Sabrina’s Point of View Nakatitig ako ngayon sa sandamakmak kong damit na nasa kama ko. Hindi ako makapagdecide sa kung anong susuutin ko sa date namin ni Adrianne mamaya. Bumuntong hininga nalang ako at random na pumili ng damit. I pick up my sexy deep v neck loose color collision long sleeve shirt at isang fitted pants. Kinuha ko na rin ang Gucci belt ko. Agad akong nagpunta sa banyo ko at naligo. Papartneran ko nalang siguro iyon ng magandang accessories. Well, I can rock any clothes I want, though. Kahit nga siguro basahan ay maganda pa ring tingnan sa akin. Nang matapos ako sa paliligo ay agad akong humarap sa tukador ko at nagsimula nang mag ayos. Naglagay ako ng make up na babagay sa susuutin ko at nagblower na rin ng buhok. Hinayaan ko ang magandang buhok ko na nakalugay. Kinuha