Sabrina’s Point of View “Holy shit.” Bulong ko sa aking sarili nang marinig ang malakas na pagkulog mula sa kwarto ko. Napatayo ako at agad na lumabas para puntahan ang iba kong kaibigan na nasa sala lang namin. Agad akong lumapit sa kanila. Napansin ko rin ang pag aalala sa kanila. “I hope she’s fine.” Sabi ni Andrea. Si Alexis naman ay panay ang paglalaro sa kanyang kamay dahil sa nararamdamang kaba. Napabuntong hininga ako at naupo nalang sa sofa namin. Gusto ko sanang umidlip muna dahil naulan at gigising nalang para kumain mamaya pero hindi rin naman ako mapakali kakaisip kay Lucille dahil sa pagkulog at kidlat. “He’s with Fafa Luke naman, eh. Maybe she’s fine.” Sabi ni Tristan na kakalabas lang ng kusina. Lumapit siya sa amin at ipinatong ang kamay sa sandalan ng inuupuan ko. “N