Lucille’s Point of View
“Andrea, gumising ka na.” Marahan ko siyang niyugyog para magising na siya ngunit hindi pa rin niya iminumulat ang kanyang mga mata. Damn, naiirita na ako, ha. Sumasakit na ang lalamunan ko kakatawag sa pangalan niya kanina pa pero hindi ko pa rin magawang gisingin ang babaeng ito.
Buhusan ko kaya ito ng malamig o kumukulong tubig? Okay, which is better?
May importante kaming appointment ngayon dahil mag eenroll kami sa nasabing school nila Tita kung saan may hint silang naandon din ang mga hinahanap namin and here’s Miss Andrea Marcella Sy, sleeping like there’s no f*****g tomorrow. Huling tulog na ba niya ito kaya’t nilulubos na niya?
“Andrea, ano ba? Hahapunin tayo kapag hindi ka pa bumangon diyan. Baka masyadong dumami na ang tao sa school. Ayokong pagkaguluhan.” Patuloy na panggigising ko sa kanya.
Iniisip ko rin kasi na malaki ang chance na pagkaguluhan kami because why not? Masyado kaming maganda para hindi magstandout sa school na iyon kaya kahit planuhin kong maging low profile ay hindi iyon mangyayari.
Bumukas ang pintuan kaya’t tamad ko itong nilingon nang makita kong pumasok si Alexis. Tiningnan niya ako bago ilipat ang titig sa babaeng natutulog pa rin.
“Holy s**t, tulog pa rin si Andrea? Ginigising mo ba talaga o baka naman kinakantahan mo pa ng lullaby kaya lalong hindi magising, Lucille?” Anito.
Kasalanan ko pa ngayong hindi ko magawang magising si Andrea? Why blame me when I did nothing wrong and tried to wake this b***h up.
“Hindi ko kasalanan na kahit anong panggigising ko sa kanya ay hindi siya magising.” Humalukipkip ako at inirapan si Alexis.
Narinig ko na rin ang boses ni Sabrina sa may sala dahil mukhang naiinip na sa amin kakahintay. Lahat kasi kami ay nakaayos na, itong si Andrea nalang ang hindi pa.
“Hoy Andrea!” May ibinato si Alexis na unan kay Andrea para gisingin na rin ito but still, it has no effect on her. Damn, I surrender.
Tinapunan ko si Alexis ng tingin. “Didn’t you guys stay late last night? Anong ginawa niyo? Nagising nalang ako hating-gabi ay nag iingay pa kayo.”
Natigilan saglit si Alexis at halatang napaisip. May pagdadalawang isip sa kanya, kung magsasabi ng totoo o hindi. Bakit pakiramdam ko ay nagbabalak pa siyang magsinungaling sa akin?
“Nagpunta kaming bar.” Nagkibit balikat siya matapos sabihin iyon.
Halos masabunutan ko si Alexis dahil sa sinabi niya. Nagbar sila nang hindi ako kasama? Bakit sila sila lang? Akala ko ba ay magkakasama kami sa lahat ng kagagahan nila? Bakit nang iiwan ang mga b***h na ‘to?!
Kunot noo kong tiningnan si Alexis na ngayon ay ginigising pa rin si Andrea.
“Nagbar kayo? Tapos hindi niyo ako sinama? Magkaibigan ba talaga tayo? Pakiramdam ko kasi hindi.” Pag iinarte ko. Nakakatampo na hindi nila ako sinama sa gimik nila kagabi.
“Ang drama mo! Hindi ka lang naisama ng isang beses, eh. Tulog ka na kasi kagabi, ayaw naman naming sirain ang tulog mo. We can still hang out next time. We have a lot of time. Chill ka lang. Gisingin muna natin si Andrea.” Nagpeace sign pa ang gaga. Akala niya naman mawawala ang inis ko dahil sa pang iiwan nila sa akin.
Halos mapatalon kaming dalawa ni Alexis nang may pabarang na nagbukas ng pintuan. There, we saw Sabrina, looking at us like we committed something bad, habang nakapamewang.
“Ang tagal niyo! Hahapunin na tayo sa pagpapaenroll, eh.” Sigaw nito sa amin bago tumingin kay Andrea na natutulog pa rin. “And look at Andrea, ginigising niyo ba talaga? Dalawa na kayo ay hindi niyo pa rin magawang gisingin ang babaeng ito.” Nilapitan na rin kami ni Sabrina at tumulong sa paggising sa kaibigang himbing na himbing pa rin.
