Andrea’s Point of View “Sky University’s Sports Festival has officially begun!” Lumakas ang sigawan dito sa open field dahil sa sinabing iyon ng Director ng school matapos ang speech niya. May ilang fireworks din kaming nakita na hudyat na talaga ng pagsisimula ng sports festival. “Girls, dumating na ba ang mga Princes?” Napatingin kami kay Alicia nang itanong niya iyon sa amin. Umiling kami dahil hindi rin namin alam at hindi pa rin namin sila nakikita. “Sa tingin ko ay hindi pa. Kung dumating man sila ay hindi pa dapat naandito na sila sa field?” Nakita ko ang dismayadong mukha ni Alicia dahil sa isinagot ko. “Hala, ang dami pa naman nilang sinalihang sports. Kapag nagkataong wala sila—oh my god!” Natatarantang sabi ni Alicia sa sarili habang nakahawak sa kanyang ulo. Napangiwi ako.