadaan na natatawa dahil sa nangyari. Tumayo ako kahit ramdam ko pa ang pananakit ng pwetan ko. This guy is getting on my nerves. Wala ba siyang manners?! May ibinigay na dress na kahawig ng hawak ko ngayon iyong saleslady sa kanya. Tumango ito bago pumunta sa counter at magbayad. Pinanood ko lang ang bawat kilos niya. Bakit ba gustong gusto niyang makuha itong dress na ito sa akin? Isusuot niya ba? Para sa kanya ba? Marami akong tanong tungkol sa lalaki at sa eagerness niyang maagaw iyong dress at hindi rin naman nagtagal ay nasagot ang mga iyon. “Thank you, Law! You’re the best brother ever!” Sabi ng isang magandang babae bago yakapin iyong lalaking nakipag agawan ng dress sa akin. “Yeah, whatever. Let’s just go home, Ate.” Matapos niyang sabihin iyon ay nakapamulsa na siyang naglakad. Agad namang sumunod iyong babae sa kanya. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at huminga ng malalim, pilit na pinapakalma ang sarili. Okay, Alexis, chill. It was for her sister, I guess. Hindi para sa kanya. Nasayo naman iyong dress so no need to bother yourself with that asshole. Nagmartsa na ako papunta sa counter para makapagbayad. Hindi ko na kailangang isukat, alam ko naman na maganda iyon at kasya sa akin. Hindi ko lang talaga maialis sa isip ko iyong lalaki kanina. Grr, sana lang ay hindi ko na siya makita pang muli or else that guy will be the death of me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD