Alexis’ Point of View
“Usapan walang gigimik kapag weekdays, ha? Kailangan natin iyon kahit na uhaw na uhaw na kayo sa lalaki at alak.” Natatawang sabi ni Sabrina. How can she do that? How can she say that? Sigurado ba siyang kakayanin niya?
“I agree. Kahit na alam kong medyo mahirap iyon pero sa tingin ko ay mas makakabuti pa rin iyon sa atin. We need to stay lowkey. We need to hide our identity dahil baka mas una pa tayong ma-track ng mga kalaban natin kaysa tayo ang maka-track sa kanila at makakuha ng inpormasyon.” Ani Lucille sa isang tabi.
Hindi nalang ako nagsalita. Sa tingin ko ay mas mabuting manahimik nalang lalo na’t wala naman akong sasabihing maganda.
“I’m fine with that. Mas mabuting magpanggap tayong mahinhin or mga pa-virgin kaysa mahuli ng kalaban. Hindi naman natin ikamamatay kung hindi tayong madiligan ng ilang araw lang.” Sabi naman ni Andrea na nakasandal sa table habang kumakain ng dried peanuts.
“Hello? Hindi naman siguro tayo mahahalata agad kahit magbar tayo araw-araw ‘no? And how sure are you na makikita natin ang mga Gangster Princes or whatsoever na iyon sa mga bar na mapupuntahan natin? Sobrang liit naman ng mundo kung ganoon.” Iritang sabi ko. Ako lang ata itong ayaw sa mga gusto nilang mangyari.
“Well, for your information, Miss Alexis Ciannait Sasayama, maliit lang talaga ang mundo. Maaaring may background na rin sila sa kung sino tayo o kung anong balak natin bago pa man tayo makatungtong dito sa Pilipinas, kaya mas mabuti na iyong mag ingat. Hangga’t maaari nga ay iwasan muna natin ang gumimik.” Ngumunguyang sabi ni Andrea. Hindi pa ba siya busog? Kakakain lang namin ng hapunan, ah?
“True. Magpadeliver nalang tayo ng lalaki.” Matapos sabihin iyon ni Sabrina ay malakas siyang tumawa.
“Gaga ka!” Natatawang sabi rin naman ni Lucille.
“Para saan iyong lalaki? Nako Sab, can’t you live without s*x? Kahit ngayon lang, hanggang matapos natin itong misyon natin. After this, magpakasawa ka sa lalaki.” Naiiling na sabi ni Andrea.
“I can naman. Pero syempre, I still have my needs. Ang dami kong lalaking iniwan sa Korea para lang dito ‘no. Kailangan ko ng ipapalit sa mga iyon.”
“Bakit hindi mo nalang pagtuunan ng pansin iyong si Mr. Cold Guy mo? He’s your next prey, right? To win our bet.” Sabi ko sa kanya.
Napatingin naman sa akin si Sabrina dahil sa sinabi ko and she snapped her finger.
“Oo nga pala. Virgin pa kaya iyon? Ayokong nagli-lead sa lalaki, eh. But it’s fine na rin. New experience.” Humalakhak siya kaya’t binato siya ni Lucille ng unan at nakisabay sa pagtawa nito.
“Ikaw Lucille, wala kang balak gantihan iyong nanggago sayo?” Pagtatanong ko.
“Ewan ko, ayoko na ngang makita ulit iyon at baka masira ko lang ang magandang mukha niya. Nako!” Umakto pa siyang nanggigigil.
“Gwapo ba talaga, girl?” Lumapit si Sabrina sa kanya.
“Oo, sis. Halos luhuran ko na nga. Akala ko ay parte siya ng Greek god na bumaba rito sa lupa.” Kita ko ang pagkawala ng inis ni Lucille kaya’t napailing nalang ako.
“Iyong lalaki rin na nakabunggo ko, eh. Gwapo talaga. Gagawin ko talaga ang lahat para lumuhod at magmakaawa sa akin iyon. Makita niya.” Deklara ni Sabrina. Napakamot tuloy ako sa noo ko.
“Nako girl, kakaganyan mo baka ikaw ang lumuhod at sumamba diyan sa sinasabi mong mala-Adonis dahil sa kagwapuhan.”
Sinamaan niya ako ng tingin kaya’t nagtawanan kami. Ilang sandali pa ay nagdesisyon na rin kaming matulog.
Kinaumagahan ay wala naman kaming naging problema. Lahat ay nagising sa tamang oras, maging si Andrea.
Nag ayos na ako at naglagay lang ng light make-up. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Okay, the uniform is cute. Hindi ko ikakahiyang isuot ito kahit na mas gusto kong magcivilian para makaporma ako.
“Good morning!”
Naabutan ko ang mga kaibigan ko na naghahanda na ng umagahan. Tinulungan ko na sila para mas mapabilis kami. Natatawa ako dahil kahit mukhang tamad na tamad si Andrea ay maaga pa rin siyang gumising para hindi kami ma-late.
Matapos naming kumain ay inayos namin ang pinagkaininan namin at sumakay sa kotseng naghihintay sa amin sa labas para ihatid kami sa aming bagong ekswelahan.
Nakakaramdam ako ng excitement pero may halo iyong kaba. Kung saan nanggagaling ang kaba ay hindi ko alam. Baka dahil alam namin na kung maliit ang mundo ay mas maliit ang university at maaring makasalubong namin ang mga taong hinahanap namin? Maybe that’s the reason.
“Stick to our plan, guys. Kahit gaano niyo gustong makipaglandian sa mga kaklase nating lalaki o schoolmate, iwasan niyo. Hindi natin alam kung sinong kalaban sa hindi. Nangangapa pa tayo kaya iwasan nating maexpose agad tayo, and of course, wala dapat makaalam na Casanovas tayo.” Paalala ni Andrea sa amin. Tumango nalang ako dahil alam ko na naman iyon.
Nang makarating kami sa university ay may ilan pa kaming mga estudyanteng nakakasalubong na mukhang papasok na rin. May ilan na nagtatawanan pa sa gilid at nagke-kwentuhan.
Bumaba na kami ng sasakyan at nagsimula na ring hanapin ang aming classroom.
Nakita kong tinititigan ni Lucille iyong registration form niya kaya’t pinanood ko lang siyang gawin iyon.
“Guys, room natin TBA? Saan iyon?”
Halos humagalpak kami ni Andrea sa pagtawa dahil sa sinabi ni Lucille. Okay, sorry. Alam kong hindi dapat kami tumawa but I find it funny.
“To be announced, madam. Tara sa department natin nang matanong kung saan ang room natin.” Natatawang sabi pa rin ni Andrea bago kami higitin papuntang college department namin.
Hindi na kami naligaw dahil alam na namin kung saan iyon. Agad naman kaming ipinagprint ng updated registration form ng secretary ng department kung saan nakalagay na ang bawat classroom namin.
“Block section kayo. May mga pagkakataon sa major niyo na doon lang sa room na iyon ang klase niyo.” Nakangiting sabi ng aming secretary. Tumango nalang kami at kinuha na iyong bagong registration form namin. Tinanong na rin namin ang daan kung saan iyong unang klase namin at itinuro niya naman. Walang hirap naming nahanap iyon.
Nang makarating kami roon ay naandon na ang professor namin. Hindi pa naman kami late, sadyang maaga lang talaga siya.
“Dito kayo sa klase ko?” Tanong nito. Tumango kaming apat bilang sagot.
Itinuro niya ang apat na bakanteng upuan. Napanguso ako dahil inaasahan pa naman namin na magkakatabi kami kaya lang dahil ata block section at halos ito ring mga ito ang makakasama ko sa mga major subjects ay may seating arrangement na ginawa.
Huminga ako ng malalim bago sulyapan ang mga kaibigan ko at naglakad papunta sa isang bakanteng upuan na itinuro sa akin ng professor namin.
Napangiwi ako nang mapansing natutulog iyong katabi ko. Seriously, is this a classroom or his bedroom?
Napairap nalang ako at umupo na sa bakanteng upuan na katabi nito. Napapansin ko pang napapatingin sa amin ang ilan at nagbubulungan. Hindi ko alam kung bakit at wala rin akong pakealam.
Pinagmasdan ko ang buong klase, halos umulan ng gwapo rito. Doon palang ay kontento na ako.
Sinilip kong muli iyong katabi kong nakasubasob ang mukha sa mesa niya at natutulog. Gusto ko sana siyang gisingin dahil baka mapagalitan lang siya ng propesor namin pero mas pinili kong hayaan siya. Baka mamaya ay masamain niya pa ang pagmamagandang loob ko.
Nang mag alas-otso ay tumayo nang muli ang professor namin sa kanyang upuan at kinuha ang atensyon ng buong klase. Mukhang magsisimula na siya sa pagkaklase niya.
“Good morning, class. Before we proceed with our lesson for today, I would like to wake up the students who are sleeping peacefully in my class.” Malumanay na sabi nito. I wonder, may mga kailangan na ba kaming lesson na habulin dahil late na ang page-enroll namin o wala pa naman? I’ll ask the professor later.
Sinulyapan kong muli itong katabi ko at napansing hindi man lang siya natinag sa pagtulog kahit na ginigising na sila ng professor namin. Napansin ko rin na wala sa mga kaklase namin ang nangangahas na gisingin sila.
Tumikhim ang aming propesor at pilit na ngumiti. “I don’t want to mention your names but you left me with no choice.” Huminga siya ng malalim bago muling magsalita. “Mr. Siangchongco, Mr. Salvatore, Mr. Villafuerte and Mr. Maranzano, please wake up!” Bahagyang tumaas ang kanyang boses para makuha ang atensyon ng mga lalaking natutulog at para na rin magising ang mga ito.
Pinanood ko lang kung kikilos ba itong katabi ko. Somehow, his back looks familiar but I don’t know. Pakiramdam ko ay nakita ko na itong ganitong likod niya or I’m just weird.
Gumalaw ang kanyang ulo, hudyat na nagising na rin siya sa wakas. Napangisi ako at napailing dahil sa wakas ay mukhang naabot na ng boses ni Ma’am ang mga ito.
Mabagal niyang iniangat ang kanyng ulo. Tipid ang kanyang kilos at nag inat ito. Bahagya akong nag iwas dahil baka matamaan niya. Napatingin ito sa akin nang mapagtantong mayroon na siyang katabi at halos mailuwa ko ang aking mga mata dahil kilala ko ang lalaking ito.
“It’s you!”
Hindi ako maaaring magkamali. Alam kong siya iyong lalaking nakipag agawan sa akin ng dress noon sa mall.
Napatingin siya sa akin, kunot ang noo bago ibaba sa hintuturo kong nakaturo sa kanya ang kanyag titig. Lalong kumunot ang noo niya dahil doon.
Tinabig niya ang aking daliri na siyang kinabigla ko. Blangko niyang tinitigan ang aking mga mata.
“I don’t know you. Don’t point a finger on me, stranger.” Matigas niyang sabi sa akin na siyang mas kinairita ko.
Hindi niya ba ako naaalala? Ulyanin pala siya kung ganoon? Tangina niya!
“Hindi mo ako kilala? Pwes ako, namumukhaan kita. Hindi ko makakalimutan iyang gwapo mong mukha na nakipag agawan sa akin ng isang dress at ipinahiya ako—”
“Miss Sasayama, can you lower your voice? You too, Mr. Salvatore. You’re disturbing the whole class and please watch your language. Wala kayo sa kanto para magmurahan.”
Naitiko ko agad ang aking bibig nang sitahin kami ng professor namin. Dahil sa kanya ay nakalimutan kong nasa kalagitnaan na nga pala kami ng klase. Damn it.
Masama kong tiningnan itong katabi ko at nakita kong tamad siyang nakatingin sa unahan at nakikinig sa guro namin. Napansin niyang nakatitig ako sa kanya kaya’t ibinaling niya sa akin ang walang buhay niyang mga mata. s**t, he’s making me shiver.
“You were the girl from that day,” hindi iyon tanong. Pagkukumpirma niya iyon sa aking sinabi kanina. “You get the dress and all yet here you are, shouting.” Naiiling na sabi niya na para bang dismayado siya sa akin.