Ginawa namin ang lahat para magising lang ang babaeng nagngangalang Andrea pero wala kaming nakuha sa kanya kung hindi ang pagsigaw niya nang bahagya siyang magising pero agad ding bumalik sa pagkakatulog. Tangina nito, sino bang pumagod dito kagabi?
“Hoy Alexis, nadiligan ba iyan kagabi?” Kuhit ko sa babaeng masasakal ko na rin ngayon.
“Ha? Parang hindi naman. Saang dilig ba? Sa labi o doon?” Sabay turo niya sa ibang bahagi. Napairap ako dahil sa estupidong tanong niya. “Kasi kung sa labi, oo, pero kung sa ibaba, ay hindi ko alam.”
Umirap nalang ako. Ayoko nang alamin pa iyon. Isa pa, ano naman kung may dilig nga ang babaeng ito kagabi, as long na hindi siya mabubuntis ay okay lang.
“Andrea, kapag hindi ka diyan bumangon ay susunduin ko talaga si Jerome para siya na mismo ang humila at gumising sayo!”
Napatingin sa akin ang dalawang kaibigan ko. Nagkibit balikat nalang ako. That’s my best shot at alam kong dahil sa pagbanggit ko ng pangalan ng ex niya ay babangon na iyan.
“Tangina naman Lucille, oh! Pwede namang manggising na hindi sinisira ang araw ko. f**k!” Agad na bumangon si Andrea at dumiretso sa banyo ng kwarto niya. Napangisi ako dahil sa nangyari. See? Affected pa rin ang lola niyo sa ex niyang gangster.
Nang mapansin naming naliligo na si Andrea ay lumabas na kami ng kwarto niya para makapaghanda na rin ng breakfast.
Siguro’y naramdaman na rin ni Andrea ang plano namin ngayon kaya’t hindi siya ganoong natagalan sa pag aayos. Lumabas ito ng kwarto niya at sinaluhan kami sa pag uumagahan.
Matapos namin kumain at makapag ayos ay kinuha na namin ang ilang gamit na kakailanganin namin at sumakay sa sasakyang nag aabang sa amin sa labas.
Hindi ko alam kung nagstart na ba ang klase at hahabol lang kami. Still, not a big deal. Kaya naman talaga naming humabol. Hindi lang kami magaling lumandi, magaling din kami sa academics.
Nang makarating sa sinasabing school ay agad kong ibinaba ang bintana ng sasakyan upang obserbahang mabuti iyon. Napatango tango nalang ako nang mapansing maganda nga talaga iyon at halatang elite members of the society ang mga napasok. Hopefully, marami rin kaming matutunan.
“Sa tingin ko maganda kung pupunta muna tayo sa college department para malaman kung ano bang dapat nating gawin. Magtanong tanong nalang tayo kung saan ang department ng Business Management.” Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Andrea. Hinayaan ko silang umuna sa paglalakad dahil hindi ako sasabay sa kanila.
“Mauna na kayo. Magcr lang ako.” Paalam ko sa kanila.
Sabay sabay akong nilingon ng tatlong kaibigan. Tumaas pa ang kilay ni Alexis dahil sa pagpapaalam ko.
“Can’t it wait?” Tanong nito.
“No,” matigas akong umiling at nagpaalam na sa kanila. Dali dali akong naghanap ng restroom. Matapos kong gawin ang dapat kong gawin ay naglakad na akong muli para hanapin sila.
Kalagitnaan ng paglalakad ko ay napatigil ako. Damn, Lucille, you’re so stupid. Sa lawak ng eskwelahang ito ay saan ko naman kaya sila hahagilapin? Geez, magtatanong tanong nalang siguro ako.
Pinakalma ko ang sarili ko. Mahahanap ko sila. Kasama ko naman si Magta today kaya alam kong mahahanap ko sila. Magtanong.
Naglakad na akong muli at iniisa isang tingnan ang mga pangalan ng bawat opisinang nadaraanan ko. Wala pa akong mahagilap na estudyanteng pwede kong pagtanungan kaya wala akong choice kung hindi ang obserbahan ang bawat silid na madaraanan ko.
