Lucas’ Point of View Nakapwesto kaming tatlo nila Ace at Thunder sa may exit ng field at hinihintay si Prince na dumating. Kakatapos lang ng laro niya at napanood naman namin iyon. Nababagot lang ako dahil ang tagal niyang makalapit sa amin. Binabalak namin na magtungo na muna sa locker room para makapagshower dahil kagaya niya ay kakatapos lang din naming maglaro sa mga sports na sinalihan namin. Good for us, our department won the preliminaries. “Ang bagal mo naman, Prince.” Agad na sabi ni Thunder sa kanya nang makalapit na siya sa amin. Tumuwid na ako ng tayo at nag aambang maglakad na. “Pasensya na. Ito na nga, oh. Pinagkaguluhan agad ako sa labas, eh.” Natatawang sabi nito sa amin. Pinagmasdan ko siyang mabuti at agad na napailing. Something happened to him that’s why he’s happy