Sabrina’s Point of View
“Oh, umalis iyong kaibigan niyong isa?” Bumalik si Kevin kung saan kami nakaupo ni Andrea. Tumango kami sa kanya bilang sagot.
“Si Lawrence rin?” Pagtatanong naman ni Andrea.
“Oo, may kailangan daw siyang tawagan.” Sagot ni Kevin sa amin. Tumango nalang muli kami ni Andrea.
Nakisali si Kevin sa pag uusap namin ni Andrea. Namamangha man na nakikipag usap siya sa amin ngayon ay hindi nalang ako nagsalita pa. Buti pa si Kevin, kahit papaano ay graduate na sa pagiging suplado. Iyon kayang iba niyang kaibigan kailan magiging friendly?
Tss, asa ka naman sa seatmate kong walang alam na emosyon. Grr, hindi ko alam kung paano nakakayanan ng mga kaibigan niyang pakisamahan ang lalaking iyon. Parang ang hirap makasama iyong ganyan, eh.
“Si Luke ba nagsasalita? Marunong ba iyang magsalita? Kahit alphabet lang?” Tanong ko kay Kevin kahit na nakatingin pa rin ako kay Luke na nakapikit ang mga mata.
Narinig ko ang pagtawa ni Kevin. “Oo naman. Nakakausap naman namin iyang si Lucas kaya lang madalas ay kapag wala naman siyang sasabihin, mas pinipili niya nalang manahimik. Aksaya raw kasi sa oras kung magsasalita pa siya.”
“Hindi ba iyan mahirap pakisamahan?” Hindi ko na mapigilan ang pagtatanong.
“Hindi naman. Siguro iniisip ng iba na ang hirap pakisamahan ni Lucas dahil bukod sa hindi masyadong nagsasalita ay cold pa ito pero para sa amin na matagal na siyang kasama, solid na kaibigan siya. Hindi man sa salita, but you can clearly see it through his actions. Iyon ang maganda kay Luke. Hindi ka magbabase lang sa mga salitang binibitawan niya, mas kakapit ka sa mga bagay na gagawin niya para sayo.”
Napatingin ako kay Kevin. He’s smiling, like he’s so proud of him. I guess, kung isa sa mga kaibigan ko ay ganyan, sa tingin ko, magkaibigan pa rin naman kami. Hindi naman nababase ang pagkakaibigan sa ilang beses ka bang nagsalita sa isang araw, kung hindi sa aksyon mo para sa mga taong pinapahalagahan mo.
Okay, s**t. Nagtatanong lang ako sa kung mahirap bang pakisamahan si Luke tapos napunta na sa kaibigan.
“Excuse me,” napalingon kami sa may pintuan ng silid. Nakabukas ito at dumungaw ang isang professor.
“Miss Lee and Mr. Villafuerte, pwede ko ba kayong maexcuse saglit?”
Nalilito man sa kung anong rason ay tumayo nalang ako sa pagkakaupo ko. Lumapit ako sa professor ko. Hindi pa man lumalapit si Luke sa amin ay nagsalita na siya.
“I excused you to your classes today. Isang klase nalang naman kayo ulit bago ang lunch break niyo, hindi ba? Kailangan kasi ng tulong sa paglilinis ng storage room sa third floor. Kayo iyong nasuggest sa akin.”
Bahagyang tumaas ang aking kilay sa sinabi niya. At sinong nagsuggest sa kanya na kami ang paglinisin? Sapakin ko ng isa.
“Sige po.” Wala naman kaming magagawa, hindi ba? Hindi rin naman ako makakaangal.
Sinabi ko lang sa kanya na may kukunin lang ako sa bag ko at pupunta na rin kami ni Luke sa sinasabi niyang storage room. Gosh, kailangan ko pang mag isip paano mapapasama iyong lalaking iyon sa akin. Paniguradong hindi siya makikinig sa akin. Sino ba naman ako para sundin niya?
“Ano raw iyon?” Agad na tanong ni Andrea sa akin nang mamataan akong papunta sa may pwesto niya.