“Ouch!” I’m too preoccupied by what I am doing, hindi ko na napansin na may nabunggo na pala ako. Bahagya akong napaatras dahil sa impact ng pagkakabangga ko sa kanya. Napahawak ako sa noo ko. Gusto ko sana siyang tarayan pero alam ko, partly, it’s my fault.
“Sorry,” halos malagutan ako ng hininga nang makita ko kung sino ang nabunggo ko. Hindi ko siya kilala at tinatanong ko rin ang sarili ko bakit hindi ko siya kilala. Damn his looks!
He has eyes like silver lightning, it looks sharp, doesn’t miss a thing, spirited, and quick-witted. His lips are natural pinkish and smooth. Messy hair and a body built in between lean and muscular. Damn, he’s hot.
“It’s okay. I’m the one who should apologize. Sorry.” Matipid niyang sinabi bago ngumiti sa akin at naglakad na. Halos hindi bumitaw ang titig ko sa lalaking iyon at kahit na naglalakad na ay habol pa rin ang tingin ko sa kanya.
“Wait!” Agad na sigaw ko para pigilan sa pag alis iyong lalaki.
Hindi ako lalandi. Wala akong oras ngayon doon kahit na gustong gusto kong landiin ang lalaking ito ngayon. Kaya lang, I need to ask him about where the f**k is the department I’m looking for.
Agad ko siyang nilapitan nang nilingon niya ako.
“Magtatanong lang sana.” Umakto akong nahihiya kahit alam ko na wala naman talaga ako ‘non sa katawan. Bakit ako mahihiya?
“Saan ko makikita ang department office ng Business Management?” Nakangiting tanong ko sa kanya. Madalas man ay lagi akong nagtataray at simangot alam ko kung kailan dapat gamitin ang mga ngiti ko.
“You’re new here?” Duh, obviously. Hindi naman ako magtatanong kung hindi ako bago sa lugar, hindi ba?
Gusto ko mang mamilosopo ay pinalagpas ko nalang iyon.
“Yup, I‘m actually here to enroll but I think I’m kind of lost. Can you help me?” May halong pagkapilya ang aking pagsasabi. Isa-sideline ko na ang panlalandi sa lalaki. Iuuwi ko ito ngayong araw. Rawr!
Ngumisi siya. Hindi ko alam kung may ibig sabihin ba ang pagngisi niyang iyon o sadyang binibigyan ko lang ng kahulugan.
“Sasamahan nalang kita. Baka kasi mas lalo ka lang maligaw kapag itinuro ko lang sayo. Medyo nakakalito kasi ang structure ng building na ito.” Alok ng lalaki.
Halos luhuran ko siya dahil sa nakakaakit na boses niya. Damn, kung pwede lang talaga ay ididretso ko ito sa bahay ngayon na.
“Sure. Thank you.”
Nauna na siyang maglakad at sinundan ko lang naman siya. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mapakagat sa aking labi habang pinagmamasdan ang likod niya. Grr, ang hot niya kahit nakauniform siya ng university. Hinihiling ko na sana maging kaklase ko siya kahit sa isang subject lang.
Hindi ko namamalayan kung nasaan na kami. May ilang babae ang bumabati sa kanya habang naglalakad kami at nginingitian niya naman ito o binabati pabalik. Masama naman akong tinitingnan ng mga babaeng iyon. Tse! Mainggit kayo, kasama ko siya at ikakama ko iyan. Okay, char. Ang kalat ko naman.
“Malayo pa ba tayo?”
Nakita ko ang bahagyang pagangat ng labi niya. Tumingin ito sa akin at umiling.
“No, malapit na tayo.”
Wala na akong napapansing estudyante sa paligid. Siguro ay dahil na rin sa may klase na iyong iba.
“Hindi ba kita naaabala? Baka may klase ka na.”
Syempre, kunwari lang akong concern. Kailangan isipin niya na mabait at mahinihin akong babae bago ko ilabas kung ano ba talagang kulay ko. Anyway, I’m nice naman talaga but wild in bed. Magkaiba ang ugali ko kapag normal na araw lang kaysa kapag nakikipagsapalaran na ako sa kama kasama ang ibang lalaki.
“Wala pa naman. Isa pa, masaya akong makatulong.” Matapos iyon ay tumigil siya sa isang pintuan. “We’re here.”
