Chapter 8:

2618 Words
Alexis’ Point of View “Dapat ay hindi mo nalang sinabi sa lalaking iyon kung nasaan ngayon si Lucille.” Sabi ni Andrea sa akin. Siya ang nakaupo sa tabi ko ngayon habang ang tunay na seatmate ko ay kasama ng mga kaibigan niya sa hindi kalayuan sa pwesto ko. “Siguro naman ay hindi siya ganoong kawalanghiya para pagtripan pa si Lucille sa ganoong kalagayan niya, hindi ba?” Nagkibit balikat nalang si Andrea bago laruin iyong buhok niya. Napatingin kami sa may pintuan nang pumasok si Sabrina. Nang mapansin ni Sabrina na nakatingin sa kanya ang lahat ay nawala ang ngisi sa kanyang labi. “At saan ka nagpunta? Bakit parang tuwang tuwa ka?” Nagtaas ng kilay si Andrea pero nginitian lang siya ni Sabrina at hindi na nagsalita pa. Lumapit sa amin si Sabrina at nakipagkwentuhan. Ganoon pa man, hindi niya pa rin sinasagot kung saan ba talaga siya galing. Nakarinig kami ng mahinang tawanan sa hindi kalayuan sa amin. Napatingin kami roon at nakitang nagtatawa si Kevin at Lawrence, samantalang si Luke naman ay seryoso lang na nakikinig sa kanila at para bang walang pakealam. “Marunong naman palang tumawa iyong si Lawrence, eh.” Puna ni Sabrina bago tumingin sa akin. Kumunot ang aking noo dahil sa pagtingin niya sa akin. Bakit parang ako ang tinatanong niya ‘non? Anong alam ko. Malay ko. “Oo,” sagot ni Andrea na nakatingin pa rin sa direksyon ng mga lalaki. “Ang sabi sa akin ni Kevin ay marunong naman daw makipagtawanan si Lawrence kapag nasa mood siya. Madalas nga lang ay para rin iyang si Luke na walang pakealam. Kaya raw iyan naturingang heartless ay bukod sa minsan makikita mong walang buhay ang kanyang mga mata ay wala iyang awa kapag ginalit mo. Other than that, ayos naman daw si Lawrence. Si Luke lang daw talaga iyong hindi mo makakausap talaga.” “At nagke-kwentuhan na pala kayo ngayon ni Kevin? Close na kayo? Akala ko ba pagpapanggap lang ag mangyayari?” Itinaas ko ang aking kilay at sarkastikong tiningnan si Andrea. Nilingon niya ako at agad napangiwi ang aking kaibigan sa nakitang ekspresyon ko. “He asked about us. Natural lang na makichismis din ako sa mga kaibigan niya. Gusto kong malaman if konektado ba sila sa mga taong hinahanap natin.” Sabi ni Andrea sa akin bago muling tumingin sa direksyon nila Kevin. “Sana huwag kang masyadong madulas kay Kevin. Baka may makaalam kung anong pakay natin bakit tayo naririto.” Paalala ni Sabrina. Tumango si Andrea, mukhang alam niya naman iyon. “By the way, Sabrina, ikaw ba ay kumikilos na para makuha ang loob ni Lucas Raleigh? Baka manalo kami sa pustahan natin ha.” Natatawang sabi ko sa kanya. “Ha? Sinong Lucas Raleigh?” Kunot noong tanong sa akin ni Sabrina. Nagkatinginan kami ni Andrea bago bahagyang tumawa. “Duh, si Luke. Lucas Raleigh Villafuerte ang totoong pangalan niyan, girl. Palayaw niya lang iyong Luke. English ng Lucas kasi ay Luke, hindi ba?” Natatawa at naiiling na sabi ni Andrea. “Holy crap, hindi ko alam iyon, ah?” See? Mukhang hindi talaga umuuasad ang oplan pang aakit niya kay Luke. Ultimong iyong tunay na pangalan ng target niya ay hindi niya alam. “Kumusta iyong si Lyka? Hindi ba’t doon ka pumunta? Naandon ba si David?” Sabay sabay naming nilingon iyong nagsalita at nagtaas ang kilay ko nang makita si Kevin. Nasa likod niya naman si Lawrence na balik na naman sa blangko ekspresyon ang mukha. “Lyka?!” Pagtatanong nila Sabrina at Andrea. “Sino si Lyka?” Hindi ako nagsalita. Nanatili akong nakatingin kay Lawrence. Simula nang halikan niya ako ay hindi na ulit kami nag usap na dalawa. Hindi naman sa gusto ko siyang makausap. Wala nga sa plano ko ang maging ka-close niya, eh. “Iyong kaibigan niyong takot sa ahas. Hindi ba’t Lyka ang pangala niya—” Hindi na naituloy ni Kevin ang kanyang sinasabi dahil humagalpak sa tawa si Sabrina at Andrea. Napatingin ako sa kanila at nakitawa na rin kahit hindi ko alam kung ano bang pinag uusapan nila. “Damn, Kevin, wala kaming kaibigang Lyka. Lucille kasi. Her name is Lucille