Someone’s Point of View “Inaasahan ko na dahil naandito ka ay may maganda kang dalang balita?” Nakahilig siya sa pader habang nakahalukipkip habang ako naman ay nasa gilid niya. Agad akong tumango sa kanya. Dala ko na ang lahat ng kailangan niya pero hindi ko pa rin iyon ibibigay sa kanya ngayon. Ayokong mawalan siya ng dahilan para kausapin ako. This is the only connection I have from him. “Yes, nasa proseso na ang lahat. Malapit ko na iyong maibigay sa iyo. Kaunting oras nalang ang kailangang hintayin.” Pagsisinungaling ko. Kumpleto na naman ang lahat kaya lang natatakot ako na baka hindi na niya ako kausapin pagkatapos kong maibigay sa kanya ang kailangan niya. Bumuntong hininga siya. “Ang bagal.” Komento nito. Napatungo ako at napakagat sa labi ko. It’s okay, as long as we still c