“Paglilinisin daw kami ni Luke ng storage room.” Simangot kong sagot sa kanya.
“Ha? Bakit kayo?” Nagtatakang tanong ni Andrea. Nagkibit balikat nalang ako.
“Ganyan talaga. Madalas ay nagpapatulong ang mga professors sa paglilinis kapag kulang sa tao ang school. Minsan lang naman iyan.” Sagot ni Kevin. Bumuntong hininga nalang ako bago lumapit sa upuan ko at ilagay doon ang cellphone ko. Hindi naman siguro kami magtatagal sa paglilinis doon.
“Luke, tara na.” Iyon nalang ang sinabi ko sa kanya. Since alam ni Kevin ang tungkol dito ay nakakasigurado ako na alam din ni Luke.
“Mag isa ka.” Pikit mata niyang sagot sa akin. Agad na kumulo ang dugo ko dahil sa sinagot niya. Why should I deal with him? Pwede ko naman siyang iwasan nalang at huwag nang pansinin. Kaya lang, I can’t clean it alone!
“Binanggit ka rin ng professor. Huwag kang pa-espesyal diyan at tumayo na.” Inirapan ko siya at naglakad na papalabas ng silid. Nilingon ko siya at napansin na hindi pa rin siya kumikilos.
Tiningnan ko sila Kevin para manghingi ng tulong. Sa tingin ko kasi ay makikinig siya kahit papaano kay Kevin.
Napabuntong hininga si Kevin at nakangising umiling.
“Blood, sumama ka na. Maglilinis lang naman kayo.” Nakahalukipkip na sabi nito kay Luke habang nakahilig sa isang upuan at nakaharap kay Andrea.
Dahan dahang iminulat ni Luke ang kanyang mga mata at malamig na tiningnan si Kevin. Tumango lang ito at tumayo. Inilagay niya sa bulsa ang magkabilang kamay niya bago maglakad at nauna pang lumabas sa akin ng silid.
Tumingin ako kay Kevin at nagpasalamat. Nginitian niya lang naman ako bago muling ituon kay Andrea and atensyon.
Nang makarating kami sa storage room ay may nadatnan agad kaming gamit na panglinis. Pumasok ako sa loob at nagsimula nang damputin ang mga gagamitin ko sa paglilinis. Nilingon ko si Luke para iabot sa kanya ang isang basahan pero nadatnan ko siyang pinapagpagan ang sahig at naupo roon. Humilig siya sa pader at agad na ipinikit ang mga mata.
Natulala ako sa ginawa niya pero kalaunan ay agad din akong ginapangan ng pagkairita sa ginawa niya. He’s not here to sleep! He’s here to f*****g help me to clean.
“Hoy Lucas, naandito tayo para maglinis ng storage room at hindi para matulog ka.” Ibinato ko sa kanya iyong basahan. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya bago iyon tanggalin sa mukha niya. Natawa tuloy ako at nakaramdam ng satisfaction kahit papaano dahil sa naging reaksyon niya.
Damn, I’m still not used to calling him Lucas. Para masyadong pormal kapag iyon ang tinatawag ko sa kanya. Masyadong seryoso ang dala ng pangalan niya. I prefer calling him Luke, so I’m going to stick with it.
Nagsimula na akong magwalis at ayusin ang ilang gamit na wala sa posisyon nila. Muli kong sinilip si Luke at nakita kong natutulog pa rin siya. Kumulo na naman ang aking dugo dahil sa kanya. Grr, maaga akong tatanda dahil sa pagpapasensya sa lalaking ito. Nakakastress siya!
Hinayaan ko nalang si Luke at ginawa ang kaya kong gawin. Bahala na si Luke sa ibang bagay na lilinisin dito. Ituturo ko siya kapag dumating iyong prof dito at hindi pa kami tapos maglinis.
“Tumayo ka nga diyan! Nagwawalis ako, eh. Gusto mo walisin din kita? Tutal kalat ka naman.” Pag irap ko sa kanya.
Marahan niyang binuksan ang mga mata niya at tumayo nang hindi ako kinakausap o tinitingnan. Gusto ko sanang ihampas sa kanya itong hawak kong walis pero huwag nalang. Sayang sa energy. I’m conserving it pa naman pero mukhang kay Luke palang ay made-drain na ako.
May kumaluskos sa likod ko kaya agad ko iyong tiningnan. Akala ko ay naglilinis na siya pero hindi pa rin. Humanap lang siya ng upuan at nilinis iyon bago maupo at umidlip na naman. Tanginang lalaking ito, mukhang tulog!
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. I need to f*****g calm. Hindi si Luke ang magpapasabog sa pasensya kong nauubos na dahil sa kanya. Ayokong mawala ang poise ko kaya hindi ko na lang siya papansinin. Bahala siya kung ayaw niyang maglinis basta ako ay gagawin ko ang dapat kong gawin at kung mapagalitan man ay siya ang ituturo ko.
Ilang minuto ang nagdaan. Matatapos ko na ang pagwawalis ko nang may marinig akong ingay mula sa labas. Agad akong lumapit sa pintuan at tinangkang buksan iyon nang mapagtanto kong nakalock na iyon mula sa labas.
“Holy s**t!” I can’t remember locking this. No way!
Kinalampag ko ang pintuan para marinig ako ng kung sino mang tao sa labas. “Hey, don’t lock the f*****g door. May mga tao sa loob!”
Naghintay ako ng tugon pero wala. Mukhang kung sino man ang naglock sa amin dito ay nakaalis na.
Nilingon ko si Luke na mukhang walang pakealam sa nangyari at natutulog pa rin. Damn him! How can he stay calm when we’re here, alone and locked up?
“We’re locked up. What should we do?” Alam kong wala siyang pakealam pero gusto ko lang ipaalam sa kanya para lang alam niya.
“Nothing.” Nakapikit niya pa ring sabi. “Unless you’re a magician who can summon something to open the door.” Malamig niya pang sabi.
Muli ay kumulo ang dugo ko. Naiirita talaga ako sa kanya. Kung siya kaya ang ihampas ko sa pintuan para masira iyon at makalabas? Mukhang sa laki at maskulado naman ng katawan niya ay magagawa ko iyon. But then again, if his face will have some bruise, it will be a waste. Ang gandang lalaki pa naman nito kahit ganito ugali niya.
Umismid ako. Wala naman akong mapapala sa kanya. Naupo nalang ako sa sahig at niyakap ang aking magkabilang tuhod, nag iisip pa rin ng paraan paano nga ba kami makakaalis dito.
Naalimpungatan ako. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaisip ng paraan paano kami makakalabas dito.
Tiningnan ko si Luke na tahimik lang na nakaupo sa hindi kalayuan sa akin. Nakapikit pa rin ang mga mata niya. Hindi ko tuloy masabi kung talaga bang tulog siya o sadyang trip niya lang ipikit ang mga mata niyang iyon.
Napatingin ako sa may bintana at napansin na dumidilim na sa labas. Halos lumuwa ang aking mata dahil sa gulat. Napatayo ako at muli pang sumilip sa bintana. s**t, anong oras na ba? Ilang oras na kami rito?
My body froze because of the sudden realization. Aabutin kaya kami ng gabi rito? That’s a possibility.
Napaatras ako sa bintana at niyakap ang sarili. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. My body is shaking and I can’t calm it down. Damn it! Not now, please.
“Hindi naman malamig pero nanginginig ka.”
Halos mapatalon ako nang marinig ko ang kanyang boses. Damn him! His voice and the way he stared at me are enough reason to make me shiver in coldness.
“Shut up!” Kahit na nanginginig ang buong katawan ay nagawa ko pa rin namang makapagsalita ng maayos. Nilingon ko si Luke na nakatingin lamang sa akin, with, of course, his cold expression.
“What should we do? We need to get out of here.” Wala sa sarili kong sabi bago dahan dahang maupo muli sa sahig at yakapin ang aking tuhod, and at that moment, I have a glimpse of my past.
The dark and cold room with nothing in it. No windows, table, bed, nothing. There’s only the door that connects the room from our house, and me, the one who was locked up in that room.
Niyakap ko ang sarili ko sa takot. It’s been how many times? Ilang beses na ba akong ikinukulong sa kwarto na ito habang binubugbog ng tatay ko ang nanay ko?
“Stop!”
Naririnig ko ang bawat pagsigaw ng nanay ko sa kung ano mang ginagawa sa kanya ng tatay ko. My whole body was trembling and I can’t help myself but bite my nails just to calm myself down.
This is hell.
“Ikaw babae ka! Kung wala kang gagawing matino, huwag ka nalang lumabas ng bahay! Tangina ka! Papatayin kita! Bakit kailangan mong magpakita sa harapan ni Jackie? Ha?!”
I tried to cover my eyes and closed my eyes just to escape that place, just to stop hearing those noise. I should be used to this, but no, I am still afraid. Halos nilalamon na ako ng takot ko sa dilim sa tuwing ikinukulong ako sa kwartong ito para lang hindi ko makita ang pagbugbog ng tatay ko sa nanay ko. In fact, this is also torture for me.
Growing up, lagi akong ikinukulong ng tatay ko for two reasons. Para hindi ko makita kung paano niya bugbugin ang nanay ko at hindi makahingi ng tulong. The other one is to torture me.
I hate men. Isa sa mga nagpatunay sa akin nito ay ang tatay ko. He can’t even respect his own wife. Nagagawa niyang ganituhin ang nanay ko dahil lang nakita ng nanay ko na magkasama sila ng kirida niya. Hindi ba dapat si Mommy ang nagagalit? Bakit siya pa ang nabubugbog ngayon?
Sa tuwing ikinukulong ako ng tatay ko sa kwarto. Lagi akong umiiyak. Lagi kong isinisiksik ang sarili ko sa isang sulok ng kwarto at niyayakap ang tuhod ko. Natatakot ako. I am all alone in that dark room with no one to help me.
I want to get out. I want to see the light but with my father in our house, all I can see is darkness. The only way to get out of this darkness is to get rid of the cause of it, and it’s no other than my father.
“Sabrina.”
Halos mapatalon ako nang tapikin ni Luke ang aking balikat. Hindi ko namalayan na nilalamon na naman ako ng takot ko sa madidilim na kwarto. Hindi ko napansin na kasabay ng paglamon ng dilim sa silid na ito ay ang paglamon din sa akin ng takot ko.
“B-Bakit?” This time, I can’t hide it. I know that fear is evident in my expression. It’s all written on my face. Damn it! I thought I overcame that f*****g trauma already.
“You’re shaking. I’m not concerned but are you okay?”
Napairap ako sa sinabi niya ngunit sa pag irap kong iyon ay isang ngiti rin ang nabuo sa aking labi. Hindi siya concern sa lagay na iyan? Bakit siya nagtatanong kung ganoon?
“Okay lang ako.” Kinagat ko ang aking labi at huminga ng malalim bago tumingin muli sa kanya. “Takot lang ako sa madidilim na kwarto.” Hindi naman siguro ako mamamatay kung sasabihin ko sa kanya ang totoo.
Hindi ko na narinig pang magsalita siyang muli pero hindi rin siya umalis sa harapan ko. Gustuhin ko mang makita ang ekspresyon ng mukha niya ay hindi ko magawa dahil sa dilim ng silid.
Napayuko nalang ako nang mapansin ko siyang naglakad papalayo sa akin. Grr, akala ko pa naman ay magkakausap na kami ng maayos ngayon at makukuha ko ang loob niya. I have a bet to win!
“It’s broken.”
Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong eksatong lugar niya pero alam kong nasa may pintuan siya.
“The lights here are broken. How unlucky,” hindi ko alam kung mapipikon ako sa sinabi niya o matutuwa dahil pinuntahan niya iyon para magkaliwanag sa kwartong ito.
Mahigpit kong niyakap ang aking tuhod at ibinaon ang aking mukha rito. I just want to close my eyes but whenever I do that, I just remember my past which will make my body tremble in fear. I will only hear my mother’s cry and my father’s voice in my head. I don’t want that.
Napamulat ako ng mata ko nang may maramdaman ako sa tabi ko. Sinilip ko ito at laking gulat ko nang makita ko sa tabi si Luke. Anong ginagawa niya sa tabi ko? Don’t tell me, he’s doing this just to make me feel better? What the—is this even real?
“Don’t flatter yourself. I’m not doing this for you. I’m doing this for myself.” Malamig na sabi niya habang nakapatong ang isang kamay sa isang tuhod at nakatingin sa kawalan.
Hindi ko maintindihan ang sinabi niya? Bakit, kung ganoon? Takot din ba siya sa dilim?
“Nakikita ko siya sayo.” Malamig na sabi nito. Ilang minuto pa ay bumuntong hininga siya.
“Sino?” Hindi ko na mapigilan ang pagtatanong. Nagulat ako nang tumingin siya sa direksyon ko.
“My younger sister. Just like you, she’s afraid of the dark.”
Sinong kapatid? Iyong kapatid niya sa ina? Akala ko ba ay wala siyang pakealam?
“Hindi iyong kapatid ko sa nanay ko ang tinutukoy ko.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Alam niya ang iniisip ko? Ha? Paano niya nalaman? Holy s**t! Feeling ko alam niya talagang naaandon ako nang araw na iyon.
“You were there, right? You heard us talking, and I saw you talking to her.” Malamig niya akong tinapunan ng tingin. Agad akong nag iwas dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa mga matang iyon.
“Ha? Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan—”
“It’s okay, I don’t mind.” Bumuntong hininga ulit siya. Bakit pakiramdam ko ay kabaliktaran ng sinasabi niya ang totoong nararamdaman niya?
“Bakit nga ba galit ka sa kanya? Kung tutuusin ay hindi naman niya ginusto ang nangyari—”
“Hindi ginusto.” Hindi iyon tanong. Tila ba inulit niya ang sinabi ko para makuha niya ang ibig sabihin ng mga salitang iyon at maproseso niya sa utak niya. “Kung hindi niya ginusto, bakit niya ginawa?”
Napalunok ako. Hindi ko kinakaya ang malamig niyang ekspresyon. Pakiramdam ko ay mas nakakatakot siya kaysa sa dilim.
Nagkibit balikat nalang ako. “Hindi ko alam. Para sa akin ay may mga bagay talaga na gagawin mo nalang dahil wala kang ibang option kahit na ayaw mo naman talagang gawin iyon. Na pipiliin mo nalang iyong mahirap na choice kasi iyon nalang ang mayroon ka, na kapag iyon ang pinili mo, mas mapapabuti ang mga taong iniiangatan mo at pinoprotektahan.”
“And does she really think that it protected us? I don’t think so.” Umiiling na sabi ni Luke bago tumingin muli sa kawalan.
“Alam mo Luke, ayokong manghimasok sa issue ng pamilya mo pero let me just say this. There is another side to the story. Hindi lang dapat iyong narinig mo sa isang taong involve ang dapat paniwalaan mo, dapat ay doon din sa isa. After hearing both sides, you decide. You judge. Sino bang mas kapani-paniwala.” Mahinahon kong sabi sa kanya. Now what, we're having this conversation here. Bravo!
“She’s still the reason why my sister isn’t with me.”
Natulala ako nang may kung anong emosyon ang nakita ko sa mga mata ni Luke. Madilim man ang kapaligiran but I can clearly see his pain and his hate.
“Sinong kapatid ba? May iba ka pang kapatid?” Inosenteng tanong ko.
Nilingon niya ako kaya nag iwas muli ako ng tingin at sumipol. Sabi ko nga hindi na ako dapat nagtanong pa.
“Yes. Her name is Lucia.”
Ibinalik ko sa kanya ang buong atensyon ko. Oh, Mr. Cold Guy is answering my questions!
“Anong nangyari sa kanya? If you don’t mind me asking,” sumasagot naman kasi siya kaya naisip kong sulitin na.