“You humiliated me!” Gustuhin ko mang mas lakasan at diinan ang pagsigaw ko sa kanya pero hindi pwede dahil ayoko nang mapagalitan ng professor namin.
“I didn’t, you humiliated yourself, Miss.” Humikab pa ito na para bang tinatamad na akong kausapin at napipilitan lang dahil alam niyang hindi ko siya titigilan.
Napaawang ang aking bibig dahil sa gulat. Iba rin naman ang lumalabas sa bibig ng lalaking ito ‘no? Hanga rin ako.
“Binitawan mo bigla iyong dress! Napaupo ako sa sahig. Other customers were looking and laughing at me.” Mahinang sabi ko sa kanya kahit na nanggigigil na ako sa kanya.
“Not my problem.” Nagkibit balikat siya at muling humikab. Nanatili ang kanyang titig sa unahan na para bang pinapamukha niya sa akin na wala siyang pakealam sa mga sinasabi ko kaya tumahimik na lang ako.
Hindi na ako nakapagsalita pa ulit pero nanatili ang matalim kong pagtitig sa kanya. Iniisip ko kung paano ko siya ipapakulam. Gustong gusto ko siyang tirisin ngayon dahil sa panggigigil na nararamdaman.
“You look like an idiot, gawking at me, Miss. Kindly stop.” Mukha mang wala lang sa kanya ang mga sinabi niyang iyon pero ramdam na ramdam ko ang pagiging sarkastiko niya.
Nilingon niya ako na siyang kinagulat ko. Kung hindi lang siguro ako pinahiya ng lalaking ito noon ay matutuwa sana akong siya ang katabi ko ngayon pero hindi. Wala akong pakealam kung gwapo siya at hindi maitatangging hot.
“This is annoying. I want to trade my seat.” Hindi ko alam kung binubulong niya ba iyon o pinaparinig niya talaga sakin.
“I want something in exchange since you humiliate me at the mall.” Muli niya akong tiningnan dahil sa sinabi ko. Nagtaas siya ng isang kilay pero hindi pa rin maitatangging walang buhay ang kanyang mga mata at para bang wala siyang pakealam sa mga bagay bagay.
Hindi siya nagsalita kaya ngumisi ako at lumapit sa kanya.
“Kiss me, I dare you.” Lumaki ang pagngisi ko. Alam ko rin naman na hindi niya iyon gagawin dahil una sa lahat, nasa klase kami. Pangalawa, feeling ko lang ay hindi niya gagawin iyon.
Kapag hindi niya nagawa iyon, I can humiliate him, too. Hindi nga lang sa maraming tao kagaya ng ginawa niya. Hindi ako ganoon. Sa aming dalawa lang. Sasabihin ko sa kanya na hindi niya kayang humalik ng babae. Hah! I got him!
Kitang kita ko ang lalong paglalim at pagdilim ng mga mata niya. Halos hindi ko na talaga siya makitaan ng emosyon. Hindi ko malaman kung natutuwa ba siya o naiinis o baka galit na sa akin. Anyway, not my business and my problem.
“Ano? Hindi mo kayang gawin, diba—”
Hindi ko na nagawang matapos pa ang aking sasabihin dahil sa biglaan niyang paghila sa akin at paghalik sa labi ko. Marahas ito at mapusok. Halos madala ako sa mga halik niya at kalimutan kung anong sitwasyon ang mayroon kami ngayon.
May narinig akong tumikhim kaya’t agad akong napaatras at lumayo sa lalaki. Nag iwas ako ng tingin at napatingin sa professor naming laglag din ang panga dahil sa nangyari.
“I’ll dismissed the class now. D-Do your homework, okay?” Matapos sabihin iyon ng guro ay kumaripas na siya ng alis. Nanatili pa rin naman ang titig ng ilang mga kaklase ko sa amin. Ang ilan pa ay nakasimangot at para bang handa na akong sabunutan at hilahin palabas ng silid.
Tumayo na ang katabi ko kaya’t sinundan ko siya ng tingin. Napansin ko ang paglapit niya sa mga lalaking natutulog pa rin hanggang ngayon. Damn, I can’t forget the kiss. Imbis na siya ang maakit ko ay ako pa ata ang naakit ng kanyang mga labi.
“Woah, that’s rare.”
Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nakita ko ang isang babae na nakatingin sa kinaroroonan ngayon ng seatmate ko. Bumaling siya sa akin at ngumiti.
Naupo siya sa tabi ko na may ngisi pa rin sa kanyang labi. Hindi ko alam kung bakit siya naandito. Close ba kami?
“Ang swerte mo, girl. Lawrence, one of the Princes of our university just kissed you, on the lips!” Pumapalakpak na sabi nito. “And you’re not going to see that every day. Parang ngayon lang. Tinaguriang heartless iyan kaya hindi mo masasabing nilalandi ka niya. Anong ginawa mo para mahalikan ka? Share mo naman.” Marahan niya pang dinaggi ang aking siko habang nakanguso.
Inirapan ko siya dahil wala naman akong ginagawang iba. I just dared him! Malay ko bang papatulan niya iyon.
“Wala akong alam sa mga pinagsasasabi mo.” Mataray na sagot ko sa kanya. Gusto ko siyang umalis.
“Pero isa siyang Prince! Member siya ng isang sikat na grupo dito sa university. Sure akong ikaw ang laman ng headline mamaya ng mga etsudyante, at kapag nangyari iyon, nako, better watch your back. Madaming mangha-hunting sayo.” Natatawang sabi pa nito.
“Prince my ass. Wala akong nakikitang prinsipe sa klaseng ito.” Patawa naman nitong babaeng ito, ayaw nalang umalis sa tabi ko.
“Ano ka ba. Tawag iyon sa grupo nila Lawrence, iyong seatmate mo. They are the Princes, mga heartthrob ba, ganoon.”
Umakto ako natawa sa sinabi niya bago siya balingan ng tingin. Seriously, alam kong gwapo iyong katabi ko pero para ituring siyang prinsipe, oo naman, why not, I can’t argue with them. Mukha naman talagang may dugong bughaw ang lalaking iyon. Kung nasa ibang sitwasyon nga lang kaming dalawa ay magpapaalipin ako sa kanya. Char!
Sarkastiko ko siyang tinawanan dahil sa sinabi niya. “Princes, you say? More like wild beasts. Hindi bagay sa kanila.” Contrast to what I said, alam ko naman talaga na heartthrob ang isang iyon. Isang tingin ko palang ay malalaman ko na agad na sikat at pinilipahan siya ng mga babae. Nagpapahard to get lang ako.
“Hindi ako sigurado kung talaga bang ayaw mo sa nangyari pero swerte mo talaga, girl. Halos patayin ka sa tingin ng mga kaklase nating babae dahil sa inggit.” Natatawang sabi pa nito. Hindi ko alam kung may nakakatawa ba talaga sa sinabi niya o trying hard lang siya.
“Wala akong pake.” Umirap muli ako.
Napansin ko ang makahulugang ngiti niya kaya’t napangiwi ako sa kanya. Ano na naman ba? Ang ayoko sa lahat ay iyang mga ngitiang may tinatagong kahulugan.
“Sa ngayon, wala kang pakealam, pero sa tingin mo ba ay panghabang buhay kang walang pakealam sa isang taong maaaring malakas ang impact sa pagkatao mo? How much you tried to hide it, it’s too obvious. Apektado ka sa kanya. Best of luck!” Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya sa tabi ko.
Kunot noo kong sinundan ng tingin iyong babae. Where the hell did she even get that?
Aminado naman ako na apektado ako sa kanya dahil gwapo siya, iyon lang ‘yon. Instinct ng mga babae, kapag may taong natipuhan, naaattract pero walang ibang ibig sabihin iyon. Hindi iyon ‘yong tipo na iniisip niya.
I will not be carried away and be affected (too much) by someone like that. Pagnagsawa na ako sa kanya ay kagaya lang din siya ng ibang lalaki ko na tinatapon at iniiwan kapag wala nang pakinabang sa akin. Not because he’s hot and handsome ay magpapakalunod ako sa kanya. No one can break the ice that surrounds a Casanova’s heart, kahit sino ka pa.