Rae Jung. Huwag kang mag imbento ng pangalan diyan.” Natatawang sabi ni Sabrina. “She’s fine. Nasa clinic siya para makapagahinga. Hindi ko alam kung naandoon iyong si David dahil naandito tayo pare-pareho, hindi ba?” Sarkastikong sabi ko. Napatingin sila sa akin, dahil na rin ata sa tono ng pananalita ko. Napunta ang aking titig kay Lawrence na kasalukuyang nakatingin din sa akin habang nakataas ang isang kilay. Inirapan ko nalang siya. I hate him! “Sabagay.” Kibit balikat ni Kevin. “Hayaan na natin sila. Malalaki na naman ang mga iyon. Babe, let’s just have our date. Wala naman tayong klase.” “Babe?” Sabay na tanong ni Luke at Lawrence. Nilingon ni Kevin ang mga kaibigan bago magsalita. “Yup. Andrea is my girlfriend. I forgot to mention that last night. Hindi ko kasi kayo mahagilap.” Hindi na kami nabigla. Sinabi at ipinaliwanag na naman ni Andrea sa amin ang detalye. I still can’t believe it, though. Akala ko talaga ay gumagawa lang siya ng kwento. “Baduy mo, pre.” Naiiling na sabi ni Lawrence bago mag iwas ng tingin kay Kevin. Tinawanan lang naman ni Kevin ang reaksyon ng mga kaibigan niya. Muli ay napatitig ako kay Lawrence. Hindi ko maiwasang kagatin ang ibabang bahagi ng labi ko habang pinagmamasdan ko siya. Damn, I hate him but I can’t forget his kiss! Parang gusto ko ulit. If the only option I have is to provoke him, I will do it and dare him to kiss me again. Damn it, Alexis. “You’re gawking at me again, Miss Sasayama.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang bigla siyang magsalita. Nakatingin siya sa akin dahil ata sa ginagawa kong paninitig sa kanya. Maging ang mga kaibigan namin ay napatingin din sa akin. “I’m not!” Ngumuso ako at umirap sa kanya. He caught me staring at him like an idiot. Nakakahiya! “Yes, you are.” I heard a tiny chuckle from him, kaya agad ko siyang sinilip. “May ginawa na naman ba ako para ipahiya ka?” Grr, this guy! He’s teasing me! Nasa mood ba siya kagaya ng sinabi ni Andrea kaya ginaganito niya ako? Normally ay hindi naman siya magsasalita o hindi niya ako kakausapin pero ngayon… “Wala! Ang kapal mo. Hindi ako tumititig sayo, ‘no.” Muli ko siyang inirapan. Sa gitna ng aking pag irap ay napansin ko ang makahulugang ngiti nila Sabrina at Andrea sa akin. Anong ibig sabihin ng mga ngiti nilang iyon? “Okay, sabi mo, eh.” Nagkibit balikat si Lawrence at naglakad papalapit kay Luke. Naupo ito sa tabi ni Luke at silang dalawa ang nag usap. Natawa lang naman si Kevin dahil sa hindi ko alam. “Mukhang maayos ang pagtrato sayo ni Ace, ah? Kasi hindi iyan basta basta nakikipag usap, kahit sa mga kaklase natin. Bilang lang ang mga taong kinakausap niya. Mukhang kabilang ka sa kakaunting bilang na iyon.” Ani Kevin sabay kindat sa akin. Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagkindat niya. Why is he acting like this? Are we close? Syempre hindi. Kung hindi siya fake boyfriend ni Andrea, malamang ay hindi makikipag usap sa amin si Kevin. Sumulyap ako saglit kay Lawrence na masinsinang nakikipag usap kay Luke. Somehow, I feel distraught. “Mukhang may mahuhulog.” Tikhim ni Sabrina. Nilingon ko siya at tiningnan ng masama. Anong ibig niyang sabihin doon? Alam kong mayroon dahil may kakaibang ngiti ang kanyang mga labi. I don’t like it. “Ingat. Guard your heart. It’s not easy to fall. If you fall hard, it will bleed, hard.” Ngayon ay si Andrea naman ang aking tiningnan dahil sa makahulugang sinabi niya. Narinig ko ang pagtawa ni Kevin. Akala ko ay kami ang pinagtatawanan niya ngunit nang tinginan ko siya ay napansin ko nakatingin siya sa kanyang dalawang kaibigan. Lumapit siya sa tainga ni Andrea at bumulong bago ituro ang mga kaibigan. Tumango naman si Andrea. Umalis na si Kevin at lumapit sa mga kaibigan niya. “Shut up. Ano bang sinasabi niyo? Sinong may sabing nahuhulog ako para sa lalaking iyon?” Mahina ngunit madiin kong sagot sa paratang nila. “Opps, wala akong sinasabing nahuhulog ka sa kung sino mang tinutukoy mo. You said it