“Accident. Nasagasaan siya and up until now, she’s in a coma.”
Kinagat ko ang aking labi. Damn, Sabrina, masyado ka kasing matanong.
“I don’t mind. Hindi ko naman sinisekreto. Alam mo na rin naman ang issue ko sa pamilya.” Nagkibit balikat ito.
“Bakit sinisisi mo ang nanay mo sa nangyari? Hindi naman niya kasalanan—” napatigil ako nang makita ang pag angat ng gilid ng labi ni Luke. He’s smirking!
“Kasalanan niya. Kung hindi siya hinabol ni Lucia nang umalis siya ay hindi sana magkakaganito. Kung hindi siya umalis at hindi siya hinabol ni Lucia edi sana walang ganito.”
Now that I am hearing this from him, I can’t help but sympathize with him. Tama nga, don’t judge someone by just hearing the other side of the story. That time, I don’t know Luke’s side, that’s why, I easily judge him, but now, it’s different. He is the true victim here. Siya at ang kapatid niya.
“Women are great pretender and traitors. Love them and they will give you nothing but pain. Surrender yourself to them and they only leave you hanging without anything. They are selfish—”
“Hoy, makapagsalita ka naman! Hindi kaya kami ganoon! Hindi lahat. Mga lalaki rin naman ah? Manloloko!” Sigaw ko sa kanya. I don’t really experience a heartbreak like Andrea, pero may lalamang pa ba sa sakit na ibinigay sayo ng sarili mong ama?
“I guess both have their own flaws. Both are evil.”
Nang sabihin iyon ni Luke ay hindi ko mapigilang matawa. Alam ko naman na kabilang ako sa mga babaeng nanggagamit lang para magpasarap pero hindi ko talaga akalain na ganito iyong pag uusapan namin in a f*****g calm way!
“You’re not that bad, Mr. Villafuerte. I judge you the wrong way.” Sabi ko sa kanya nang humupa ang pagtawa ko.
Hindi siya nagsalita but I can see a faint smile on his lips na siyang nakapagpatigil sa akin.
“Huli kayo! Natakas kayo sa klase ha.”
Halos mapatalon ako nang biglang nasira iyong pintuan ng storage room. Tumayo ako at nakita ko ang mga kaibigan ko. Agad akong tumakbo papalapit sa kanila.
“Omg! I was so scared!” Pag iinarte ko.
“Bakit? Anong ginawa ni Luke—”
“Wala siyang ginawa. You know I’m scared sa mga kwartong madidilim, hindi ba?” Umarte pa akong umiiyak.
“Pasalamat kayo iniisip ng mga prof natin na naglilinis pa rin kayo ng storage room.” Natatawang sabi ni Andrea.
“Ang tagal niyo kaming sunduin.” Naiinis na sabi ko.
“We can’t. May klase kasi and during break, nalilimutan namin.” Sabi ulit ni Andrea. Pinandilatan ko siya ng mata.
“Sinong sumira ng pintuan?” Turo ko sa wasak na pintuan ngayon ng storage room.
“Sila Kevin. Sinipa nila para mabuksan. Hindi kasi namin mahanap iyong guard na may susi nito.” Sabi naman ni Alexis.
Napatingin ako kay Lucille and thank goodness she’s fine.
“Blood, you can kick that damn door to get out, hindi mo ginawa?” Napalingon ako sa kanila.
“I know. I’m just lazy to do that. Waste of energy. Umuwi na tayo.” Aniya. Tumawa naman si Kevin sa sinabi ng kaibigan. Matapos iyon ay nagpaalam sa amin si Kevin at nauna na.
Nagkibit balikat nalang ako bago magpasiyang umuwi na rin kami dahil tapos na ang klase.
Every person has their own side of the story. I guess, hindi dapat talaga ako humuhusga sa ibang tao dahil kagaya ko, may kanya kanya silang pinagdaraanan at problema. I am not the only one who has a problem here. Lahat kami, mayroon. It’s just that, we deal and handle it in our own way.
As for Luke, he hides the pain with his cold expression.