Nginitian ko siya at nagpasalamat bago lumapit sa pintuan at hawakan ang pihitan nito.
“Open it,” aniya.
Sinilip ko siya bago muling titigan ang pintuan. Bakit ba siya nagmamadali? Kung kailangan na niyang umalis ay pwede na naman siyang umalis. Hahanapin ko nalang siya mamaya.
Huminga ako ng malalim habang nag iisip ng maaari kong sabihin sa tatlo dahil panigurado ay natagalan ang mga iyon sa akin.
Binuksan ko na iyong pinto. Hindi pa man ako nakakaisang hakbang papasok ay agad kong naramdaman ang malamig na likido sa may ulunan ko pababa sa buong katawan ko.
Natigilan ako dahil sa nangyari. I was so confused as to what happened to me. Bakit ako nabasa ng malamig na tubig?
Nakarinig ako ng malakas na pagtawa mula sa kinatatayuan ng lalaki. Masama ko siyang tiningnan pero hindi ito dahilan para matigil siya sa pagtawa.
“I was actually going to prank another student here but you caught my attention so I decided to let you experience it. Welcome to Sky University, loser.”
Malaki at nakakairitang pagngisi ang nakita ko sa kanya bago nakapamulsang maglakad sa may likuran ko. Sa sobrang pagkagulat ko sa nangyari ay hindi ako nakapagsalita at nakakilos.
“What the hell?!”
Nang magsink in sa akin ang katangahang nangyari ay saka palang ako nagkalakas na sigawan siya. Nilingon ko ito at nakita ko ang pagtigil niya dahil sa pagsigaw ko. Nilingon niya ako at itinagilid ang ulo. Muli kong nakita ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi.
“Bakit mo ito ginawa? Nagtatanong lang naman ako sayo, ah?!” Inis na sigaw ko sa kanya.
Nagkibit balikat ito at umaktong parang wala lang ang nangyari sa akin kaya mas lalo akong nairita sa kanya.
“Mukha ka kasing mabilis mauto, eh. Kaya ayan,” tumawa siyang muli habang nakatingin sa akin.
“Still, you can’t just do this to someone, lalo na kung wala namang ginagawang masama sayo! At anong itinawag mo sa akin? Loser? Mas mukha ka kayang loser!”
Kung kanina ay gusto ko siyang akitin dahil kaakit akit naman talaga siya, ngayon ay gusto ko nalang baliin ang bawat butong mayroon siya dahil sa ginawa niya sa akin.
“I don’t care,” muli siyang nagkibit balikat bago ako talikuran. “Kasalanan mo, masyado kang mabilis magtiwala. This will not be the last time it will happen to you. People who easily trust other people will experience more than this. Be careful next time.”
Naglakad na siyang muli. Gusto ko siyang sugurin pero hindi ko na iyon ginawa pa. Mas iniisip ko kung paano ako haharap sa mga kaibigan ko na ganito ang itsura ko.
Nagmartsa ako paalis doon. Naghanap nalang ako ng isang taong maayos kausap para pagtanungan at buti ngayon ay hindi na ako naprank pa.
Nang makarating ako sa itinuro sa aking office ay kumatok muna ako bago akmang bubuksan ang pintuan nang bigla itong bumukas mula sa kabilang dulo ng silid. Halos magulat sila Andrea nang makita ako.
“Oh my god!” Iyon ang bungad nila sa akin. I know, I am a mess right now.
“What happened to you?” Nilapitan agad nila ako at hinawakan ang basa kong buhok. Nag ayos naman na ako kanina bago pumunta rito. Hindi na ako kasing basa kagaya kanina.
Pilit akong ngumiti sa kanila.
“Nothing. Just…can we go now? Are we done here?” Gustuhin ko mang itago ang tabang sa aking boses ngunit hindi ko iyon maitago. Sino ba namang hindi maiinis dahil sa nangyari?! Sana lang talaga ay hindi ko na makita ulit ang lalaking iyon. I don’t want him to be in my class, damn it.
“We’re almost done.” Iniabot ni Sabrina sa akin ang isang papel. Tiningnan ko lang naman iyon. “Fill this up. Pagkatapos ay kami na ang bahala sa susunod. You can go to our car and wait for us. We’ll process your enrollment nalang.”
Pumayag ako sa gusto ni Sabrina. Hindi rin naman para magpunta pa ako sa kung saan saan dito na ganito ang itsura ko.
