Ang Pagbabalik

1095 Words
Binabasa niyang maigi ang natanggap na email mula sa kanyang kaibigan na si Karen ang imbitasyon nito sa kasal. May anim na buwan pang natitira upang mapag isipan nyang mabuti kung dadalo ba siya o hindi.  At saka siya tumayo at tinungo ang glass window, pinagmasdan niya ang nagkikislapang paligid ng New York City. Saka niya naisipang kumuha ng isang bote ng red wine at wine glass sa mini bar ng kanyang tinutuluyang apartment at saka siya naglagay ng inumin sa wine glass at bumalik sa bintana. Inamoy amoy niya ang kakaibang amoy ng alak at napabuntong hininga at saka siya bahagyang uminom ng alak. Walong taon na siyang naninirahan sa America. Matapos niyang makapag aral doon ay nagpasya na siyang bumukod  sa mga magulang na sa una ay tutol ang mga ito. Dahil siya na lamang ang natitirang anak ngunit nanaig ang kanyang kagustuhan. Ngunit lagi naman niya ang mga dinadalaw sa tuwing may pagkakataon siya. Matapos ang libing ng kanyang ate Leila ay nagpasya ang kanilang mga magulang na isama na siya sa America bagay na hindi naman niya tinutulan dahil gusto niya makalimot sa mga masamang nangyari. At simula ng makaalis siya ng Pilipinas ay hindi pa niya naiisipang bumalik man lang kahit sa maikling panahon. Mas ninais niya pang maglibot sa ibang parte ng mundo kesa sa Pilipinas dahil alam niyang babalik lamang sa kanyang isipan ang mga masasakit na alaala. At saka niya ipinagpatuloy ang pag inom ng red wine matapos niyang maisip ang mga nakaraan.  Kasalukuyang nagja-jogging siya sa isang park na hindi kalayuan sa sentro ng New York City ay naagaw ang kanyang atensyon sa isang babaeng Filipina na naglalakad at may hawak itong dyaryo na naglalaman ng mga balita mula sa Pilipinas. Hindi nakaligtas sa kanya ang kanyang nakita sa front page. Tatakbo sa pagka Senador ang ama ni Xavier na si Henry Villamor. Itinigil niya ang pagtakbo at saka siya nag isip. Malakas ang kutob niya na may kinalaman ang ama ni Xavier sa pagkamatay ng kanyang ate Leila lalo pa may mga nasasagap siya noon na balita na malupit at maraming illegal na gawain ang dating Gobernador at ngayon ay tatakbo bilang Senador.  Malayo layo na rin ang kanyang naaabot sa buhay, at masasabi niyang sa edad na twenty eight ay isa na siyang ganap na successful sa buhay. May magandang natapos na kurso sa America, may magandang trabaho sa isang sikat na giant company na naka base sa New York at tila gumagawa ang tadhana ng paraan upang bumalik na siyang muli sa Pilipinas dahil ng mga nakaraang linggo ay may natanggap siyang isang invitation letter mula sa kilalang businessman sa Pilipinas. At naaayon rin iyon dahil nalalapit na rin ang kasal ng kanyang kaibigan na si Karen. Marahil ay panahon na ngang bumalik siyang muli sa Pilipinas upang mag imbestiga sa totoong pagkamatay ng kanyang ate, at ito na ang tamang panahon. Matapos ng kanyang mga naisip na mga plano ay saka siya nagpatuloy sa pagtakbo.  "Anak, are you sure about this?" Tanong ng mama ni Luke na si Olivia.  "Ma, nakapag desisyon na ako." Sagot niya sa inang nag aalala habang nasa harap sila ng hapag kainan. Sinabi niyang nais niyang umuwi ng Pilipinas para dumalo sa kasal ng kaibigan at para na rin sa invitation ng isang kilalang negosyante sa Pilipinas.  "Olivia, matanda na ang anak natin. Hayaan natin siya sa kanyang gustong gawin. At alam niya ang kanyang ginagawa at saka ano ba kinakatakot mo? Dadalo lang naman si Luke sa kasal ng kaibigan at susubukang alamin kung bakit sya inimbitahan ng isang kilalang negosyante sa Pilipinas." Pagsabat naman ng papa ni Luke na si Gener.  "Nag aalala lang ako sa anak natin Gener. Nag iisa na lang siyang anak natin at hindi ko alam kung bakit hindi ako masaya sa sinabi ng anak natin." Nababahala pa ring sagot ng ina ni Luke.  "Ma, kaya ko na pong pangalagaan ang sarili ko. Don't worry." Nakangiting sagot ni Luke sa ina at sabay hawak sa kamay nito. Ngunit hindi niya sinabi sa mga magulang ang isa pa niyang plano. Iyon ay ang pa imbestigahan ang pagkamatay ng kanyang kapatid.  "Para mapanatag ang loob mo, susunod tayo sa anak natin sa Pilipinas." Nakangiting sambit ni Gener sa asawang si Olivia.  Mabilis lumipas ang mga araw at mga linggo. Hanggang sa dumating ang araw ng pagbalik ni Luke sa Pilipinas.  Manila, Philippines. Quarter past four iyon ng hapon.  Matapos makuha ni Luke ang mga bagahe sa baggage area ay kaagad na siyang naglakad upang puntahan ang service car na kanyang kinuha sa kanyang tutuluyang hotel. Habang naglalakad ay hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang maraming nakatingin sa kanya. Kung noon ay guwapo siya, mas naging guwapo siya sa kanyang pamamalagi ng walong taon sa Amerika. Idagdag pa roon ang kanyang magandang kutis. Patuloy lang siya sa kanyang paglalakad. At nakita niya agad ang isang BMW 320i series na naghihintay sa kanya at maghahatid patungo sa Manila Hotel. Habang nasa daan ay pinagmamasdan ni Luke ang malaking pinagbago ng Manila, at biglang nanikip ang kanyang dibdib ng maalala si Xavier. Ang kanyang unang lalaking minahal. Ngunit nilabanan niya ang naramdaman. Matagal na ang nakalipas. Ibang Luke na siya ngayon at iyon ang inukit niya sa kanyang isipan.  Pagdating niya sa tutuluyang hotel ay agad na umalis ang mga staff ng hotel na tumulong sa kanyang mga dalang maleta. Humiga siyang bigla sa kama at pinikit ang kanyang mga mata. At naramdaman niyang kumalam ang kanyang sikmura. Kung kaya dali dali niyang kinuha ang telepono at tinawagan ang room service at nagpahatid siya ng kanyang mga paboritong Filipino food. Pagdating ng mga pagkain ay agad niyang kinain ang mga iyon at matapos kumain ay nahiga syang muli upang makapag pahinga na muna. Bukas na lang niya tatawagan si Karen upang ipaalam na nandito na siya sa Pilipinas. At biglang nag ring ang kanyang celphone. Si Denver. Ang kanyang nobyo na naka base rin sa Amerika.  "Love,  I am sorry if I will not be able to come next week. Busy sa work eh." Sabi ng lalaki sa kabilang linya.  Napabuntong hininga si Luke. Si Denver ang lalaking dumamay sa kanya noong mga panahong lugmok siya at laging umiiyak.  "It's okay love. Basta ah, sumunod ka dito kapag maluwag na schedule mo." Patampong sagot ni Luke.  "Sige, love sure. Mag iingat ka lagi diyan."  "Yes love. Ikaw rin." Sagot ni Luke.  At saka nawala sa linya ang kausap.  Ipinikit na lang ni Luke ang mga mata upang magpahinga. Bukas na lang siya lalabas ng hotel. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD