“Tita, bakit mo ako pinapunta rito?” Naupo ako sa mahabang sofa nila Tita Ana at pinagkrus ang aking hita. Kung anong rason bakit niya ako pinapunta rito sa kanilang bahay ay hindi ko rin alam.
“Wait, Andrea, may mga hinihintay pa tayo.”
Bumuntong hininga nalang ako at humilig sa sandalan ng sofa nila. Nakatingala ako sa kisame at pinagpapahinga ang isang braso sa sandalan. Bumuntong hininga ako. Ang dami kong iniisip tapos dumadagdag pa itong pagpapatawag ni Tita sa akin.
“Ana, we’re here.”
Nakarinig ako ng pamilyar na boses galing sa may pintuan ng bahay nila Tita Ana. Halos mapabalikwas ako sa aking pagkakaupo nang makita ang mga kaibigan ko kasama ang kanilang mga tiyahin.
Kunot noo kong sinulyapan si Tita Ana dahil naguguluhan ako sa kung bakit kami naanditong lahat.
“Andrea?” Hindi makapaniwalang tawag ni Sabrina sa aking pangalan.
“Please, take a seat.”
Nagkibit balikat nalang ako sa mga kaibigan kong mukhang naguguluhan din sa kung bakit kami naririto ngayon. Tumabi sa akin si Alexis na may nginunguya pang bubble gum ngayon. Siniko ko siya dahil naiirita ako sa pagnguya niya. Para siyang kambing.
“Throw that bubble gum, Alexis. Naiirita ako. Wala ka sa bar.” Suway ko sa kanya bago umirap. Nakita ko rin naman ang pag irap niya sa akin bago tumayo at itinapon na nga ang kanyang nginunguya.
“So, Tita, bakit kami naanditong apat?” Nakataas ang isang kilay na tanong ni Lucille sa kanyang tiyahing si Tita Lisette.
“Ana will explain the details.” Iyon lamang ang sinagot ni Tita Lis sa kanyang pamangkin bago tumingin sa Tita ko.
Naramdaman kong muli ang pag upo ni Alexis sa aking tabi.
“We have a mission for you, girls.”
Ang kaninang walang atensyon ko sa mga bagay bagay ay ngayon ay nagkaroon dahil sa sinabi ni Tita. Mission?
“Mission? What kind of mission? Are we the modern Totally Spies now? Or another version of Charlie’s Angels? Spill it, Tita. I’m in.” Natutuwa at nasasabik na sabi ni Sabrina sa tabi ni Lucille. Halata naman ang iritadong mukha ni Lucille dahil sa pagiging excited ng isa sa mga kaibigan namin.
“You are all aware of the gangsters—our rival organization, right?” Tanong ni Tita Eliza, tiyahin ni Alexis.
“Of course! We don’t have a good relationship with those jackasses.” Sagot naman ni Alexis.
Humikab ako. Bigla akong nawalan ng gana. Anong kinalaman ng mga gangsters na iyon sa misyong ito? Isa pa, bakit may misyon misyon pa? Ni hindi nga kami marunong sumuntok at humawak ng baril, duh.
“What about them?” Inaantok kong tanong sa kanila.
“They are your mission.”
Agad akong tumayo sa sinabi ni Tita Angela, tita naman ni Sabrina dahil sa narinig ko. They are our—what? No, thanks. I would rather spend my days with random boys and go to high-end clubs here and chill than to have business with those bastards.
“Andrea, sit down.” Utos ni Tita Ana nang makita niya akong tumayo. Tumigil ako sa aking paglalakad at humalukipkip bago bagot na tumingin sa kanilang apat. Kagaya namin nila Alexis, Sabrina at Lucille ay magkakaibigan din ang mga tiyahin namin. Halos mas ituring na nga nilang kapatid ang isa’t isa kaysa sa totoong kapatid nila.
“Tita, wala akong interes sa mga iyon. Ayokong mag aksaya ng oras at panahon sa mga tanginang ‘yon.” Iritadong sabi ko sa kanila.
“Watch your language, Andrea!”
Ngumuso nalang ako dahil napamura pa ako ng wala sa oras. Hindi ko lang talaga mapigilan. Bukod sa galit talaga ang grupo namin sa kanila dahil sa hindi maganda raw na pangyayari sa nakaraan ay may personal na galit ako sa gangster. My ex is one of them. He f*****g cheated on me! At hindi iyon makatarungan dahil ako dapat ang nangangaliwa at nang iiwan and not the f*****g other way around.
Umupo nalang ulit ako. Kita ko ang panunuya sa mga mukha ng mga kaibigan ko habang nagpipigil ng pagtawa. Mga gaga talaga. Minsan iniisip ko paano ko naging kaibigan ang mga ito, eh.
“Anyway, you need to find a certain group. Balita ko ay nasa Pilipinas sila ngayon at lumalaki na ang organisasyong mayroon sila. Kailangan namin kayo para malaman ang mga future plans nila. Baka bigla nalang nila tayong sugudin at hindi tayo handa!” Si Tita Angela.
“Why waste your time with the likes of them? Isa pa, makapangyarihan na rin naman ang oraganisasyon natin? We own high-end bars, clubs, casinos, and whatnot. Why do you need to feel threatened, Tita? Hindi ba dapat sila ang kabahan sa atin kung sino man sila?” Muli ay nagsalita si Lucille.
“Siguro naman ay aware kayo sa kung sino ang tinutukoy ko rito. The successor of the Kings.”
Napairap ako sa sinabi nila Tita. Kings. I know them. Madalas kong naririnig iyon sa bibig ng Tita ko dahil nga kalaban nila sila.
“Ah yeah, your sworn enemies, na hindi namin malaman bakit ba kayo magkagalit at bakit ba magkaaway kayo at pati kami ay nadadamay. Tita, can you just drop your kid fight? Ilang taon na naming naririnig na galit kayo sa kanila, even our parents, pero hanggang ngayon hindi namin alam ang pinag ugatan ng away ng dalawang grupo.” Naiiling na sabi naman ni Alexis.
“It’s not just a fight, Alexis. Mas malalim ang pinananghuhugutan ng galit namin sa kanila at ganoon din sila sa amin. You will understand soon.”
Hindi na kami nakipagtalo sa kanila at naki-ride nalang sa kung anong gusto nila. Wala rin naman akong choice. For sure, bago kami lapitan nila Tita ay nagkasundo na sila ng mga magulang namin sa plano nilang ito.
“We will send you to the Philippines. Doon na rin kayo mag aaral. Our intel told us na sa isang pribadong eskwelahan napasok ang mga successors ng Kings, if I’m not mistaken, their group is called Gangster Princes. Search for them and do whatever you can to get information from them.”
“Oh, what a coincidence, huh? Gangster Princes? Heh, we’re the Casanova Princesses naman.” Nakangising sabi ni Sabrina.
“Technically, you want us to find them and seduce them? Kasi kung pagbabasehan ang kakayahang mayroon kami sa pakikipaglandian lang naman kami magaling.” Natatawang sabi ni Alexis.
“Kayo na ang bahala, just find them and get information. That’s your mission. Kung maaari ay i-avoid niyong makipaglaban sa kanila o mahuli kung sino talaga kayo dahil kagaya ng sinabi niyo, wala kayong alam sa pakikipaglaban. Baka kung ano pang mangyari sa inyo.” Paalala nila Tita sa amin.
Sa totoo niyan, our Titas are more than willing to teach us how to fight and to use guns but we always refused that. Why? How can you expect a princess such as ourselves to hold a gun when we can use someone to shield us and protect us?
Sounds interesting. Tingnan lang natin kung sinong luluhod sa huli at magmamakaawa.
We may not know the reason behind their hatred but we will continue their battle. It’s time for us to show them that even without any knowledge in holding a gun we can win a fight.
We will use their hearts and break it into a million pieces.
Gangster Princes, are you ready to meet your Casanova Princesses? Hopefully, yes, because we’re ready, too and so are your graves to hell.