Lucille’s Point of View
Nakaupo ako sa sofa namin habang naghihintay sa pag uwi ni Andrea. Hindi siya sumunod sa mall at hindi rin namin siya ma-contact. Nag aalala kami pero naiirita rin kung bakit hindi man lang siya nagsasabi sa amin na hindi na pala siya susunod.
Bumukas ang pintuan at nakita namin ang papasok na si Andrea. Pilit siyang ngumiti sa amin, halatang alam niya ang kasalanan niya sa amin. Tumayo kami sa pagkakaupo para salubungin siya.
“Hi, what’s up? Nakakain na ba kayo?”
Napangiwi ako sa itinanong ni Andrea sa amin. Naririnig niya ba ang sarili niya? Syempre nakakain na kami at ilang oras namin siyang hinintay sa restaurant sa isang mall kahit gutom na kami pero ended up, she didn’t show up! Tapos ngayon aarte siya na parang wala siyang nakalimutang gawin kanina?
“What’s up?” Alexis mocked her. “Matapos mo kaming paghintayin ng ilang oras sa mall ay itatanong mo sa amin iyan? Ilang oras ka naming hinintay bago makakain kahit gutom na gutom na kami dahil ikaw ang inaalala namin, tapos what’s up ang makukuha namin sayo? Nako, huwag mo akong ngitian, Andrea, nagdidilim ang paningin ko sayo.” Giit ni Alexis bago umirap.
Nanatili akong nakahalukipkip at naghihintay sa paliwanag niya. Siguraduhin niya lang na valid ang reason niya kung hindi makakakuha pa siya ng isang sermon mula sa akin.
“Sorry,” nakayuko niyang sabi sa amin. Bumagsak ang kanyang balikat at nilaro laro niya ang kanyang daliri. “Hindi ko naman gustong paghintayin kayo ng ganoong katagal. Balak ko naman talagang sumunod kaya lang may nangyari kasi.” Pagpapaliwanag nito.
“Ano namang nangyari? Hindi mo man lang naisipang tawagan kami para hindi na kami naghintay. Bukod sa matagal na paghihintay ay inaalala ka rin namin kung napaano ka na. Hindi namin malaman kung anong uunahing isipin kanina, kung ang gutom ba namin o ang pag aalala sayo.” Mahinahong sabi ni Sabrina.
“Okay, chill girls. I think it’s time to hear her reason. Hayaan nating ipaliwanag ng maayos ni Andrea ang dahilan bakit hindi siya nakasunod at kung bakit ni tawag o text ay hindi niya nagawa para ipaalam sa atin ang kalagayan niya.” Tinaasan ko ng kilay si Andrea. Kalmado talaga ako at kapag kalandian niya lang ang rason niya ay ewan ko nalang, baka maging ang pagpipigil ko sa pagsigaw ay hindi ko na magawa.
Naupo muli ako sa sofa at isinadal ang likod ko sa backrest. Pinagkrus ko ang aking hita at humalukipkip habang nakataas ang kilay na nakatitig kay Andrea, hinihintay ang paliwanag niya.
Naupo na rin sila Sabrina at Alexis. Si Andrea naman ay nanatiling nakatayo sa harapan namin. Para siyang bata na pinapagalitan ng mga nakakatanda sa kanya dahil sa hindi magandang nagawa nito.
Huminga ng malalim si Andrea bago magsimulang magpaliwanag. Ikwinento niya sa amin ang buong pangyayari. Na on her way to the mall, dahil wala siyang masakyan ay naglakad nalang muna siya. She can’t book a grab dahil walang signal ang phone niya. May limang lalaki na nagtangka ng masama sa kanya.
Halos mapatayo ako sa gulat dahil sa kwento niya. Hindi ko malaman kung paniniwalaan ko ba ang sinasabi niya pero naisip ko rin na wala namang dahilan para magsinungaling siya sa kung anong nangyari sa kanya.
“Then? Buti nakatakas ka.” Kung kanina ay sinisigawan ni Alexis si Andrea, ngayon ay halata ang pag aalala sa boses nito.
“Oo, may tumulong sa akin.” Para bang nahihiyang sabi ni Andrea. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. That’s good to hear.
“Glad to hear that. Sinong tumulong sayo? Dapat ay masuklian man lang natin ang kabutihang loob niya para sayo.” Ani Sabrina.
Napabuntong hininga si Andrea. Kitang kita ko ang pagngiwi niya na para bang ayaw niya nalang alalahanin ang nangyari sa kanya.
“Unfortunately, gustuhin ko mang matuwa na may tumulong sa akin ay parang nagsisisi ako na siya ang sumaklolo sa akin.” Panimula nito bago tumingin sa amin. “It was Kevin.”
This time, hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapatayo sa sobrang pagkagulat. Kevin? Kevin Caius Maranzano? Iyong kaklase namin na heartthrob at matapobre niyang seatmate?
Hah! Hindi na kataka takang kilala na namin ang grupo nila. Sa sobra ba namang daming makikita sa forum tungkol sa mga iyon ay ewan ko nalang kung hindi mo pa sila makilala.
“Kami ba talaga Andrea ay niloloko mo? Maniniwala na sana ako sa kwento mo pero parang napasobra ka naman sa sinabi mong niligtas ka ni Kevin. Hindi kapani-paniwala. Bakit ka naman ililigtas ng lalaking iyon? Ang sabi mo nga ay hindi siya nakipagkamay sayo noong nagpakilala ka kasi baka daw magkasakit siya.” Inirapan ko siya bago muling maupo sa sofa.
“Hindi ako gumagawa ng kwento. Bakit naman ako magsisinungaling? Wala naman akong mapapala. Isa pa, ang effort ko namang magsinungaling sa inyo, kung ganoon.”
Hindi na kami nakipagtalo pa. Sige na, maniniwala na kami kahit parang ang hirap paniwalaan ng sinabi niya.
“Fine, si Kevin na kung si Kevin. Ang mahalaga ay ligtas ka.” Iyon lang naman talaga ang mahalaga, hindi ang nagligtas sa kanya.
“Ligtas nga ako sa mga lalaking iyon, hindi naman ako ligtas kay Kevin.” Malalim ang hugot ng kanyang paghinga. Muling tumaas ang kilay ko dahil doon.
“Bakit anong kapalit?” May kung ano sa ngiti ni Sabrina. Alam ko na ang iniisip nito. “Kaya ka ba ginabi?”
Napailing nalang ako. Narinig ko naman ang marahang pagtawa ni Alexis.
Bumusangot ang mukha ni Andrea. “Buti nga sana kung ang kapalit ay iyang iniisip niyo kaya lang hindi. I will pretend to be his girlfriend just to get the attention of the girl he likes. We’ll make her jealous.”
“How can you make someone jealous? May gusto rin ba iyong babae sa kanya? How sure is he? Kasi kung gusto siya ng babae ay bakit kailangan pang pagselosin para pansinin siya?” Sunod sunod na tanong ko. I don’t get it. Kung ako kasi ay may nagugustuhang lalaki, hindi ako magpapakipot, magpapakita talaga ako ng motibo para malaman niya. Paano pala kung gusto rin ako pero hindi kami makapagusap dahil sa pag iinarte ko, hindi ba? But again, I don’t do those shits. Matagal ko nang pinalamig ang puso ko para maiwasang magkagusto ng ganoon sa isang lalaki.
“Hindi ko alam sa kanya. Sinabi ko na rin iyan sa kanya pero alam niya raw na gusto rin naman siya ng babae, nagpapakipot lang daw.” Napairap si Andrea, kitang kita mo ang frustration sa kanyang mukha.
“Hay nako, Andrea, guard your heart. You don’t do boyfriends, hindi ba? Baka mamaya mahulog ka. Pagtatawanan talaga kita.” Sabi ni Alexis sa kanya.
“Hah! Akala niyo mahuhulog ako sa lalaking iyon? No way! We’re just going to pretend, okay? Isa pa, ano ba tayo? We’re Casanovas and Casanovas don’t fall in love. I just owe him, that’s why I going to return the favor by pretending.” Deklara ni Andrea.
“Anyway, let’s just rest for tonight. Ang daming nangyari, na-stress ako.” Umarte pa si Sabrina na humawak sa kanyang ulo. “Nakakain ka na ba, Andrea?”
Tumango si Andrea. Napataas muli ang aking kilay dahil sa pagtango niyang iyon.
“Nagdinner kayo ni Kevin?” Napangisi ako. I just want to tease her.
“Hindi ‘no. Asa ka naman sa gagong iyon. Nilibre ko ang sarili ko. Iniwan niya rin ako matapos niyang ipakita sa akin kung sino iyong babaeng pagseselosin namin.”
Natawa nalang ako at umiling. Matapos ang pag uusap na iyon ay nagsipasukan na kami sa kanya-kanyang kwarto.
Medyo na-late kaming apat ng gising kaya nagmamadali kami ngayon sa pag aayos. Hindi pa naman kami late sa klase kaya lang kung gagawin namin ang pag aayos namin ay nakakasigurado kaming male-late kami sa unang subject namin.
Hindi na ako naglagay ng make-up masyado. Nagpowder nalang ako at lip tint para kahit papaano ay magkakulay ang aking labi at magkabuhay iyon. Natural naman na mapula ang aking labi, gusto ko lang mas mabuhayan iyon.
Nang matapos kaming apat sa pagaayos ay agad kaming sumakay sa kotse sa labas ng bahay para ihatid kami sa school.
I guess, this is our lucky day. Late man kami ng 15 minutes ay wala naman iyong professor namin kaya hindi kami napagalitan o kung ano man. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Kinakabahan pa naman ako dahil baka ipahiya niya kami dahil late kami.
Inilagay ko lang muna ang bag ko sa pwesto ko bago pumunta ng powder room. Mag aayos lang ako. Pakiramdam ko ay naging haggard ako kanina kakamadali pagpunta sa klase para maiwasang ma-late.
Matapos ang kaartehan ko sa powder room ay agad akong bumalik ng klase. May kanya kanyang buhay ang mga kaklase ko dahil wala nga iyong professor namin sa first subject.
Napatigil ako dahil pagdating ko sa may upuan ko ay nakita kong bukas ang aking bag. Kumunot ang aking noo. Naiwan ko ba itong nakabukas kanina?
Nang sumakit ang ulo ko sa pag iisip ay napailing nalang ako at ilalagay na sana ang maliit na purse na dala ko.
Ilalagay ko ng maayos ang aking purse sa loob ng bag ko nang may makita akong kulay dilaw na parang gumagalaw sa loob din ng bag ko. Nilapitan ko ito para pagmasdang mabuti. Nang mairita ako dahil hindi ko malaman kung ano iyon ay agad kong hinawakan at binuhat.
Halos lumabas ang puso ko sa bibig ko dahil sa lakas ng aking pagsigaw. Nalaglag sa kamay ko iyong nahawakan dahil sa sobrang gulat ko.
It’s a freaking snake! A yellow python to be exact!
Napaupo ako sa sahig at nag urungan ang mga bangkuang nadali ko. Nanginginig akong umaatras kahit na nakaupo ako sa sahig dahil sa sobrang takot. Pakiramdam ko ay mahihimatay nalang ako dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko ngayon.
“Lucille, anong nangyari sayo—”
Agad kong itinuro kay Sabrina iyong ahas na hindi kalayuan ang layo sa akin. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko at nanghihina ang tuhod ko sa takot, gustuhin ko mang mas lumayo pa ay hindi ko na magawa.
May narinig akong malakas na palakpak at malakas na pagtawa. Hindi ko man siya tingnan ay alam ko na kung sino iyon. It’s David! Sino pa bang gagawa ng katarantaduhan sa akin kung hindi siya lang?!
Takot man at nanghihina ay lakas loob akong tumayo. Tears pooled in my eyes. Ganoon pa man ay pinigilan ko ang aking pag iyak. I don’t want to cry; I don’t want anyone to see me cry. Not now, and not in front of him!
Nilapitan ko ang walang tigil sa pagtawa na si David at buong lakas ko siyang sinampal. Lumagitik ang sampal ko kaya’t napatigil siya. Nanginginig man ang aking kamay ay masaya akong nagawa ko pa rin siyang sampalin.
“Hindi ko alam kung anong trip mo sa buhay, pero sana sa susunod kung bored na bored ka, sarili mo nalang ang pagtripan mo at huwag na ang ibang tao!”
Matapos kong sabihin iyon ay agad akong tumakbo papalabas. I need to go to the clinic right now. Nalulula ako at wala pa ring tigil ang panginginig ng katawan ko. Alam ko rin na halos mawalan na ng kulay ang mukha ko dahil sa takot.
This jerk, makakaganti rin ako sa kanya.
Sabrina’s Point of View
Nilapitan ko agad si David dahil sa nangyari. Sinundan naman ni Alexis si Lucille para makasigurado lang kami na hindi siya mahihimatay kung saan at nasa maayos siyang lagay.
“What the f**k do you think you’re doing, huh?!”
Bago pa man ako makapagsalita ay narinig ko na agad ang pagsigaw ni Andrea. David, on the other hand, was still stunned by Lucille’s slap. Serves him right.
Ang plano kong sermonan at sigawan iyong David ay hindi ko na nagawa pa dahil mas inuna kong pakalmahin ang sumisigaw na si Andrea. Napansin ko rin ang pagpasok ng mga kaibigan nitong si David. Nagulat si Kevin sa nangyayari at iyong dalawa naman ay tamad lang na nakatingin sa amin. Umirap ako.
“Thunder, anong nangyayari?” Napatigingin si Kevin sa isang gilid at agad iyong nilapitan. “Bakit pinakawalan mo si Spike rito? Hindi ba ay nasa animal hub ito para alagaan? We donated Spike in the university, right?”
“Nilagay ko si Spike sa bag ng seatmate ko, just to scare her a little. I didn’t know it will turn out this way—”
“A little? That was an understatement! Dude, you almost made her faint! Kung may nangyaring masama kay Lucille, anong magagawa mo? Gusto mong maging tanghalian ng alaga mo? Ipakain kaya kita diyan sa ahas mo? Ha?!” Muli kong pinigilan si Andrea sa kanyang pagsugod sugod kay David.
Minsan ay wala ring pakealam si Andrea sa paligid niya pero kapag isa sa amin ang naagrabyado ay paniguradong hindi lang siya manunuod. Makikipag away talaga siya.
“Hey, calm down. Mas mukha ka pang manunuklaw kaysa sa totoong ahas, eh.” Ani Kevin at tinulungan na rin akong pakalmahin si Andrea. Nakita ko naman ang matalim na pagtapon ng titig ni Andrea kay Kevin.
“Hindi lang tuklaw ang makukuha sa akin niyang kaibigan niyo. Babalian ko iyan ng buto!”
Hindi ko malaman dito kay Andrea kung matatawa ba ako o ano, eh. At the same time ay nahihiya na rin ako dahil pinapanood na kami ng mga kaklase namin. Paniguradong nasa forum kami nito mamaya—but oh well, who cares!
“Don’t you think you’re making a fuss over something…rubbish?”
Napatigil si Andrea sa pagwawala niya at ako naman ay dahan dahang napatingin sa nagsalita. It was Lawrence, iyong seatmate ni Alexis. Nakahalukipkip ito at tamad kaming tinitingnan, para bang inaantok siya kakapanood sa amin.
Kung patulugin ko kaya talaga siya? Habang buhay. Bet?
“It’s not rubbish! It’s a big deal to us because we know that our friend has Ophidiophobia. She’s afraid of snake! Kaya bago mo buksan iyang bunganga mo ay mag isip ka munang mabuti kung may sense rin ba ang sasabihin mo.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nakakanginig sila ng laman.
“Waste of time.” Malamig na sabi ni Luke bago maglakad papalayo at maupo sa pwesto niya. Isa pa ito. Magsama nga sila ni Lawrence. Pareho silang nakakairita dahil kung makaasta ay para bang wala silang pakealam sa nangyayari sa paligid nila. Ang mga mata nila’y malalamig at walang buhay.
“Okay, I’m sorry. I didn’t know.” Itinaas ni David ang kanyang kamay sa ere, para bang pinaparating niya na suko na siya at ayaw niya nang makipagtalo sa amin.
But still, he looks insincere.
“Aren’t you apologizing to the wrong person? You should apologize to Lucille at hindi sa amin.” Napatingin kami kay Alexis na nakahilig sa frame ng pintuan at nakahalukipkip. Seryoso siyang nakatingin kay David.