yourself!” Natatawang sabi ni Sabrina. “Ang rupok mo naman, girl. Oh well, sabi nga nila, ang mga babaeng walang experience ay mas mabilis ma-fall.” Natatawang sabi ni Andrea. Hinigit ko ang buhok niya kaya lumakas ang tawa nila ni Sabrina. “Hindi ako marupok at mas lalong hindi ako mahuhulog. I know where I stand. I’m here for our mission and just to flirt. No one is going to make me fall. Lalo na sa lalaking kakakilala ko palang.” Tumayo ako at hindi na nilingon iyong dalawa. Naglakad ako palabas ng silid. Narinig ko pa ang pagtawa nila sa akin. Ako? Mahuhulog? Kanino? Kay Lawrence? Hell no! Oo, aminado naman akong gwapo si Lawrence and he’s f*****g hot, at that. Na nakakalaway iyong katawan niya, but I’m not going to fall for him because of that. Wala akong alam sa love. Wala akong experience sa relationship dahil bata palang ako ay ang tingin ko sa mga ganitong bagay ay walang kwenta. Namulat ako sa buhay na ang tingin sa pagmamahal ay isang mamahaling bagay na mabilis mawala. Isang pakiramdam na mabilis ibigay sa isang tao at mabilis ding mawala. Na you can love countless people. Paano ba naman, iyan ang ipinakita ng relasyon ng mga magulang ko. My dad cheated on my mom countless times pero ano, iyong nanay ko nagpapakatanga at hinayaan ang ang tatay ko kahit na gabi gabi ko siyang nakikitang umiiyak at nasasaktan. Nang una ay sobra ang paghanga ko sa kanya dahil kahit ganoon ang ginagawa ng tatay ko ay natatanggap niya pa rin. Na kahit pagod na pagod na siya at nasasaktan na ng sobra ay pagmamahal pa rin ang ibinabalik niya sa tatay ko. Until, one day, I just lost respect to her so-called love. All I can feel is pity. I pity her stupidity. Sa sobrang pagmamahal niya sa asawa niya ay nawalan na siya ng pagmamahal para sa sarili at maging para sa anak niya. Maging pagmamahal na para sa akin ay inubos niya para sa maling lalaki. Lumaki akong hindi nakakaranas ng pagmamahal mula sa aking sariling mga magulang. I don’t want to feel that. I won’t ever feel it. I don’t want to be that stupid. Ang pagmamahal, hindi ka niyan ginagawang mabuting tao. It will ruin you. Gagawin ka lang nitong tanga. That’s just me. That’s my opinion and stand about love. Ang alam ko lang na pagmamahal ay para sa sarili ko, sa Diyos at siguro para na rin sa mga kaibigan ko. But love in a romantic way, wala. I don’t want it. Kaya kung sasabihin sa akin ng mga kaibigan ko na nahuhulog ako para kay Lawrence, that’s bullshit. Dahil malabong mangyari iyon. Maybe, he’s just making me horny or something kaya nagkakaganito ako sa kanya. Dapat sila ang unang nakakaalam nito. That’s it. I just want him to make me feel good. The way he kissed me; I know he can satisfy my needs in bed. Other than that, wala na siya sa akin. “Sorry,” sa sobrang lalim ng aking iniisip ay hindi ko napansin na may nabangga na pala ako. Humingi nalang ako ng tawad at nagbabadyang maglakad nang muli. Napatigil lang ako nang mapansin ko na siya pa ang napaupo sa sahig at nahulog ang ilang gamit na bitbit niya. Out of guilt ay nilapitan ko siya para tulungan man lang. Tumayo siya at pinagpagan ang kanyang pants. Inabot ko naman sa kanya ang mga gamit niya na nahulog dahil sa pagkakabangga naming dalawa. “Thanks,” nakangiting sabi sa akin ng lalaki. Pinagmasdan ko siyang mabuti. He’s good looking, and has a lean type of body. Unlike Lawrence na intimidating, malaki ang pangangatawan at walang buhay ay kabaliktaran naman itong lalaking nakabunggo ko. He has this aura na parang nakakagaan ng loob—Now what? Kinukumpara ko na ang ibang lalaki sa Lawrence na iyon? “No problem. Sorry ulit.” Tipid akong ngumiti sa kanya at bahagyang tumungo. Napakamot naman siya sa batok niya dahil sa ginawa ko. Maglalakad na sana ako nang bigla niya akong habulin. “Miss, sandali lang!” Nilingon ko siya. Kunot ang noo. Wala ako sa mood makipaglandian sa kanya if he’s planning to hit me up. Tinaasan ko lang siya ng isang kilay at nakita kong nakatingin siya sa skirt