Andrea’s Point of View “Ako na ang maggo-grocery. Wala rin naman akong magawa.” Pagbo-boluntaryo ko sa mga kasama ko sa bahay dahil mukhang wala silang mga balak na magrocery ngayon. “Okay. Ingat!” Iyon lamang ang sabi nila. Kahit kailan talaga ay ang tatamad kumilos ng mga ito kapag walang pasok. Mabuti pa si Sabrina may date ngayon. How I wish someone will invite me on a date. Pasakay palang ako ng kotse ay napansin ko agad ang gulong ng aming sasakyan. Oh god! Bad luck. Flat tire. Muli akong pumasok sa loob ng bahay. “Flat iyong gulong ng kotse. Mag-grab nalang ako.” Sabi ko sa kanila at inilagay ang susi sa isang drawer. Kagaya ng plano ko ay nagbook nalang ako ng grab papunta ng grocery dahil wala namang dadaan na taxi rito sa loob ng subdivision. Hindi rin naman naging matagal