Hindi agad nagsalita si David. Halatang nagdadalawang isip sa kung ano mang tumatakbo sa utak niya, o kung mayroon ba talaga siya ‘non.
“Where is she now?”
Muli akong napairap. Bakit kailangan niya pang itanong ganoon parang wala naman talaga siyang pakealam?
“Bakit namin sasabihin? Mamaya kung ano pang gawin mo ay mas lalo lamang lumala ang karamdaman ng kaibigan namin.” Umurong ang dila ko nang magsimula na naman sa pagsasalita itong si Andrea.
Hawak hawak na siya ni Kevin ngayon, pinipigilan pa rin sa pinaplanong pagsugod kay David.
“I won’t do that, okay? Hindi ako ganoong kasamang tao para mambully pa sa isang taong halos mahimatay na dahil sa ginawa ko. I just want to know if she’s okay. If you’re not going to tell, then, fine. I couldn’t care less.” At talagang! Nakakapikon talaga sila, ha.
“She’s in the clinic.” Sabi ni Alexis bago maglakad ng diretso papunta sa kanyang upuan. Hindi niya kami nilingon o tiningnan man. Anong problema nito?
Nagkibit balikat nalang si David bago maglakad palabas ng silid. Ganoon pa man ang ginawa niya ay walang kasiguraduhan kung pupuntahan niya ba talaga si Lucille. Mukha talaga siyang walang pakealam.
Naglakad na rin ako papalabas ng silid nang magsalita si Luke.
“And where do you think you’re going?”
Napatigil ako at nilingon siya. He’s looking at me with intensity. Nagulat ako sa nakita kong ekspresyon ng mga mata niya. His eyes are still cold but unlike the first time, it has more coldness and force. Gah, I don’t get it, really.
“Pakealam mo ba?” Inirapan ko nalang siya at naglakad na papalabas. Naalala ko tuloy iyong pag uusap nila ng nanay niya. Alam kaya niyang narinig ko lahat? Baka nahuli niya akong nakikinig sa kanila. Oh s**t!
Naglakad ako patungo sa clinic kung nasaan si Lucille. Kung wala si David ay kakamustahin ko nalang si Lucille, kung naandito naman si David ay makiki-chismis ako.
Tahimik akong pumasok sa loob ng clinic. May ilang cubicle rito at kurtina ang nagsisilbing harang para maseperate ang bawat cubicle.
“I’m sorry,” nang marinig ko ang boses na iyon ay agad akong pumasok sa isang cubicle na malapit lang kung saan ko narinig ang boses na iyon. It’s David, I’m sure of it.
Sumilip ako sa karatig na cubicle at doon ko nakumpirmang si David nga iyon. Nakaupo siya sa isang silya malapit sa kama ni Lucille. Lucille is sleeping. Hindi naman siguro siya hinimatay? Baka nakatulog lang dahil sa takot? Hmm, pwede ba iyon? I don’t know.
“I didn’t mean to inflict any harm. I was…I just want to make fun of you, that’s all. Kung alam ko lang na magkakaganito ka ay hindi na sana iyon ang ginawa ko.”
Humihingi ba talaga siya ng tawad? Kasi parang sa naririnig ko ay hindi. Parang sinasabi niya pa na kung alam niyang takot si Lucille sa ahas ay ibang panggagago ang gagawin niya rito. Tirisin ko na kaya siya? Walang aawat sakin dito.
“But really, I’m sorry. I’ll try not to bully or make fun of you next time. Natutuwa lang talaga ako sa reaksyon mo kaya gustong gusto kitang pagtripan.”
Napangisi ako sa narinig ko. Napataas din ang aking kilay. May naiisip ako pero mas mabuting sa akin nalang muna kung ano iyon.
“This is funny. I didn’t know I will apologize to someone I bullied.”
Ipinikit ko nalang ang aking mata at marahang naglakad palabas ng clinic. I guess, nakita ko naman kung anong gusto kong makita kahit na sa tingin ko ay hindi pa rin iyon sapat.
Sinong tanga ang hihingi ng tawad sa isang taong tulog at hindi naman naririnig ang paghingi mo ng tawad? Syempre, si David. Tanga siya, eh.