Fuck that asshole, kung sino man siya. Sa susunod na magkita kami, gagantihan ko talaga siya. I’ll make him pay for this day!
Sabrina’s Point of View
Hinatid ko si Lucille sa sasakyan. Sa totoo niyan ay hindi na naman talaga iyon kailangan kaya lang ay naaawa ako sa kalagayan ng kaibigan naming iyon. Kanina pa namin siya tinatanong kung anong nangyari sa kanya pero ayaw niyang ikwento.
Papunta na ako sa kung nasaan sila Andrea at Alexis nang may humarang sa daraanan ko. Tiningnan ko siya. Ayoko man siyang kausapin but I think it would be rude, right?
“Yes?”
Alam ko naman na may kailangan siya sa akin kaya niya hinarangan ang daraanan ko, eh. Wala namang masama kung magtanong ako.
“Kanina pa kita pinagmamasdan, Miss. Ang ganda mo lang talaga. Bago ka rito, ‘no?” Pagtatanong niya sa akin. Halos lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.
Sanay akong makarinig ng mga papuri galing sa ibang tao pero natutuwa pa rin ako kapag paulit ulit ko iyong naririnig. Sige lang, ipamukha niyo kung gaano ako kaganda. I can listen all day.
Apparently, I don’t have the whole day for now. Marami akong inaasikaso.
“Thanks.”
Akmang maglalakad na ako pero muli niyang hinarangan ang aking daraanan. Patago akong umirap dahil sa pagharang na naman niya.
“May iba ka pa bang kailangan?” I asked politely. Kahit naiinis na ako ay sa tingin ko wala pa naman siyang ginagawang masama para magtaray ako sa kanya. Damn, ang bait ko talaga.
“Are you in a hurry, babe? Mind entertaining me first?”
Inaakit ba ako nito? Pang aakit na ba ang tawag niya rito?
“Sorry, marami akong ginagawa. Maybe next time.” Kahit alam kong wala nang next time dahil hindi na naman ako magpapakita sa kanya.
“Bakit patatagalin pa kung pwede naman ngayon?” Nang hawakan niya ang aking braso ay nagpumiglas na ako. Marahan ko siyang itinulak papalayo sa akin. Bukas naman ako sa mga makikipaglandian, eh. Kaya lang kapag sinabi kong busy ako, busy ako.
“Not today, honey. Don’t piss me off.” Sarkastiko akong ngumiti sa kanya bago magmartsa palayo. Hindi na rin naman niya ako hinabol which is good.
Habang naglalakad ako ay sinilip ko iyong bag ko, para kunin ang cellphone ko. Hindi ko pa man nahahawakan ng maayos ang cellphone ko ay agad iyong bumagsak sa sahig nang may mabunggo ako sa gilid ko.
Nanlaki ang aking mata at agad na kinuha ang cellphone ko. s**t, kakabili ko lang nito, eh!
Bukod sa cellphone ko ay nagkalat din ang ilang gamit na bitbit ko kanina dahil sa medyo malakas na pagkakabunggo sa akin ng hindi ko kilalang lalaki.
Napansin ko ang paglalakad niya papalayo sa akin, ni hindi man lang humingi ng tawad ang gago.
Tumayo ako at tiningnan siyang naglalakad papalayo sa akin.
“May mga tao pala talagang hindi marunong humingi ng tawad, ‘no?” Sarkastiko kong sigaw sa kanya. Hindi naman nakakahiya kung sumigaw ako, wala namang ibang makakarinig kung hindi siya lang.
Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Marahas kong kinagat ang aking labi dahil sa inis ko. Inilagay ko ang iilang gamit sa dala kong bag at nagmartsa papalapit sa kanya.
“Hoy, hindi ka man lang ba talaga hihingi ng paumanhin sa ginawa mo?!”
Hindi naman talaga big deal sa akin iyon pero nairita lang talaga ako sa kanya na umaakto siyang hindi ako naririnig at hangin lang ako rito. Grr, never pa akong naganito ng isang lalaki, ha!
Pwersahan kong hinigit ang kanyang braso at iniharap siya sa akin. Isang kunot noo na lalaki ang aking nakita. Natulala ako nang makita ko ang kabuuan ng mukha niya. Holy f**k, no one told me that Adonis has a human equal here!
I look at his eyes, it’s like chips of emerald ice, screaming sharpness and coldness.
Kusang bumitaw ang aking kamay mula sa pagkakahawak sa kanyang braso dahil sa mga mata niyang sobrang lamig kung makatitig.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago muling maglakad na para bang hangin lang talaga ako. Bahagyang lumaki ang aking mata dahil sa pagkagulat. Ang kamanghaang nararamdaman ko para sa kanya kanina ay napalitan na naman ng pagkairita.
“Isang sorry lang ang gusto ko mula sayo dahil sa pagkakadanggi mo sa akin kanina hindi mo pa maibigay? Paano kung nabasag ang phone ko dahil doon? Babayaran mo?!”
“Aso ka ba?” Malamig na tanong niya sa akin.
Ano raw? Aso? Ako? Mukha ba akong aso sa kanya?! Isa pa, sa dami rami ng pwede niyang sabihin ay iyon pa! Mas pinili niya pa talagang sabihin iyon kaysa ang magsorry?!
“Ha?” Inis na tanong ko pabalik sa kanya.
Napalunok ako nang wala akong makitang emosyon sa kanyang mga mata. Literal na malamig na titig lamang ang ibinibigay niya at ganoon na rin ang kanyang pananalita. Damn! Nilalamig ako.
“Buntot ka kasi nang buntot.” Matapos niyang sabihin iyon ay muli na siyang naglakad papalayo sa akin.
Laglag panga ko siyang sinundan ng tingin. Ni hindi ko na nagawang sagutin pa siya o sigawan dahil sa sinabi niya. I am so damn speechless!
Nang makita ko na ang mga kaibigan ko ay sinabi ko sa kanilang gusto ko nang umuwi. Sirang sira na ang araw ko dahil doon sa lalaking nakabunggo ko na malamig pa sa yelo kung umasta.
Hindi na rin naman kami masyadong nagtagal sa school na iyon at dumiretso na kami sa bahay. Kumain na rin kami bago kami tuluyang umuwi.
Agad kong isinalpak ang aking sarili sa sofa dahil sa pagkaiyamot. Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang nangyari kanina sa akin.
“Naikwento na ni Lucille ang nangyari sa kanya. Ikaw, Sab? Anong kwento mo?” I can sense the humor in her voice. Gusto ko siyang tapunan ng matatalim na tingin pero mas pinili ko nalang na huminga ng malalim. Hindi sila ang dapat kong pag initan.
Ikwinento ko sa kanila ang nangyari kanina at tinawanan lang nila ako. Really? Are they even on my side?
“Oh, looks like Miss Sabrina Lee found her much, huh?” At muli silang tumawa dahil doon. Maging si Lucille na kanina lang ay mainit din ang ulo ay nakikitawa na dahil sa nangyari sa akin.
Ngumuwi ako dahil sa narinig ko. “Match, my ass. Hindi pa pinapanganak ang taong kaya akong paamuhin o talunin, okay? He’s not my match, I was just surprised that someone can really possess such coldness.” Hindi siya ang lalaking magpapaluhod sa akin.
“Let’s have a deal?” Panghahamon ni Andrea sa akin habang nakangisi. Tiningnan niya ang dalawa pa naming kaibigan at halatang payag ang mga ito sa kung ano mang iniisip ni Andrea.
“What deal?” Iritang tanong ko sa kanya.
“Na siya na ang lalaking magpapaamo at magpapatino sayo, Sab.” Nakangising sabi pa rin ni Andrea.
Lalong kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Narinig ko naman ang pagtawa nila Alexis at Lucille dahil doon.
Tumayo ako at ngumisi rin kay Andrea. Akala niya aatrasan ko siya rito? I have my own game.
“Fine, let’s make a bet, my way.” Humalukipkip ako at nagtaas ang kilay bago ngumisi. “I will make that damn cold guy falls in love with me.” Panghahamon ko sa kanila.
“Kaya ba?” Natatawang sabi ni Alexis.
Tinaasan ko lang siya ng isang kilay bago sagutin iyong tanong niya. “Ako pa? Parang hindi niyo ako kilala, girl. I am Sabrina Madyson Lee and no one dares to reject me. He will kneel down before me. He will crave for me; I will own him.” Deklara ko.
Pagsisihan niya ang araw na nagkrus ang landas namin, or so I thought.