ko. Agad kumunot ang noo ko at lumayo sa kanya. “Bakit ka nakatitig sa skirt ko, ha?!” Inis kong tanong sa kanya. Agad lumipat sa mukha ko ang titig niya. Gulat siya sa aking pagsigaw kaya bigla niyang iwinagayway ang kanyang magkabilang kamay sa ere. “Hindi, Miss. Iyong skirt mo kasi ay mag kaunting punit. Kasalanan ata ng ilang matitilos na gamit ko. Nadali siguro ng nalaglag kanina.” Aniya. Gulat kong tiningnan ang aking skirt at tama siya. Nagkaroon ng slit ang aking skirt dahil sa sinasabi niyang punit. “Oh my god!” Hindi ko mapigilang pagsigaw. “Here.” Tiningnan ko ang iniaabot niya sa akin. It’s his uniform blazer. “Gamitin mo muna itong pangtakip para hindi makita ng ibang tao.” Nag angat ako ng tingin sa kanya at sinalubong ako ng isang ngiti galing sa kanya. Dahan dahan kong kinuha iyong inaabot niyang blazer sa akin at nagpasalamat. “Are you okay?” Nanatili ako sa pag aayos ng blazer sa may punit para masiguradong matatakpan iyon. Sinulyapan ko siya dahil sa tinanong niya. “Oo naman. Bakit mo naitanong?” Pilit akong ngumiti. “Wala naman. Pansin ko kasi na ang lalim ng iniisip mo kaya’t kahit anong iwas ko sayo para hindi tayo magkabunggo ay nabunggo pa rin kita.” Marahan siyang tumawa. “Sorry.” Paghingi kong muli ng tawad. “No, it’s okay. I should apologize, too, for ruining your skirt.” Matapos iyon ay nginitian niya ako. Somehow, I find his presence comfortable, hindi kagaya kapag kay Lawrence, masyado akong naso-suffocate. Ngumiti rin ako sa kanya at nagpasiya munang umupo sa isang bench malapit sa nilalakaran namin. Nagulat ako nang sumunod siya sa akin. Tiningnan ko siya nang umupo siya sa tabi ko. “I hope you don’t mind?” Pagtatanong niya nang maupo siya. Umiling naman ako. I don’t really mind. “Sorry to ask this again but, are you okay? Mukha ka kasing problemado.” Aniya. Marahan akong tumawa dahil sa sinabi niya. “Halata ba masyado?” Nahihiya niyang kinamot ang batok niya bago tumango. “Medyo. Halata kasing malalim ang iniisip mo.” I don’t really know what happened but I just saw myself talking to this stranger. He’s nice and I’m comfortable with him. Para bang nakakagaan ng pakiramdam ang makipag usap sa kanya. Nang magsabi siya ng joke ay agad akong napatawa. Halos makalimutan ko na nga kung ano iyong mga bagay na iniisip ko kanina. “You’re beautiful when you laugh. Sana lagi ka nalang nakangiti.” He then pinched my cheek. Nahihiya naman akong ngumiti sa sinabi niya. Darn, sanay ako sa compliment kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako nahihiyang sinasabihan niya akong maganda. “Oh, sorry, I forgot to introduce myself. My name is Raiden Takahashi, and you are?” Naglahad siya ng kamay sa akin at agad ko iyong tinanggap. “I’m Alexis Ciannait Sasayama. You’re Japanese?” Alam ko naman iyon, gusto ko lang malaman kung pure or may lahi lang. “Half. My mom is a Filipino.” Umihip ang malakas na hangin sa gitna ng pag uusap namin. Agad akong napapikit nang mapuwing ang aking mata. Pinilit ko iyong kusutin dahil nagbabakasakali akong mawala kung ano man ang pumasok dito. “Huwag. Baka lalong hindi mawala iyong puwing.” Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at ibinaba iyon. Nilapit niya ang kayang mukha sa may bandang mata ko bago marahang hipan iyon. I can smell mint emanating from his mouth. “T-Thanks—” Hindi ko na nagawang tapusin pa ang aking sasabihin nang may marahas na humawak sa braso ko at sapilitan akong inilayo kay Raiden. Hindi pa man ako nakakatingin kung sino siya ay agad siyang nagsalita dahilan para malaman ko kung sino iyon. “Don’t you dare bring your face near this woman or I’m going to crash it by punching you.” I looked at him, surprised by his sudden appearance, and even in his side features, I can see how emotionless and dull his eyes. His voice might be calm but you can still sense the intensity and authoritative in his tone. That’s right, it’s Lawrence. Why is he here?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD